webnovel

CHAPTER 15

Napapagod ako at gusto ko nang umuwi para makapagpahinga. Pero mas dinadaig ng takot ko ang pagod na nararamdaman ko. Kanina pa ako tapos maligo pero nanatili lang ako rito sa bathroom habang nakaupo sa malamig na tiles ng sahig. Wala pa akong damit at ang tanging panlaban ko sa lamig ay ang sarili ko lang din. Yakap ko ang tuhod ko habang nakapatong ang baba ko sa tuhod ko.

Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Tranz. Iniisip ko kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya na sa pangalawang pagkakataon ay nangyari ulit na nagising ako sa ibang kwarto, but this time, ay may ibang lalaki akong kasama.

Mariin akong napapikit at hinayaan ang sarili kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag-iyak ko.

Bakit ba naging ganito ang buhay ko? Saan ba ako nagkulang kaya pinarurusahan ako nang ganito? Ano ba ang naging mali ko?

Sa isang iglap, ang masayang buhay may-asawa ko ay biglang gumuho dahil sa kapabayaan ko.

Pabaya ba talaga ako, o may tao lang sa likod ng kamalasan ko?

Napahumindig ako dahil sa naisip ko at pilit inalala sa isipan ko ang nangyari noong unang nagising ako sa tabi ng ibang lalaki.

Kasama ko noon si Lele sa mall, but that time ay hindi lang kaming dalawa dahil kasama niya ang boyfriend niya. Kasama ko sila mula umaga hanggang sa namilipit sa sakit ng tiyan ang boyfriend niya. They left me at the restaurant para dalhin ni Lele ang boyfriend niya sa hospital.

When they left, I was about to leave the restaurant too when Lily came. She was with someone. Dahil kahit noong pinaghinalaan ko silang dalawa ng asawa ko ay wala naman akong itinanim na sama ng loob kay Lily lalo pa at lumipat na kami sa Maynila ni Tranz. Sandali kaming nag-usap ni Lily, pagkatapos ay nag-aya ang kasama niya to have a dessert. I declined but Lily insisted that's why I ordered ice cream.  But before the ice cream arrived, they left because of an urgent matter.

Nang tikman ko ang ice cream ay bigla na lang akong nakaramdam ng hilo and just like what happened yesterday, I fainted.

Pero noong una ay nagising lang ako nang walang kasama. Akala ko nga noon ay walang magiging problema pero nang nagbago si Tranz at manlamig ang pakikitungo sa akin ay kinausap ko siya. Iyon ang unang beses na nakita kong nagalit siya. Pero naging maayos din naman kami. Naging malala lang talaga ang sitwasyon nang magbuntis ako naaksidente siya.

But my husband is too kind to fogive me. Dahil sa ikalawang pagkakataon ay pinatawad niya ako.

But the past keeps repeating itself. And this time ay mas malala ang naging kasalanan ko. Malaking pagkakamali ang nagtiwala ako na walang mangyayari sa akin. Sana, sa una pa lang na nakita ko si Lily sa mall ay hindi na ako nagpabaya.

Sana sinabihan ko na lang si Lele na nakita ko si Lily sa mall.

Sana...

Kung alam ko lang na ganito ka kung makipaglaban, Lily, sana mas naging matalino pa ako. Ano ba ang laban ko sa isang tuso na katulad mo?!

Pero hindi ako papayag na matalo nang hindi man lang lumalaban. Hindi ako papayag na hindi sabihin kay Tranz ang lahat.

Tanga ka ba, Mina? Sa tingin mo, maniniwala sa iyo si Tranz? Sa tingin mo ba ay papakinggan ka ng asawa mo?

Baka nakakalimutan mo na gusto ka nang hiwalayan ni Tranz at magsama sila ni Lily?

Halos manlumo ako sa huling naisip ko. Dahil hindi ko naiwasan ang maisip na baka isa rin si Tranz sa nag-set-up sa akin lalo pa at nakita ko siya kahapon sa mall.

Ang kailangan kong gawin ngayon ay kausapin si Tranz, pagkatapos ay si Lily. Kung ang pakikipag-usap sa kabit ng asawa ko ang magiging dahilan ng katiwasayan ng pamilya ko ay gagawin ko ang lahat para bumalik kami sa dati.

