webnovel

Her Inexorable Past

Skye Erin Claveron, an unfortunate woman who died exactly on her birthday. But what if she lived again? Will she succeed in altering her past?

Ellywrites_ · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
12 Chs

Chapter 7

Impossible.

I should have known better against unforeseen circumstances. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang makausap ko si Cole. Napansin ko rin ang pagiging malayo sakin ni Ares. Nahalata na siguro niyang may alam ako. To be honest I'm scared—scared by the fact that he's just pretending to be innocent. Natatakot rin ako na baka tama ang lahat dahil ang bilis masyado ng mga pangyayari at paniguradong marami pang sikreto ang mabubunyag. I–we just have to figure it out.

"Erin! I feel so bagot here!" Ito nanaman si Heidi sa kaniyang nakakawindang na ka-conyohan. "It's so matagal, you know, and so ginaw here." I massaged my head.

Heidi Venice Smith, halata naman sa apelyido nitong isa siyang Amerikanang hilaw—just kidding! We are best of friends, magkakilala na kami simula highschool dahil magkaibigan ang mga magulang namin. Palagi tuloy siyang nababansagang maarte sa paraan ng pananalita. Well, maarte naman talaga siya sa ibang bagay katulad ng klima, tagal at amoy ng isang tao o pangyayari. Kung sa iba'y lalayo na lang kapag naiirita ngunit iba si Heidi, there is a possibility that she'll even shout at that particular person he encountered.

"Hey! Nandiyan ka pa ba? You'll hintay me, right? I don't want to make lakad so call manong driver na!" She stated.

"Oo hihintayin kita!" Bulyaw ko, kanina pa ako naghihintay sa loob ng airport ngunit napakatagal nitong dumating. Two hours! Two effing hours.

"Sige, my luggages are so bigat. I'll baba na this tawag, ha—"

"Ugh! Just speak in english, ang sakit sa ulo." I wasn't mad. Well, irritated maybe.

"Okay, paalam!" Aniya. I rolled my eyes.

Hindi ko naman na kailangang tawagan pa si Manong dahil dala ko ang kotse ko. Heidi's a VIP–Very Irksome Person. I laughed on that idea.

As expected, people were astonished by her presence. All of their eyes rose bigger. Marahas akong napapalo sa sariling noo. Hilig talaga nito ang atensiyon, mabuti na lang talaga kaibigan ko siya kung hindi baka nag-post na ako ng mga hate comments sa kaniya. But that's far from possible, tho.

"I told you, wear your face mask!" I blurted, she just chuckled as if she does not care.

Nakabagsak lang ang buhok nito habang nakasuot ng manipis na bestida. Sino bang hindi giginawin diyan.

Sikat na mang-aawit si Heidi, kaya sobrang dami ng taga-hanga nito. Kasali na ako do'n.

"Look at you, balot na balot?" Aniya sa mapang-asar na tono.

What's wrong with baggy jeans and hoodie? It felt comfortable, though hindi ko talaga pormahan 'to. Naka suot rin ako ng aviator at mask kaya walang makakakilala sakin.

"Maganda pa rin naman," I boasted.

Umirap ito "Tsk, help me kaya!"

Hindi ko napansing dalawa pala ang bitbit nitong bagahe. Wala rin naman akong choice kaya tinulungan ko na lang.

Iniwan ako nito sa labas ng kotse kasama ng dalawang bagahe. Wow! Ano 'to katulong for a day? Marahas kong binagsak sa loob ng compartment ang mga maleta nito bago pumasok sa kotse.

"How was your trip?" I asked maintaining contact with the road.

"It wasn't fun without you, parang pag-inom lang ng kape ang pinunta ko 'don!" Nakabusangot ito habang nagtitipa sa cellphone.

"What do you mean by that? Akala ko ba may aasikasuhin kang kontrata?" I asked.

Lalong sumimangot ang mukha ng dalaga.

"It was delayed! Ugh! I shouldn't have come!"

Akala ko naman naging maayos ang biyahe nito. Hindi ako nakasama dahil hindi naman nauulit ang oras at araw na 'yon na kung pwedeng balikan maaari akong sumang-ayon. Naalala ko na panay ang pilit sakin ni Heidi ng mga araw na iyon, ngunit abala rin ako sa trabaho. Ang daming shows na dapat daluhan at labanan na dapat hatulan.

