Hiraya Pov
Umuulan na naman palagi nalang ganito sa kaarawan ko. Hindi ko alam kung nagkataon lang o baka meron itong kahulugan.
Sabi kasi ng iba may dala daw itong swerte.
Pag umuulan daw sa birthday mo marami daw blessings na dadarating sayo.
Gusto kong maniwala pero may sinasabing iba ang utak ko.
Parang kathang isip.
Bata palang kasi ako marami ng nangyari sa akin na hindi ko ma ipaliwanag.
I see things that I shouldn't see and hear things that I shouldn't hear.
Katulad noong four years old palang ako. Isang gabi naglalaro ako mag isa sa labas ng bahay namin at habang naglalaro ako may napansin akong kakaiba sa isang kahoy.
Isang Higanteng Lalaki na naninigarilyo.
Noong seven years old naman ako ay na alala ko pa na pumunta kami sa isang lumang bahay sa probinsya.
Nang pumasok kami sa bahay ay may narinig akong boses na bumubulong sa tenga ko.
Tumingin ako sa kanan at may nakita akong isang bata. Akala ko buhay siya pero hindi.
Dahil Patay na siya.
And recently pumunta kami sa isang ilog at habang naliligo kami doon ay may napansin akong magandang babae na nakatingin sa akin habang nagtatago sa malaking bato.
Akala ko tourista lang siya katulad ko pero ng tumalon ito sa ilog, hindi.
Dahil Isa siyang Babae na may buntot ng isang Isda.
Hindi lang yun ang mga nangyari sa akin, marami pa but I chose to ignore.
Natatakot? Oo, pero hindi ko nalang pinapansin.
But.....
There is something inside of me that pulls me closer to that world.
I don't know what is it, but one thing I know is that I'm different.
"Hiraya, are you okay?" Tanong ni Daddy Gabriel sa akin habang nagmamaneho, Ihahatid niya kasi ako sa school.
"I'm fine, Dad. malungkot lang ang kalangitan, nakakahawa" Sabi ko habang nakatingin sa ulan.
"Hindi kana nasanay, alam mo naman na tuwing kaarawan mo palaging umuulan" Ngiting sabi ni Daddy.
"I'm used to it Dad, pero nakakapagtaka lang talaga kung bakit" Sabi ko sabay tingin kay Dad.
"May mga bagay talaga na hindi natin maipaliwanag. Isipin mo nalang na espesyal ka" Ngiting sabi ni Dad.
"Sana nga" Sabi ko.
Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay napansin ko na dumaan pala kami sa Balete Drive.
Nang makita ko ang signage ng Balete Drive ay may bigla akong na alala. I see some memories. Magulo siya na hindi ko maintindihan.
"This place" Sabi ko habang nakatingin sa signage na Balete Drive.
"You still remember my story?" Tanong ni Dad sa akin.
"Oo naman dad, paano ko makakalimutan ang lugar kung saan mo ako nakita" Sabi ko sabay tingin kay Dad.
Nang marinig yun ni Dad ay napangiti siya.
"Ang sanggol sa balete drive. parang pelikula pero horror" Pabirong sabi ko.
"Well, the moment I found you, everything changed" Ngiting sabi ni Dad.
"Dad, wag mong sabihin na mag da-drama ka na naman" Sabi ko.
"Hindi mo ako masisi, para na rin kitang anak, makita kang lumalaki ay masaya, napakasaya" Madramang sabi ni Dad.
"Nako Dad, bakit ba kasi hindi kapa nag-aasawa? Ang tanda tanda mo na no,
dapat nga lima na anak mo" Sabi ko.
Oo, single pa ang Daddy Gabriel ko.
Hindi naman siya pangit. Ang gwapo kaya ni Dad, para nga siyang modelo dagdag pa diyan na mabait siya at ma alaga. kaya nasa kanya na talaga lahat.
"Kung makatanda ka naman sa akin, ang gwapo ko kaya" Sabi ni Dad.
"Hayssss" Sabi ko.
"By the way, here's your gift" Ngiting sabi ni Daddy sabay bigay ng isang box.
"Again? you already gave me a gift"
"The more the better, buksan mo" Ngiting sabi niya sa akin.
"Okayyy" Sabi ko sabay bukas sa box.
Pagbukas ko ay nakita ko ang isang
blue na ribbon.
"What is this?" Tanong ko.
"It's a ribbon with indigenous print based from ancient marks in the Philippines" Ngiting sabi ni Dad.
