webnovel

4th Grading

Isang buwan na ang nakalipas simula nung makuha ko ang card ni Shelley at hanggang ngayon hindi sya pumapasok. Sabi ng mga guro namin ay baka mahirapan na silang ipasa si Shelley kahit na maganda ang grades nito noong unang markahan.

Nasaan na kaya sya? Bago ako pumasok ay dumadaan ako sa kanto ng iskinita nila, umaasa na baka makita sya doon at makausap. Araw araw ganon ang ginagawa ko. Walang palya.

Tulad ng sabi nya sa sulat, ay kahit mahirap ay pinipilit kong magaaral ng mabuti. Hindi ko pinapabayaan ang pagaaral ko dahil ayokong pagbalik nya ay malungkot sya na bumalik ako sa dating gawi.

"Hindi pa rin ba kayo nagkikita ni Shelley?" Tanong sakin ni Chase sa akin.

"Hindi pa nga eh. Hindi parin sya pumapasok diba!" Sabi ko. Nakakapanlumong isipin.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Pumasok na sya. Nakita ko pa nga sya kanina. Ang payat nga nya eh tapos parang wala sa sarili." Sabi ni Chase. Agad akong napatayo. Paanong pumasok sya at hindi ko nakita? Nanggaling ako doon sa kanila kanina pero hindi ko naman sya nakita.

"Saan mo sya nakita?" Tanong ko agad. Kailangan ko na syang makita.

"Papuntang library!" Sabi ni Chase

"Sige pre salamat!" Sabi ko kahit papasok yung teacher namin lumabas parin ako at pumuntang library. Wala akong pakialam kung tinatawag ako ng guro namin. Umalis pa rin ako at dumiretso sa library.

Nakarating akong library pero wala sya dun. Saan naman kaya sya? Wala rin sya sa pwesto na lagi namin tinatambayan sa tuwing gusto namin magaral.

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng library. Pero hinarang ako ng isang babae.

"Matt Cameron right?" Sabi nya. Nagtatakha ko syang tinignan. Inaalala kung kilala ko ito.

"Oo bakit? Anong kailangan mo?" Tanong ko naman. May kinuha sya sa loob ng bag nya at iniabot sakin iyon.

"Pinabibigay ng isang babae Shelley ang pangalan!" Sabi nya kaya agad kong kinuha iyon at niyakap.

"Salamat" tinignan ko iyon

Nilagay ko ito sa bulsa at pumasok ako ng klase at napagalitan pa ako dahil lumabas ako kanina kahit papasok na ang teacher kanina.

Tulala lang ako sa buong klase. Wala akong kahit sinong pinapansin. Tinignan ko lang binigay ni Shelley na nasa kamay ko.

Natapos ang klase at inaya ako nila Chase kumain. Dahil medyo namamayat na rin daw ako. Simula noong hindi nagpapasok si Shelley, madalas ay wala akong gana.

Pagbaba namin ng building ay may mga pulis na nagkalat. Ang ilan sa mga studyante ay nakakausyoso.

"Anong meron?" Dinig kong sabi ng isang studyante

"May babaeng nagpakamatay daw. Galing daw sa last section." nagkatinginan kami nila Chase. Pilit kong inalala kung sino ba sa mga kaklase ko ang wala sa klase. Doon ko napagtanto, na si Shelley lang ang bukod tanging wala sa klase namin.

Nagsimulang bumigat ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ang pawis ko rin ay nanlalamig. Hindi. Hindi naman siguro.

Kaya kahit kabado at natatakot ay pinilit kong makalapit sa mga pulis na inilalabas ang bangkay nung sinasabi nilang babaeng nagpakamatay. May nakatakip ditong puting tela.

Naramdaman ko ang paginit ng mga mata ko. Nauubos ang lakas ko para harapin ang babaeng may takip ng puting tela.

