Chapter 18: Hiding far away from you.
UNTI UNTI NIYANG IMINULAT ang kaniyang mga mata一 isang pamilyar na kisame ang agad na bumulaga sakaniya.
Kunot noong iniisip kung bakit naroon siya gayong ang natatandaan niya ay roon siya bumagsak sa harapan ng doktor.
"Mama?" mabilis niyang nilingon ang gilit niya at don nya nakita ang anak niya一 si julia na halatang nag-aalalang nakatingin sakanya. "Gising na po kayo.." nakangiting anito munit kitang kita ang pamumuo ng luha nito.
"J-Julia.." banggit niya sa pangalan nito.
Iniangat nya ang kamay nya upang punasan ang mga luha nito. "Shh" pagpapatahan niya rito.
Tumango tango naman ito munit halatang gustong gusto nang umiyak kung kaya't marahan niyang hinawakan ito sa batok at niyakap.
"Ayos na ang lahat.. Gising na 'ko anak" mahina niyang pagcocomfort dito.
Tumango tango ito munit mahinang umiiyak sa bisig niya. Hindi niya rin tuloy maiwasang mamuo ang mga luha sa mga mata niya一 pagkatapos ng lahat ng nangyari sa panaginip niya, hindi niya na alam kung sino pa ba siya.
"Tahan na.." pag-aalo niya at marahang tinapik ang balikat nito.
Napatingin siya sa bintana at hindi niya maiwasang magtaka nung makitang madilim na sa labas.
Muli uli niyang pinagmasdan ang paligid at hindi niya mawari kung anong mararamdaman nung mapagtantong nasa bahay nga talaga siya ni rozzen.
"Anak.. Uwi na tayo?" tanong niya.
Tumango tango na naman si julia nang hindi kumakawala sa bisig niya, marahil ay namiss siya ng sobra nito.
bumuntong hininga siya bago muling tumingin sa bintana.
'kailangan ko nang tapusin ito.. hindi ba?'
HINDI na siya nagsayang pa ng oras一 nung makitang sumisilip na ang araw ay marahan niyang ginising si julia na nakatulog na sa bisig niya.
"Anak, tara na?" nakangiti niyang ani.
Okay na okay ang katawan niya munit hindi ang puso niya. Mabigat na naglakad siya palabas ng kwarto gaya ng bigat na nararamdaman niya.
"Mama.. Magpapaalam na po ba tayo ngayon?" natigilan siya nung magsalita si julia.
Now playing: Huminahon By Up for Byes [ A/N; Naalala ko 'tong kanta habang nagsusulat hehe]
Ngumiti siya ng pilit at tumango. "Magpapaalam na tayo ngayon." dahil alam kong ito na ang magiging huli naming pagkikita, sisiguraduhin ko iyan. Hindi niya na sinabi iyon at hawak kamay na tinahak nila ang kwarto kung nasaan natutulog ng mahimbing na parang bata ang lalaking minsan nang nagpangiti sakaniya..
🎶 Ooh-ooh, ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh 🎵
Kusang bumitaw si julia sa pagkakahawak niya na tila ba gusto nitong bigyan sya ng oras na kausapin si rozzen mag-isa.
🎶 Huminahon ka kahit sandali
Nabalutan ng lungkot ang 'yong mga ngiti
Huminahon ka kahit minsan
Ako ang iyong ligtas na tahanan~ 🎵
Naglakad siya palapit sa binata na tila isang bata kung matulog munit halata ang pagod sa mukha nito.
🎶 Ramdam ko naman, ika'y nahihirapan
Pwede naman nating pag-usapan
'Di naman kita iiwanan, kaya~🎵
Iniangat niya ang kamay nya at marahang hinaplos ang mukha nito.