"At least you experienced the cold breeze of Canada!"

Heidi frowned "You know how much I hate cold weather."

I let out an awkward laugh "Oh, right! Sorry I forgot!" It's true.

"Friendship over!" aniya habang naka-kunot ang noo. Alam ko namang nagbibiro lang siya.

Bumaba na kami sa kotse, pansamantala ko muna itong pinatuloy sa bahay ko dahil walang tao sa bahay nila. Abala rin kasi sa ibang bansa sila Tito at Tita kaya naiiwan siyang mag-isa, hindi man lang ito nagkaroon ng kapatid kaya gustong gusto na niyang makita sila Bianca at Caden.

"Change your damit muna kaya? It's so init in the Philippines!" Pinaypayan nito ang sarili gamit ang sariling kamay.

"Ang arte mo, nakabukas na nga ang aircon!" I shouted. Hindi niya ako pinansin subalit binuksan pa ang electric fan sa gilid. I thought she hates cold air? What a crazy woman.

I changed my clothes into a long sleeve fitted top inserted inside my skirt. I also wore my white shoes and took my gucci sling bag. Maiksi lang ang buhok ko kaya hinayaan ko na lang itong nakalugay.

"Let's take a selfie!" Heidi shouted by the time I came down.

Tumango ako saka tumabi sa gilid niya. She took a lot then posted it on her Instagram. I sat on the couch when a notification popped up.

nicvlsco started following you.

Nicolas Rae Velasco sent you a friend request.

cole followed you

Seriously? He followed all of my social media accounts. Hindi talaga mahilig magpaligoy-ligoy ang isang 'to.

nicvlsco: Hala famous, hindi na namamansin.

skye: ?

nicvlsco: Sungit mo naman, miss. Pwede bang makipag-kaibigan?

Hindi ko ito pinansin ng ilang minuto. Nanliit ang mga mga ko ng mag-chat nanaman siya.

nicvlsco: Ay, baka nakakaabala ako?

He's imitating 'some' boys on the way he chat. Sigurado ako dahil naranasan ko rin 'yon noon. It's kinda lame but they'll develop eventually. Embrace those 'kajejehan' days 'coz sooner or later you'll just laugh at it.

skye: Anong nakain mo? Baliw.

nicvlsco: 🐈 🐈 🐈

skye: bastos!

nicvlsco: It's siopao!

Then he delivered a picture of his siopao. I scratched my head in frustration.

skye: hindi naman kasi pusa ang nasa loob ng siopao! It's either asado or whatever the cook wants!

Binalik ko na sa loob ng sling bag ang cellphone ko saka hinarap si Heidi. Kanina pa pala ito nakikiusyoso sa kausap ko.

"Ikaw ha, I think kilala ko siya," She stopped for a moment, "A detective, right?"

"Paano mo nalaman?"

"He's famous! You naman kasi masyado mong kinarir ang pag-rampa noon!" Aniya sabay tunggo sa braso ko."Wait, how'd you know each-other?"

I cannot answer that "He's a customer," I counterfeit a smile.

Her mouth formed into an o "Naks, ganda mo ha." Nakisabay ako sa tawa nito.

Napagplanuhan naming lumabas bukas kasama sila Caden at Bianca. Pumayag naman ako dahil minsan lang iyon mangyari.

Nagtungo muna ako sa café dahil kailangan ko rin silang sabihan. Mas gusto ko sa personal na pamamaraan. May mga dapat rin akong kunin na gamit.

"Naku! Ayos lang po ma'am!" Ani Suzy.

Tipid akong ngumiti saka tumalikod. Kagaya nu'ng nakaraan nakasandal nanaman sa pader si Ares habang medyo nakayuko ang ulo nito. Dinaanan ko lamang ito kunwaring hindi siya napansin.

"Can we talk?" His voice was now calm, wala na sa mukha at asta nito ang unang pagkakakilanlan ko sa kaniya. Like a different version of him.

His eyes were dark that send chills down through my spine.