3 days na ang nakalipas since I last saw him.. nasaan na kaya si PJ? May sakit kaya siya? baka naman naaksidente siya? O baka naman naisip niya ng umatras sa kasal?
"Ugh! Stephanie! Will you please settle down? Nahihilo na ako kakaikot mo!" sigaw ni Cristine sa'kin.. nandito kami ngayon sa kwarto ko.. dahil minadali ang lahat.. fitting na kami.. si Cristine ang maid of honor ko.. well.. may iba pa ba? Halos wala nga akong kilala sa mga dadalo sa kasal namin e.. maliban kay Blue, Cupid, Thunder, Cristine, Tita Bettina, Walis.. este Clarisse, 'yung mga kasama namin sa bahay, si Lolo Rafael at siyempre si PJ.. wala na! the rest, si Lolo Rafael na ang nag-invite.
"Sis! It's been 3 days since I last saw him.. anong malay ko kung nasaan na si PJ? Kung may nangyari ba sakanya.. kung naaksidente siya.. kung.. kung.. kung umatras na-"
"Don't even dare say it! Ang negative mo sis! Hindi aatras si PJ sa kasal niyo okay? Hindi! Busy lang 'yun." Cristine always bring her sack of positivity. Always positive.
"Eh kasi naman.." umupo ako sa kama. I really don't know what to do. Huling nag-usap kami, sinabi niya hindi kami maghihiwalay.. ngayon.. hindi ko na siya nakikita! Anggulo!
*Tok Tok Tok*
Napatingin kaming dalawa sa pinto.
"Sino 'yan?" baka 'yung assistant ni Clarisse 'to. Baka ipapasukat na sa'kin 'yung gown. Bilib din naman ako sa botique na 'yun. Rush kung rush ang paggawa ng gown. Wala pang 1 week, almost finish na e..
Walang sumasagot sa'kin. Tumayo na 'ko at lumapit sa pinto para buksan ito.
"Stephie!" bigla akong niyakap ni Blue pagbukas ko ng pinto. I know it was Blue because of the familiar call and his scent..
"Blue.." I hugged him back. Hindi ko napagkikikita 'tong mga 'to this past few days.. sabay-sabay silang nawala. I wonder kung magkakasama ba sila nila PJ and Cupid.
"Oy Blue.. ampanget mo. Bitiwan mo nga si Stephanie!" hinila ni Cupid ang braso ni Blue kaya naman napabitaw si Blue mula sa pagkakayakap niya sa'kin.
"Mas panget ka." Sinuntok ng mahina ni Blue ang braso ni Cupid. He pouted. Aww.. he's really cute kapag ginagawa niya 'yan.. kung si Cristine ang bestfriend ko.. si Blue ang 2nd bestfriend ko.. ang boy bestfriend ko..
"Whoa! Kahit kay Stephanie mo itanong.. mas gwapo 'ko sa'yo! Diba Steph?" sabay pose ng ala-Mr. Pogi ni Cupid. Natawa naman kami ni Cristine na ikinalukot ng mukha ni Blue.
"Oo naman Cupid! Mas gwapo ka kesa kay Blue!" hirit ni Cristine. Stephanie ang tinanong diba? Tsk! Ang obvious kiligin ng bruha!
"Thanks Cristine!" then Cupid winked at Cristine kaya naman ngiting-ngiti ang bruha.
"Pero para kay Stephie mas gwapo ako!" inakbayan ako ni Blue and smiled at me.
"Ang gulo niyong dalawa.. ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ko. tsaka biglang sumulpot ang isa pang gwapong nilalang sa likod nila.
"Thunder.." pakiramdam ko, kinakabahan ako.. hindi kasi katulad ng dalawang 'to si Thunder.. yes magkaka-age lang sila pero si Thunder kung umarte parang 50 years old na e. kung seryoso si PJ.. ay naku! Mas seryoso si Thunder.. walang joke time para sa lalaking 'to!
"Hi Stephanie.." walang kangiti-ngiti niyang bati sa'kin.. "I heard about the wedding and PJ is that persistent na mapa-attend ako so here I am.. Congrats by the way."
