webnovel

Chapter 02: Changing His Point of View

Habang nakatitig ako sa kisame ng aking silid ay patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

Muling nanumbalik ang sakit nang maalala ko ang pangyayaring naganap kanina. Pilit na nakikipag-agawan ang katinuan sa aking isipan ngunit kitang-kita ko kung paano maglapat ang labi nila Rina at kuya. At sapat na iyon para itigil ko na ang pagpapakatanga ko.

Mag-iisang taon na sana kami kaso hindi na umabot. Isang taon pala akong nagpakatanga sa babaeng iiwan din pala ako. Sayang din 'yung isang taon. Tama nga sila, wala talagang forever. Wala talagang happy ending.

Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata at tila'y nakikisabay ang panahon sa aking nararamdaman. Umiiyak ang kalangitan at ramdam na ramdam ko ang kalungkutan.

Akala ko siya na talaga ang para sa akin. Akala ko kami na talaga ang para sa isa't isa. Akala ko kami na hanggang sa huli. Pero akala ko lang pala. Pinipilit kong maging malakas at huwag umiyak ngunit hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Taena, kalalaking tao, umiiyak nang dahil sa babae.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad na bumangon mula sa aking pagkakahiga at muling pinunasan ang luhang tumutulo galing sa aking mga mata.

Hindi ako ganun kahina para tuldukan na lang ng basta-basta ang buhay ko nang dahil lang sa babae. At hindi ako 'yung taong susugatan ang sarili o maglalasing para maibsan ang sakit na nararamdaman. Ibahin mo ako sa kanila. Tanga ako pero hindi ako kagaya nila na mahina.

Sa huling pagkakataon ay pinahid ko ang huling patak ng luha mula sa aking mga mata. Tama na ang katangahan Brian.

Tumingin ako sa lamesang nasa paanan ng kama ko at nakita ko 'yung notebook na pinagsulatan ko nung story na ginawa ko last month. Agad ko itong kinuha at binuklat at bawat pahina. Napangiti na lang ako nang makaisip ako ng magandang ending ng kwentong iyon.

Agad kong hinanap 'yung mechanical pencil sa bag ko at agad kong itinuloy ang kwento. Oo, lapis ang ginagamit ko sa pagsusulat kasi kapag nagkakamali ako nabubura ko pa, hindi kagaya ng ballpen na kapag nagkamali ka, hindi mo na mapapalitan pa at hindi mo na maitatama pa.

Sa kwentong sinulat ko'y nabundol ng isang truck ang sinasakyang kotse ng bida. Tumilapon ito at muling nabangga ng isa pang kotse bago sumalpok sa posteng nasa tabi ng daan. Dinala siya sa ospital ngunit binawian rin ng buhay.

Endings aren't supposed to be happy. Ending na nga lang, bakit happy pa? Ang buhay ay hindi katulad ng mga kwentong pambata na laging may happily ever after. Life is not a fantasy. It's a painful reality.

Sa huling bahagi ng kuwento'y umiiyak ang babaeng nagmamahal sa kanya habang nakatayo sa harap ng puntod niya, hanggang sa nagpaalam na ito sa huling pagkakataon. The title was "Fourteen Days before Valentine's Day". Labing apat na araw bago siya umamin ngunit tinuldukan ito ng kamatayan. A story that has a realistic ending. Tragedy. Walang halong fantasy.

Life must go on. May umaalis, may dumarating. Madapa ka man, masaktan, at maiwan, kailangan mo paring bumangon. Sus! Pag-ibig lang yan.

Nang matapos ko ang kwento'y agad ko itong ipinatong sa lamesa na nasa tabi ng kama ko. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko kung kayat ginawa ko na 'yung mga assignments ko.

Malaking tulong talaga para sa akin ang pagsusulat. Para kasi itong gamot na nakakatanggal ng sakit. Nakakagaan kasi ng loob kapag naisusulat mo ang nararamdaman mo dahil nailalabas mo rito ang lahat ng sakit, pait, hapdi, at kung anu-ano pa.

