webnovel

Chapter 10

The next day.

Papito-pito si Ishtar habang nag-aayos sa sarili at sa mga gamit na kakailanganin niya. Pagkatapos, lumabas na siya ng kwarto at bumaba papuntang sala kung saan naroon ang nanay at kapatid niya masayang nagki-kwentohan.

"Ma!" Tawag nito sa mama niya, napatayo naman ang nanay at agad siyang nilapitan.

"Nakahanda kana pala, mag-iingat ka doon, E ha? At wag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Wag kang magpupuyat at magpapapagod ng husto." nakangising wika ng nanay niya. Alam ng nanay niya ang nangyari dahil kinwento niya ito pagkarating ng Mama niya. Hindi makapaniwala naman ang mama niya, kilalang isang mayamang negosyante si Victor Yang at nag-alala siya syempre dahil baka mas magiging delikado ang buhay ng anak niya sa bahay ng isang mayamang negosyante at higit sa lahat, Chinese pa. Pero may tiwala siya sa anak niya, di niya na nga ito mapipigilan kaya susuportahan niya nalang ang anak niya.

Ngumisi at tumango-tango si Ishtar sa sinabi ng mama niya, "Yes, Ma. May rest day naman siguro ako pag weekend at sure akong di ako makakapagtutor niyan, kaya makakabisita at babalik uli ako dito. Bahay ko'to eh at pamilya ko kayo." Nakangiting wika niya at napayakap sa mama niya.

Napaubo-ubo naman si Sham sa may sofa habang minamasdan ang dalawang importanteng tao sa buhay niya. "How about me naman, kapamilya niyo rin naman ako diba." He pouted. Napangisi naman si Ishtar,

"Halika nga dito mahal kong kapatid para kompleto tayo."

Napatayo naman si Sham at napayakap sa mama at ate niya. "Ate, may kulang pa." mahinang sabi nito pero rinig na rinig 'yon ng mama at ate niya.

Napatikom ng bibig si Ishtar at ngumiti narin uli. "Don't worry, always naman kasali si Papa eh. Palagi naman tayong may space para sa kanya, diba?" She said those words to comfort her brother, 3 years old palang si Sham ng mangyari ang aksidenteng 'yon.

Hindi niya makakalimutan yung mga taong nakikipaglaro siya sa papa niya kahit hindi pa siya nakakapagsalita ng maayos at mabilis, nagkakamali pa sa pagsuot ng tsinelas at kung ano-ano pang kinakain. Kahit na kaunti lang yung naalala niya sa papa niya, he still kept those memories in his heart dahil alam niyang kailanman di na maibabalik pa sa dati ang lahat at di narin niya uli iyon mararanasan kahit na ilang siglo pa'ng darating.

Pagkatapos nilang magyakapan, napatanong uli ang Mama niya sa kaniya. "E, Pero pa'nong pag-aaral mo? What I mean is, Monday to Friday magtu-tutor ka sa kapatid ni Sir Victor, so it means di ka makaka-attend sa klase mo. Graduating ka pa naman..."

Napaisip-isip rin si Ishtar, paano niya hahatiin ang oras niya sa klase. Baka during daylight mag-aaral siya, and pagkauwi niya galing school sisimulan na niyang pagtu-tutor.

'Pero 'di ba weird 'yun? Ayaw niyang mag stay-up late yung kapatid niya siguro kasi mahal na mahal niya 'yon? Come to think of it, Ilang taon na kaya'ng kapatid niya, baka same as mine lang. And need niyang matuto ng english as soon as possible, kasi magco-college na siya next year, and sa western university siya mag-aaral kasi mayaman sila. Palong-palo ang pera nila.'

"Uh—well, pag-uusapan pa namin yan ni Sir Victor, Ma. Total, siya naman ang boss ko eh." She still keep her smile on her face. Ayaw niyang mag-alala ang nanay niya, di halata sa hitsura niya ang pagiging matanda pero alam niya mabilis na mapagod ang mama niya, at madali lang siyang nagkakasakit. Kaya simula ngayon, pagbubutihin niya'ng pagtatrabaho't pag-aaral. Sayang yung sweldo baka sa iba pa ibigay yung chance.

