webnovel

Chapter 26

Athena  POV

Bago kami tuluyan maka  punta  sa light forest nun yung babae na ipinakilala sa akin ni sam, mlessean ba pangalan nun nakita namin sya ni Alisha na nakaupo sa may corridor malapit sa papuntang light forest nang hihina sya ng panahon na iyon itatayo na sana namin sya ni Alisha pero laking gulat namin nung bigla  nalamang syang nag laho sa aming harapan na para bang bula hindi  nya kami napansin ng oras na iyon, pero siguro teleporting ang runes nya, siguro masama ang  pakiramdam Nya ng panahon na iyon kaya nadatnan namin sya ni  Alisha sa ganung itsura winalang bahala nalamang namin ang nangyare pero nakapag tataka. Ilang araw ng nawawala si Sam pero hindi pa rin nahahanap at ganun din si mlessean Hindi ko din sya matagpuan sinubukan ko syang hanapin dito sa academy pero wala, ako lang ata ang nakapansin  noon kase tila walang naghahanap kay Mlessean. Nakapag tataka kasabay ng pagkawala ni Mira ang paglalaho ni Mlessean.

Acer POV

"Hindi ka maaring kumilos basta basta Acer Hindi tayo sigurado kung hawak ba ng black  Knight si Sam. Oh kaya ayaw ko mang tanggapin baka wala na talaga sya"

Nag init ang ulo ko sa sinabi na iyon ni fleus. Naikuyom ko ang mga kamay ko

Asaan kana ba kasi Mira?

Tumayo ako para sana lumabas

"Huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo Acer sa ngayun pabayaan na muna natin ang mga head master nangako sila na hahanapin nila si Sam"

Napalingun ako kay  fleus

"Bakit tingin mo ba matatahimik nalang ako ng basta dito na walang ginagawa man lang para kay Mira?"

Cold Kong Sabi

"Sa tingin mo ba Acer may na iitulong ang pag wawala mo ang manakit ng ibang runers dahil pinapairal mo ang init ng ulo mo?"

Natahimik ako sa mga sinabi nya oo tama kayo ng nabasa Hindi ko na kasi alam kung ano ang nararamdaman  ko  para Kay Mira hinahanap hanap ko yung prisensya nya nag Aalala ako para sa kanya.

"Kung maari pigilan mo muna yang nararamdaman mo para kay Sam Acer nababasa ko ang iniisip mo kaya wala kang maiitago alam mo na  oras at Panahon ang mag sasabi kong sino ba ang nararapat sa pinakamahalagang  itinakda  Hindi natin  ito maaring pangunahan. Alam mo iyun"

Napatingin na lamang ako kay  fleus at walang  naimik sa sinabi nya dahil tama naman sya. Hindi ko maaring pangunahan ang nakasaad.

Head master Zeor POV

Samantha, Hindi ko alam kung paano ka mahahanap  paanong bigla ka nalang  mawawala  hindi  ko kayang tanggapin na... na wala ka na. Hindi ko rin masiguro kung hawak ka ng mga Black Knight, wala pa akong sapat na ibedensya. Nasaan ka na ba Samantha, bakit wala kang iniwang bakas man lang na magpapatunay na buhay ka? Pero buo ang tiwala  ko sa iyo  na ligtas  ka kung nasaan ka man, bakit ba kasi Samantha masyado kang pasaway?

Acer POV

Nasaan ka na ba Mira? Hindi ko na talaga aalisin  ang paningin  ko sa iyo oras na mahanap ka

na  hindi  ko hahayaang may lumapit pa sa iyo  tsk masyado mo nang nasasakop ang pag iisip ko. Mira sana nasa  ligtas kang lugar 

"Narito ka lamang pala Acer"

Napatingin ako sa nag salita

Tsk sila Alisha lamang pala

"Bakit ano ang kaylangan nyo"

"Naku acer mala Sam ka na din ngayun tambayan ang light Forest at bigla bigla  nalang nawawala" pabalang na sagot ni Alisha

Tsk .

"Alam mo Acer mag tiwala lamang tayo kay  Sam alam nating kakaibang babae yun si Sam diba alam mo nakakahanga talaga ang babaeng iyon"  napatingin ako kay  lex na nakangiti pa  sya habang  sinasabi ang katagang nakakahanga

Pinanlilisikan ko sya ng tingin

"Oh bakit Acer talaga namang nakakahanga si Sam noh" Tsk nag iinit  ang ulo ko sa lalaki na ito, ano ang pinapahiwatig nya dun

Tsk .

"Ayy teka nag tataka lang ako bakit parang wala si Lissy ang tagal ko ng Hindi sya napapansin"

"Oo nga tama ka Athena Hindi ko din sya napapansin"

Nag tataka na mukha ni Alisha 

Napaisip din ako oo nga asaan na ang antukin na ibon na iyon 

"Baka naandyan lang yun sa tabi tabi wag nyo na kaisipin yun alam nyo namang mana  yun kay Sam"

Napansin ko bakit tong si lex lagi nalang dinadamay ang pangalan ni Mira

Tsk .

