webnovel

Her Gangster Attitude

Since her grandmother is in a coma, Maria Delaila Magtanggol is willing to do everything, give up her pride and enter a world so new to her. In her struggles and troubles, can she overcomes them using her charm and her gangster attitude? It's a story of friendship, brokenness, family and love.

Periwinkle0024 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
67 Chs

Chapter 5: Confidential Information

AJ

For the first time in my entire existence ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Hindi ko lubos akalain na may isang nilalang na sisibol at kakalabanin ang halimaw na si Iker. Kung kami ngang tatlo nila Jaire at Duke ay iwas na iwas galitin ang nilalang na 'to, pero pagdating sa babaeng 'to parang napaka-effortless lang nang ginagawa niyang pagtataas ng kilay at pagiging sarkastiko n'ya kay Iker.

Kung hitsura ang pagbabasehan, masasabi kong konting ayos n'ya lang ay pasado na sana s'ya. Pero kung gusto n'yang maging ordinaryo lang sa tanang buhay n'ya. Hindi s'ya papasa sa mga matang lawin ni Iker. I'm sure of that. May pakiramdam ako na ang babaeng matitipuhan nitong si Iker eh, pang out of this world din.

At kung ang pagbabasehan naman ay ang kanyang pananamit, napangiwi ako. Sabagay iba-iba naman ang taste ng tao. Napatingin ako kay Iker at muli kong ni-review ang naisip ko kanina na pang- out of this world ang type ni Iker. Paano pala kung ang mga tipong kagaya ng babaing ito... ang type ni Iker? Mula noong Grade 7 kase kami ni isang babae wala pa s'yang tiningnan. Hindi naman namin masabing bakla dahil may mapadikit lang na kahit na sino sa kanya halos balian ng buto ng wagas na wagas. So to cut the long observations of mine short, tanging ang dila lang ng babaeng ito ang labis na hinangaan ko. Napaka-sharp!

S'ya pa lang ang kauna-unahang nagsabi na nagpapa-baby sit ang bigating si Iker. Mabangis na paratang 'yun mah-men! Gusto kong humagalpak ng tawa pero dahil mahal ko pa ang buhay ko, tatahimik na lang ako. Ayokong maging mitsa ng buhay ko ang kahit isang mahinang tawa mula sa napaka-sexy kong mga labi.

"What did you say?"

Sa boses pa lang ni Iker batid na naming may nagbabadyang malaking unos na paparating. Lihim akong umusal ng panalangin. Mamaya ay dadaan ako sa kapilya para magtirik ng kandila. Iaalay ko ang kandilang iyon sa babaeng ito na FIRST, as in FIRST sa history ng buhay ni Iker na bumangga dito.

"Sabi ko magsilayas na kayo dito dahil naabala n'yo na ang klase namin," pagtataray pa ng babae.

Nagkatinginan kami ni Jaire. At hindi namin mapigilan ang mapangisi. Alam kong pareho kami ng iniisip. At pareho rin kaming humahanga sa tibay ng loob ng babaeng ito. Pero...tsk, tsk, tsk. Dead end na. Kasisimula pa lang ng klase pero parang may matatamaan na kaagad ng bagsik ni Iker.

"Anooo?! Titingin ka pa?! Gusto mong dukutin ko 'yang mga mata mo?" Nagbabantang tanong pa nito habang pinapandilatan ng mga mata n'ya si Iker. Feeling ko huminto ang mundo ng masaksihan ko ang ginagawang iyon ng babaeng bagong salta. Men, talagang hindi ko makita na natatakot s'ya kay Iker. I must admit, she really is something! Nang tumayo si Iker ay sobrang nag-anticipate na ako ng malupit-lupit na bakbakan.

Pero halos sumabog ang machong tenga ko dahil sa mga binitawang salita ni Iker.

"You heard her. Let's go,"

Napatda kaming tatlo. Para kaming ipinako sa kung saan kami nakatayo

"Did I hear it right?" maang na tanong ni Jaire na halos sarili lang n'ya ang kinakausap.

"Sinabi ba talaga n'yang 'let's go'?" hindi makapaniwalang tanong ko naman. Baka naman mamaya nabibingi lang ako dahil nakalimutan kong maglinis ng tenga.

"Meron pang 'you heard her'. Sumusunod ba s'ya sa utos ng babaeng 'yun? " hindi maitago ni Jaire ang pagkamangha sa tono ng boses n'ya.

