webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Historia
Sin suficientes valoraciones
41 Chs

Chapter 01

Mairy Alois Hernandez

"Mairy, anak?"

Huminto si Alois sa paglalaro ng mga bulaklak sa hardin at kaagad na nilapitan ang ina. Her mother gave her a big warm smile bago siya yakapin. Nagtataka siya. Bakit hindi na magara ang suot na damit ng kaniyang ina? Ang mga alahas nito ay wala na, hindi na rin naka ayos ang kulay tsokolate nitong buhok. Sa paningin ng lahat ngayon ay para bang isa na lang itong normal na babae.

"Kailangan mo ng magpalit ng damit para makaalis na tayo."

Kumunot ang noo ni Alois sa sinabi ng kaniyang ina. Bakit magpapalit siya? At bakit aalis sila? Saan sila pupunta? Iyan ang mga tanong ni Alois sa sarili.

"Where are we going, Mother?" Nagtataka at hindi makapaniwala niyang tanong sa ina.

Humiwalay ito sa pagkakayakap. "Aalis na tayo rito. We're no longer part of this Kingdom, we don't belong here anymore."

Nanlaki ang mga mata ni Alois at nagsimulang mangilid ang luha sa kaniyang mga kulay berdeng mga mata. Aalis na sila sa lugar na kinagisnan niya? Ibinilik niya ang tingin sa ina ngunit hindi roon natuon ang atensyon niya kundi sa binatang nakatayo sa likuran ng kaniyang ina, hindi kalayuan sa kanila.

He's no longer smiling. Nakatingin lamang ito ng malamig sa kanilang dalawa. Walang makikita ni isang bahid ng emosyon sa mukha at mata nito. But Alois felt the judgement he's giving to them.

Umigting ang panga niya, naiyukom ang kamay, at tumalim ang pagtingin nito sa kaniya.

Tuloy tuloy lang ang luha sa mga mata niya.

"This is all your fault. You ruined our Kingdom... you ruined my family!" She shouted, giving him sharp glares. But the young man who is now wearing a Crowned prince suit didnt even bother showing empathy.

He looked at Alois' emerald eyes before leaving her and the former Queen of Aeternam empire.

That day, Alois and her mother was stripped off of their position in the empire— Alois is no longer a Crowned princess, and her mother is no longer the Queen of the empire.

They once live in a luxurious life, but ended up living in the shadows.

...

Present.

Kumagat si Alois sa mansanas na ninakaw niya sa palengke. Matabang ito at walang tamis, ibig sabihin ay matagal na ito sa istante at lamog na. Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang kainin ito dahil dalawang araw na siyang walang matinong kain. Nahirapan kasi siya sa pagnanakaw lalo na't naging alerto ang mga tindera dahil dumadami na sila— ang mga magnanakaw.

Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang siyang magnakaw at magpalaboy-laboy nang mamatay ang kanyang ina. Labing walong taong gulang siya ng pumanaw ito. Ngayon ay bente dos anyos na siya. Nasanay na rin siyang makipaglaban at makipagsapalaran lalo na't delikado sa lansangan. Isa pa, apat na taon na siyang namamalagi sa kalye, sinong hindi masasanay do'n?

Itinapon niya na ang mansanas atsaka ipinagpag ang marumi at tagpi-tagpi niyang damit. Marumi na ang damit niya na may butas, maski ang palda niyang gawa sa mga kapirasong telang ipinagdugtong-dugtong na lang. Ni hindi niya ito magawang linisin dahil wala naman siyang mahanapan na lugar kung saan pwede itong linisin. Ang huli niyang laba rito ay mahigit sampung buwan na ang lumipas at muntik pa itong manakaw sa kanya ng kapwa palaboy kaya mas pinili niya na lang na manatili itong marumi.

"Gutom na gutom na talaga ako, tsk! Kung hindi lang pahamak ang mga batang 'yon ay hindi ako mahihirapan ng ganito sa pagnanakaw." Inis niyang sabi habang naglalakad at nagmamasid sa paligid kung saan pwede pa siyang magnakaw.

Nasa ganung sitwasyon si Alois nang saktong may dumaan na karwahe sa hindi kalayuan. Kitang-kita niya ang mga prutas at tinapay na nasa karwahe. Napapalakpak siya nang wala sa oras bago palihim at maingat na sinundan ang karwahe. Hindi siya makahanap ng tiyempre para pasukin ang loob nito dahil marami pang tao kaya't hinantay niya na lang namakalayo sila sa palengke.

"Jackpot!" Nakangisi niyang sabi.

Nagtagal din ng kaunti bago sila makalabas sa bayan, huminto ang karwahe sa liblib na lugar malapit sa ilog. Bumaba ang dalawang guwardya at kaagad na ibinaba ang mga prutas at tinapay.

Napangiti siya. Pwede niyang kuhanin ang mga 'yon at kumaripas na lamang ng takbo.

Ngunit ang ngiting kanina lamang ay nakaukit sa kanyang labi ay unti-unting nawala nang makita niya ang sunod na ibinaba ng mga gwardya. Bangkay ng tao. Hindi bababa sa lima ang bangkay. Walang awa itong inihagis ng dalawang gwardya sa ilog.