"Hindi.." Unti unting nadurog ang puso ko ng makita ko ang nakalaylay na kamay niyo. May dugo ito at naroon ang bagay na hindi ko gustong makita. Ang kalahati ng puso ko. Ang kwintas na ang babaeng mahal ko at ako lang nagmamay ari.

Kahit pinagbabawalan ako ay pinilit kong makalapit. May ilang pulis ang humawak sakin pero wala akong pakialam at nagpumiglas upang malapitan ang babaeng mahal ko. Hindi. Nakita kong naroon si Sir Toledo at kinakausap ang mga pulis. Hindi ko alam kung bakit pero tumigil sila sa pagpigil sakin. Lumuhod ako at kahit nanginginig ang mga kamay ko ay pinilit kong itaas ang puting tela.

"Hindi.." kasabay ng pagbitaw ko sa tela ay ang pagtulo ng luha ko.

"Hindi...Shelley ano bang ginagawa mo dyan?" Sabi ko at pilit na ginigising si Shelley.

Hindi. Hindi maari.

"Matt" si Chase na pinipigilan ako.

"HINDI." Sigaw ko at nagpumiglas.

Hinaplos ko ang lamig nyang mukha.

"Shelley... mahal ko. Gumising ka na dyan. Diba magaaral oa tayo? Sino ng magtuturo sakin? Mahal wag naman ganito. Tayo ka na dyan mamahalin mo pa ako diba?"

Ang inosenteng mukha nya ay napalitan ng maputla at malamig na mukha. Ang mga mata nyang singkit ay nakapikit. Ang mapupula nyang pisngi at labi ay wala na rin. Kahit naroon pa rin ang matangos nyang ilong ay hindi pa rin iyon maiwawaksi na wala na sya.

"Shelley... mahal ko." Niyakap ko ang walang buhay na katawan ng babaeng mahal ko.

Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng mga tao. Kahit pilit nilang nilalayo sakin si Shelley.

"Kaano ano po ba sya ng biktima?" tanong ng isang puulis

"kasintahan po sya" si Chase ang sumagot.

"Nakita ho syang may saksak sa dibdib. Marami hong galos ang katawan nya. Napagalaman din ho namin ang tatay tatayan ho nya ang sumaksak sa kanya. Dahil sa sulat sa pader. Hindi ho ganon kalinaw pero may nakalagay ho doon na 'step-dad'." pagpapaliwanag ng pulis.

"Shelley babalik ako! Pagbalik ko ha salubungin mo ako ng nakangiti!" Bulong ko kay Shelley. Dahan dahan ko syang nilapag at kinumutan.

"Gusto kong makita."

Tumango sakin ang pulis at tinuro ang daan. Nang makapasok kami sa banyo ng mga babae ay puro dugo ang lapag pati na rin sa mga pader ay puno ng dugo. Naroon sa hindi gaanong kabaan ng pader ay may nakasulat. Gamit ang dugo nya ay pinilit nyang magsulat. Hindi nga ganoon kalinaw pero mababasa ang gustong sabihin.

'step dad''

Nanghina ako at napaupo sa lapag. Pinagmamasdan ang kabuuan ng banyo. Naalala ko ang liham ni Shelley kaya agad ko iyon nilabas. Napuno iyon ng dugo galing sa nga kamay ko.

'Matt

Si Papa ang bagong asawa ng Mama ko. Hindi ako makapagsbong pero pinagsasamantalahan nya ako Matt. Please tulungan mo ako. Sabi nya papatayin ka nya kapag nagsumbong ako sa pulis. Ayoko na! Tulungan mo ako. Kahit si Mama sinasaktan nya..Please Matt help me magkita tayo mamaya sa park kung sakaling hindi ako mahuli ni Papa

Mahal na mahal kita Matt Mahal na mahal'

Hindi ko mapigilan ang mapahagulgol. Kasalanan ko to. Dapat ay hindi na ako nagklase.

