webnovel

CHAPTER 10

Mula pa kanina ay hindi na mawala ang pagkakangiti ko habang kumakain kami. Pinagsisilbihan kasi ako ng asawa ko. Kaunting kibot ko ay tinatanong niya kaagad ako. Tinatanong niya na baka may masakit sa akin.

Habang kumakain din kami ay nakahawak siya sa kamay ko na para bang takot siyang mawala ako sa kanya. Sinusubuan niya pa ako at ang balat ng manok ay kinukuha niya dahil masama raw iyon sa akin. Ipinaghihimay niya pa ako ng sugpo at alimango.

"Mabuti naman at maayos na kayong dalawa?"

Tumayo si Tranz at nagpunta sa likuran ko at niyakap ako. "Of course. Normal lang sa mag-asawa na mag-away, Lele, pero mahal namin ni Mina ang isa't isa kaya pinipili namin na intindihin ang isa't isa."

Tumingala ako dahil sa sinabi ni Tranz kaya nagsalubong ang mga mata naming dalawa. I mouthed I love you to him kaya ibinaba niya mukha papunta sa akin at hinalikan ako. Ang akala ko ay banayad lang ang halik na ibibigay niya pero nagkamali ako, dahil ang labi niya ay sinakop ang labi ko at ang dila niya ay pinipilit pasukin ang loob ng bibig ko.

Napaungol ako dahil sa sensasyong hatid ng halik ng asawa ko.

Iyinakap ko ang dalawang braso ko sa leeg niya para mas mapalapit pa siya sa akin habang ang kamay ni Tranz at nagsimula nang humagod sa braso ko paakyat sa leeg ko at mayamaya pa ay tinalunton nito ang dibdib ko kaya mas kumawala ang ungol sa labi ko.

Nang malapit na akong madarang sa init na hatid ng asawa ko at saka naman tumikhim si Lele. Naghiwalay kami ni Tranz pero nanatiling nakatingin kami sa isa't isa. I could feel that he's longing for me too kung pagbabasehan ang pangbaba niya na hindi maitago ng suot na pantalon ang pagkakaumbok.

"Really, guys? Nagkakainan kayo sa harap pa ng pagkain na nandito sa lamesa? Eh, last time lang, eh, halos itulak mo na si Mina sa stairway, eh. Psh! If I know na kung 'di ako dumating ay malamang na na-hospitalize na si Mina."

Inilapit ni Tranz ang mukha sa bandang tainga ko at binulungan ako. "We'll continue this later, Love..." Kinindatan niya pa ako bago bumalik sa upuan niya.

"I was too glad that you came that day, Lele, dahil kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung napahamak ang mag-ina ko."

Diretsong nakatingin si Tranz kay Lele. Napatingin na rin ako kay Lele kaya 'di nakawala sa paningin ko ang unti-unting panlalaki ng mga mata niya. Umawang ang mga labi ng babae. Ilang segundo rin siya sa ganoong hitsura at nang makahuma sa pagkabigla ay ngumiti siya.

"J-Jesus! You're not kidding me, right?" Uminom na muna siya ng juice bago tumayo. Yinakap niya ako. "Congratulations, Mina."

"Thank you, Lele—" Naudlot ang sasabihin ko nang tumunog ang cell phone niya.

"Eh? Sure... Let's meet today," saad ng dalaga sa kausap niya pagkatapos ay lumapit kay Tranz. "Payag ka bang umalis ulit kami ni Mina tomorrow?"

"Saan mo na naman dadalhin ang asawa ko?"

"Oh, come on. Don't be too possessive there, my dear brother. Mamimili lang kami ng gamit ng baby... Right, Mina?"

Hindi ako makasagot kaya napatingin ako kay Tranz. Gusto kong manggaling sa kanya ang sagot sa gusto ni Lele.

"Fine." Itinaas ni Tranz ang dalawa niyang kamay resulta ng pagsuko. "3 hours lang, okay?"

"What the fuck?" Biglang mura ni Lele. "Killjoy. Pero fine. 3 hours lang. Oh, siya. Mauuna na ako inyo dahil may lakad ako. I need to see my boyfriend right because I'm missing him so much."

"Saan kayong mall pupunta bukas?" pahabol na tanong ni Tranz sa dalaga.

"I don't know yet, why? Want to tag along?"

Umiling ang asawa ko bago kinuha ang table napkin at nagpunas ng bibig. "Ihahatid ko bukas ang asawa ko sa lugar kung saan kayo magkikta. Is that all right?"

Ngumiwi si Lele but she can do nothing about it lalo pa at nagdesisyon na si Tranz.

"It's all right then. Kung gusto mo ay ikaw na rin ang mamili kung saan kami pupunta niyang asawa mo para makasigurado ka." Nahihimigan ko ang sarkasmo sa boses ni Lele kaya napangiti ako.

"Sure," nakangisi na sagot naman nitong asawa ko kaya nagdadabog na umalis si Lele.

It's their normal.

Close silang dalawa pero malimit ding hindi magkaintindihan. Matured kasi si Tranz habang si Lele naman ay happy-go-lucky at nasusunod ang bawat gustong gawin.

Nang wala na si Lele ay hindi ko naman alam ang gagawin ko. Kahit air-conditioned ang bahay namin ay pinagpalawisan ako at tukso naman na may tumutulay na init sa katawan ko pababa sa gitna ng mga hita ko.

Sa peripheral vision ko ay nakikita ko ang asawa kong matiim na nakatingin sa akin, kaya kinuha ko ang tinidor ko at wala sa sariling sinubo ang malaking tipak ng karne. Dahil malaki ang naisubo ko ay halos mabulunan ako. Agad ko sanang kukunin ang baso ng tubig nang iabot agad ito sa akin ni Tranz at Inalalayan akong uminom.

"Dahan-dahan, Love," masuyo niyang saad sa akin habang hinimas-himas pa ang likuran ko.

"Thank you," saad ko nang maging maayos ang pakiramdam ko. "Kakain ka pa ba?"

Nang tingnan ko siya ay may naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"Yeah. Gusto kong kumain ng seafood. Iyong—" Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa pang-ibaba ko. "Fresh na talaba. Iyon ang gusto kong kainin." Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan akong tumayo. Dahil matangkad nga siya ay nakatingala ako sa kanya. "Ikaw ang gusto kong kainin ngayon, Love, pwede ba?" he said in a husky voice.

Ito na ang hinihintay mo, Mina. Madidiligan ka na. Ito na rin ang pagkakataon mo para tuluyan kayong magkaayos ng asawa mo.

"L-Love..."

Handa na sana akong sunggaban siya ng halik nang hawakan niya ako sa baywang at kinarga ako papunta sa bakanteng parte ng lamesa. May pagmamadali niyang hinubad ang pants kong suot at ang underwear ko. Nang malantad ang talaba na sinasabi niya ay walang babalang inilapit niya ang mukha niya roon at tila gutom na nilantakan.