Mabilis na pinahid ko ang tumakas na luha nang tumalikod si Maverick. Shit. It's not the best time to be emotional right now. Kahit tagos sa buto ang sinabi ng lalaki kanina, hindi pa rin ito sapat na dahilan para magpakita ako ng kahinaan.
Tumayo ako at dinala sa lababo ang pinggan para hugasan. I stopped myself from replaying his words in my head because it only brings me back to that bitter past. That will only do no good. Sure, it hits her from the core but she promised herself that she will move on from it. No looking back anymore. I have to overcome this situation I'm in right now for me to completely get over this phase and move on to the other.
Ilang taon na siyang nagdurusa sa mga alaala ng kahapon. Ngayong nakakita siya ng liwanag para makawala sa sitwasyong araw-araw na nagpapahirap sa kaniya, gagawin niya ang lahat para umayon ang lahat sa plano. She just has to endure this one week with the man. Pagkatapos niyon ay malaya na siya. Gamit ang perang makukuha ay magsisimula uli siya ng panibagong buhay na malayo sa lahat. Babalik siya sa paraisong kinalakhan niya kapag nakita na niya ang matagal nang hinahanap.
Naramdaman ko ang pagpasok ni Maverick sa kusina. Hindi ito nagsalita pero base sa tumatayong balahibo sa batok ko, alam kong tinititigan niya ako. Nagpatuloy ako sa paghuhugas at hindi pinansin ang presensiya nito. Narinig ko ang marahas na paghinga nito.
"I'm sorry for offending you earlier. I didn't mean them," panimula nito.
Tinuyo ko muna ang mga kamay bago ko siya hinarap. I gave him a dismissing look and then shrugged my shoulders. "I didn't get offended. Just a bit hurt. Iyon lang. Natural lang naman iyon di ba? Anyway, kalimutan na natin iyon. Totoo rin naman kasi ang sinabi mo so I should just treat it as an advice."
Hindi ito nagsalita. Tiningnan niya lang ako nang mataman. Inaarok nito kung papaniwalaan ba ako o hindi. Maya-maya ay tumango ito.
"Thank you."
I rolled my eyes. "I cringed when you sound so apologetic. Parang hindi ikaw, eh. Ako lang to ha. Baka magalit ka na naman." Nilampasan ko siya at pumunta sa sala. Bumungad sa akin ang maraming paper bags at shopping bags na nakakalat sa ibabaw ng sofa. I smiled and looked at Maverick who is leaning on the wall.
"This is what you call presents."
Binuksan ko ang isang paper bag na may tatak ng isang famous na brand. Actually lahat ng shopping bags ay mamahalin lahat ng brands. Dos Gardenias, Gucci, Prada, Valentino, at Chanel. Napasipol ako nang tumambad sa akin ang isang pares ng black seersucker bandeau bikini. In fairness, may taste ang kung sinuman ang inutusan niyang bumili nito. I checked the other contents of other bags. Shirts, shorts, negligee, undies and two summer dresses.
"I can see that you liked them," sabi nito na naglalakad na patungo sa sofa. He sat down beside me.
"Every woman likes it when someone gives them luxurious products. If a man's best friend is a dog then a woman's besties are definitely clothes and jewelries. It's plural because the more, the merrier," hindi tumitinging saad ko.
"I will go swimming. Wanna go with me?" alok ko dito. "Sayang naman ang araw kung magmumukmok lang ako dito unless you want to..." Nilingon ko siya na nahuli kong mataman pa rin akong tinititigan.
Agad na umiling ang lalaki. "I still have a conference later this morning. I have to set up my computer in the room. You can go enjoy yourself."
I nodded. "Okay. Can I ask for another favor if it's okay with you?"
"Sure. What is it?"
"Do you have an extra phone? I want to take some photos. Okay lang ba?" Hopeful ko siyang tiningnan.
Ilang sandali muna bago ito unti-unting tumango. "I have one. It's in the closet. First drawer. Ikaw na ang kumuha. I still need to make a call para madala na rito ang laptop ko."
Excited na tumayo na ako at tinahak ang kwarto bitbit ang set ng bikini.
"Fem?"
I stopped on my tracks after hearing him call me. Nilingon ko siya.
"Yes?"
Matagal muna bago ito sumagot. Pinasadahan niya ako ng tingin at tumigil sa mukha ko. "You look beautiful when you smile."
Napapantastikuhang napabalik ako sa harap niya. "Come again?"
"I said you look prettier when you smile. Keep smiling. Baka i-extend pa kita rito."
Mabilis na umiling ako. "No, thanks. It's the last thing I want. Wag kang mag-alala. I'll stop smiling starting from now."
Maverick laughed. "Just kidding."
I put my hands on my hips and tried hard not to show my smile. "I know."
