***
10 A.M. lahat sila ay nagtipon tipon sa gazebo ng rest house. Meron silang 70 lahat lahat. Mula sa writers, editors, marketing, illustration department.
"Now is the time to group ourselves para sa team building na gagawin. Now your destiny lies on these small papers, each paper has a color that will be your team. We have team Blue, Yellow and Green." Pagpapaliwanag naman ni sir Patrick habang umiikot ang maliit na basket na may lamang palabunutang mga papel.
"You're also on the yellow team." Hindi na siya nagulat sa kung sinong nagsalita sa tabi niya.
"Kasali din po pala kayo?"
"You know Patrick may pagka-isip bata ang isang 'yon. Kaya I don't have any choice, isa pa nandito nalang din naman might as well enjoy, right?"
Nang lingunin niya ito ay hirap na hirap itong itali ang yellow ribbon na magsisilbing palatandaan na sa yellow team sila kasali.
"Ako na." Inagaw niya mula dito ang laso at siya na ang nagtali sa braso nito.
"Thanks."
Inumpisahan na nila ang team building sa pamumuno ni Sir Patrick. It is just an ordinary team building like others. What makes it more special is that this is their company's first time having this. Matagal man na silang magkakasama sa opisina, this really help them to bond and know each other more.
Sobrang saya pa lalo dahil sa dalawa niyang malolokong kaibigan. Si Robin sa blue team, si Pipay sa green team at siya sa yellow team. Nagkahiwa hiwalay silang tatlo kaya mas lalong naging magulo pa sa rally sa Mendiola ang mga laro.
Sandaling tumigil ang laro ng lunch time, at kagaya ng halos lahat ng team building. Their lunch is boodle fight style. All are ready to attack dahil sa sobrang kagutuman.
"Where is the spoon and fork?" Inosenteng tanong ng isa pa niyang boss a.k.a Sir Paolo.
Natawa naman siya ng marinig ang hinaing nito.
"Sir, it's a boodle fight. You eat with your hands." Itinaas pa niya ang kamay para ipakita dito kung anong gagamitin sa pagkain.
"But...I don't know how."
Nailing naman siya sa sinagot nito. A typical rich kid problem.
"Ganito lang po, sir." Pinakita niya dito kung paano kumain ng naka kamay. "Tapos itulak mo gamit ang hinlalaki mo yung pagkain." She is slowly chewing the food while talking to him. "Gets?"
"Y-Yeah. A little bit." Pagkatapos ay trinay nito ang tinuro niya. For starters ay hindi ito maarte.
"Good?" Tanong pa niya dito, he just answers her with a thumbs up and continue eating. Ganoon din naman ang ginawa niya.
"Ano ba?" Bulong niya sa katabing si Pipay nang bigla siyang itulak nito. Paglingon niya sa dalawang kaibigan ay pareho itong naka-nguso kay sir Paolo.
"Bakit?" Mahina niyang bulong sa dalawa.
"Papaalala ko lang sa'yo, Infinity. Kahit gaano pa ka-yummy 'yang si sir Paolo, eh may fiance na 'yan." Bulong sa kanya ni Pipay.
"Please lang, ghorl! Palagi mo nalang kaming pinapaiyak sa mga storya mo, ayaw ka na naming nasasaktan kasi pati mga readers mo nag-su-suffer."
"Para kayong sirang dalawa. Kumain na nga lang kayo." Balik bulong niya sa mga ito.
"Nagpapa alala lang kami, friend. Alam namin 'yong mga ganyang ngiti at tingin. Isa pa itong si sir pogi eh. Pa-fall din."
"Shhh Pipay! Marinig ka niyan. Hindi naman isang metro ang layo ni sir sa'tin. Isang dipa lang." Saway naman ni Robin dito.
"Alam niyo kayong dalawa ang malisyoso niyo." Pagkatapos ay binalik nalang niya ang atensyon sa pagkain.
Lunch ended peacefully. Wala na sila halos gagawin buong maghapon. Sir Patrick arranges it like that, para daw may time to relax. Ang activity nalang nila ay mamayang gabi sa bonfire.
~~
After lunch kanyang kanya muna ng hide out ang ilan sa kanila. Ang ilan ay naisipang subukan ang ilang water activity na available sa private resort, some choose to sleep and some, like her, continue writing.
Ayos na ayos dahil nakaka-relax ang dagat at payapa ang paligid. A perfect sanctuary for her.