"Uh.. yeah.. he told me na ikaw ang gusto niyang maging best man.. thanks for coming Thunder." it's really hard to talk kapag si Thunder ang kausap ko.. pakiramdam ko kapag mali ang sinabi ko, paglalamayan na ako bukas. He has this power na maiintimidate ka e..
"So.. you'll marry him.." his lips quirks up.
"Yeah.. I think I am.." iniwas ko na ang tingin sakanya. pakiramdam ko kasi matutunaw ako sa tingin niya e..
"Just like what I thought.." then ginulo niya ang buhok ko. he always do that kapag nagkikita kami.. feeling ata niya, 6 years old lang ako e. tsk!
"Huh?" anong ibig niyang sabihin?
"Anong ginagawa niyong tatlo diyan? Dito 'yung kwarto ko hindi diyan!" napalingon kaming lima sa nagsalita and my heart skip a beat ng magtama ang mata namin ni PJ. My gosh! 3 days lang kaming hindi nagkita pero pakiramdam ko.. 3 years 'yun! Sobrang namiss ko si PJ that I want to throw myself to him and hug him tight.
"Eto naman! Dinadalaw lang namin 'yung bride! Namiss kaya namin si Stephanie! Kung saan-saan tayo nagpunta this past few days e!" reklamo ni Cupid. Saan ba sila nagpunta? Magkakasama silang tatlo o apat? Kelan ba dumating si Thunder?
"Thunder.. kelan ka pa dumating?" naunahan ako ni Cristine magtanong. Well, hindi lang naman 'yung tatlo ang nakakakilala kay Cristine. Iisang university ang pinasukan namin before kaya kilala din nila si Cristine although ahead sila sa'min ng 2 years..
"2 days ago. Pinuntahan nila akong tatlo sa States.." he shrugs.
Ano 'yun? Umalis ng bansa si PJ ng hindi ko nalalaman? Hindi man lang nagpaalam? Geez Stephanie.. bakit nga ba magpapaalam sa'yo si PJ? Hindi porket papakasalan ka niya, you mean that much to him na! Wedding with benefits lang 'to! Keep that in your 1 gb mind okay?
"Ano ba?!" sigaw ni PJ sa'min. Mukhang hindi naman natinag ang tatlong lalaki at nagngisihan lang. Tsk! Mga baliw talaga..
"Tara na nga! Epal din 'tong si PJ e.." bulong ni Cupid sa dalawang kasama.
"Yeah.. ang KJ.." dagdag ni Blue.
"Possesive." Bulong ni Thunder.
"I heard you." Sabi ni PJ bago tuluyang tumalikod at pumasok sa kwarto niya.
"Sige Steph.. puntahan muna namin si PJ. Nasakanya 'yung pasalubong namin sa'yo e.." tapos naglakad na sila papunta sa kabilang kwarto.
Paglingon ko kay Cristine.. she's grinning from ear to ear..
"Huy! Napano ka?" tinapik ko ang balikat niya. Muntanga kasi.. as in nakasmile siya tapos parang hindi ako nakikita..
"Earth to Cristine?" tinapik ko siya ng mas malakas kaya naman napaigtad siya.
"Aray naman!" then tinitigan niya 'ko ng masama tas natigilan siya at bigla na naman ngumiti.. seriously? Anong nangyayari?
"Cristine? Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? nauntog ka ba? Ano?!" niyugyog ko ang balikat niya..
"Sis.. kumindat sa'kin si Cupid!" tapos tumili si Cristine. Napatakip ako ng tenga ko.. OA naman netong babaeng 'to!
"Huy! Tumigil ka nga!" saway ko dito.. mamaya niyan isipin nila kung ano na nangyayari dito, pasukin pa kami.. tsk!
"Sis! You saw it diba? Hindi ako nananaginip diba? He really winked at me! ME!" hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko habang patuloy sa pagtawa na parang kinikilig.
"Diba? Diba?!" bahagyang niyugyog pa ni Cristine ang balikat ko dahil hindi ako sumasagot.
