webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Historia
Sin suficientes valoraciones
41 Chs

Chapter 38

Ilang araw ang lumipas mula nang magkaayos sina Alois at Lithana, pati na ang biglang pag-atake ni Ismael kay Ignis. Ngunit hindi pa rin niya nakakausap si Rilen, wala rin kasi siya sa mood na makita ito. Hindi niya alam kung bakit pero palagi siyang naiinis kapag nakikita ang lalaki at sa tingin niya ay dahil 'yon sa pagbubuntis niya— na isa si Rilen sa pinaglilihian niya.

Alas tres y media na ng hapon at kasalukuyan silang nakaupo sa veranda ng silid nila ni Ignis. Nasa tabi niya ang lalaki at abala sa pagsimsim sa kape nito. Pinagmamasdan ni Alois ang mga halaman at bulaklak na inaalon ng hangin. Wala siyang ibang nararamdaman sa oras na 'to kundi saya. Masaya siya dahil naging maayos na ulit ang buhay niya, na naging maayos na ulit sila ni Ignis. Nawala na ng tuluyan ang galit sa puso't isip ni Alois. Napangiti siya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Alois na nakatingin sa kaniya si Ignis, pinagmamasdan ang ngiti sa labi nito. Ibinaba ni Ignis ang tasa ng kape atsaka tumayo sa likuran ni Alois, sa kinauupuan nito. Bahagyang yumuko si Ignis para yakapin mula sa likod si Alois atsaka ipinatong ang baba sa balikat nito.

Nanlaki ang mga mata ni Alois nang maramdaman ang mainit na hininga ni Ignis sa kaniyang leeg na siya ring naging dahilan para mamula ang pisngi niya. Bahagyang humigpit ang pagkakayakap ni Ignis sa kaniya, 'yong tipo ng yakap na tila ayaw na siya nitong pakawalan. Inangat ni Alois ang kamay para hawakan ang pisngi ni Ignis, maingit niyang hinaplos ang pisngi nito. Natatakot kasi siya na baka masaktan niya ito lalo na't hindi pa nawawala ng tuluyan ang pasa nito.

"Bakit ang lambing mo ngayon?" pabiro niyang tanong kay Ignis.

"Masaya ako na makitang muli ang ngiti sa labi mo." Bulong nito. "Hindi na nababahiran ng lungkot ang iyong ngiti. t's no longer the kind of smile that is tainted with sadness." dagdag pa nito.

"Wala naman na akong rason para bigyan ka ng ganung klaseng ngiti. Sobrang saya ko na at wala ng lugar ang lungkot sa puso ko." Bakas sa boses ni Alois ang tinutukoy nitong saya.

In the past, Alois used to show fake smile, but now, you can only see pure bliss in her smile.

Mariing ipinikit ni Alois ang mata ngunit nakasilay pa rin ang ngiti sa labi nito.

"Comeback as soon as possible, okay?" Aniya. "I want you by my side once I gave birth to our unborn child. Gusto ko na hawak ko ang kamay mo at naririnig ko ang boses mo. Sa paraan na 'yon, mas lalong lalakas ang loob ko." Dagdag ni Alois.

"I promise. I will comeback as soon as possible." Sagot ni Ignis bago halikan ang sentido ni Alois.

Ignis is confident that he can end the war within four months, he already planned everything, the strategies, etc. Kaya sigurado siya na bago pa man manganak si Alois ay nasa Aeternam na ulit siya.

Ilang minuto na ganun ang posisyon nila nang biglang buhatin ni Ignis si Alois papasok sa loob ng kwarto nila.

"Ignis!" Gulat niyang aniya. Napasandal siya sa dibdib ng lalaki.

Sobrang lakas ng pagkabog ng puso niya at mas lumakas pa 'yon nang dahan dahan siyang hiniga ni Ignis sa kanilang malambot na kama. Maingat na pumaibabaw sa kaniya si Ignis bago siya siilin ng mainit at malalim na halik. Nang una ay nanlaki ang mga mata ni Alois, ngunit nang mas tumagal at lumalim ang halik nito ay napapikit na lamang siya.

"I will miss you." Aniya Ignis sa pagitan ng halik nito.

Akmang ipupulupot na sana ni Alois ang kamay sa batok ni Ignis nang bigla itong humiwalay, doon ay tuluyan ng nakita ni Alois ang mukha nito. Hindi siya nakapaniwala na makitang namumula ang mukha ni Ignis. Napahagikhik siya. Tinakpan pa nito ang ilong at bibig para matakpan ang pamumula. Napahagikhik siya. Ngayon niya na lang ulit nakita ang ganitong reaksyon sa mukha ni Ignis.

Kailan nga ba niya huling nakita ang ganitong reaksyon sa mukha ni Ignis? Noong binata at dalaga sila? Hindi niya na matandaan pero palaging namumula ang pisngi ni Ignis sa tuwing nahihiya ito, nakagawian din nito na takpan ang bibig at ilong sa tuwing umuukit ang ganitong reaksyon sa mukha niya.

Nahihiya ito. Mas lalong napangiti si Alois bago tuluyang hawakan ang batok nito at hatakin dahilan para magdikit ang noo nila.

"I love you, please comeback safe, okay?" Aniya Alois.

Sumilay bigla ang ngiti sa labi ni Alois. "I forgot to tell you!" Bahagyang itinulak ni Alois si Ignis at dali-daling nagtungo sa isa sa mga drawer nila. Kinuha niya ang isang piraso ng papel doon at inabot ito kay Ignis na nagtataka.

Kumunot ang noo ni Ignis ng mabasa ang nakasulat doo.

"Igen Alecus Aeternam? Miara Anathasia Aeternam?"

Alois excitedly nod her head. "Iyan ang magiging pangalan ng anak natin. Kaninang umaga habang nag-aagahan ako sa veranda, naisip ko bigla ang pangalan na 'yan."

Alois sat beside him and read the names on the paper as well.

Malawak ang ngiti sa labi ni Alois nang makita ang ngiti sa labi ni Ignis. Mukhang nagustuhan nito ang pangalang naisip niya.

"If it's a boy, Let's name him Igen Alecus Aeternam. Kung babae naman ang magiging anak natin, let's name her, Miara Anathasia Aeternam." Aniya Alois habang hinahaplos ang kaniyang umbok na tiyan.

Ignis will make sure that he'll return as soon as possible. Sisiguraduhin niya na nasa tabi siya ni Alois at isa siya sa unang masisilayan ng kaniyang anak.

"Little bud, wait for your dad. I will be back, I promise."

Good evening everyone! I'm very sorry for being in Hiatus for almost 5 months (I think). I've been very busy reading my modules and other tasks that I need to finish, but now, i'm back!

I will start updating HC again!

imsinaaacreators' thoughts