webnovel

Chapter 18

Head master / Jericho the second POV

Nalulugud ako sa iyong pag babalik ang tagal ka naming hinintay totoo Nga ang mensahe sa tree of portal oras at panahon ang mag dadala sa iyo sa pinanggalingan mo mabuti na lamang dito ka nya dinala at naging ligtas ka, lahat ng runers ay naka luhod maging kaming mga head Ikaw pala miracle Ashtrid Samantha ang princess of crystal light kingdom.

Acer POV

Pinatayo kami ni  Mira sa kalapit nya  kitang kita Ang lahat ng mga runers tahimik lamang Ang lahat biglang nag salita si Mira napatitig lang ako sa kanya ang ganda nya TSS wala akong  sinabi "Lahat kayong runers mag si-tayo kayo, makinig kayo Sa sasabihin ko ang lahat ng hindi  nalalaman ay ipapaalam ang lahat ay kaylangan maging handa!" Yan ang  malamig na pag  kakasabi ni  Mira pero teka anong ibig nyang sabihin? Anong gusto nyang  iparating sa lahat titig na titig lamang ako sa kanya tumingin sya sa paligid napatingin sya sa gawi nila head master, ngumiti  sya ng makahulugan napapakunot ang  noo ko naguguluhan talaga ako anong pakulo ng babaeng to muli nya ginala ang  paningin  nya nagawi ang  paningin nya sa mga semi runers at ngumiti naman ng nakakaloko nagulat ako bigla nya kinumpas ang  kamay nya at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung saan nya pinatama ang kapangyarihan, pinutol nya ang tali ng chandelier at nalaglag ito "ahhhh" "whaaa!" Yan lang ang maririnig mula sa mga semi runers Hindi ako nakakilos at halos maputulan ako ng hininga ng biglang tumigil ang chandelier isang dangkal ang layo sa mga semi runers na nanginginig sa takot, si Mira naman ay biglang humalakhak ng nakakatakot at unti unting pinataas muli ang chandelier akala ko ibabalik na nya iyon sa dating pwesto ngunit bigla nanaman itong bumulusok pababa at humahagikgik na pinahintong muli ito mas malapit na ngayon sa mga takot na runers Kaya sinabihan ko na sya "Tama na yan Mira, ano bang ginagawa mo?" Tumingin lang sya sa akin ng medyo nagpapaawa at sumagot "Gusto ko lang naman iparamdam sa kanila ang takot na naramdaman Ni Samantha Kanina!" "Hindi pa rin tama ang ginagawa mo!" Maotoridad Kong Sabi sa kanya at inismiran nya lang ako at ibinalik na ulit ang chandelier sa pinagkakabitan nito, nilingon ko ang mga kawawang runers na halos napaluhod sa takot at kaba ang iba pa nga ay umiiyak na lalo na ang mga babae. Kung tutuusin dapat nga lang siguro na naramdaman nila ang takot, siguro'y matindi ang takot na naramdaman ni Mira nung binubully sya hindi ko man lang sya naipagtanggol, ngunit nakapagtataka na tinawag nya ang sarili nya na Samantha parang ibang tao ang nagsasalita ano ba ang nangyayari Kay Mira? nawala ako sa lalim ng iniisip ko ng maramdaman ko ang biglang pagkapit sa balikat ko at nalingunan ko si Mira na unti unting bumabagsak!

Mira Sam POV

Nagising ako sa hindi  pamilyar na lugar iginala ko ang paningin ko teka parang natatandaan ko ang lugar na to maaliwalas na lugar parang ito yung lugar na nilukob din ako ngliwanag  Anong ginagawa ko dito aba wag mong sahihin na ako na ngayun si  Alice at ito ang wonderland anebeyen Samantha in wonderland nalang para cute ng very very light

"Samantha!"