Kaya agad akong bumalik kay Shelley

"Chase nasaan na si Shelley?" Tanong ko kay Chase ng wala na roon ang katawan ni Shelley.

"Matt dinala na sya sa Morgue" sabi nya kaya napailing ako at bahagyang natawa.

"Hindi buhay pa sya. Nasaan sila? Pipigilan ko sila Chase. Nasaan na si Shelley!" Tinatanong kong pilit kay Chase pero ayaw nya akong sagutin. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.

"Matt wala na si Shelley. Patay na sya. Tingin mo ba masaya si Shelley na nagkakaganyan ka? Hindi nya ginusto ang mawala kaya ako sayo gawin mo lahat para maibigay mo ang hustisya kah Shelley. Gawin mo ang gustong mangyari ni Shelley. Ang mga pangarap nyo ni Shelley tuparin mo Matt."

Napayakap na lang ako kay Chase dahil sa sobrang pagiyak.

Tama naman sya. Wala na si Shelley, wala na yung mahal ko.

Shelley promise magtatapos ako. Pag nagtapos ako, ako mismo ako mismo ang magbibigay ng hustisya sayo.

Pinauwi na ako ni Sir Toledo at babalitaan na lang daw nya ako tungkol kay Shelley.

"Anak anong nangyare sayo?" Salubong ni paoa ng makita nyang may mga dugo ang katawan ko.

"Pa wala na si Shelley" halatang gulat sya

"Nagbreak na ba kayo?"tanong ni Mama at yumakap sakin.

Umiling ako

"Ma wala na sya! Pinatay sya Ma Pa." Umiiyak ako sa harap ng magulang ko. Ito ang unang beses kong umiyak sa harap nila.

Niyakap ako ni Mama at pilit pinapatahan

Wala na si Shelley

"Nahanap na ba yung pumatay?" Tanong ni Papa

"Hindi pa po! Pero kung hindi man ngayon balang araw magbabayad sya sa ginawa nya kay Shelley"

Tumayo ako at iniwan sila doon at pumasok sa kwarto ko. Naalala ko ang imahe ni Shelley na nakahiga sa kama ko. Lumapit ako sa kaliwang parte ng kama ko at pinagmasdan ang parte ng kama ko kung saan ko hiniga noon si Shelley.

Nagsimulang ulit bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala sya.

Paano ko tutuparin ang pangako kong hustisya kay Shelley? Kakayanin ko bang pumasok bukas? Gayong si Shelley lang ang maalala ko.

Hinawakan ko ang kwintas na suot ko.

"Para sayo mahal ko, gagawin ko." bulong ko sa sarili ko

Kinabukasan

"Matt pasensya ka na sa nasabi ko kahapon sayi!" Si Chase ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang yun Chase. Salamat ah!" Sabi ko

"Mr. Cameron maari ba kitang makausap?" sabi ng Principal namin.

"Sige Chase tawag ako ni Prince Epal eh!" Natawa naman sya kaya sumunod ako sa kanya.

"Paguusapan natin ang nangyari sa kasintahan mo Mr. Cameron. Alam namin na bago pa ito sayo at masakit pero wala kaming ibamg pwedeng kausapin. Hindi rin namin makausap ang ina ni Shelley." pagpapaliawanag nya.

"Ano ho ang tungkol kay Shelley?" tanong ko.

"Base sa record book, noong mga oras na yun ay ibang estudyante ang sinabi nyang bibisitahin nya. Meron tayonf kuha sa CCTV natin na pumasok sya at paikot ikot sya sa school pero tumigil sya kung saan nakita nya si Ms. Garlet na nasa tapat ng building ng seniors. Kita rin ang paglingon ni Ms.Garlet dito at mukhang natakot sya kaya nagtatakbo sya ganun din ang salarin! Dito naman nakitang pumasok sa banyo ng babae si Ms Garlet at pumasok din ito dun. Lumabas sya ng mga ilang minuto ang nakalipas att ilang minuto ang nakalipas may pumasok na mga estudyante na syang nagreport sakin na nakita nga si Ms.Garlet! Dahil sa gusto din namin bigyan ng hustisya si Ms Garlet binigyan na nmin ang mga pulis ng kopya nito at kung gusto mo bibigyan ka din namin. Pinuntahan na namin ang bahay nito pero wala na sya umalis sya. Bago pa sya umalis binugbog pa nito ang nanay ng biktima at tinangay lahat ng ari arian ng nanay ng biktima!"

