webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Historia
Sin suficientes valoraciones
41 Chs

Chapter 29

Mairy Alois Hernandez

Hindi rin nagtagal ay unti-unti ng natatanaw ng malapitan ni Alois ang bayan. Ang mga establishimento, ang mga istante na naglalaman ng gulay, prutas, abubot sa katawan, at kung anu-ano pa.

Sumandal si Alois atsaka ipinikit ang mata para ikalma ang sarili. Nasa bayan na sila. She's finally back.

"We're here, your highness." The coachman said.

Kung kanina ay may kahinaan ang ingay na naririnig ni Alois, ngayon ay mas lumakas na ito. Pinaghalong boses ng mga mamamayan, yapak ng kabayo, at musika ang bayan ng Aeternam, and Alois miss these nostalgic scene. It's been a year since she saw the city and she can't help but to feel happy and emotional at the same time.

Nandoon pa rin ang kaba dahil natatakot siya na baka may makakilala sa kaniya pero masaya si Alois dahil sa wakas ay makakapaglibot na ulit siya sa bayan kung saan siya isinilang.

Napabalik si Alois sa sarili nang iangat ni Ignis ang hood ng suot niyang cape na naging dahilan para matakpan ng kaunti ang kulay pilak niyang buhok at ang mukha niya. Ganoon din ang ginawa ni Ignis sa suot nitong cape.

Biglang naalala ni Alois ang nakaraan. Ang pagtakas nila ni Ignis sa palasyo para makapunta sa bayan.

Flashback

Habol hininga silang dalawa nang tuluyan na nilang maligaw ang mga Knights na humahabol sa kanila. Ang akala kasi nila ay walang makakakita sa kanilang dalawa, but they're wrong, kaya eto sila't hingal na hingal.

Magulo na ang buhok at ang suot ni Alois. Maski ang suot niyang cape ay nagkagusot gusot na.

"We lost them! finally!" Tuwang tuwa na ani Alois, bago umupo sa likod ng puno. Sumandal siya sa puno para mapawi ang pagod na nararamdaman.

Inangat niya ang tingin kay Ignis na nakatayo sa harap niya. It's been five years since Ignis came into her life. Labing apat taong gulang na si Alois, habang si Ignis naman ay labing anim na taong gulang. She can't help but to smile while looking at the boy she loves. Malaki na ang ipinagbago ni Ignis. Matangkad na ito, ang dating mapungay nitong mata na nababakasan ng takot at kaba ay nagkaroon na ng buhay, matangos ang ilong, at kumakaway na rin ang adams apple nito.

Napabalik siya sa sarili nang marahang pitikin ni Ignis ang noo niya. Alois glared at him before she pouted her lips and Ignis find it adorable. Hinaplos ni Alois ang noo niya.

"You kept on staring at me, ganoon ba ako kagwapo sa paningin mo?" Ani Ignis. Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi niya.

Namula ang pisngi ni Alois. "Nakatingin ako sa 'yo kasi... kasi ano..." hindi matapos tapos ni Alois ang sasabihin. She think of an excuse pero wala siyang maisip! Ayaw naman niyang aminin kay Ignis na tinitingnan niya ito dahil gustong-gusto niyang makita ang maamo at gwapong mukha ng lalaki. If she tell Ignis the real reason, Ignis will tease her for sure!

Napasinghap si Alois nang sa isang iglap ay biglang inilapit ni Ignis ang mukha nito sa mukha niya. Nakaluhod si Ignis sa harap niya at bahagyang nakayuko ang katawan nito para mapantayan siya. Halos maduling na siya sa sobrang lapit ng mukha nito, mas lalo ring namula ang mukha niya.

"Kasi ano? Dahil mahal na mahal mo ako?" Ignis asked. Seryoso ang mukha at tono ng pananalita nito nang sabihin 'yon.

"Answer me, Alois."

"M-masama bang tignan k-ka?" Nauutal na sagot niya rito. Gusto niyang sabunutan ang sarili pero hindi niya magawa, hindi sa harap ni Ignis.

Hindi malaman ni Alois kung ano ba talaga ang rason at sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Dahil ba sa sobrang lapit ni Ignis sa kaniya? Dahil ba sa makisig nitong mukha na gahibla na lang ang layo sa kaniya? o dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking mahal na mahal niya? Napalunok si Alois.

"I don't mind being starred at, as long as it's you who's starring at me, My Queen."

Akmang sasagot sana si Alois nang biglang hawakan ni Ignis ang magkabila niyang pisngi. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya at pagpula ng pisngi niya nang dahan-dahang ilapit lalo ni Ignis ang mukha niya. Alois can feel his warm breathe. Ang unang ginawa ni Alois ay ang pigilan ang paghinga niya at ang ipikit ang mata niya.

Ignis will kiss her! It'll be their first kiss!

Hinintay niya ang paglapat ng labi ni Ignis sa labi niya. Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin nararamdaman ni Alois ang paglapat ng malambot at mainit na labi ni Ignis sa labi niya. She slowly opened her eyes, only to reveal Ignis looking at her. Sobrang pula ng pisngi nito, katulad ng pisngi ni Alois. Mariing ikinagat ni Ignis ang labi atsaka bagahyang lumayo sa kanya. He sat down on the grass before he massage the bridge of his nose.

Tulala pa rin si Alois, but she also ended up smiling. He's blushing! Alois giggled. Mas lalong namula ang pisngi ni Ignis. Nagmamadaling tumayo si Ignis atsaka muling lumapit kay Alois.

"Hahalikan mo na ba ako?" She teased.

"I badly want to... but let's wait until we reach our right age."

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Alois. He really is a gentleman. Hindi siya nagsisisi na si Ignis ang minahal niya, na dumating ito sa buhay niya.

Lumuhod si Ignis atsaka hinawakan ang hood ng suot niyang cape. Inangat niya ito para takluban ang ulo at matakpan ng bahagya ang mukha ni Alois.

"Can I not use the cape's hood? Gusto kong makita ng maayos ang bayan." She pouted.

Kinurot ni Ignis ang pisngi niya atsaka siya inalalayang tumayo. Ignis also removed some dirt on her simple dress.

"No, you're not allowed."

"Bakit naman? I'm sure no one will recognize me."

Umiling muli si Ignis. "I don't want them to see how gorgeous you are. Baka agawin ka ng kung sino."

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling namula ang pisngi ni Alois.

"Ignis naman!"

End of Flashback

Hi! I'm Sina! I hope you enjoyed reading this chapter! Let me know if what you feel about this recent chapter by leaving a comment!

Don't forget to review the story! Thank you!

imsinaaacreators' thoughts