webnovel

Chapter 17

Sa kaniyang pag-iisip ay biglang nagring ang cellphone at kamuntikan niya pang maitapon ito sa sobrang pagkagulat.

Nang sagutin niya ito at agad din naman niyang narinig sa kabilang linya ang boses ni Sebastian.

"Did the brat talk to you?" Tanong nito at napatingin naman si Mira sa lalaki. Nakabalik na ito sa upuan at kasalukuyan nang nagbabasa ng libro.

"Medyo, sino ba siya, ikaw ba ang tinatawag niyang kuya?"

"He's our fourth brother. He's a bit introvert kaya pagpasensiyahan mo na lang. Hindi ka masusundo ni Leo kaya si Dylan na lang ang maghahatid sayo sa Penthouse mamaya. He was staying in a room below us, so it's way convenient." Wika ni Sebastian.

"Ohh, okay. Ahm, Sebastian anong oras ka uuwi?" Tanong niya na ikinatawa naman ni Sebastian.

"Malilate ako ng uwi mamaya, you can cook and eat first, just leave me my part. And Dylan will eat with you para hindi ka malungkot. "

"Ganoon ba, okay. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Sambit niya. Matapos nilang mag-usap ay isinilid na niya sa bag ang kanyang bagong cellphone. Muli siyang napatingin kay Dylan at nakita niya itong nakayukod na sa mesang kinauupuan nito. Kinahapunan ay tumungo na sila sa gym para sa kanilang PE class. Nagpalit na din sila ng kanilang PE uniform aat mabilis na nagtipon-tipon doon.

Mira choose to tie her hair up dahil sinabihan na siya ni Matthew basic taekwondo ang kanilang magiging unang klase sa PE.

Sabay na nagwarm up si Mira at ang ibang mga girls habang ang mga boys naman ay nagkanya-kanya na ding warm up sa gilid. Pagdating ng kanilang instructor ay agad na din silang pumagitna upang batiin ito.

Matapos ang simpleng pagbati ay sinimulan naman agad ang kanilang klase. Basic offense at defense muna ang itinuro sa kanila. Sa pagpapatuloy ng kanilang klase ay nakuha nito ang interest ni Mira. Maigi niyang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanilang instructor habang nagtuturo ito at pilit niya itong kinakabisa. Habang ang ibang girls naman na kasama niya ay wala sa klase ang atensyon kundi nasa mga boys na noo'y naglalaro ng basket ball. Napansin niya lang ito nang kalabitin siya ni Veronica at itinuro nito ang isang matangkad na lalaki na siyang nagdidribble ng bola.

"That's Bryan, he's the number one hottie sa freshmen. Ang gwapo niya di ba." Kinikilig pang wika nito. Hindi naman iyon tinugon ni Mira dahil sa isip -isip niya wala pa rin itong binatbat sa angking kaguwapuhan ng kaniyang asawa. Napangiti naman siya nang maalala si Sebastian. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pakikinig ds kanilang instructor hanggang sa matapos na nga ang klase nila. Dahil sa pawis na pawis silang lahat ay nagshower muna sila bago umuwi. Paglabas niya sa Cr ng mga babae ay agad niyang nakita si Dylan na pjnagkukumpulan ng mga babaeng naka cheerdance outfit.

"Dylan, kailan ka uuwi sa inyo?" Tanong ng isang babae ngunit hindi ito tinugon ng binata. Tahimik lang itong nakatayo sa gilid na animo'y isang estatwa. Nang makita naman siya ng binata ay doon lamang ito gumalaw at tumungo sa kinaroroonan niya.

"Dylan, saan ka ba naglalagi? Hinahanap ka na sa inyo. Bakit ba ayaw mong magsalita?" Tanong ulit nito ngunit tila bingi pa rin ang binata. Napatingin naman si Mira sa mga ito at nakita niya ang matalim na tingin ng babae sa kanya.

