webnovel

Finals

"May mga alaala na hindi natin makakalimutan. Gaya ng isang taong minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon. Highschool ako ng maramdaman ko ang sinasabing pagibig. Isa akong barumbado at isang walang pakielam sa marka. Pero isang araw dumating sya sa paaralan namin. Simula noong araw na iyon ay nabihag nya ang puso ko. Niligawan ko at naging kami. Sobrang mahal namin ang isat isa. Pero sa hindi inaasahan na pangyayari ay pinatay sya. Wala akong nagawa para ipagtanggol ang taong mahal ko. Basta nangako akong magaaral akong mabuti para sa kanya at magtatapos ako at kakamitin ko ang hustisya para sa kanya at malapit na. Itong medalyang to inaalay ko ito sayo mahal ko. Shelley Mahal na mahal kita! Marami pa tayong magiging pagsubok sa buhay kaya sana mga kapwa ko magaaral na magtatapos sana malagpasan nyo ang lahat" bumaba ako sa stage

College na ako at natapos ko ang abogasya gusto ko na ito bata pa lang ako at dahil narin kay Shelley nakatapos ako at Cumlaude pa. Inaalay ko ito lahat kay Shelley

Pagkauwi ko dumiretso na sila Mama sa bahay pero ako kay Shelley.

"Oh Kamusta naman dyan? Malapit na mahal ko. Malapit ko ng makamit iyon malapit na.Tignan mo may medal na ako oh. Para sayo ito.Masaya ako na kahit wala ka na. Ginagabayan mo parin ako. Salamat mahal kk at alam mong Mahal na mahal parin kita.Sige na mahal ko hinahanap na ako nila Mama"

Makalipas ang 4 taon ay bumalik ako kay Shelley. Dala dala ang ilang dokumento.

"Ano mahal ko, bilib ka na ba sakin? Nahuli ko na sya. Nasa kulungan na sya at kahit kailan hindi ka na nya magagalaw pa. Siguro naman natupad ko na ang pangako ko sayo. Pero malungkot parin ako kahit ganoon. Sabik na sabik na ako sayo mahal ko. Gusto na kitang tabihan at matulog sa tabi."

"

( yung naka Italize and Bold its Matt's Dream )

'Matt Matt!'

Nagising ako teka nasaan ako?

'Matt Matt andto ako'

Luminga linga ako Boses ni Shelley yun

'Huy Matt Adto ako'

Si Shelley nasa harap ko niyakap ko sya agad

'Shelley Miss na miss kita' umiiyak ako habang nakayakap sa kanya pinunasan nya ang luha sa pisngi ko

'Matt ito na ang huling beses na makikita mo ako sa panaginip mo' nalungkot ako sa sinabe nya

'Kung panaginip man to ayaw ko ng magising dto na lang ako kasama ka' tumulo ang luha nya

'Matt wala na ako.Pero tandaan mo.mahal na mahal kita Pero wala na ako ituloy mo ang buhay mo Matt magmahal kang muli wag mong ikulong ang puso mo sa pagmamahal mo sakin.Pwede mo parin naman akong mahalin Mahalin bilang isang ala ala masayang alaala kahit may oarteng hindi masaya' umiiyak sya ganun din ako Kakayanin ko ba Kakayanin kobang hindi sya makasama

'MATT WAKE UP! someone is waiting for you and I know shes the one for you.Just dont forget me mahal na mahal kita but Im setting you Free..Matt wake up your heart shes there Shes the one for you.I may be your first love but prepare yourself for your last..Bye Matt I love you I really do'

Bigla syang naglaho unti unti hanggang sa hindi ko na sya makita Ang ingay hangang sa liwanag na ang nakikita ko

"Mi,Di sabi nyo kapag nagmahal ako ng totoo magiging masaya ako! Bakit si Kevin mahal ko naman sya ah! Totoong pagmamahal lahat ginawa ko para sa kanya bakit nya ako pinaalis sa buhay nya?" Ang ingay nya iminulat ko ang mata ko at umupo sa katabing puntod ng kay Shelley isang babae ang umiiyak

"Shelley sya ba ang sinasabi mo?"

"Eh bakit ganito Mi umiiyak ako ?Ilang beses na ba Mi at Di simula sa first boyfriend ko nasaktan ako hangang sa panglima ba naman Mi ganito ako??" Naiiyak sya luminga linga ako baka nag shushooting sya e magulo ko pa naulan pa

Shelley kung sasagot ka ng Oo sana humangin na lang hindi yung pinaulan mo pa buti may payong ako

"Ms. nagshushooting ka ba?O kaya nan gumagawa ng music video?"

Hindi nya ako pinansin pero umiyak lang sya

"Hala Ms wag ka ng umiyak hindi na kita guguluhin sa paggawa ng music video mo?" Lalo lang syang umiyak

"Hindi namn ** ako gumagawa ** ng music ** video eh**" sabi nya

(Sobs po yung ** )

"Eh bakit ka umiiyak sa ulanan??" Tanong ko

"Sino ka ba ? ** kanina ka pa eh" sigaw nya sakin

"Kanina pa ako dto sa tabi mo hindi pa umuulan Nandto ako kasi dinadalaw ko ang puntod ng girlfriend ko ayan oh katabi lang ng puntod na kinakausap mo kanina pa!Bago ka makarating dto na mukhang zombie eh nandto na ako dinig na dinig ko mga hinaing mo sa mga magulang mo ! Pero Ms sabi ng Mama ko kapag daw nagmahal ka dapat daw handa ka masaktan dahil kakambal ng magmahal ang masaktan kaya hindi ka dapat nagwawala ng ganyan sa harap ng magulang mo kasi hindi nila gustong umiiyak ang mga anak nila" natahimik sya tas bigla akong niyakap

"Sige yakapin mo lang ako hanggang sa tumahan ka na!" Sabi ko na lang

"Salamat ah" yun lang nasabi nya tas tumayo sya at umalis na

Ako naiwan magisa dto

"Shelley sya na ba yung sinasabi mo?? Siguro sya na mas pinalakas mo yung ulan eh"