Hindi ko napigilan ang sarili at napaiyak. Anong ginawa ni Shelley para magkaganito ang buhay na meron sya.

"Mr Cameron naka burol na po si Ms Garlet sa bahay ng totoong tatay nya. Eto po ang address. Alam ko naman na gusto mo syang makita. Ipagpapaalam kita ng apat na araw para mapuntahan si Miss Garlet. Hindi man tama sa oras pero sana bumalik ka rin dahil nalalapit na ang pagsusulit nyo. Nalulungkot din kaming nawala sya. Lalo na at sya ang rason kung bakit hindi ka na pasakit sa ulo ng mga guro mo. Kung handa ka na ay maari ka ng pumunta sa kanya." Pagkasabi nya non ay wala na akong sinayang na oras at umalis sa opisina nya. Bumalik ako sa silid namin at kinuha ko ang gamit ko.

"Saan ka pupunta Matt?" tanong sakin ni Chase.

"Kay Shelley. Sa burol nya." walang ganang sabi ko.

"Sasamahan kita." Pagboluntaryo nya.

"Hindi na Chase may klase pa." sabi ko pero kinuha na nya ang bag nya at sya na mismo ang humatak sakin at lumabas ng paaralan at bumyahe papunta sa bahay ng totoong tatay ni Shelley. Nagpadala na rin ako ng mensahe kela Mama at Papa na pupuntahan ko si Shelley.

Isang puting bahay ang sumalubong samin. Hindi ganoon karami ang tao. Pinapasok kami ng gwardya at doon sumalubong sakin ang litrato ng babaeng pinakamamahal ko. Naroon sya at nakangiti. May buhay at matamis pa ang mga ngiti nya.

"Ikaw ba si Matt? Ang kasintahan ng anak ko?" Isang may katandaan na lalaki ang sumalubong sakin. Tulad ni Shelley ay may singkit itong mata.

"Ako nga po!" pagsagot ko.

"Tumuloy ka! Kanina ka pa nya hinihintay!" kahit mapakla ay nakangiti sya. Tumango ako sa kanya at bago umalis sa kinatatayuan ko ay tinigan kong muli ang larawan ni Shelley.

Bawat hakbang papalapit sa kanya ay mahirap at mabigat. Gustong gusto ko tumakbo palayo. Pero gustong gusto ko rin tumakbo papalapit sa kanya at yakapin sya.

Naroon sya nakahiga at walang hininga. Mapakla akong napangiti.

"Chase alam mo ba. Pinangarap kong makitang naka make up si Shelley. Nasa imahinasyon ko na kasi ang maari nyang maging itsura." pagkwento ko kay Chase. Hinagod lang nya ang likod ko at malungkot na nakatingin kay Shelley.

Napansin ko na suot suot nya ang kwintas na binigay ko sa kanya.

"Mahal bangon ka na dyan. Ang daya mo naman. Iniwan mo ako agad. "

Hahanapin ko sya mahal ko. Pinapangako ko na magbabayad sya.

Ngumiti ako kay Shelley.

"Mahal ko, pangako magaaral akong mabuti tulad ng pangarap natin. Sisiguraduhin kong pasado ako sa mg pagsusulit ko. Promise mahal ko, gagawin ko yun. Tatambay ulit ako sa bubong kahit picture mo na lang ang kasama ko. Mahal ko, mahal na mahal kita at alam kong mahal mo rin ako!" Lahat ng iyon sinabi ko. Hindi ko na maririnig sa kanya muli na mahal nya ako.