Binigyan niya ako ng nang-aakit na tingin na sinagot ko naman ng nanghahamong tingin.
"I'm really sorry for telling you those words. I was a jerk earlier."
"You're still a jerk until now."
He smirked. "Yeah, I know."
I crossed my arms and eyed him. "I have a question, Fuentebella."
"It's Mav or Mab. Drop your Fuentebella barrage. Ang dami kaya naming Fuentebella."
"Ikaw lang ang nag-iisang Fuentebella dito but okay, Mav it is. Mav, I have a question."
Dumekwatro ang lalaki. "Spit it out."
"Why did you take me here? If we follow your logic, you can just always play with me in your house or in your condo in the city and not from whoever knows where this place is. Doon, walang hassle. Malapit pa sa kompanya mo."
"Let's just say I have a weird brain functioning."
Umingos ako. "Bad point and it doesn't answer my question."
Nagkibit-balikat ito. "Well, who cares if it answers your question or not?" panggagaya nito sa sagot ko kanina.
Naningkit ang mga mata ko sa inis. "Alam kong sasabihin mo iyan and I hate it. I hate it when I can follow your train of thoughts," I mumbled.
"Same thing. I'm starting to get a hang of you."
Tuluyan na akong humalukipkip. "I want to know your answer. Unlike your question kanina, mas may connect ang tanong ko ngayon. So please?"
"Wow. You said, please." Sumandal ito sa sofa at tumingala. "Let's just say I want to rest and the city is not the place I want in mind. Plano ko na talagang magbakasyon dito. Nagkataon lang na sumabit ka. Sino ba naman ako para magreklamo when you're a very welcome distraction I needed?"
Napaisip ako. He's got a point. "Okay. My curiosity is satisfied."
Humakbang na ako patalikod para ituloy ang pagpasok sa kwarto.
"Hey, madaya ka. I answered your question now you have to answer mine," pahabol nito.
Sa halip na sagutin ito ay itinaas ko ang kamay at iwinagayway sa ere. "Five more days, Mav. You only have five more days left." Wala na akong narinig pa mula sa lalaki kaya binuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok. Paglapat pagsara ng pinto ay agad na nawala ang ngiti ko. My face grimaced in pain as I clutched my chest.
"Shit, shit, shit," mariing anas ko. Itinakip ko ang kamay sa bibig para pigilan ang sarili na mapahagulhol.
"Same thing. I'm starting to get a hang of you."
Marahas kong ipinilig ang ulo para mawala na ang boses ni Maverick. Nagpalakad-lakad ako para kalmahin ang dumadagundong sa kaba na dibdib.
"Relax, Fem. Relax." Huminga ako ng malalim at pilit na isinantabi ang mga narinig ko kanina mula sa lalaki.
"I need the phone."
Agad na binuksan ko ang closet at lumuhod para buksan ang unang drawer. Naroon ang sinasabi nitong cellphone na may kasamang charger sa gilid. Ini-on ko ang cell phone. Ayaw bumukas. Shutdown. Tumayo ako at humanap ng socket. Pagkatapos maisaksak ang charger ay naupo ako sa kama at isinubsob ang mukha sa mga kamay. Pumikit ako at sumagap ng hangin.
"Okay na. Okay na ako," pagkausap ko sa sarili.
Tumayo ako at kinuha sa sahig ang nahulog na paper bag. Pumasok ako sa banyo at inilock ang pinto. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang tubig na lumagaslas sa tiles na sahig. Umupo ako sa takip ng toilet bowl at tumitig sa pinto. Tumulo na ang kanina pa nagbabantang luha. Sa puntong ito ay hinayaan ko na lang silang maglandas pababa.
"Shit, shit, shit!" Mahinang inuntog ko ang ulo sa dingding habang bumabalong pa rin ang mga luha. "Shit!"
Bumukas ang pinto ng silid kaya medyo naalarma ako. Hindi niya ako pwedeng maabutan na ganito ang itsura. I stood up and turned on the faucet. Naghilamos ako ng ilang beses bago nakontento sa reflection sa salamin. Hindi na namumula ang mga mata ko. I tried smiling. Perfect. Back to normal.
Napatingin ako sa pintuan ng banyo nang makarinig ng katok kasunod ang boses ng lalaki.
"Fem?"
"Yes?" nilakasan ko ang tinig.
"I'll be out for a while. Kukunin ko lang ang computer ko. You need something for me to buy?"
"No, thank you."
"Okay. Wait, tell me you know how to swim?"
"Of course, Fuentebella. I know how to swim. Ano ba ang akala mo sa akin?" Nilangkapan ko ng inis ang tono.
"It's Mav for you."
"Whatever. Umalis ka na nga and please, wag ka nang bumalik."
Tumawa ang lalaki. "If I don't go back, you'll be stuck here forever."