'Wait...Balita ko ayaw niya sa mga babae? Ba't nagpunta siya sa'kin personally kahapon? Nakakain ata ng lantang cabbage yung intsek na'yon...pero buti nalang, ako yung pinili niya.'

"Ay teka, pa'no kaba makakapunta sa kanila? Malayo ba 'yun? Maghihintay nalang ako mg taxi sa labas para maaga kang maka—" agad namang pinutol ni Ishtar ang pagsasalita ng Mama niya.

'~I'll send someone here tomorrow to fetch you~ wait...so magpapadala siya ng tao niya para sunduin ako? Bago ata 'yun, yung boss na'yung kumilos kaysa sa isang Tutor or Chimay ba. Sa pagkaka-alam ko, ang mga empleyado na mismo ang pupunta sa work or bahay ng amo niya, why? Siguro ayaw niya ng may makaka-alam kung saan siya nakatira. Ni isa naman talaga walang nakakaalam kahit sampung stalker pa'ng uutusan mo, di sila makakakuha ng clue.'

She sighed slightly and replied, "Ma, alam mo namang special guest ako ni Sir Victor of course magpapadala siya ng isa sa mga tauhan niya pa kunin ako. Baka mag-alala siya kapag nawala ako, baka magka-trouble pa."

'Special guest kuno, think highly about my self. Makakapasok na'ko sa bahay ng isang mayamang chinese na pogi at negosyante pa...CEO pala.'

Kumalma naman ang mama niya, at napatapik sa balikat ng anak niya.

Si Sham, na nakasilip sa bintana biglang sumenyas at nagsalita. "Ate, ayan na ata'ng prince charming mo."

Nagtaka naman si Ishtar kung sino yung tinawag na primce charming ng kapatid niya.

"Anak, yan naba yung susundo sa'yo?" wika ng mama niya na nasa bintana natin napasilip.

"Ay, sila yan diba? Ate? At—" di na nakapagtapos ng pagsasalita si Sham ng makita ang ate niyang nasa labas na.

'Geez, 'kala niyo kayo lang mabilis ha!'

Unti-unti bumukas ang pinto sa likuran ng isang black na Van, alam niyang ito yung susundo sa kanya dahil wala namang ibang may magarang Van kundi si Victor lang. Ngumiti-ngiti lang si Ishtar, at ng bumukas na ang pinto napansin niya may isang lalaking pamilyar sa kanya ang naka-upong nakapikit habang napakuros ang legs nito.

'It's Sir Mister Yang.'

"What are you waiting for?" Isang malamig at pamilyar na boses ang narinig niya.

Napalunok laway siya, alam niyang di dapat siya tumabi sa kanya kaya napagdesisyunan niyang sa shotgun seat nalang siya uupo. Hahakbang na sana siya papunta sa unahan ng biglang nakarinig uli siya ng boses sa loob ng Van, haling kay Victor.

"Where are you going? The door is open, you should hurry up and get inside."

Napa-atras naman siya, wala siyang choice kundi sundin ang boss. Napakaway siya sa mama at kapatid niya sa may bintana, at unti-unti naring sumarado ang pinto ng Van.

Pagkasarado ng Van agad na itong lumarga at saka pa niya narealize na de-aircon pala ang Van na sinakyan niya at biglang nag-iba ang sikmura niya.

'Damn it! Wag kang bumuhos dito, nakakahiya.'

Napatakip si Ishtar sa bibig niya at ilong, at pasempleng tumingin sa bintana para hindi siya mapansin nito.

"Turn off the aircon!" utos nito sa driver niya .

"好的,杨总!" he hurriedly replied to his boos at agad pinatay ang aircon at dahan-dahang nagbukas ang bintana sa kinauupuan ni Ishtar.

(hǎode, yáng zǒng)

[Yes, Master Yang)

Alam na ng driver kung anong nasa isip ng boss kaya diniretso na niya'ng pagbukas ng bintana. The 'Lazy Talker' mode of his master activated just now.

Naging maayos narin sa wakas ang pakiramdam ni Ishtar, di naman tumingin si Victor kay Ishtar at nagfocus ito sa pagla-loptap. Di naman maiwasang makapatitig kay Victor, sa poging lalaking to sino ba namang hindi mabibihag.