"Tama ka mahal na mahal ka rin nya!" napalingon ako sa tatay nya na nasa paanan ni Shelley.

At may iniabot na maliit na notebook

"Kay Shelley yan nasa bag nya. Mahilig syang magsulat sa talaarawan nya. Nakalagay doon sa unang pahina, na kung dumating ang araw na ikakasal kayo ay ibibigay nya sayo yan." niyakap ko ang talaarawan ni Shelley. "Hijo, bumalik ka na lang bukas. Para makapagpahinga ka. Hindi gugustuhin ng anak kong makita kang nagkakaganyan." sabi nya sabay tapik sa balikat ko.

"Sige po. Babalik po ako bukas magpapaalam lang ako sa magulang ko. Mahal ko, babalik ako bukas pangako. Sasamahan kita hanggang sa huling araw na makikita kita." Nagpaalam na kami ni Chase sa kanila at umuwi.

Nagpasalamat din ako kay Chase dahil sa pagsama nito sakin.

"Oh anak ayos ka lang?" Bungad sakin ni Mama

"Hindi ma. Namimiss ko na ho sya. Babalik ho ako doon bukas ma." tumango sakin si Mama at sinabihang magphinga na dahil bukas ay babyahe akong ulit.

Umakyat ako at nagpalit ng damit.

Pumunta ako sa bubong ng bahay namin. Kung saan kami tumambay ni Shelley. Binuksan ko ang talaarawan nya.

'Hi Matt Cameron, mahal ko.

Sisimulan kong magsulat sa talaarawan na ito. Nawa'y mabuo natin ito ng masasayang ala ala. Nais kong ito ang maging saksi sa pagmamahalan natin at kung pagpapalain ay nais kong maikasal sayo at ibigay sayo ito.'

Ito ang nakalagay sa unang pahina.

'Masaya naman kaming pamilya pero alam kong may problema sila Mama at Papa ko! Hindi ko iyon pinansin dahil ang alam ko masaya ako!'

'Nagaaway sila Mama at Papa at pagkatapos lumayas si Mama at isinama ako ang sabi nya nambabae si Papa at yung babae daw ay ang sekretarya nya. Bago ako umuwi galing school pinuntahan ko yung sekretarya nya at napagalaman kong pinsan ni Papa yun. Paguwi ko sa bahay para ibalita yun kay Mama ay may kahalikan si Mama. Ang sabi nya boyfriend daw nya yun pero kakahiwalay lanh nila ni Papa. Kaya napagtanto ko na kaya nakipaghiwalay si Mama kay Papa eh para makasama nya ang sinasabi nyang boyfriend nyang si Garreth'

'Mabait so Gareth sakin. Lahat ng gusto ko naibibigay nya. Kahit hindi ko hinihiling binibigay nya.

Pero sinabi nya kay Mama na ilipat ako sa mas malapit na skwelahan. Kahit ayokong pumayag ay umoo na lang ako dahil magiging masaya si Mama kaya okay lang'

'Lumipat ako sa panibagong school ko at nakilala ko si Matt Cameron. Umpisa palang ng klase ay inasar na ako sa kanya ng kabigan nya. Alam ko sa sarili kong gusto ko sya. Pero hinitay kong umamin sya. Ayokong magpadalos dalo. Umamin sya sakin na gusto nya ako at gustong ligawan. Naikwento ko lahat yun kay Mama. Natuwa si Mama dahil nagkwento ako sa kanya at dahil daw nagdadalaga ako. Narinig lahat iyon ni Gareth at nagalit sya sa amin ni Mama. Dahil kinukunsinte daw ako ni Mama sa paglalandi. Kahit kailan, hindi ko naisip ang paglalandi. Dahil iba ang pagkakagusto sa paglalandi. Sinabi ni mama na ayos lang nama daw na magkagusto ako kaya lalong nagalit si Garreth at sinampal ako at si Mama. Dapat daw makinig kami sa kanya dahil sya daw ang padre de pamilya. Hindi nagalit si Mama at pinagsabihan akong makinig na lang kay Garreth.'