Itinikom na lamang ni Alois ang bibig dahil kailangan niyang manatiling tahimik lalo na't alam niya kung kanina ito nag t-trabaho. Sa uniporme pa lang ay kilala na niya kung sino ang pinaglilingkuran nito.

"Ruthless as ever. How can he even sleep at night?" Umigting ang panga niya.

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umalis na bago pa siya makita. She was about to run ng marinig niya ang usapan nito.

"Hinahanap pa rin ng hari ang kaniyang anak— ang prinsesa."

Napahinto siya.

Hinahanap?

"Bakit kaya ginagawa 'yon ng hari sa gayong siya naman ang dahilan kung bakit nawala ang reyna at ang prinsesa."

"Andiyan naman na ang prinsipe, wala na rin dahilan ang hari para hanapin ang prinsesa."

Ibinalik niya na lang ang atensyon sa daraanan niya. Kailangan niyang makalayo ng hindi siya nakikita. Following the carriage was a bad idea. She was decieved! Ang akala niya ay laman ng tiyan ang karga nito ngunit puro bangkay pala at masamang balita.

Umiling siya. She needs to hide her hair. Her silver hair.

Itinali niya ito bago kumaripas ng takbo. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig na nito ang pagtawag sa kanya ng dalawang gwardya.

"Ang prinsesa!"

"PRINSESA!"

Ngumisi siya. "Princess my ass."

Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo, ni hindi niya nilingon ang mga humahabol. She just flew like a free bird.

He wont take her freedom, she wont let him.

...

Hindi na siya nasundan ng humahabol sa kanya kaya't bumalik na siya sa tinitirhan niya. Sa maliit na bahay na gawa lamang sa mahabang tela na napulot niya. Malamig na simento ang tulugan niya at sanay na siya. Wala siyang gasera dahil baka masunog lang ang maliit niyang bahay. Mas ayos na rin 'yon para hindi siya makita ng mga tao.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang may pumasok sa maliit niyang bahay. Kaagad siyang tumayo at tiningnan ito ng masama.

"Anong ginagawa mo rito, Ismael?" Kunot noo niyang tanong sa binata.

Unlike her, the tall man who entered her small humble home. Ismael is wearing a decent clothes. Ismael who has a black slit back hair, raven eyes, a slightly tanned skin, and he's musculine. Halata sa lalaki na maganda ang buhay nito, hindi gaya ni Alois na madungis.

Nilapag ni Ismael ang dalang paperbag atsaka siya nginitian. "Masama bang dalawin ang matalik kong kaibigan?"

Napaismid siya sa sinabi nito. "Sa pagkakatanda ko ay wala akong kaibigan at kailanman ay hindi ko kakailanganin ng kaibigan." Bumalik siya sa pagkakausalampak sa sahig.

"Napakasakit naman ng iyong sinabi."

Inirapan niya ito atsaka ipinikit ang mata. "Umalis ka na ng— "

"Ikaw ang dapat umalis, Mairy." Putol nito sa sinasabi niya.

Inis niyang idinilat ang kanyang mata. "Who the hell are you para paalisin ako? This is my house—"

"Ang iyong ama--- ang hari. Nalaman na niya kung nasaan ka at sa pagkakaalam ko ay mahigpit ng binabantayan ang bayan na 'to."

Natulala si Alois.

Wala na siyang sinayang na minuto at kaagad na kinuha ang mga mahahalagang gamit— ang gamit ng kaniyang ina.

"Hindi ka basta-basta makakalabas ng bayan na 'to, Mairtly. Akala ko ba'y hindi ka magpapakita sa tauhan ng iyong ama?" Sabi ni Ismael habang abala si Alois sa pagkolekta ng mga naiwang gamit ng ina.

Napasabunot siya sa kaniyang sarili. "Hindi nga pero sila ang nakakita sa akin! Now move dahil kailangan ko ng umalis."

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Tutulungan ulit kita, Mairy. Pero kapag nahuli ka ulit ay wala na akong magagawa. Ayokong kalabanin ang hari." Pinulot nito ang plastik na dala atsaka ibinigay sa kanya.

"Kinakailangan mong itago ang iyong buhok dahil 'yan ang palatandaan na ikaw ang prinsesa. Walang nagbabantay sa daan papunta sa kabilang nayon. Doon ka muna at susunod na lamang ako."

Nagsususpetya niyang tinignan si Ismael pero sa huli ay kinuha niya na lang ang laman ng plastik. cloak. Agad itong isinuot ni Alois at inangat ang hood nito para matakpan ang buhok.

"I don't need your help, Ismael. Kayang-kaya kong takbuhan ang magaling kong ama, isa pa, baka mapahamak ka lang at ayokong may mamatay nanaman ng dahil sa aki— "

"I'm not going to follow orders from you, your highness. Ang susundin ko lamang ay ang namayapang reyna." pagpuputol ni Ismael sa sinasabi ni Alois.

Your highness...

Mariing kinagat ni Alois ang ibabang labi.

"Now go, princess Mairy Alois Hernandez. Run as fast as you can."