Napansin ni Victor na panay tingin sa kanya si Ishtar, kaya nagsalita uli ito. "Why are you looking at me? If you want to ask,说话!"

(Shuōhuà!)

[Speak!)

Napalingon na naman uli si Ishtar sa bintana,

'Infairness, magaling nga siyang magbasa ng utak. Alam niya kaagad na may sasabihin ako kahit na naka-focus siya sa pagta-type sa laptop niya...~Why are you looking at me?~ akala ko dudugtungan niya ng 'Is that because I'm handsome?' Well, he's the cold and strict boss here gaya sa mga novel na nababasa ko.'

Huminga ng malalim si Ishtar binalik uli niya ang tingin niya kay Victor, she hesitate to approach him and ask him. Paano ba kasi?

"Uh—Sir Mister Yang, Uhm... How about my classes. What I mean, I'm still a student... Highschool graduating student...and I still have to tutor your little sister." Nani-nerbyos niyang pagsasalita. Di naman tumigil kaka-taptap si Victor sa laptop niya.

"About that, I'll ask your homeroom teacher to give you an option for your schooling or maybe i'll suggest, and I think the best is...to let do the homeschooling again, and attend to your daily discussion through online. How about that?" He said in a serious and calm tone of voice.

Napanganga at nagulat naman si Ishtar sa narinig niya.

'What the hell is going on? Kakabalik lang ng face to face, babalik na naman ako sa pagmomodule at homeschooling. Alam mo ba kung gaano kahirap mag homeschooling ha? Bukod sa bored na kasi wala kang kaibigang machichikahan, wala karing maiintindihan sa mga discussion ng mga teacher. Homeschooling sounds pang-sosyal and rich pero puta, di ko kaya 'yun.' pangrereklamo niya sa isip niya.

"That's the only way I can suggest right now!" He added. Naging tahimik si Ishtar sa sinabi ni Victor.

'Wala naba talaga...Sure na???'

Hindi rin naman pwede makakapagreklamo si Ishtar baka magalit si Victor at i-salvage siya, at palitan. Sayang ang sweldo, ilang pile na ng librong pwedeng mabili niyan.

Tumahimik narin uli ang dalawa at wala silang ibang naririnig kundi ang pagta-tap ni Victor sa laptop niya. It feels awkward, kaya naisipan ni Ishtar na magtanong uli.

"Sir Master Yang, Uhm—Is your little sister's still young? I mean, a baby, no, A teenager like me?" She asked.

Tahimik lang si Victor at parang hindi niya narinig ang sinabi ni Ishtar, napatingin naman sa salamin ang driver niya.

'姑娘,you should know that this master of mine is a lazy talker' he whispered to himself.

(gūniang)

(Girl)

After magtype ni Victor sa laptop niya, pinatay niya kaagad ito at si Ishtar naman napalingon sa bintana dahil sa kahihiyan. Naghihintay sa wala.

"She's still 4 years old, she's my precious little baby sister. So, you—Ishtar, must treat her good or you'll bear the consequences."

He finally answered her question pero sa sagot na'yon mas lalong natakot si Ishtar at mas pipiliin nalang ang umuwi, baka mauwi siya sa chop-chop nito tas isalagay sa isang barin na punong-puno ng semento.

He looks so feirce ng tiningnan niya si Ishtar, nagsisi si Ishtar kung ba't naman niya yon tinanong.

'gosh, this man. are you planning to kill me if there's something happen to your precious little sister? tangina nakakatakot kang tingnan, siguro kung nakakapatay yang tingin na'yan siguro nakahanda na'yung kape, baraha, at lapida ko.'

She was frightened at halos hindi mapigil ang panginginig ng mga tuhod niya.

"But, don't worry. I trust you." He finally Smiled again pero nandoon parin yung kalahating nakakatakot niyang hitsura na parang nagsasabing.

'Yes, I trust you. So you better do your job, or you'll end up losing your precious life.'

'Bakit may ganitong mga tao sa mundo?'

Halo-halong expression ang nasa mukha ni Ishtar, gusto niyang lumabas ng kotse at bumaba nalang kaysa magsakripisyo tapos magiging end-up losing her life?! Why he's so mean???