'Nagpaalam akong makikipagdate ako kay Matt at pinayagan naman ako ni Mama pero si Garreth kung ano anong pinaggagawa sakin. Pinaglinis nya ako ng buong bahay at pinaglaba at buti na lang natapos ko iyon ng mas maaga dahil late na late akong dumating. Buti na lang at hindi nagalit si Matt, ang saya saya nyang kasama. Nakakatuwa talaga sya. Ang saya ng araw mo kahit nagsimula itong hindi maganda. Medyo gabi na rin ako nakauwi kaya pinagalitan ako ni Garreth. Inawat sya ni Mama kaya sinampal nya si Mama. Hindi ako makalaban at wala akong magawa dahil puro takot ang naramdaman ko'

'Ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Kami na ni Matt at masaya ako na lahat handa nyang gawin para sakin. Sinabi ko iyon kay Mama at tuwang tuwa sya pero si Garreth ay nagalit. Hindi ko alam kung bakit. Hangang sa isang gabi bigla syang pumasok sa kwarto ko. Takot na takot ako. Kahit ngayon na sinusulatnko ito ay ramdam ko pa rin ang takot at pagkagalit. Papatayin nya daw si Mama kung magsusumbong ako. Kaya wala akong magawa. Buong gabi nya akong pinagsamantalahan.'

'Hindi ko masabi kay Matt yun dahil baka idamay ni Garreth si Matt. Galit na galit na ako. Sinubukan kong manlaban kaya hindi natuloy ang ginawa nya. Pero nagulat ako ng sakta nya si Mama. Halos mamatay na ito. Puro sya galos at duguan ang mukha. Ng matapos sya ay bumulong sya sakin. Sinabi nyang kayang kaya nyang patayin si Mama. Nanaig ang takot sakin para sa kay Mama. Hindi ko kayang nakikita syang nasasaktan. Nang gabing iyon ay wala akong nagawa at pinaubaya sa kanya ang katawan ko.'

'Tinatanong ni Matt kung may problema ako pero hindi ko masabi dahil pinagbantaan nya ako na papatayin nya si Matt. Mas lalo akong natakot dahil nakaya nyang saktan ang Mama ko si Matt pa kaya. Gabi gabi ay gusto ko na lang patayin ang sarili ko. Dahil gabi gabi nya akong inaangkin. Lumabas lang saglit si Mama ay gagawin nya na yon ng walang pahintulot. Minsan ay nagugulat ako dahil may humahawak na lang sa maseselan kong parte ng katawan. Hindi ko na kaya! Gusto ko na lang mawala. Pero naalala ko si Matt. Kaya naglakas loob ako at gumawa ng sulat upang humingi ng tulong sa kanya.'

'Pumasok ako sa paaral at lunapit kay Nathalie. Kaibigan ko at sya ang president ng library. Kaya sinabi kong iabot nya ang sulat kay Matt pakiramdam ko at huling sulat ko na ito dito sa note book na ito Wala na akong magagawa sana mabasa yun ni Matt'

Yung huling sulat nya magulo na. Habang binabasa ko iyon iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa nakatulugan ko ang talaarawan ni Shelley.

Araw ng Linggo

Nanidto na kami sa harap ni Shelley, ang araw ng libing nyam

Sinabi ko na ang lahat ng kaya kong sabihin. Pakiramdam ko ay hindi sapat ang mga salita para masabi ko ang mga gusto ko talagang sabihin.

"Basta mahal ko, mahal na mahal na mahal kita" sa lahat ng binibitawan kong salita umiiyak ako

Habang binaba ang kabaong nya ay unti unting namamatay rin ang puso ko.