Nang marinig ko yun ay kinuha ko ang ribbon sabay tingin sa details nito.
Ang ganda nito dahil ang mga design ay kakaiba.
"Ang ganda pero bakit mo ako binigyan nito Dad? Anong gagawin ko nito?" Naguguluhang sabi ko.
"To remind you to fix your hair. Gamitin mo yan pang tali sa buhok mo"
"Wow, parang sinasabi mo na hindi ko inaayos buhok ko" Sabi ko.
"Parang ganun na nga" Ngiting sabi ni Dad.
"Okayyyyy, thank youuu"
"Walang anuman" Ngiting sabi ni Dad.
Ilang mga sandali ay dumating na kami sa school.
"We're here" Sabi ni Dad.
"Thanks Dad" Sabi ko sabay bukas sa pintuan.
"Sandali, bago ka lumabas, itali mo muna ang buhok mo" Sabi ni Dad.
"Dad, I don't have time" Sabi ko.
"You have time" Sabi niya.
"Pero....." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng kunin ni Dad ang ribbon.
"Let me" Sabi ni Dad sabay ayos sa buhok ko.
"Dad, marunong kaba?"
"Oo, I trained hahaha" Sabi ni Dad sabay tali sa buhok ko.
Nang marinig ko yun ay napangiti ako.
"Ayan okay na" Ngiting sabi ni Dad.
Nang marinig ko yun ay napatingin ako sa mirror ng car.
"Wow, ang galing ha" Sabi ko.
"I'm the best Dad" Ngiting sabi niya.
"Okayyyy, sige na Dad, pasok na ako. Thank you again" Sabi ko sabay labas at kuha sa payong ko.
"Ingat ka ha" Ngiting sabi ni Dad.
"Opo" Sabi ko.
"Galingan mo rin sa Arnis training mo ha" Ngiting sabi ni Dad.
Nang marinig ko yun ay tumango ako.
Ilang mga sandali ay pumasok na ako sa Dakila Academy. It's one of the best academy in the city that really pay homage of the Philippines culture and history.
Ngayon ay naglalakad na ako papasok sa school.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga tingin ng mga estudyante sa akin.
Well, hindi na ako nagtataka, nasanay na ako pero uncomfortable parin ako.
Kaya imbes na pumunta ako sa classroom ay dumiritso muna ako sa CR.
Pagpasok ko ay lumapit kaagad ako sa salamin sabay tingin sa repleksyon ko.
Nakatingin ako sa morena kong balat at sa mataas kong buhok.
I'm different not just because of my experiences in life but also because of my look, especially my hair.
I have black and white hair. A genetic thing that I get from my parents I guess.
I try to dye it with black but it's still not working. It's still coming back.
"Well, well, well. Looks who's here.
Hiraya Dela Cruz"
Nang marinig ko ang boses na yun ay napaharap ako.
"Regina???" Gulat na sabi ko.
"Yeah, the one and only" Ngiting sabi ni Regina habang kasama niya ang kanyang mga minions na parang mga clown dahil sa kapal ng mga make up.
"I'm sorry, I have to go, excuse me" Sabi ko sabay lakad.
Lalabas na sana ako pero hinila niya ang buhok ko.
Dahil rito ay natanggal ang ribbon sa buhok ko.
"Saan ka pupunta?!! Hindi pa ako tapos sayo!!" Sabi niya sa akin habang nakahawak parin sa buhok ko.
"Regina ano na naman to?!! Anong kailangan mo sa akin?!" Seryosong tanong ko sa kanya.
"May atraso kapa sa akin, you freak!!!!" Sabi niya sabay hila ng malakas sa buhok ko.
Dahil sa hila na yun ay hindi na ako nakapagtimpi.
"Ano ba Regina!! Bitawan mo ako!!!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.
To the rescue naman ang mga minions niya dahil sinalo siya ng mga ito.
"Aba!! lumalaban kana ha!! Girlsss!! hawakan niyo siya" Sabi ni Regina sa mga minions niya. Sinunod naman siya ng mga ito.
Dahil rito ay hindi na ako makagalaw dahil sa dami nilang nakahawak sa akin.
"Regina? What is this all about?" Sabi ko sa kanya.
"Nakakalimutan mo yata na may kasalanan ka pa sa akin" Sabi niya sabay hila ulit sa buhok ko.
"Anong kasalanan???" Tanong ko sa kanya.