"Home." Wika ng binata sa kanya at hinawakan siya nito sa kamay at hinatak na papalayo roon. Paglabas ng building ay bumungad naman sa kanya ang isang itim na kotse na halos katulad lang ng sasakyan ni Sebastian. Isang porche at napakaganda nito. Agad na isinakay doon ni Dylan si Mira at inayos ang seatbelt nito. Pagkatapos ay sumakay na din ito at agad na pinaharurot palayo ang kotse.

Pagdating sa Penthouse ni Sebastian ay ito na ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Dumiretso naman ang binata sa sala at nag-on ng tv upang manood ng cartoons.

Napansin naman ni Mira ang pagiging kakaiba nito ngunit hindi na niya ito inistorbo. Tinungo na lamang niya ang kwarto oara makapagbihis ng pangbahay. Matapos ay dumiretso na siya sa kusina at nagsimula nang magluto.

Patapos na siyang magluto nang mapansin niyang papalapit si Dylan sa kinaroroonan niya. Wala sa sariling umupo ito sa harap ng mesa at kinuha ang pinggan at kubyertos na naroroon.

"Nagugutom ka na ba? Saglit na lang ito Dylan. " Wika pa niya ngunit hindi parin ito umiimik. Nakatingin lang ito sa kaniya na animo'y naghihintay na parang isang maamong hayop. Nagtataka man ay hindi na ito inusisa ni Mira. Si Sebastian na lamang mamaya ang tatanungin niya.

Nang makapaghain na si Mira ay agad din namang sumabay na kumain sa kanya si Dylan. Normal naman ito habang kumakain sila. Hindi lang talaga ito palaimik at palasalita at hindi din alam ni Mira kung ano ang pag-uusapan nila. Namiss tuloy niya si Sebastian, nasanay din siguro siya na sa oras ng pagkain ay madalas silang magkuwentuhan ng binata.

Pagkatapos kumain ay si Dylan na ang nagpresentang maghugas ng pinggan. Hindi naman iyon tinutulan ni Mira dahil balak din niyang tawagan si Sebastian.

"Bastian?"

"Mmm? Nakakain na ba kayo?" Tanong nito sa kabolang linya.

"Kakatapos lang. Busy ka ba?"

"Nasa meeting ako, but it's alright. May kailangan ka ba?"

"Meeting ? Baka nakakaistorbo ako. Hihintayin na lang kita. Mamaya na tayo mag-usap. Bye ." Wika ni Mira at mabilis na pinatay ang telepono. Hindi niya alam na nasa meeting ito kaya nataranta siya at agad na pinatayan ng telepono ang binata.

"I'll see you later. Wait for me."

Basa niya sa mensaheng ipinadala ng binata. Napangiti naman siya at napahiga sa kama.

"See you." Sagot niya sa message nito.

"I love the way you call me 'Bastian', by the way." Text ulit nito at pinamulahan siya ng pisngi dahil dito.

Napapangiti naman si Sebastian habang nagtatype ng mesaage para kay Mira. He was laready imagining her blushing now. His little wife was easy to tease and he really loves it when she is blushing because of it. It makes her more adorable ang irresistible.

Ahhh. He really wish to end this boring meeting now to spend time with his adorable wife.

"Sir that's all." Pagtatapos ng report ng isa niyang empleyado na hindi naman nya gaanong pinag-ukulan ng pansin."

"Mmm. Next." Wika lang niya at nagoatuloy lang ang monthly reporting ng mga ito. Halos alas-nuebe na ng gabi nang matapos ang kanilang meeting. Hindi niya alam kung gising pa ba niyang maaabutan si Mira o baka tulog na din ito.

"Sir, naghihintay na si Ignacio sa parking lot. Nailagay ko na sa bag niyo ang lahat ng kailangan niyong dokumento. Regarding naman sa ipinag-uutos niyo, nakausap ko na kanina si Detective Howard. Hintayin niyo na lang daw ang tawag niya." Wika ni Beatriz at tumango lang ang binata.