"Right," sang-ayon naman ni Duke na napaka-rare kung magulat. Marahil hindi rin kinaya ng buong sistema n'ya ang naging asal ni Iker. Sino ba naman kase ang maniniwala na sumunod sa utos ang isang Iker de Ayala.

"Guys, lumabas na ang sinusundo n'yo. Pwede na ba kayong lumabas para makapag-klase na kami?"

Ang boses ni Mam Jacinto ang nagpagising sa tila namanhid naming diwa. Sabay-sabay kaming tumingin sa babaeng may napakalakas na loob. Nakataas lang ang kilay n'ya habang tinitingnan kaming tatlo na para bang sinasabi na 'Ano hindi pa ba kayo susunod?' Gusto sana naming magtanong pero mas gusto naming si Iker ang tanungin kaya naman dali-dali na kaming naglakad palabas.

"Today is a wonderful day, Mam," natatawa kong sambit ng makalapit ako kay Mam Jacinto.

"Umayos ka nga, gusto mo pa bang mabuhay?"

Natawa lang ako ng sapakin ako ni Jaire. Kunyari pa s'ya. Alam ko namang kating-kati na rin s'yang malaman kung sino ang babaeng iyon. Ngayon ko lang s'ya nakita kaya nasisiguro kong transfer student lang s'ya dito sa school.

Paglabas namin ng classroom ay nasa first floor na ng Building 3 si Iker. Deym, lumipad ba s'ya at ang bilis-bilis n'yang makarating sa first floor? Halos lakad-takbo na ang ginawa naming tatlo para lang makasunod sa kanya. Pero hindi pa rin namin s'ya inabutan.

Sa Hidden Detective Club na namin inabutan si Iker. Noong una, kalokohan lang talaga ang dahilan kaya namin binuo ang Club na ito. Gusto lang namin ng tambayan kaya nag-demand kami ng sarili naming club. Iker being the owner's son, me and Jaire's parents are both shareholder, walang nagawa ang pamunuan ng school kundi ang hayaan kami na maitatag ang HD Club.

Kaya lang nang tumagal na, marami ng naging kliyente ang club namin at ang karamihan sa kanila ay mayayamang estudyante na nag-aaral dito sa Academy at ang iba naman ay sa ibang university at academy pa. May sarili kaming investigation team at may mga paparazzi team din kami. Karamihan sa mga kliyente namin kung hindi mga babaeng nanghihingi ng impormasyon sa mga lalaking gusto nila ay mga lalaki naman na nagpapa-imbestiga kung kinakaliwa ba sila ng mga jowa nila.

Malaki ang kinikita namin kaya iyon ang ipinambili namin ng mga gadgets na ginagamit namin sa pag-iimbestiga at pagkuha ng mga impormasyon.

"Sky, nasaan na 'yung files na pinagawa ko sa'yo last month?"

Tanong ni Iker sa computer genius na si Skyler Montalvan. Kasama rin s'ya sa grupo namin. Sampu kami sa grupo pero kaming apat lang nila Duke, Jaire at Iker ang palaging magkakasama dahil masyadong introverted ang anim pa naming kaibigan. Mas gusto nilang nakakulong sa HDC room.

Sila Sky, Lancelot at Gig ang nakatoka sa pangha-hack ng mga files, iba't-ibang sites at paggawa ng website para sa grupo namin. Pare-pareho silang magagaling pagdating sa pagmamanipula ng computer o kung ano pa mang gadgets.

Sila Keith, Ryle at Zeus naman ang nangangalap ng mga impormasyon mula sa labas. Marami silang koneksyon sa labas ng paaralan.

Si Iker ang boss at si Duke ang humahawak ng kinikita namin. Kaming dalawa naman ni Jaire ang nakikipag-usap sa mga kliyente.

"Ibinigay ko kay Zeus ang ipinapagawa mong 'yun. Mauubos na 'yung keyboard ko sa kahahanap ng taong pinapahanap mo pero hindi man lang ako nakakuha ng clue. Noong una inisip ko nang wala s'ya sa social media. Nang maimbestigahan s'ya ni Zues, nalaman namin na hindi talaga s'ya nags-social media. Wala s'yang facebook, twitter o I.G. Sino ba 'yun?"

Saglit na huminto sa ginagawa n'ya si Sky saka tumingin kay Iker. Mamayang 10 pa ang klase namin pero inagahan namin ang pagpasok para maasikaso ang ilang bagay dito sa Club. Kaso, dalawang oras na kaming naghihintay sa Boss, ni anino n'ya hindi namin nakikita.