Agad siyang pumuwesto sa isang cottage, may kalayuan sa mismong rest house at dagat. Pero presko dito dahil sa hangin na galing sa dagat at napapalibutan ng puno ng buko. She put her laptop on the fixed table at the center of the cottage at naupo sa upuang yari sa kawayan na nakapaligid dito.
She's busy quarrelling with herself on the next move her character will take ng may biglang tumabi sa kanya.
Sa totoo lang ng maamoy niya ito ay hindi na siya nagulat.
"We're here to relax and you're still doing your work. The dedication you have here, Infinity."
Pinalibot niya ang tingin sa paligid. Some of her workmates are enjoying the beach while some are also writing like her. Maximizing the time and grabbing the chance of being in a sanctuary para makapagsulat.
"Hindi naman po lahat nag-re-relax, at hindi lang din naman po ako ang nagta-trabaho ngayon. Being a writer doesn't have a concrete office or working hours. As long as your imagination strikes and your characters are demanding for justice, you need to work."
Pinalibot din nito ang tingin.
"You can always drop the po and sir when we're just together, Infinity."
Pinakatitigan niya ito.
"Why are you always insisting that, sir? Ganyan ka ba talaga?" Hinarap na niya ang kanyang laptop para sana bumalik na sa pagsusulat.
"I don't know. It's just that, I find it weird whenever you're calling me sir."
Natigilan siya sa pagtipa dahil sa sinabi nito.
"You know what's weirder?" Bigla itong tumigil sa pagsasalita kaya napatingin siya dito. And it is a wrong move dahil nakatingin, more on, nakatitig ito sa kanya.
"The first time we met, I asked you if we knew each other. You said no. But deep down, I don't know...somewhere in me knew something is wrong whenever you were around. Nararamdaman mo din ba 'yon?"
She can't speak because she can't figure out what words to say. Ano bang dapat sabihin?
She's still gawking at the most beautiful brown round eyes she has seen. She also sees motions, and confusion? Maybe. Anger? She doesn't know. But one thing is for sure, he wanted to know the answers.
"I… I ac--"
"Finally! You're here lang pala." Her words were cliff hang dahi sa may taong biglang dumating.
"Grace!" Tawag nito sa bagong dating.
A fabulous woman in white beach dress came to her line of sight. Agad itong yumakap at humalik sa labi ng kasintahan at agad pinalibot ang kamay sa bewang nito. As if he is away for more than a year.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. I already asked all the people around here kung nasaan ka." Happiness was evident on her face. As if finding him is her lifelong mission and she successfully achieved it.
She's fabulous. That one word could be a perfect word to describe her. Bagay na bagay ang dalawa.
"I'm j-just talking to a friend." Nang sabihin ito ni Paolo ay tila doon lang siya nito napansin.
"Oh, you're with someone pala." At tila nahiya ito at nagbigay ng distansya sa kasintahan.
"Y-Yes! Grace, meet Infinity. Infinity si Grace, my girlfriend." Pagpapakilala nito sa dalawa.
"I am already your fiance, jerk." Sinuntok nito ang kasintahan sabay tawa ng mahina. Pagkatapos ay inabot nito ang kamay sa kanya. "Grace Angeles, nice name Infinity."
"T-Thank you." Tinanggap niya ang pakikipag kamay dito.
"I thought you don't want to go here?" Tanon ni Paolo dito.
"Well I changed my mind. So I ask manong Jimmy na ihatid ako dito, and then sabay nalang tayong bumalik sa metro." Humalik pa ito sa pisnge ng kasintahan na tila ba naglalambing dito na sundin ang gusto niyang magyari.
"Okay." Pag-surrender nito agad.
Nagkaroon ng invisible na bubble sa pagitan nilang tatlo. Siya at ang dalawang kasama. She should not feel out of place because she should minding her own business pero mahirap atang gawin 'yon lalo na kung wala namang isang metro ang pagitan nilang tatlo.
"See you later sa bonfire, Infinity." Napataas ang tingin niya sa mga ito ng marinig ang pangalan.
"P-Pardon?"
"Later. Sa bonfire?" Pagpapaalala nito.
Doon lang siya bumalik sa katinuan.
"Y-yes, sir." Nginitian niya ito ang kasintahan. Pagkatapos ay agad din nyang binalik ang atensyon sa pagsusulat.
For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!
Please wash your hands regularly, humans!
Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)
Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)
Follow me on my social media platforms!
Facebook Page: RNL Stories
https://www.facebook.com/RNLStories
Twitter: @RomanceNovelist
Instagram: @romancenovelist_wp
e-mail: romancenovelistlady@gmail.com