🎶 Huwag kang mag-alala, sasamahan kita
Hahanapin kita, sa'n ka man magpunta
Nandito lang, nandito lang ako~ 🎵
"Aalis ako ngayon at hinding hindi na magpapakita sa'yo. Sisiguraduhin kong hindi na magkakasalubong ang ating landas upang hindi na magkagulo ang buhay mo." nakagat niya ang labi upang pigilan ang luhang namumuo sa mga mata niya. "Alam ko na ang lahat.. lahat lahat nang hindi mo sinasabi sa'kin nung panahong iyon.." kahit anong pigil ay may isang butil ng luha ang pumatak sa mata niya. "Pero hindi kita masisisi sa ginawa mo, dahil alam kong ginawa mo lang ang inuutos niya.." pinunasan niya ang luha niya.
🎶 Lumalalim ang panaginip
Naririnig mo ba aking tinig?
Bakit 'di na lang palayain? At sabihin mo~ 🎵
At sa huling sandali na alam niyang iyon nalang din ang huli niyang pagmamasdan ang mukha nito kung kaya't lahat ng parte ng mukha nito ay tinandaan niya upang hindi niya makalimutan pa.
🎶 Huwag kang (huwag kang) mag-alala, sasamahan kita
Hahanapin kita, sa'n ka man magpunta
Nandito lang, nandito lang ako~🎵
"ni siquiera lo sabes, pero estoy feliz de verte con vida, estás viviendo feliz y libre tal como lo prometiste antes. Lo siento si me tomó mucho tiempo recordar todo, lo siento si Llegué tarde para averiguar qué pasó entonces... Pero te prometo que no dejaré que el pasado se repita. Me aseguraré de que tengamos una opción, y la muerte de uno de nosotros no estará allí." seryoso munit naiiyak niyang ani. "Isipin mo nalang na naging d-duwag ako at nagpakalayo layo. H-Hindi mo na rin ako kinakailangang hintayin dahil hindi na ako muling babalik pa.. Para sa kaligtasan nating dalawa." Unti unti niyang inialis ang kamay sa mukha nito at tumalikod na.
🎶Huwag kang (huwag kang) mag-alala, sasamahan kita
Hahanapin kita, sa'n ka man magpunta
Nandito lang, nandito lang (nandito lang)
Nandito lang (nandito lang), nandito lang ako~ 🎵
Nagtama naman ang tingin nila ni Julia na nag-aalalang nakatingin sakaniya.
Alam niyang hindi nito naiintindihan alinman sa sitwasyon nila ngayon, pero sana ay maintindihan nitong kailangan niyang itago ang lahat upang hindi na muling magkagulo.
"Mama uuwi na po ba tayo?" tanong ni julia nung makalabas na sila ng bahay nila rozzen.
Umiling siya. "May kaylangan pa 'kong puntahan.. Isang tao nalang" seryoso niyang ani.
NAKATAYO LANG siya sa harap ng bahay nang isa sa mga itinuring niyang pamilya noon.
Mahigpit ang hawak niya kay Julia habang pinagmamasdan ang pinto kung saan nakatira ang evil-witch na kilala niya.
"Mama bakit po tayo pumunta dito? Sino pong gusto niyong makita?" hindi niya pinansin ang mga tanong ng anak dahil kapag sinagot niya alinmandon, alam niyang may susunod pa hanggang sa ma satisfied na nito ang kuryosidad nito.
"Julia, dito kalang sa labas." utos niya, tumingin siya sa paligid at nakita ang isang hindi kalakihang kahoy. Mabilis niya iyong pinulot at ibinigay sa anak. "Naalala mo ba ang itinuro ko sa'yo noon?" tanong niya, tumango ito. "Gayon, Gawin mo iyon sa mga taong lalapit saiyo ngayon.." Nakangiti niyang ani. Ngumiti ito at tumango, bago niya iwan sa labas ang anak ay pinagmasdan niya muna ito bago buong puso na pumasok sa loob.
Pagpasok niya sa loob ay inilibot niya ang tingin sa paligid一 after hundred years, wala pa ring pinagbago ang bahay na ito.
mapait siyang napangiti.
Naglakad siya sa maliit na daan papuntang sala kung saan alam niyang naroon ito, at tama nga ang hinala niya.