"Pinahiya mo ako sa Arnis training while my parents are watching. Ako dapat ang rank 1, not you" Sabi niya habang nakahawak parin sa buhok ko.
"I won all those rounds fair and square. Kaya hindi ko kasalanan na mas marami akong wins kaysa sayo. So, better luck next time" Sabi ko.
"Anong sabi mo????!!!" Galit na sabi niya.
Sasampalin na sana niya ako pero may biglang pumasok na teacher sa CR.
"What happened here?" Tanong ni Miss Rodriguez.
Nang marinig yun ng mga minions ni Regina ay binitawan nila ako.
"She started it maam, bigla niya akong sinabunutan. Diba girls???" Sabi ni Regina habang nakaturo sa akin.
"Yes Maam!!!" Sabay na sabi ng mga minions niya.
"Okay okay, I don't know what exactly happened here but please, go back to your room, baka ma late pa kayo" Sabi ni Miss Rodriguez sa amin.
Nang marinig namin yun ay tumango kami.
"Not you, Hiraya" Sabi ni Miss Rodriguez.
Nang marinig ko yun ay tumango ako. Sina Regina naman ay umalis habang nakangiti ng maloko sa akin.
"I didn't do it, I promise" Sabi ko kay Miss Rodriguez ng kami nalang dalawa.
"I know, and you don't need to be worry. Is this yours?" Sabi ni Miss sabay pulot sa ribbon.
"Opo" Nahihiyang sabi ko.
Nang marinig yun ni Maam ay ngumiti siya.
"Halika nga dito, ayusin natin ang buhok mo" Sabi ni Maam sabay ayos sa buhok ko.
"Napakaganda talaga ng buhok mo. You should take care of it" Ngiting sabi ni Miss Rodriguez habang inaayos ang buhok ko.
"Maganda? Sa inyo po siguro" Matamlay na sabi ko.
"Hiraya, ayan ka na naman" Sabi ni Miss Rodriguez sabay harap niya sa akin.
"Sorry Miss" Sabi ko.
"It's okay, but Hiraya, always remember you're beautiful, so don't hide it" Ngiting sabi ni Maam.
"Okay po"
"If you need someone to talk to. I'm here" Ngiting sabi ni Miss Rodriguez.
Si Maam Rodriguez talaga ang pinakamabait at matulungin na teacher na kilala ko. She's full of good deeds. Marami na siyang na tulungan, hindi lang mga students.
Hindi lang kasi teacher si Maam Rodriguez. Isa rin siyang volunteer helper at motivational speaker. Marami na siyang nagawa para sa lahat.
That's why I'm really look up to her. She's an inspiration for everyone.
"Thank you Maam, sige po, punta na po ako baka ma late po ako. Salamat po ulit" Sabi ko.
"Sabay na tayo, tutal doon rin naman punta ko" Ngiting sabi niya.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Well, I'm your new Philippine History Teacher" Ngiting sabi ni Maam.
Nang marinig ko yun ay nagulat ako.
Ilang mga sandali ay lumabas na kami sa CR sabay lakad pa punta sa classroom.
"Akala ko po sa college department po kayo nagtuturo" Sabi ko sa kanya.
"Yes, I'm still a professor there but there some changes. Your old teacher has an emergency" Ngiting sabi niya.
"Si Maam Castro? Anong nangyari po sa kanya?"
"I cannot tell you, but it's a serious matter"
"Ahhh"
"So, for the mean time. I will be your teacher" Ngiting sabi ni Maam.
Nang marinig ko yun ay napangiti ako.
Ilang mga sandali ay nasa classroom na kami.
"Maam Rodriguez, can I talk to you for a second?" Sabi ng isa pang teacher kay Maam Rodriguez.
"Sure, Hiraya pasok kana, susunod na lang ako" Ngiting sabi ni Maam.
Ako naman ay tumango nalang sabay pasok sa room.
"HIRAYAAAAAAA" Sabay na sabi ng dalawa kong kaibigan sabay takbo at yakap sa akin.
"HAPPY BIRTHDAY" Ngiting sabi ni Luna at Wade.
"Thank you guys" Ngiting sabi ko sa kanila.
Sina Luna at Wade ang mga kaibigan ko noon paman. Kababata ko sila kaya para ko narin silang mga kapatid.
"Late ka yata, you're not like that. May nangyari ba?" Tanong ni Luna.
"Yes, something really happened" Sabi ko.
"Anong nangyari?" Tanong ni Luna habang may dalang libro.
