webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
39 Chs
avataravatar

Chapter 9: Prep

"HA?" Sabay na sabi ng dalawa habang nakatingin sa isa't isa.

"Akala ko pareho tayo ng iniisip?" -Erine

"Teka nga saan mo naman napulot 'yung sinasabi mo na crush ako ni Shihan?" -Ciro

"Ngiti kasi siya ng ngiti habang kausap ka, e minsan lang yan ngumiti e!" -Erine

"E kasi nga, we're talking about Sir Lucrenze." -Ciro

"Ciroikawnalangangmagdalaniyankaymaamanneitanongmonalangkayerinekungsaankailangankonakasingumalis."

Binilisan ko na lang magsalita dahil kailangan ko nang umali doon. Bukod sa nacorner na ako, baka kasi marinig pa ng ibang mga estudyante ang pinag-usapan nila at pagmulan pa ng suspicion.

Wala namang klase dahil nga sa preparations para sa foundation week. Minsan lang naman ako magslack kaya sasamantalahin ko na. Dumiretso ako sa college library para magbasa ng kung ano-ano, at syempre, para matulog.

Nakasanayan ko nang sa college library magpunta dahil mas maraming libro ang pwedeng mabasa doon.

Naglakad ako papunta sa mga bookshelves upang maghanap ng pwedeng basahin. Naalala ko tuloy ang kaisa-isa kong pinsan na si kuya Ishid dahil mahilig siya magbasa ng mga libro. Napangiti ako nang makita si kuya Ishid sa di kalayuan. Nagulat din ako dahil may kasama siyang babae.

Lalapit sana ako sa kanila pero napatigil ako dahil nakita kong unti-unting inilapit nung babae ang isang kamay niya sa mukha ni kuya Ishid. Hindi ko naman makita kung anong reaksyon ni kuya Ishid dahil mula bata pa kami ay palagi nang nakatago ang mukha niya dahil sa hairstyle niya. Ang bangs kasi ng buhok niya ay natatakpan na ang mga mata niya at lagi siyang nakasuot ng mask tapos nakahoodie palagi kahit mainit. Saka kelan pa nagkaroon ng kaibigan si kuya Ishid e halos karamihan ay takot sa kaniya.

Teka, namamalikmata ba ako?! Hinawi lang naman ng babae ang buhok ni Ishid! E iyon ang pinakaayaw ni Ishid dahil ayaw niyang makita ng kahit sino ang—

Hala, nahawi na ng babae ang buhok niya. Hindi siya nagrereact kaya sa tingin ko ay hinyaan niya ang babae na gawin ang gusto nito. Para akong nanonood ng kdrama kung saan nabubunyag na ang sikreto ng hero sa heroine.

Hinayaan ko na lang sila sa moment nila dahil pakiramdam ko ay may something sa kanilang dalawa. Go kuya Ishid!

Bumalik na lang ako sa paghahanap ng libro. Ayun! Nakita ko na ang librong hinahanap ko. Tinangka ko itong abutin pero hindi ko yata kaya.

Maya maya ay may taong huminto sa likod ko. Ang corny pero parang nag slow motion ang paligid nang makita ko ang kamay nito. Tutulungan yata niya akong abutin ang librong kanina ko pa hindi maabot. Humarap ako para tignan kung sino ito saka tumingala.

Heto na naman, kumakabog na naman ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Si Dice. Siya lang naman ang may kakayanang magparamadam sakin ng ganito.

Bahagya niyang inihampas sa ulo ko ang libro, dahilan para makabalik ako sa realidad. Tumigil na rin sa pagslow motion ang paligid.

"You're spacing out again." Aniya saka naglakad palayo. Dala niya 'yung libro.

"Wait!" Sigaw ko.

"Shh." Pagsaway niya. Oo nga pala, nasa library pala kami.

"Hindi mo ba sakin ibibigay 'yan?" Sabi ko. Tinuro ko 'yung libro na hawak niya at itinaas naman niya ito.