"At sir, naka leave ako bukas dahil anniversary namin ng asawa ko." Dagdag pa niti at napatingin sa kaniya si Sebastian.

"Bukas ba iyon? Sige, enjoy your day." Wika naman ni Sebastian at bigla siyang napaisip ng malalim. How about them? Does it count as anniversary ang araw ng pirmahan nila ang kanilang marriage contract that day?

Binuksan niya ang cellphone at naglagay ng memo doon. It should be counted, sa isip-isip pa niya at napangisi.

Pagbukas niya ng pintuan ng kanyang Penthouse ay agad na bumungad sa kanya ang inaantok na mukha ni Dylan.

"Magpahinga ka na. Bumalik ka dito bukas para mag-almusal at sabay na kayong pumasok ni Mira." Wika niya at tumango naman ang binata bago tuluyang nilisan ang lugar. Agad naman dumiretso si Sebastian sa kwarto at nakita niyang nakaupo si Mira sa sofa habang nakatanaw ito sa tanawin sa labas. Nakabukas din ang bintana at pumapasok mula roon ang malamig na hangin.

Agaran din naman isinara iyon ni Sebastian at niyakap ang dalaga na ikinagulat pa nito. Dahil sa nanunuot na lamig ng hangin kanina ay ramdam na ramdam ni Mira ang init ng katawan ni Sebastian.

"Welcome home." Sambit ni Mira at nagsumiksik sa dibdib ng binata. Napangiti naman si Sebastian at hinalikan ito sa noo.

"What a silly girl, magkakasakit ka sa ginagawa mo. By the way, how's your day?"

"Ayos lang naman, tulad pa rin ng dati. Siyanga pala, paano kayo naging magkapatid ni Dylan?" Tanong niya at napangiti ang binata.

"Dylan is one of us. Tulad nila Leo at Carlos and Dylan is the youngest. Hindi ko kapatid si Dylan but I treat him like a blood-related brother. Dylan came from a prominent family, but he was neglected, anak siya sa labas at ang namumuno ngayon sa kanilang pamilya ay ang nakakatanda niyang kapataid sa ama. Dylan was abducted when he was young, dahil nga illegitimate child siya ay hindi na siya pinag-aksyahan ng panahon na hanapin o iligtas man lang. He was about three at that time, nakaligtas naman siya ngunit sa gubat naman siya napadpad." kwento ng binata. Ayon pa dito ay kasama ng mga asong gubat si Dylan nang makita ito ng grupo ni Sebastian ten years later. For the whole ten years ay ang buhay sa gubat ang nakalakihan ni Dylan. Ni hindi ito marunong magbasa at magsalita nang makita nila Sebastian at tanging pag-aangil lamang ang tunog na ginagawa nito na maihahalintulad mo sa mabangis na hayop. 

Nang dalhin ito ni Sebastian sa siyudad ay nanatili ang binata sa poder nila. Dito ay tinuruan nila itong magbasa at magsulat at tinuruan nila itong mag-asal tao. Likas na matalino si Dylan kaya hindi na nahirapan sil Sebastian na turuan ito. Hanggang sa magsimula na nga itong mag-aral tulad ng ibang mga bata. iT was a painful but fruitful process, napakaraming mishaps at strugles ang nangyari bago tuluyang natuto si Dylan. After five years doon nia nalaman ang tungkol sa totoong pamilya ni Dylan. They tried to contact Sebastian about Dylan but he declined them. 

"Narinig ko sa isang babae na hinahanap na si Dylan sa kanila."

"They don't care about Dylan. What they care about is the connection Dylan has now." Sagot naman ni Sebastian.

"Mira, sa mundo natin, hindi lahat ng tao ay kaibigan mo. MInsan kahit kadugo mo ay kaya kang ipagkalulo kapalit ng kakarampot na halaga. You can only trust yourself." wika ng binata.

"I trust you." umiiling na wika ng dalaga at natawa naman si Sebastian.

"Silly, of course I'm your husband."