Luna Salvador is my genius friend. Siya ang perfect example ng beauty & brains. She has this white skin and short hair with bangs. She's also wearing eyeglasses kaya mahahalata mo talaga sa kanya na matalino siya.
"Let me guess, si Bruha na naman no?" Sabi ni Wade habang may hawak na foundation at salamin.
Si Wade Sandoval naman ang pinakababae sa amin kahit hindi siya babae. Siya rin pinaka talented sa amin. Isang siyang singer. Napakaganda ng boses niya, parang isang babae. And he has this curly hair and moreno skin that really fits on him.
"Yes, it's Regina again" Sabi ko sabay upo sa upuan ko.
"What did she do this time?" Tanong ni Luna.
"Ahmmmm" Sabi ko.
"Ahmmm ano???" Tanong ni Wade.
"Hinila niya ang buhok ko at muntikan na rin niya akong masampal" Sabi ko.
"ANO???!!! BAKIT??!!" Gulat na sabi nilang dalawa.
"Galit siya sa akin kasi mas mataas ang rank ko sa Arnis kaysa sa kanya" Sabi ko.
"Nako, hindi talaga matanggap ng bruhang yun na mas magaling ka sa kanya" Galit na sabi ni Wade.
"She's really unbelievable. Hindi ba siya nahihiya sa mga ginagawa niya?" Sabi ni Luna.
"Paano mahihiya eh ang kapal kapal nga ng mukha nun, katulad ng makeup niya. Akala mo maganda eh para nga siyang espasol" Sabi ni Wade.
"Guys, ang importante, I'm okay" Sabi ko sa kanila.
"Oo nga naman, pero bully is not acceptable. She's been doing that since then, not just to you but to everyone, kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi siya maalis sa school" Sabi ni Luna.
"Girl, alam mo naman na ang pamilya niya ang isa sa mga biggest sponsor dito sa school. Kaya kahit anong push ng mga teacher dito sa kanya, hindi talaga nag wo-work" Sabi ni Wade.
"Wala na talaga tayong magagawa, kaya pabayaan nalang natin. Karma is always there" Sabi ko sa kanila.
"I agree, nako!! stop na tayo sa drama category, by the way, our gift" Ngiting sabi ni Wade sabay bigay ng isang paper bag.
"Nako nag abala pa kayo, okay lang naman kahit wala" Sabi ko sa kanila.
"Nako girl kami pa ba" Ngiting sabi ni Wade.
"You deserve it Hiraya" Ngiting sabi ni Luna.
"Thank you Guys" Ngiting sabi ko.
"Wait, may napansin ako" Sabi ni Wade sabay punta sa likod ko at hawak sa ribbon sa buhok ko.
"Yeah, Dad gave it to me earlier, bagay ba sa akin?" Tanong ko sa kanila.
"Bagay na bagay, ang ganda mo" Ngiting sabi ni Luna.
"I agree, kaya girl you should always tie your hair like this" Ngiting sabi ni Wade habang inaayos ang buhok ko.
Ilang mga sandali ay pumasok na si Maam Rodriguez kaya bumalik na kaming lahat sa mga upuan namin.
"Hello everyone, good morning" Ngiting sabi ni Maam sa amin.
"GOOD MORNING, MAAM RODRIQUEZ" Sabi naming lahat sabay tayo.
"Thank you, have a sit" Ngiting sabi ni Maam.
"I know your wondering why I'm here. Well, for the mean time, I will be your Philippine History Teacher. Maam Castro has a serious matter to fix. So, before we begin.....My name is Isabella Rodriquez, LPT, Maed" Ngiting sabi ni Maam sa amin.
"We will have a long journey, so bear with me as we travel back in time in our history" Ngiting sabi ni Maam.
~
Third Person Pov
Naglalakad ngayon si Gabriel sa quiapo. Kita niya ang napakaraming tao na kagagaling lang sa simbahan. Ang iba naman ay bumibili ng mga damit at pagkain. Ang Ilan naman ay nagpapahula sa mga fortune teller at doon papunta si Gabriel.
Ngayon ay nakaharap siya sa isang malaking violet na tent na may nakalagay na Mga Mata ni Diana.
Ilang mga sandali ay pumasok siya sa tent. Pagpasok niya ay kita niya ang mga kagamitan na makikita mo lang sa isang fortune teller. Mga tarot card, crystals, astrological posters at ang bolang crystal na nakalagay sa table.