Kasalukuyan itong nagpupunas ng mga antique sa bahay habang nakangiti.
Makita lamang ang masaya at maginhawa nitong buhay ay parang gusto na niya itong wakasan一 munit pinigil niya ang sarili, hindi iyon ang pinunta niya rito.
Lumabas siya mula sa pinagtataguan, hinintay niyang lumingon ito sakaniya at tulad nang inaasahan niya ay nanlalaki ang mata' na tila ba nakakita ng multo habang nakatingin sakaniya!
Napangisi siya ng matunog. "Kumusta, Adrasteia?" kasuwal niyang ani habang nakatingin sa ginang na nahulog ang hawak nitong pamanyo.
"Paanong...?" hindi nito matuloy tuloy ang sasabihin, marahil ay talagang hindi nito inaasahan ang pagpunta niya.
"Paanong buhay pa 'ko o paano kita nakilala?" Itinatago niya ang galit sa pamamagitan ng isang ngiti. "Alin don, Adrasteia?" sarcastic niya pang ani.
"Anong ginagawa mo dito?" mukhang natauhan na ito sa pagkagulat. "Wala rito si rozzen一"
"Alam naman nating dalawa na hindi ka ganong katanga para isiping pumunta ako rito para kay rozzen, hindi ba?" putol niya rito, nakita niya ang inis sa mukha nito.
Napangiti siya一 ayan ang paborito niyang ekspresyon ng mga taong gusto niyang inisin.
"Anong kaylangan mo?!" pasigaw nitong ani. Napabuntong hininga naman ako upang pigilan ang sarili ko sa pagsigaw din.
Naglakad ako patungo sa mga antique na mukhang inaalagaan niya ng husto. "Hindi ako naparito upang makipagtalo o ang wakasan ang napaka-walang kwenta mong buhay kung kaya't kumalma kalang riyan." natatawa pa niyang ani.
"A-Ano ba talaga ang pinunta mo rito?" halata sa boses nito ang takot kung kaya't nilingon niya ito.
Pinagmasdan niya ang nakakunot nitong mukha. "Hinding hindi na ako babalik pa sa lugar na ito kung mangangako ka sa'kin ng isang bagay bilang kapalit." seryoso kong ani.
"Bakit naman ako papayag sa iyong sinasabi一"
"Wala kang magagawa kun'di ang pumayag dahil sisiguraduhin kong mamatay ka sa sobra sobrang pagdurusa kapag hindi ka sumunod." seryoso niyang ani. "Atsaka wala rin naman akong pakealam kung papayag ka o hindi." dagdag pa niya.
Nakita niyang napalunok ito at umiwas ng tingin na tila nag-iisip.
"Pag iisipan ko kung sasabihin mo kung ano ang bagay na iyon.." anito.
Matunog siyang ngumisi at bahagyang lumapit rito, munit umaatras naman ito kung kaya't itinigil niya rin ang paglapit.
"Hayaan mo siyang mabuhay." seryoso niyang ani na ikinatigil nito. "Huwag na huwag mong uulitin ang ginawa mo noon sa akin.. Huwag mong babalaking saktan siya dahil mapapangako kong magsisisi ka." dagdag pa niya.
Nakita niya ang gulat sa mga mata nito. "P-Paanong.."
"Hindi naman ako tanga, at mas lalong hindi ako bobo para malamang sineset up mo na naman si rozzen. Sinasabihan mo siya ng kung ano ano para lang patayin ako tulad ng ginawa mo three hundred years ago." mas lalo itong nagulat sa huli niyang sinabi.
Munit wala siyang pakealam pa一 wala na siyang pakealam sa nangyari sakaniya three hundred years ago, dahil ang mahalaga sakaniya ngayon ay ang panatilihing buhay si rozzen.
"Bakit ko naman siya pagtataksilan katulad ng ginawa ng pamilya mo sakanila?"
bigla syang nakaramdam ng matinding galit dahil sa sinabi niya.