"Trust me, I know my way out."
"Hindi mo pa nga alam kung saang parte ito ng Pilipinas tapos kung maka-brag ka."
I sneered. "Can you go now already?"
Narinig ko na naman ang tawa nito. "You know I'm tempted to shower with you now. Hearing your irritated tone turns me on, Fem," he said in a low tone that is close to growl.
"You can't. I locked the door."
"I have a spare key."
"Fine, you won now. Thank you for ruining my day, Fuentebella."
"It's, Mav."
"Umalis ka na nga!" di ko napigilang singhal.
Humalakhak na ito.
"Sarap mong inisin. Anyway, wala ka talagang ipapabili? Food? Any stuff?"
"Wala," tipid kong sagot.
"Okay. Be right back." Narinig ko ang mga yabag nito palayo at ang pagbukas-sara ng pinto. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang ugong ng papalayong sasakyan.
Naghubad na ako at isinuot ang bikini. I love the fit of it on my body. Pinagbubuksan ko ang drawer sa taas para maghanap ng sunscreen. There's a bottle, thank goodness. I checked the expiry date. Pwede pa.
Lumabas ako ng banyo at tinungo ang nakaawang na closet. May mga ilan pang t-shirts ang nalaglag sa sahig. Kinuha ko ito, tiniklop at ibinalik sa loob. Kumuha na rin ako ng dalawang malaking tuwalya at isinampay sa balikat. Pagkatapos ay tinanggal ko sa pagkakasaksak ang cellphone at ini-on. Umilaw naman ito.
Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng bottled water sa ref. And then I went out from the glass door into the cool breathe of air in the beach open. Inilatag ko ang isang tuwalya sa buhangin malapit sa hammock at umupo. Inilabas ko ang sim card na pinabili ko kay Anna noong dinalhan niya ako ng hapunan noong isang gabi. Sinundot ko ng mahabang kuko ang gilid ng cellphone at kinuha ang sim card doon at ipinalit ang sa akin. I dialed a number and wait for it to ring. Ilang segundo pa ay sumagot na ang pamilyar na boses.
"Ang tagal mong sumagot!" bungad ko agad.
"Who's this?" sagot ng tinig sa kabilang linya na base sa boses ay mukhang kagigising lang. "Femella? Is this you?"
Umismid ako. "Wala nang iba pa, silly boy."
"Bat ngayon ka lang tumawag? Ilang araw na kitang hinihintay. Ano, tuloy pa ba tayo?"
"Syempre tuloy tayo. Nagka-aberya lang kaya nawala ako ng ilang araw."
Tumikhim ito. "Kailan ko makukuha ang pera para masimulan ko na?'
"About that, I have a proposition to you."
"What is it?"
Nilaro ko sa daliri ang tela ng tuwalya. "Pumapayag na ako."
"What do you mean?"
"Payag na ako sa hinihingi mong isang milyon."
"Ano ang kapalit?"
Natawa ako. Kahit papaano'y kilala na rin ako ng bata. "Start the investigation now. May limang araw pa ako bago makauwi diyan. Simulan mo na ang pangangalap ng impormasyon ngayon pa lang. Mangutang ka kung kinakailangan, ako ang bahala pagbalik ko. Do whatever you need to do to kick-start the investigation. I want a report days from now. And it better be a good lead."
Ilang sandali pa bago ito sumagot.
"Nasaan ka ba? Want me to locate you?"
Inipit ko sa tenga ang cellphone at inabot ang bottled water. Binuksan ko ito at uminom. "I don't know where I am. Don't look for me. I'll come back when it's time. Ang asikasuhin mo ay ang kaso ko."
"Ano ang ginagawa mo diyan?"
Ibinaba ko ang bottled water. "Kumakayod para mabayaran ka. " I paused "So? What's your decision?"
"Call."
Napangisi ako. "Good boy. Siya nga pala, don't call me. I'll be the one to call you. Maliwanag?"
"Copy."
"Okay. Ibababa ko na."
"Ahm, Fem?"
"Bakit?"
"Take care."
Napalatak ako. "Why? Nag-aalala ka ba sa akin? Inamin mo na rin ba sa wakas sa sarili mo na crush mo ako? Spare me with your patootie love, Dave. Hindi ako pumapatol sa mga menor de edad."
"Hindi pa ako tapos. Mag-ingat ka kasi kokobrahin ko pa ang isang milyon ko."
Tuluyan ko nang pinakawalan ang tinitimpi kong tawa. "Right. Whatever makes you sleep at night, Dave."
Tinapos ko na ang tawag at ibinalik ang original sim ni Maverick sa cellphone. Sinira ko naman ang sim at ibinaon sa buhangin. I opened the bottle of sunscreen and applied it all over my body. And then I stood up and ran to the sparkling water to take a dip.