"Ah ito ba? First come, first serve." Sagot niya saka umalis na.

Argh. Akala ko pa naman tinutulungan niya 'ko. Di siguro niya alam ang salitang "gentleman".

Kainis. Naghanap nalang uli ako ng ibang libro and then naghanap din ako ng pwesto na tahimik at wala masyadong estudyante. Kahit kasi library 'to ay hindi mawawala 'yung mga nagbubulungan.

Kinahapunan, pumunta ulit sa condo si Key. Napansin naman sigiro niya na normal na ulit ang kinikilos ni Dice at parang wala lang nangyari. Btw, yung normal na kilos ni Dice ay yung totoong ugali niya. Hindi yung pretentious freak self niya.

Halos kakatapos lang ng sunset at tapos na rin akong magluto. Inaya ko na si Key na dito na lang maghapunan bago siya umuwi dahil madilim naman na. Pumayag naman siya dahil gusto raw niyang tikman ang luto ko.

Habang kumakain kaming tatlo ay nagsabi si Dice na marami pa raw siyang gagawin kaya mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Naiwan naman kami ni Key. Napansin siguro niya na awkward na ang atmosphere kaya nagsalita na siya. Alam na rin siguro niya na sobrang boring kong tao.

"May naikwento ba sayo si Dice tungkol sa kaniya?" Tanong niya.

"May nasabi siya kahapon, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan ang sitwasyon niya." Sagot ko.

"How about sa buhay niya noong nasa US pa kami?"

Umiling ako. May dapat ba akong malaman?

"Wala? Hindi niya nakwento sayo si Jul—"

Hindi na natapos pa ni Key ang sasabihin niya dahil biglang dumaan si Dice para uminom ng tubig. Bakit? Forbidden topic ba yung sasabihin ni Key? Napaisip tuloy ako kung sino ang tinutukoy niya, at kung ano ba ang kinalaman ng taong 'yon kay Dice.

Nang makaalis na si Dice ay hindi na itinuloy pa ni Key ang sinasabi niya kanina. Hinayaan ko na lang din siya dahil baka hindi ko talaga dapat malaman 'yon. Ayoko namang manghimasok.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta siyang maghugas ng pinagkainan pero sinabi ko na ako na lang. Pipilitin pa sana niya ako pero sinabi ko na "Gusto kong matutunan kung paano maging isang mabuting asawa, a proper wife for my husband", kaya ng give up na siya. Nagpaalam na lang siya na pupunta muna siya sa kay Dice para kausapin ito. Matagal din silang nag-usap kaya naghintay muna ako sa sofa habang nagbabasa ng manga.

Maya maya ay lumabas na rin siya at nagpaalam na uuwi na dahil gabing gabi na raw. Aalis na sana si Key pero bigla siyang may naalala.

"Wag mo nang itago." Sabi niya.

Nagtaka naman ako. Ano bang tinutukoy niya.

"Alam kong kanina ka pa hindi mapakali." Dagdag pa niya. Tiningnan niya ako sa mata saka tinuro ang paa ko. "Kanina ka pa umiika. Ano bang nangyari dyan?"

Huh? Nahalata niya? Mula kaninang umaga, walang nakapansin nito dahil magaling akong magpanggap. Kahit si Erine na kilalang kilala ako, at si Dice na asawa ko ay hindi ako nabuking. Kahit na masakit at mahapdi, tiniis ko dahil ayaw kong mag alala sila sa akin.

"Kaninang kanina pa ako kating kati na malaman, napaano ba yan?" Tanong pa niya.

"W-wala, aksidente lang." Sagot ko.

"Weeeeh?" Aniya. Natawa naman ako. Ang kwela kasi niya. "At least lagyan mo ng bandage... it's bleeding. Gusto ko sana ako na ang gagawa kaso parang inappropriate naman. Ah basta, pagalingin mo yan ha, dapat pagbalik ko naghilom na yan. Una na ko ha."