"Where's the files?"

"Ito Boss," kaagad na lumapit si Zeus Valdemor kay Iker. Kagaya ng nakagawian n'ya may nakasalpak na namang lollipop sa bibig n'ya.

Mabilis na kinuha ni Iker ang folder na iniabot ni Zeus sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo n'ya ng makita kung gaano kakapal ang files na naglalaman ng talambuhay ng kung sino man 'yun. Hula ko files iyan nung babae kanina. Na-curious tuloy ako. Sino ba 'yun at s'ya pa lang ang kaisa-isang babaeng pinag-interesan ni Iker to the point na pinaimbestigahan n'ya pa pala.

"Sinimulan ko ang pangangalap ng impormasyon mula sa nanay n'ya. Bakasyon naman kaya ako mismo ang nag-imbestiga n'yan." Proud na proud na wika ni Zeus saka naupo sa tabi ko. Sa sobrang pagka-obsessed n'ya sa pagiging detective, lahat ng mga kasong ipinapagawa sa kanya...binibigay n'ya ang more than one hundred percent best n'ya.

"Sino ba 'yun?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Maria Delaila Magtanggol. Apo s'ya ni Demetria Magtanggol na s'yang nakakita kay Boss noong tinambangan s'ya sa Katahimikan Province last year. Remember Jack? Patay na patay ang girlfriend n'ya kay Boss. To get his girlfriend's attention back, naisipan n'yang ipa-hit and run si Boss. Kaso, nakatunog si Boss that's why they shoot him. Nung mawalan ng malay si Boss, itinapon nila sa ilog. Luckily, nakita s'ya ng lola ni Ms. Magtanggol kaya nakauwi s'ya after two months," pagkukwento ni Zeus na para bang wala lang ang bagay na kinukwento n'ya.

Nag-iba ang timpla naming tatlo nung marinig namin ang pangalang 'Jack'. Hindi namin makakalimutan ang ginawa n'ya dahil kaming apat ang magkakasama nang gabing iyon. We regretted leaving Iker alone at the Hotel.

"Past is past. Wala ng magagawa ang galit natin. Nakakulong na si Jack at lubog na rin ang mga negosyo ng pamilya nila. Knowing Boss, papayag ba s'yang hindi makaganti?" Nakangising tanong ni Zeus na number one fan ni Iker. Scholar lang ng Allejo de Ayala Academy si Zeus at si Iker ang naka-discover sa talent n'yang lumutas ng mga kung anu-anong bagay. Palagi rin s'yang kasama sa top students.

Huminga ako ng malalim. Tama. Ang mas importante ligtas si Iker at nakaganti rin s'ya sa ginawa ni Jack sa kanya. Si Iker mismo ang nagsaliwat sa baho ng kumpanya nila Jack sa publiko kaya naman inembestigahan sila ng mga otoridad. Kaagad ipanasarado ang mga kumpanya nila at maraming investors ang nag-alisan sa iba pa nilang mga kumpanya.

"Usapang matino, Boss. Type mo ba s'ya?"

Kaagad akong lumayo kay Iker ng marinig ko ang nakakabinging tanong ni Zeus. Sa aming lahat, s'ya lang ang bukod tanging nakakapagtanong ng ganyan ka-diretcho kay Iker. Walang paligoy-ligoy. Straight to the point.

"Nah. Just curious why she's here,"

"Iniisip mo ba Boss na sisingilin ka n'ya sa ginawa nilang pag-aalaga sa'yo sa loob ng two months?"

Tanong pa ulit ni Zeus habang naglalakad papunta sa malaki at malawak na refrigerator. Kumuha s'ya ng isang yakult saka naupo sa stool na nasa tabi ni Sky.

"She don't have the right to do that. Ginawa nila akong alipin ng mga panahong nakatira ako sa kanila," Iker said, void with any emotions.

Hindi ko mapigilang mapa-wow mentally. Their courage is so big para gawing alipin ang bunsong tagapagmana ng mag-asawang Irish Hilton at Kevin de Ayala! But hey wait!

Si Ivan Kerwin de Ayala pumayag maging isang alipin?!

"C'mon man tell us the whole story. Parang hindi naman yata kapani-paniwalang mapapasunod ka nila. Knowing you, nakakapagtaka ngang buhay pa ang buong pamilya nila ngayon," napapaisip kong saad.