Naikuyom nya ang kamay upang pigilan ang galit na namumuo sa dibdib niya.
"Huwag na huwag mo uli akong subukan, Adrasteia. Hindi na 'ko katulad ng Annette na nakilala mo. " Madiin at puno ng galit niyang ani. "Alam ko ang sikreto mo, at isang maling kilos mo lang ay babagsak ka kasama ng kagubatang ito" patago siyang napangisi nung bumalatay ang takot sa mata nito.
'Alam ko na ang kahinaan mo, ngayon mo balaking sirain ang plano ko...'
" PERO TE prometo que no dejaré que el pasado se repita. Me aseguraré de que tengamos una opción, y la muerte de uno de nosotros no estará allí." naalimpungatan si rozzen nung marinig ang pamilyar na boses.
Translate: But I promise I won't let the past repeat itself. I'll make sure we have a choice, and the death of one of us won't be there
Hindi siya gumagalaw dahil natatakot siyang baka isa lamang iyong panaginip一panaginip na alam niyang ayaw niya nang magising pa.
"Isipin mo nalang na naging d-duwag ako at nagpakalayo layo. H-Hindi mo na rin ako kinakailangang hintayin dahil hindi na ako muling babalik pa.. Para sa kaligtasan nating dalawa." napahawak siya ng mahigpit sa kumot dahil sa huli nitong sinabi.
Muntik niya nang habulin ang kamay nito nung alisin nito ang kamay sa mukha niya一 mabuti na lamang at malakas ang pagpipigil niya sa sarili niya.
Narinig niya ang yapak nito papalayo sakaniya. Unti unti niyang iminulat ang mga mata niya at pigil ang hininga nung makitang walang tao sa nakabukas na pinto.
"Panaginip ba iyon?" hindi niya maiwasang maiusal.
Napatingin siya sa maliwanag na bintana一 napamaang siya nung makitang tirik na ang araw na sumisilip sa mga kakahuyan!
Napakamot siya sa ulo nung marealize na sobrang tagal pala ng tulog niya na mas nakakapagtaka dahil lagi namang mababaw lang ang tulog niya simula nung nahimatay si shakira.
Halos araw araw ay pinapatay siya ng pag-alala at konsensya kahit pa hindi pa siya sigurado kung siya ang dahilan kung bakit nagkaganon ang dalaga.
"ROZZEN!!" napakunot noo siya nung marinig ang sigaw na nagmumula sa kabilang kwarto, at maya maya lang ay yapak na palapit sa kwarto niya ang narinig niya.
"What the fvck you doing here?!?" galit niyang ani matapos makita si aziter na hanggang ngayon ay halata pa rin ang pasa nito na dulot ng galit niya.
"I-I have news... L-Listen" utal utal nitong ani, halata ang takot sa boses nto.
Huminga siya ng malalim at tumango. "Talk" maikli niyang utos.
"Adrasteia is planning to kill them." Naantig nun ang atensyon niya, kunot noong tinignan niya si aziter at hinintay ang susunod pang sasabihin. "I heard it. Pumunta si shakira sa bahay ni adrasteia. Matapos lang nun ay agad nagpatawag ng meeting si Adrasteia.. a-at narinig kong balak nilang patayin ang m-mag ina"
Tinitigan niya ang lalaki, hinuhuli ang tingin upang malaman kung nagsisinungaling ba ito o hindi. Munit puros sinseridad lamang ang nakikita nya sa mata nito.
Hindi niya na napansing nakakuyom na pala ang kamao niya at halos magkabungguan na ang kilay niya sa sobrang pagkakunot non.
Napaupo siya一 naguguluhan siya ngayon.
Naguguluhan siya kung bakit pumunta pa si shakira sa bahay ni adrasteia kung alam namn nitong mapapahawak siya. At kung bakit may balak pang papatay ni adrasteia ang mag-ina.
"A-Anong balak mo?" hindi niya na nilingon pa si aziter.
"Umalis kana." tipid niyang ani.
