webnovel

Chapter 10

***

"Ayos na ba ang pakiramdam mo anak? "

"Ayos na po ako ma. "

"Siguro kailangan mumunang mag

pahinga. "

Sabi ng kuya Rojun niya sa kanya. Matapos siya mahimatay kahapon tinawagan ni Vriell ang kapatid niya upang masundo siya at madala sa clinic na malapit sa school.

"Hindi na po kuya okay nanaman po ang pakiramdam ko saka nalipasan lang po siguro ako---"

"Tch. Pasaway kakasi. Sinabihan na kita na wag mag papalipas ng gutom. Wag kamunang pumasok ngayon ipahinga mo muna yang sarili---"

"Pero ma.. "

"Tama si mama. " Napa nguso siya bago uminom ng tubig.

"Basta magpahinga ka lang d'yan, kamiy aalis na ng kuya mo. Kapag may problema tawag mo lang kami okay, si nanay Pasing hindi ngayon makakapasok laluna may nilalakad rin siya sa probinsya nila. Kaya ikaw muna rito wag na wag kang mag papasok ng ibang tao Sheen-sheen, nag

kakaintindihan ba tayo? "

"Opo, kayo naman po Ang haba ng sinabi niyo alam ko naman po yon ma. "

"Kahit na nak. Binibilinan lang kita. " Saka siya hinagkan nito sa noo.

"Pahinga kalang d'yan kulot. "

"Tch. Opo kapre. "  Tawa niyang sabi bago nito ginulo ang kanyang buhok.

***

Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya ulit. Napainat siya bago tumayo mula sa kanyang higaan, tumawag kanina ang dalawa niyang bruhang kaibigan upang, kamustahin siya. Na excuse narin naman siya sa klase lalunat may dahilan naman ang kuya at mama niya sa kanilang guro.

Napakunot noo siya ng may kumatok ng malakas mula sa gate nila. Sumimangot siyang nag lakad papalabas ng bahay may nakita siyang lalaking matangkad habang naka suot ito ng uniform ng pag delivery boy.

"Ano po ang kailangan niyo sir? "

"May dalawang package po para sa inyo.  " Sabi nito. Kayat mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo.

"Baka po nag kamali lang kayo---"

"Sheen-sheen El Gacer po ang nakalagay sa note na pag dadalhan---"

"Ako nga po si Sheen-sheen.

Kanino po galing? " Tanong niya.

"Kay Mr. Luke Lorenzo po ang isa pero sa isa po ay walang pangalan nakalagay kung kanino po nang galing. " 

"Ganon po ba sige po pakilagay na lang po sa

loob. " Aniya, bago niya pinirmahan ang resibo.

Nakaalis na ang nag deliver bago siya napatingin sa box na hindi naman gaanong kalakihan. Matapos niyang madala sa kanyang silid ang mga iyon una niyang binuksan ang box na galing kay Sir Luke.

Napangiti siya dahil sa minsahe nito sa sulat.

Tila kinilig ng kaonti bago niya tiningnan ang laman ng box nag ningning ang mga mata niya dahil sa laman no'n.

Dalawang bear ang naroon, bago may kasama pang mga chocolate at rosas. Labis ang tuwa niyang kinuha ang dalawang teddy bear habang may naka sulat sa gitna.  pangalan niya at kay Sir Luke?

Hi.. Sheen-sheen sana nagustuhan mo ang gift ko para sayo :) pagaling ka see you again,  and Always take care.

                                                           Frm: Your friend. Luke

Sa tuwa at kilig niya wala sa loob na nayakap niya ang dalawang cute na teddy bear. Pero agad rin nawala ang ngiti niya sa mga labi ng makita ang isa pang box, lumunok siya ng laway bago niya iyon ipinatong sa kama.

Saka niya iyon dahan dahan na binuksan. Unang bumungad sa kanya ang mga larawan niya noong sampung taonggulang palamang siya. Nanginig ang mga kamay niya na hinalungkat ang loob tumambad rin sa paningin niya ang mga ilang gamit niya na pamilyar sa kanya, ilan lamang yon sa mga gamit niya noon na nawawala.

God...

Pang huli niyang dinampot ay ang kulay pulang rosas isa lamang iyon subalit may sulat nanakalagay sa tangkay. Kayat kinuha niya at binasa.

You always remember my Sheen-sheen. You still mine, I don't wanna shared what's mine so Beceful baby. Mag pakabait ka. I love you..

                                                                            K. V.

Nanginig niyang binitawan ang sulat maging ang mga larawan niya ay wala sa loob na na-ihagis.

Damn. Malakas rin ang kabog ng kanyang dibdib.

K.V? sino kaba talaga?

Napa siklot siya ng tumunog ang kanyang cellphone napalunok siya ng makita ang hindi kilalang number mula sa caller. Ilang minuto pa niya iyon pinag masdan at ng hindi parin tumitigil ang tumatawag may panginginig sa mga kamay niyang dinampot iyon.

"My Sheen-sheen.. " Mula sa kabilang linya rinig niya ang  lalaking lalaking bose nito kahit malamig man iyon  swabing swabe naman sa pandinig.

"S-sino ka! Bakit mo ako kilala!? " Humalakhak ito mula sa kabilang linya.

Shit.

Alam niyang masamang mag mura pero hindi niya maiwasan laluna sa napaka sexy nitong boses.

"Nagustuhan mo ba ang pinadala ko sayo? "

"Kung sino kamang baliw ka tigilan mona

ako! Tigilan mo ako!! "

"I can't't do that My Sheen-sheen, i can't wait to see you soon baby---"

Mabilis niyang pinatay ang cellphone binalibag niya mula sa dulo ng kama. Napaiyak na lamang siya dahil sa takot mula sa taong tumawag sa kanya ni hindi niya alam kung paano nito nakuha ang kanyang number maging ang mga larawan na pinadala nito mula sa kanya, kuha ang mga ilan larawan niya mula sampung taonggulan pa lamang siya hanggang pag tungtung niya sa edad niya ngayon.

Kailangan na malaman na ito ng kanyang mama Ema at kuya. Maaaring may hindi gawin ang taong yon sa kanya, natatakot na siya noon paman ay may tao na palang nagkaka interes sa kanya.

©Rayven_26