"Oo na! Pero tumigil ka nga nahihilo ako sa'yo e!"saway ko dito. Cupid admitted that he likes me.. at ako, alam kong matagal ng may gusto si Cristine sa lalaki.. kaya naman hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ginawa ni Cupid. He's sweet to everyone.. ganun na si Cupid kaya naman namimisunderstood siya ng maraming babae.. alam ko 'yung wink na 'yun meant nothing to Cupid pero dahil 1 gb lang din ang utak ni Cristine.. ayan.. may ibang meaning na 'yung kindat na 'yun.
"Huwag mo ihahagis 'yung flower ha? Iabot mo nalang sa'kin!" she smiled at me.. daydreaming.
"Sira! Bawal 'yun!" I know it's up to me kung ihahagis ko 'yung flower.. at kung ako ang papipiliin.. ibibigay ko talaga kay Cristine 'yun.. baka mamaya masalo pa ni Clarisse 'yun e.. umasa pa.. tsk!
"Kapag hindi mo inabot sa'kin ang flower, sasabihin ko kay PJ na pinagnanasaan mo siya sa gabi!"
"What?!" my eyes widened. Anong sinasabi ng babaeng 'to?
Bigla siyang tumayo at nagpunta sa drawer sa tabi ng kama ko at m ay kinuha sa loob nun.. at nagulat ako ng makitang 'yun 'yung picture ni PJ na topless na nakita ko sa net at pinaprint ko. actually, madami 'yan.. 'yun nga lang ang nakalabas..
"Pano mo nalaman 'yan?" I flushed. Nakakahiya naman! Makita daw ba ng bestfriend ko na madaldal ang pinakatatago-tago kong picture ni PJ. Shemai! Bakit ba kasi topless 'yung nagupit ko?
"I saw it.. now tell me! pinagnanasaan mo si PJ ano?" she smiled at me witchily. Bruha talaga 'tong bestfriend ko!
"Akin na nga 'yan!" I tried to get the picture pero tumakbo si Cristine kaya naman naghahabulan kaming dalawa sa kwarto ko.
"Umamin ka muna! You're lusting over PJ!" natatawang sabi ni Cristine habang patuloy sa pagtakbo.
"Hindi! Cristine Angeles give that back to me!" tumakbo ako palapit sakanya pero tumawid siya sa kama kaya naman nasa magkabilang side na kami ng kama.
"Umamin ka muna!" nagbelat pa ang loka. Feeling teen e. tsk.
"Wala akong aaminin!" Ugh! This is so frustrating! Pinagnanasaan na ba agad kapag may picture na topless? Hindi ba pwedeng sinisilip ko lang ang gwapong mukha ni PJ?
"Bakit ka nagtatago ng picture ni PJ sa drawer mo? At bakit topless?" she teased. Dapat talaga walang pakalat-kalat na gamit kapag nandiyan si Cristine e.
"Wala lang.." pakiramdam ko, pulang-pula na ang mukha ko.
"Umamin na kasi.. pinagnanasaan mo si PJ ano?" tawa ng tawa si Cristine. Ay naku! Nakakainis na 'tong babaeng 'to.
"Oo na! Pinagnanasaan ko na si PJ! Now.. pwede ko na bang makuha 'yang picture niya?!" natigilan si Cristine and I get that oppurtunity para kunin ang picture sakanya. tumalikod na 'ko kay Cristine para itago ang picture nang makita kong nakatayo si Thunder, Blue, Cupid at PJ sa pinto ng kwarto ko.
Cupid had a playful smile on his lips. Blue jaw dropped. Thunder gave me a boyish grin at si PJ.. hindi ko maintindihan ang expression ng mukha niya..
I blanched. Pakiramdam ko nawalan ng kulay ang mukha ko! I just admit na pinagnanasaan ko si PJ at narinig nilang 4 'yun! This is all Cristine's fault!
"We heard you scream kaya nagpunta kami dito.. hindi namin alam na.. na.." I heard Blue.. parang hirap na hirap siyang sabihin kung anuman ang sasabihin niya.
"That was a revelation.. mukhang exciting ang magiging honeymoon niyo ah." Tinapik ni Thunder ang balikat ni PJ. I flushed.
"Tara na sa baba." Ayun lang at naglakad na palayo si PJ kasunod ng tatlo.
Tumingin ako kay Cristine and she mouthed sorry.
I took a deep breathe. Ugh! Nakakahiya ka Stephanie! Nakakahiya ka!