Tumango naman ako saka ngumiti. Sasamahan ko pa sana siya hanggang sa labas pero aang sabi niya, wag na daw dahil delikado para sa isang babae na lumabas kapag madilim na kaya pumayag na lang ako. Ang saya ko dahil nagkaroon ng ganoon kabait na kaibigan si Dice, at least napanatag ako na at least there is someone by his side noong hindi pa kami nagkakakilala. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa ere, kaya sinampal sampal ko muna ang sarili ko.

"Hey kid! Pagtimpla mo nga ako ng kape." Sigaw ni Dice mula sa kwarto niya. Kaagad naman akong dumiretso sa kusina.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay dumiretso ako sa tapat ng kwarto ni Dice, kumatok muna ako bago pumasok. Nakaharap siya sa laptop niya at subsob sa mga gawain kaya hindi yata niya napansin na pumasok ako. Ibinaba ko na lang sa tabi niya ang kape niya at hindi na siya inistorbo. Pero bago pa man ako makalabas ay bigla siyang nagsalita.

"Ayos na ba yung paa mo?" Sabi niya habang nagtatype pa rin.

"Yes, o-okay na." Nautal na naman akoooo!

"Stop lying." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at patuloy pa rin sa pagtatype. "I saw you. Kaninang umaga habang buhat mo 'yung kahon ng mga decorations, your expression is strange, that's why I noticed. Sa library, hindi mo maabot yung libro dahil hindi ka makatingkayad. Tapos 'yung medyas mo, may blood stains noong hinubad mo kanina."

Im cornered. There's no way I can lie anymore. Hindi na ako nagsalita. So he noticed noong simula pa lang that's why he sent Ciro to help me?

Tumigil siya sa pagtatype saka inikot ang swivel chair na kinauupan paharap sa sa akin. "Im sorry, it's my fault." Aniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"No, it's fine!" Sabi ko.

"Fine?" He asked then smirked. Tumayo siya kaya napatingala ako. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Bigal akong kinabahan, hindi ko maintindihan. Natulala na lang ako at hindi na makagalaw. Bigla naman siya ako binuhat (princess carry) kaya napatili ako ng mahina.

"Anong gagawin mo?!" Tanong habang nagpapanic at nagwawala. Hindi naman siya sumagot kaya lalo akong kinabahan. Waaaaa! Diba sinabi niya na we shouldn't do it until nasa tamang edad na ako? And.. we don't love each other!

Bigla niya akong hinagis sa kama niya. Kaya naistatwa ako. May kinuha siya sa cabinet niya na transparent na container. Tahimik lang ako habang pinapanood siya.

"Hindi ko akalaing magagamit ko 'tong binigay ng Mama mo." He said. Napagtanto ko na first aid kit pala ang hawak niya.

"Hindi mo na to kailangang gawin, ayos na nga ako." I said pero he insisted kaya hinayaan ko na lang siya. Nalilito na ako, minsan he's nice and sometimes he's not. Im really confused.

Kinabukasan, magpatuloy ang preparations para sa foundation week sa isang linggo. Halos lahat busy, ganoon din sa mga sumunod na araw.

Friday na ngayon, last day ng preparations. Ganoon pa rin, busy pa rin ang lahat and at the same time, excited. Halos lahat ng estudyante nagpaplano na kung anong mga gagawin nila. Ganoon din kami nina Erine, Ciro at Snow. 

"What about, magsleep over tayo kila Shihan kahit one night lang?" Suhestiyon ni Erine. "Oops, I forgot." Bulong pa niya. Nagets ko naman ang sinabi niya. Ibig niyang sabihin ay hindi na ako nakatira kina Mama, at saka hindi alam ni Snow ang sitwasyon ko.

Nagpatuloy lang sila sa mga discussion nila about sa plan namin sa Foundation week. Hinayaan ko na lang silang magdecide dahil as long as kasama ko sila, masaya na ako.

Ito ang napagkasunduan namin;

Monday: Lilibutin namin ang lahat ng booths. Syempre kasama na ang pagchibog at iba pang paglalakwatsa.