Hindi niya alam kung kakampi ba ito o kaaway. Ayaw niya nang magtiwala pa lalo pa't sa kapakanan ng dalawa.
"K-Kakampi nyo 'ko.." doon niya na naiangat ang ulo niya. "H-Hindi ko naman sasabihin ang impormasyong iyon kung hindi一"
"Leave." matigas niyang utos. "Now."
Pinagmasdan niya kung paano naglakad paalis si aziter, Deretso man ang tindig nito'y mababakas pa rin ang takot sa nanginginig nitong mga kamay.
Inihilamos niya ang nanginginig na kamay sa pawisan niya nang mukha.
"G*ddamn. What should i do?" mariin niyang bulong.
Its between shakira一 his greatest love and adrasteia一 that she treats as her family.
He loves them so much, and everyone knows it. That's the reason why they wants to be his ally.
Ayaw ng mga ito madamay sa magaganap na laban.
Napatingin siya sa pinto nung marinig ang mabigat na katok nun. Hindi niya na kinakailangang hulaan pa kung sino 'yun dahil iisang tao lang naman ang kumakatok sa bahay niya.
Tumayo siya at lumapit sa pinto. Napabuntong hininga siya't tinanggal ang kahit anong emosyon sa mukha niya.
Pagkapukas niya ng pinto ay hindi na siya nagulat nung maramdaman ang malakas na sampal na nakuha niya mula sa ginang.
"Pano mo'ko nagawang linlangin?!" galit nitong sigaw.
Naikuyom niya ang kamao niya kung kaya't itinago niya ito sa likuran niya.
Wala pa ring emosyong ibinalik niya ang tingin sa ginang.
"Hindi ko gustong linlangin ka." lalong hindi ko gustong paslangin sila. Ani niya sa sarili.
"Kung ganon bakit mo sinabing natapos mo na sila?! Gayong kitang kita kong buhay na buhay pa sila!" Halos ilabas na nito ang ngalangala dahil sa sobrang lakas ng sigaw. "Pumunta sila sa bahay! Alam mo ba kung gaano ako natakot nun?! Hindi ko alam ang gagawin.. Dahil alam kong ilang oras lang ay maari nila akong patayin!!"
Niyuko niya ang ulo niya upang hindi ipakita ang talas ng mga mata niya. Alam niya na kung anong susunod nitong sasabihin..
Hinawakan nito ang mukha niya at ipinaharap dito. Wala siyang nagawa kun'di ang alisin ang ekspresyon sa mukha.
"Naaalala mo ba ang ginawa niya sa pamilya mo? Pinatay niya sila ng walang kalaban laban at walang dahilan.." tumingin siya sa mga mata nito一 wala siyang makitang senseridad tulad ng nakita niya sa mga mata ni aziter.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon nakita pa noon. Ang mga sinasabi nito tuwing naiipit na siya sa gulo. Lalo na kapag sangkot dito si shakira.
"Ayaw kong mangyari ngayon ang nangyari noon.." nakatitig lang siya sa mga mata nito.
Nalilito na siya. Nalilito na siya kung kakampi ba o kalaban ang babaeng nasa harapan niya.
"Bakit hindi mo nalang kalimutan ang nangyari ilang daang taon na ang nakalipas?" hindi niya maiwasang magsalita. "Nakabawi na tayo sakanila."
Halos umusok na ang ilong nito dahil sa sobrang galit!
"Hahayaan mo na naman bang maulit ang nangyari noon?!" ayan na naman ito sa pagbabalik ng nakaraan. "Alam mo naman sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang iyong pamilya一"
"Enough!" hindi niya na napigilang sumigaw dahil sa sobrang galit.
Gumagalaw galaw na ang panga nitong matalim ang tingin sa ginang.
"Enough for using the past against my fvcking decision, adrasteia. I'm fvcking tired hearing it." aniya bago tumalikod at pumasok muli sa loob ng kwarto.
Mas maganda kung magkulong nalang uli siya gaya ng nangyari 10 years ago一 Atleast, From hiding he wouldn't harm any more people.