Kapag galit o naiinis ako, isinusulat ko. Kapag masaya ako, isinusulat ko. Kapag may problema ako, kapag may dinadamdam, kapag nalulungkot, isinusulat ko pa rin. Sa paaran kasing 'yun nailalabas ko ang tunay na nararamdan ko. Mas okay na rin 'yun kaysa sa magkimkim.

Nang matapos ko na 'yung assignment namin ay agad kong hinanap 'yung laptop ko at binuksan ito. Pagkabukas ko'y agad kong binuksan 'yung account ko sa wattpad at saka ko pinublish 'yung last chapter na tinapos ko kanina. 165 reads lang 'yung story na 'yun pero okay lang. Hindi naman mahalaga sa akin kung kakaunti lang ang nagbabasa. Basta may nagbasa okay na 'yun. Five Chapters lang naman kasi 'yun.

Pagkatapos kong ipublish 'yung ending ng kwento'y sunod kong binuksan 'yung facebook account ko. One week na kasi akong hindi nagbubukas. Pero nang makalog-in ako'y hinihiling ko na sana'y hindi na lang ako nagbukas ng account.

Sabrina Smith

In a relationship with Blade Kurt Mendez.

Today.

Sabrina Smith

updated her nickname

Blade's Girl.

Napadpad 'yung arrow ng mouse ko sa comment section at wala sa sariling nagscroll at binasa ko ang mga ito.

Sam Cullen

Wow Rina, bagong boyfriend. Haha. Stay Strong.

Kian Dela Cruz

Wow pareng Blade, pinatulan mo 'yung chix ng kapatid mo. Ikaw na pre! Ikaw na talaga Hahaha!

Kelly Patterson

Malanding babae! Matapos niyang pagsawaan si Brian, ngayon si Blade naman?! What a slut! Malandi! Akala mo naman kung sinong maganda! Psh.

Fiona Marchesa

Akin lang si Blade! You ugly slut! Malandi ka! Kaladkarin! Arghh!

Blade Kurt Mendez

Baby ko, pabayaan mo na lang 'yung mga bashers. Naiinggit lang 'yung mga 'yun. Basta mahal kita, and I don't care kung ano man ang sabihin ng iba diyan.

Aish! Tama na Brian. Tama na ang pagpapakatanga. Maglog-out ka na. Teka, nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na 'yung sarili ko. Normal pa ako? Pero tama na talaga. Ayoko nang masaktan pa.

Magla-logout na sana ako ngunit may nagpop na message sa account ko kaya hindi ko agad napindot yung logout button.

Sabrina Smith

Brian. I'm so sorry kung hindi ko agad sinabi sa iyo. Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito pero natatakot ako dahil alam kong masasaktan kita. Pasensya na talaga. Hindi ko na kasi maramdaman 'yung dati eh. Maraming nagbago, maraming naglaho. Pero minahal naman kita eh. Alam kong nasaktan kita, at alam kong kasalanan ko ito. Kaya humihingi ako ng tawad sayo dahil sa nagawa ko.

Typing...

Sabrina Smith

Hindi ko naman sinasadyang mahalin 'yung kuya mo eh. Akala ko hindi ako mahuhulog sa kanya but I fell. Sana maintindihan mo ako. I hope you'll find the girl for you na mamahalin ka rin hanggang sa huli. And I'm sorry for not being that girl. I hope you can forgive me. Sorry talaga.

Bago pa man siya magchat muli ay agad kong pinindot 'yung block na nasa settings.

You can't reply to this conversation. Learn more.

Tama na. Ayoko nang makinig sa mga walang kwentang paliwanag. Tanggap ko nang hindi siya para sa akin. Taena. Masakit, pero kailangan ko itong tanggapin kaysa naman sa pilitin kong ipaglaban 'yung relasyon namin.

"Brian! bumaba ka na diyan! Kakain na!" pasigaw na saad ni Mama kung kayat agad kong isinara 'yung laptop.

Ayaw ko mang bumaba dahil siguradong mag-aaway na naman kami ni kuya ngunit hindi naman pwede na hindi ako kumain. Baka magtaka pa si Mama. Mahirap nang mapagalitan.

"Pababa na ako Ma!"

Bago ako bumaba ay muli kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Namumula 'yung mata ko. Siguradong tatanungin ako ni Mama mamaya. Napabuntong hininga na lang ako bago bumama. Bahala na.