Ilang mga sandali ay umupo si Gabriel kaharap ang bolang crystal.
"Diana?" Sabi ni Gabriel habang hinahanap si Diana.
"Tawagin mo nalang akong Dalikmata, tutal tayo lang naman ang nandito"
Nang marinig ito ni Gabriel ay nagulat siya. Dahil bigla nalang itong sumulpot sa likod niya.
Nakasout ito ng violet na dress habang naka turban. May mga accessories rin siyang sout at malalaki ang mga ito. Ang makeup naman niya ay napaka weird. Color violet ang kanyang eye shadow at lips.
"Wag mo nga akong gulatin ng ganun, para kang multo eh" Sabi ni Gabriel.
"Napaka OA mo, parang hindi ka isang diyos katulad ko, Galang Kaluluwa" Sabi ni Diana kay Gabriel habang inaayos niya ang kanyang mga tarot cards.
"Gabriel nalang ang itawag mo sa akin....at kamusta na pala ang pagiging manghuhula mo dito?"
"Okay lang naman. Nabubuhay naman ako kahit papano, kasi maraming nagpapahula sa akin, kahit mga artista. Kaya marami rin akong kita sa pagiging manghuhula ko dito sa quiapo" Sabi ni Diana.
"Nakakatawa lang dahil ang dyosa ng pangitain ay nakikipag kompetensya sa mga pekeng manghuhula" Sabi ni Gabriel.
"Well, I'm trying to be lowkey of my powers. As best as I could" Sabi ni Diana.
"Oo nga pala, bakit mo ako pinapunta dito?" Seryosong tanong ni Gabriel.
Nang marinig ito ni Diana (Dalikmata) ay napatingin siya kay Gabriel (Galang Kaluluwa) sabay lapag ng isang tarot card.
Tarot card ng isang ahas.
"Nakita ko ulit ang pangitain na yan" Sabi ni Diana.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Gabriel.
"Buhay siya Gabriel, mas malakas at mas makapangyarihan"
Nang marinig yun ni Gabriel ay nagulat siya ng husto.
"Imposible!!! Akala ko ba nagkamali ka lang sa nakita mo noon" Sabi ni Gabriel sabay tayo.
"Akala ko rin pero ngayon ay sigurado na ako, buhay siya pero hindi ko alam kung nasan siya" Sabi ni Diana.
"Pero matagal na siyang patay. Pinatay siya ni Bathala nagdaang taon na" Sabi ni Gabriel.
"Alam ko, pero buhay na buhay siya sa pangitain ko. Buhay ang diyos ng kamandag"
"Hindi ito ma-aari marami ang mamatay. Makapangyarihan siya. Si Bathala lang ang pwedeng tumalo sa kanya pero alam mong hindi na yun pwede ngayon" Sabi ni Gabriel.
"Alam ko, kaya hindi ko ito ipina alam sa lahat" Sabi ni Diana.
"Sino lang ang nakaka alam nito?" Tanong ni Gabriel.
"Ikaw at si Bathala" Sabi ni Diana.
"Alam na to ni Bathala? Anong sabi niya?" Sabi ni Gabriel.
"Natatakot siya para sa lahat, hindi lang sa mundo ng mga tao pati narin sa mundo natin" Sabi ni Diana.
Nang marinig yun ni Gabriel ay nalungkot siya.
"Pero mas natatakot si Bathala para sa kanyang anak" Sabi ni Diana.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang saad ni Gabriel.
Nang marinig yun ni Diana ay naglagay siya ulit ng isang tarot card sa table.
Isang tarot card ng isang babae na may hawak na sandata.
"Ang nakita ko ay hindi lang isang pangitain. Isa itong propesiya" Seryosong saad ni Diana.
Nang marinig yun ni Gabriel ay nagulat siya.
"Itinakdang kinalakihan. Babaeng mahiwaga. Isang mandirigma na may dugo ng isang diyos na taglay ang kapangyarihan ng Kidlat. Siya ang nakatakdang papatay sa diyos ng kamandag" Seryosong saad ni Diana.
Nang marinig yun ni Gabriel ay nagulat siya ng husto.
"Si Hiraya ang nakatakdang papatay kay Ulilang Kaluluwa" Sabi ni Diana.
⚡️
✨FUN FACT✨
"Hiraya" is an ancient Filipino word that figuratively means the fruit of one's dreams, wishes and aspirations, the feeling of hopefulness that something will come true.
A deeper form of "Sana"
⚡️