"Ah ehh naalala  nyo ba nung pumunta kami ni Sam nung Emporium.?"

Napatingin kaming apat kay  fleus

"Oo Bakit anong kinalaman nun kay  Lissy?"

"Ganto kasi yun tinanong ko nun si Sam kung nakita na nya si Lissy ang sabi nya noon sa akin nag kita daw sila dito sa light forest nag paalam daw sa kanya si lissy na mag lalakwatsya nag taka nga ako nun dahil hindi  naman nakakapag salita  si Lissy di ba?"

Nag katinginan kami  dahil sa sinabi ni fleus

"Hala Hindi kaya nasapian si Sam nung panahon na iyon waaaaaaaa"

PAKK "Alisha ano ba? ang ingay mo"

"Che ang sakit nun lex huh pasalamat ka wala ako sa mood ngayun"

"Tsk ang ingay nyo mag silayas  nga kayo  dito"

"Ang sungit mo. Acer Hindi lang ikaw nakakamiss kay  Sam no" tsk napaka ingay talaga ng bunganga ng babaeng ito

Tsk ilang araw na ba ang lumipas ikaapat na ngayun asaan kana ba Mira?

"Guys  tara  na iwan na natin  yang tandang Acer sungit na yan"

"Wahaha

Naalala nyo pa ba yung kanta  ni Sam diba tuturuan daw nya si Acer nun haha"

"Oo nga lisha ano nga ba umpisa nun?"

"Ahh tama!"

"OTOKE NEGA OHCHIGE CHOWOTCHE NA OHWA OHWA"

.

Aba loko tong dalawang babae na ito ah

"CHIKANCHA CHA CHA NAN TO KAN CHA"

"wahahahahaha

Acer simulan mo ng pag aralan para matuwa  naman sa iyo  si Sam

Pati yung sawsaw toyo ay mali suka pala

At ano pa nga ba yun

Ahh yung bato BATOPIK gamot sa adik

Wahahahaha

Acer ang pula na ng mukha mo" panunukso nila sa akin nung apat

Tumayo akong bigla at nag labas apoy sa kamy  ko

"Waaaaaaaaaa

HALIMAW na si Acer hahaha"

Nag tatakbuhang tumatawa sila palayo sa akin

"Wag na wag kayong mag papaabot  sa akin" sigaw ko at hinabol ko sila na pangiti ako ng wala sa oras

Alam ko namang ginagawa nila ito para mawala ang lungkot sa aming lima  simula  nung dumating si Mira sa buhay namin nayanig ang tahimik naming buhay pero ngayun ilang araw na syang wala kaya alam ko na sinusubokan nilang alisin  ang lungkot  na bumabalot sa amin 

Bumalik ka sana Mira

Third person POV

"Sige mag pakasaya Lamang kayo mga pure runers  Hindi na kayo mag tatagumpay sa pag kakataong ito .

At ako mismo  ang papatay sa inyo sa mga kamay  ko mag wawakas  ang inyong buhay gigilitan ko kayo na gaya ng  isang hayop dadanak ang mga dugo nyo sa lupa ng walang habas dudurugin ko  kayo na parang  isa lamang na maliit na insekto na Kakalat sa aking harap

Wahahahaha"

Sige ngayun mag paka saya lamang kayong lahat dahil hindi  na yan mag tatagal .

Someone's POV

Pinag mamasdan ko lamang si miracle Ashtrid Samantha habang na tutulog sa gitna ng kadiliman puno  pa rin ng galos ang kanyang mga braso at sa iba pang parte ng kanyang katawan mahina ka pa Samantha.

Mira Sam POV

Nagising ako sa sakit ng katawan naalala ko ang nangyare sa akin nakakaramdam nanaman ako ng inis  ayst. Anong klaseng  parusa ito sa akin

Anak ng tatlong  puting tupa oras lang na makaalis ako dito.

Kakatayin ko sya  sasakalin ko ang leeg nya gagayatin ko ang lamang loob nya ilulublub ko sya sa  pinaka malalim na parte ng dagat sa kahit saang mundo ipapakain ko sya sa mga  kanibal gagamitan ko sya ng armalite sa ulo nya dila lang  walang latay  ipapachugi ko sya sa lahat ng gangster sa  buong mundo tapos lahat ng lamang loob nya ipapakain ko Sa nga pating oras lang talaga na makaalis ako sa madilim na lugar na ito humanda tlaga sa akin ang may kagagawan nito

"PAPASABUGIN KO ANG MUKHA MOOOOOOOOOOOOOOOOOO"

.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH."

***************************************************