Dahil sa naisip ko ay nagkaroon ako ng pag-asa. Nagmamadali akong nagbihis at lumabas ng paliguan. Pero laking gulat ko sa naabutan ko.

"Si Lily ang nag-utos..."

Hawak ni Seth ang kamay ng lalaki habang nakahiga ang huli sa sahig. Kaawa-awa ang hitsura ng lalaki dahil putok na ang labi at kilay nito. Natuyo na ang dugo sanhi ng pananakit nin Seth dito. Tapos ngayon nga ay nakatapak pa ang paa ni Seth sa pisngi ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala.

"Huwag kang sinungaling! Sino?! Sino ang nag-utos sa iyo na ganituhin ang asawa ni Mr. Ratcliffe?!" galit na tanong ni Seth sa lalaki subalit ngumisi lang ito at hindi na nagsalita kaya nang malakas itong sipain ni Seth sa mukha ay tumalsik ang ngipin nito at nawalan ito ng malay.

Patakbo kong nilapitan si Seth at hinila siya sa braso.

"Tigilan mo na iyan, Seth. Napatay mo na yata ang taong iyan," gilalas na saad ko.

Nang tingnan ako ni Seth ay may nahagip akong emosyon na hindi ko mabigyan mg pangalan.

"You're too naïve, Mina. Hindi porke't probinsiyana ka ay hindi ka na magiging aware sa paligid mo. May mga taong gusto kang saktan, nasa paligid mo lang, pero dahil masiyado kang mabait at mapagtiwala ay napapahamak ka!" sigaw niya sa huli niyang sinabi.

"Pero ayoko ng ginagawa mo! Imbes na ibigay natin siya sa pulis, tingnan mo kung ano ang ginawa mo! Baka mahuli pa tayo dahil sa ginawa mo!"

"Do you think, papayag ang asawa mo sa ganoon?" sarkastiko niyang tanong sa akin kaya natahimik ako.

"What d-do you mean?"

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas. "May iniingatan na pangalan ang asawa mo, Mrs. Ratcliffe, kaya mas pipiliin niya pa na ipa-salvage ang lalaking iyan kaysa mahuli ng pulis at gumawa ng ingay na ikasisira ng pangalan niya."

"H-hindi ganiyan ang a-asawa ko," nauutal kong pagtatanggol kay Tranz. Nang magkaroon ng tunog ang pagngisi niya ay napikon ako kaya ang lahat ng negatibong emosyon ko ay sa kaniya ko na nabaling. "Ikaw, ha? Akala mo naman ay sobrang bait mo? Ano ang akala mo sa sarili mo? Santo! And why are you here, ha? Nakakapagtaka lang na nandito ka at alam mo kung nasaan ako at alam mo ang sitwasyon ko?! At bakit ganiyan ka na lang kung makapag-isip ang masama sa asawa ko? Magkakilala ba kayo?!" inis na sigaw ko sa kaniya.

"Whoa, Mina. I can't believe you're telling me that nonsense now. Ganiyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sa iyo?"

Dahil sa frustration ay pinaghahampas ko siya. "Siguro ay kilala mo si Lily! Siguro ay kasabwat ka niya para magkasira kami ng asawa ko!" Hindi siya nakapagsalita. At sandali kong nakita sa kaniya ang pagkabigla. "Yeah, that's right! Tama ako, 'di ba? Kakampi mo si Lily! Sa dami ng lalaki sa buhay noon, hindi na ako magtataka kung isa ka sa mga lalaki niya! At dahil may gusto si Lily kay Tranz at may gusto ka sa akin, pinlano niyong dalawa ni Lily na magkasira kami ni Tranz! Walanghiya kayo!"

Halos hingalin ako dahil sa bilis ng pagsasalita ko, but to my dismay ay tumawa lang siya kaya malakas na sampal ang ipinadapo ko sa mukha niya bago ako nagmamadaling lumabas ng silid na iyon.

Hindi ang katulad ko ang madaling manghusga sa mga tao lalo pa at kung tutuusin ay may utang na loob ako kay Seth, pero iyon lang ang naiisip kong dahilan. Wala akong puwedeng paghinalaan kundi si Lily. Alam ko rin naman na hindi magagawa ni Lily na mag-isa ang plano niya, kaya alam kong may katulong siya.

Alam ko na magkakaroon ng kasagutan ang mga tanong sa isipan ko..