Nang makarating ako sa hapag-kainan ay agad akong umupo. Narinig kong tumikhim si kuya Blade ngunit hindi na ako umimik pa. Ayoko ng away.

"Brian, may sakit ka ba anak? Bakit namumula 'yang mata mo? At saka bakit parang matamlay ka ngayon?"

Inaasahan ko nang tatanungin ni Mama kung bakit namumula 'yung mata ko kaya ngumiti na lang ako at tumingin sa kanya.

"Lagnat lang 'to Ma. Naulanan kasi ako kanina." pagsisinungaling ko.

"Lagnat daw. Psh." narinig kong bulong ni kuya ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Sabi ko nga, ayaw ko ng away.

"May gamot 'dun sa ref. Pagkatapos mong kumain ay uminom ka para gumaling ka agad." utos ni Mama bago ito tumayo at kumuha ng tubig sa kusina.

"Wala namang pasok bukas Ma. Tubig at pahinga lang, mawawala rin ito."

"Sundin mo na lang ang Mama mo Brian. Wag nang matigas ang ulo." saad naman ni Papa kaya wala na akong nagawa kundi pumayag na lang.

Hindi ako sanay na uminom ng gamot kaya hindi ko 'yun iinumin. Pumayag lang ako para hindi na nila ako pilitin. Mabait akong anak eh.

"Kumain na lang kaya tayo. Tama na ang drama." sabat naman ni kuya habang nakatingin sa akin ng masama.

Bigla akong nakaramdam ng pagkainis nang muling sumabat si kuya. Siya na nga lang 'yung may ginawang hindi kaaya-aya, siya pa 'yung may ganang magalit. Kanina ko pa gustong makipagbugbugan sa kanya, nagpipigil lang talaga ako. Pero sumosobra na siya.

Dahil sa pagkainis ay hindi ko namalayang nahihiwa ko na pala 'yung plato.

"Brian! Hindi karne 'yang plato." saad ni Papa.

"Pasensya na po. Nahihilo kasi ako." pagdadahilan ko para hindi magalit si Papa.

"Nahihilo raw, tss. Aminin mo na lang kasi na naiinis ka sa akin!" muling sabat ni kuya kaya hindi na ako nakapagpigil pa.

Hindi ko alam kung bakit ang-init ng dugo niya sa akin. Kahit wala akong ginagawang masama, para sa kanya'y mali pa rin ako. Ako na lang lagi ang nagpapakumbaba.

"Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sayo, gago! Kapag tumitingin ka sakin, laging magkadikit 'yang kilay mo! At ikaw pa ang may ganang magalit?! Ikaw na nga 'tong may ginawang hindi maganda at hindi kaaya-aya!" sunod-sunod na saad ko nang hindi ko na matiis 'yung mga pinaggagagawa niya.

"Anong sinabi mo?! Gago ako?! Eh mas gago ka eh! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo! Kaya ka iniiwan ng mga taong malalapit sayo eh!" sagot naman nito na siyang dahilan ng pag-init ng tainga ko.

"Sinong nagsabing maaari kayong magsigawan dito sa harap ng hapag-kainan ha?! Ano ba ang problema niyo't lagi na lang kayong ganyan?! Hindi na ba talaga kayo titino?! Angtatanda niyo na, pero para parin kayong mga bata kung mag-isip!" bulaw sa amin ni Papa pero hindi parin naglaho ang tensyon sa pagitan namin ni kuya.

"Pasensya na po Pa, pero hindi na talaga ako nakakapagtimpi eh. Kung tutuusin, mas matanda pa siya sa akin, pero ako na lang lagi ang nagpapakumbaba. Hinahayaan ko na nga lang siya pero hindi pa rin siya tumitigil. Nakakainis na rin kasi. Kahit wala akong ginagawa, galit siya sa akin." pagpapaliwanag ko kay Papa.

"Sino ba kasi ang hindi maiinis sayo?! Lagi ka na lang pabida! Lahat na lang inaagaw mo sa akin!" muling saad ni kuya at akmang susugurin ako nito pero pinigilan siya ni Papa.