Tuesday: Day 2 ng paglibot.

Wednesday: Makijoin sa mga pagames and sa program.

Thursday: Kung anong pwedeng gawin sa araw na 'yon, 'yon ang gagawin namin.

Friday: Kahit ano. Magkakaniya-kaniya na kami.

Hindi ako mapakali ngayon araw na 'to. Para bang binabagabag ako ng kung ano. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko.

Kinabukasan ay sabado na, walang pasok pero maaga akong nagising dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Nagluto na ako, kumain, naligo at lahat pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-aalala. Nababaliw na yata ako.

Nakaupo ako sa sofa ngayon habang nanonood ng TV habang si Dice naman ay nasa couch.

Maya maya pa ay biglang may nagdoorbell kaya dali-dali ko itong pinagbuksan.

"Who are you?" Tanong niya sa akin. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa then balik ulit sa ulo. Ngayon ko pa lang nakita 'tong babaeng 'to, ano kayang ginagawa niya rito? "Excuse me, I'm asking you..."

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Dice. "Kid, sino bang kausap m—" hindi pa rin siya tapos magsalita pero bigla siyang sinunggaban nung babae.

"Baaaaabe! Long time no see! Hindi mo ba ako namiss?" Aniya. Nakapalupot siya ngayon kay Dice na para bang siya ang asawa nito at hindi ako.

"What babe are you talking about?" Sabi naman ni Dice.

"Ano ka ba naman, bigla ka na lang nawala. You left me in the US, nalaman ko na lang na umuwi ka na pala ng Pinas." Nagpout pa ito. "Hindi mo ba ako namiss?"

"Of course, namiss kita." Sagot naman ni Dice. Parang may malakas na gong na tumunog sa loob ng tainga ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nakangiti si Dice at hindi ko matukoy kung yun ba 'yung ngiti niyang totoo o hindi.

Kumalas na 'yung babae sa pagkakayakap kay Dice.

"By the way, sino siya?" Tanong nito sabay turo sa akin.

"She's my wife." Sagot ni Dice.

"WIIIIIIIFE?" Nanlalaking matang tanong ng babae.

"And Han, this is Julie, friend ko from US." Pagpapakilapa ni Dice. Gosh! He called me Han, which sounds like Hon, short for Honey!

"Nice to meet you, ate— I mean Julie." Umasta ako na parang adult dahil nakaramdam ako ng insecurity.

Inirapan niya lang ako. Ang sungit naman. Matangkad si Julie at maputi, maganda rin siya at maganda ang hubog ng katawan. Parang pamilyar nga siya akin, parang nakita ko na siya kung saan pero hindi ko lang matandaan.

Bilang bisita namin siya ay sinubukan kong itrato siya ng maganda pero patuloy pa rin ang masamang pagtitig niya sa akin. Parang gusto na nga niya akong katayin eh.

Hindi ko alam pero habang nag-uusap sila ni Dice ay nakaramdam ako ng kirot. Pangiti ngiti pa si Dice at patawa tawa, e hindi naman siya ganiyan kasaya kapag ako ang kasama niya. Si Julie naman panay hawak kay Dice, at hindi naman siya nabobother. Naout of place ako dahil parang hangin lang ako sa kanila kaya nagpaalam ako na pupunta muna ako sa kwarto ko para makapag-usap sila ng maayos.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay sinara ko agad ang pinto, pero naririnig ko pa rin ang tawanan nila kaya nagtakip ako ng tainga. Pero habang tumatagal ay biglang may alaala na nagflash sa isip ko. Ang mga tawanan at sigawan na narinig ko noon na pilit kong kinakalimutan.

Parang sumisikip ang dibdib ko, kaya napahawak ako dito.

"Ano ka ba? Bakit nagkakaganyan ka? Hindi ka naman ganiyan dati ah?" Bulong ko sa sarili ko. "Wag mo nang saktan ang sarili mo, hayaan mo na."