"Inaagaw sayo? Aba! Ako pa talaga 'yung nang-agaw! Pinatulan mo na nga lang 'yung girlfriend ko, ikaw pa 'yung galit. Nakakaputang*na ka na ah! Sawang-sawa na ako sa kakaintindi sa kakitid ng utak mo! Alam mo na nga na may BF yung tao at alam mo na nga na gf ko yung tao, pinatulan mo pa. Tapos sasabihin mo na ako 'yung nang-aagaw?! Bobo!" naiinis na sagot ko sa kanya at akmang susuntukin ko na siya pero pinigilan rin ako ni Papa.

"Itigil niyo na nga 'yan! Dahil lang sa babae, nag-aaway na kayo?! Angbabata niyo pa! Manahimik na kayong dalawa't kumain na lang! Kung hindi, isang linggo kayong hindi kakain." pagbabanta ni Papa kaya umupo na lang ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

"Anong nangyayari rito ha?! Bakit may naririnig akong sigawan kanina?! Diba lagi kong sinasabi sa inyo na huwag na huwag kayong magsisigawan sa harap ng hapag-kainan?!" suway naman ni Mama na galing sa kusina.

"'Yang mga anak mo, nag-aaway nang dahil sa babae. Kaya sila nagsisigawan dahil sa babae." sagot ni Papa.

"Naku! Angbabata niyo pa para mag-away nang dahil lang sa babae. Hindi pa kayo nakapagtapos ng pag-aaral! Hay! Pinapasakit niyo ang ulo ko! Kumain na nga lang tayo." saad muli ni Mama habang hinihilot ng ulo nito.

"Tapos na po akong kumain. Magpapahinga na po ako." mahinahon na sagot ko at agad na akong tumayo at nagtungo sa hagdan.

Sana nga hindi na lang talaga ako bumaba kanina. Kung hindi sana ako bumama, sana walang nangyaring bangayan. Ngunit ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na eh. Siguro mas maigi na ring nailabas ko lahat ng galit ko kanina. Nakakainis na rin kasi. Ako na nga lang palagi 'yung nagpapakumbaba. Nakakasawa na rin. Siya na nga lang 'yung may ginawang masama, siya pa 'yung galit sa akin. Taena.

Nang makarating ako sa silid ko'y sinipa ko 'yung pintuan ko dahil sa inis. Napalakas 'yung pagsipa ko kung kaya't napangiwi na lang ako nang maramdaman ko 'yung sakit.

"Ano 'yan Brian? Natumba na naman ba 'yung lamesa dyan sa tabi ng pintuan mo? Sabi ko kasi sa Papa mo na ipaayos nalang kung ayaw niyang ayusin eh." narinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.

"Hindi Ma, nauntog lang 'yung paa ko sa pintuan ng silid ko, pero hindi na masakit." sagot ko naman bago ko binuksan 'yung pintuan sa silid ko.

Pagbukas ko ng pinto'y may nahulog na isang bagay sa ulo ko at nang tingnan ko ito'y nasilayan ko ang isang kuwintas na ang pendant ay maliit na pluma.

Parang may nararamdaman akong kakaiba habang hawak-hawak ko yung kuwintas na iyon. Parang may kung ano akong nararamdaman sa tiyan ko. Ilang minuto ko itong tinitigan at bigla akong natauhan ng marinig kong kumulo ang tiyan ko. Gutom lang pala ako.

Napakamot na lang ako sa batok ko at agad na umupo sa kama ko. Muli kong tinitigan 'yung kuwintas at napansin kong medyo madumi ito at parang kinakalawang kaya pinunasan ko ito gamit 'yung pamunas sa tabi ng kama ko. Nang matapos ko itong punasan ay lumitaw ang kulay ginto nitong kulay at sa taas nito'y may kumikinang na pulang parang dyamante , ngunit napansin kong putol ang pendant.

Iniisip ko na baka may taglay itong kapangyarihan ngunit napasapo na lang ako nang maalala kong hindi fantasy ang buhay.

Napabuntong-hininga na lang ako bago ko ipinatong sa ibabaw ng kabinet 'yung kuwintas saka ako humiga.

Life is not a fantasy, at ito ang masakit na katotohanan. Napapikit na lang ako nang maalala ko 'yung nangyari kanina sa Canteen. Life must go on and I guess I need to move on.