"AY ENGOT NA SAMANTHA!" O_________O gulat at nang lalaking mata ko, akala ko may multo "WAHHHHHHHHHHHHHHHHH wag po wag po wag ka po magpapakita mag papakabait na po ako huhuhuhu .." Napayakap ako sa braso ko napapikit ako humampas ang malakas na hangin

"Samantha ako to Hindi mo ako nabobosesan?" sabi  ng mahinang boses  pero parang  pamilyar nga ang boses natatakot pa ako pero napilitan ako imulat ang mata ko dadahan dahan ko iminulat ko ang mata ko pero laking gulat ko "MLESSEAN?" napalakas na bulalas ko ngumiti  sya sa akin

"Anong? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko ngumiti sya sa akin at nag salita

"Miracle Ashtrid Samantha, makinig ka sa aking mabuti!

Ikaw ang prinsesa ng crystal light kingdom na matagal ng hinahanap at ngayong nabunyag  na sa lahat ang katauhan mo, sa lalong madaling  panahon kaylangan mong matutunan ang pag kuntrol sa limang elemento.

Huwag kang mag alala ang limang nakatakda para  protektahan ka ay sila ding tutulong  sa iyo. Isa kang napakahalagang runer na may mahalagang tungkulin na kaylangang gampanan.

Ikaw ay hindi lang  basta princesa ng crystal light ito ang pakatatandaan mo oras at panahon ang iyong kakailanganin ikaw at ako ay tinakda upang mag sama ang lahat ay iyong maalala  simula na ng totoong bagyo ng iyong  buhay at isa ako sa iyong magiging gabay!"

°O°

Loading

30%

Loading

55%

Loading

100%

"Ako prinsesa?" gulat na tanong ko with turo pa sa sarili ko ng mag sink in sa utak ko ang mga sinabi nya yung totoo lahat nalang ba ng lugar na mapupuntahan ko na hindi ko alam mga makata ang tao? oh yung totoo mga nakadrugs ba sila?

"Lahat ng sinabi ko ay totoo at dapat paniwalaan mo Pag balik mo sa tunay na mundo ay magsisumula na ang pakikipagsapalaran mo. Oras na magising ka ibayong kapangyarihan ang mayroon ka, kaylangan mong sanayin ito. Pagsumikapan mong masanay ang lahat ng elemento upang matutunan mo na din ang tunay mo pang kapangyarihan at ng ikaw at ako ay maging isa"

Acer POV

Dalwang araw na simula  Nung na bunyag ang Pag ka-tao ni Mira hindi  talaga kami makapaniwala na sya pala ang prinsesa pero dalwang  araw na nakalipas nananatili pa rin syang tulog, narito  ako ngayon sa kanyang silid gaya ng dati ayan binabantayan ko Sya mahirap na baka may mga kaaway na dumating at kunin sya hindi pa naman nya alam kung paano gamitin ang kapangyarihan nya, napalapit agad ako sa kanya ng makita kong gumalaw ang kamay nya at Hindi ako nagkamali gumigising na sya agad kong tinawag ang mga kasama namin at bumalik sa kanya "OK ka lang?" Alalang tanong ko habang inaalalayan syang umupo "anong nangyare" nakahawak sa ulo na tanong nya

"Dal .." BLAG sasagot na sana  ako sa tanong  ni mira  ng  napatingin kami parehas kami sa malakas na pag  bukas ng kanyang kwarto

"Wahhhh Sam dalwang araw mo kaming pinag alala wala bang masakit sayo kamusta ka huh?" sunod sunod na tanong ni Alisha habang sinusuri pa si  Mira mas  OA pa to sakin tss 

"Ah ahyos lang  ako, anong dalwang araw ang sinasabi mo?" nag tatakang tanong nya

Nagka tinginan kaming lima  poseble kayang wala nanaman  tong maalala nabaling muli tingin ko kay  mira  saglit syang napatulala

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Mira Sam POV

Napatulala ako saglit ng malala ko ang lahat

Pero teka dalwang araw anong ginawa ko sa dalwang araw ang alam ko saglit ko lamang kausap si  mlessean wag nyong sabihing nag mala sleeping beauty ako

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" napasigaw ako  sa kalokohan naisip ko

Si sleeping beauty ako tapos yung beast  si Acer hawak ko ang ulo ko umiiling  iling  pa "MIRA anong nangyayare sayo? bakit masakit ba ulo mo? Bigla kang sumisigaw" napatigil ako sa kalokohan ko EPAL tong Beast nato busangot ang mukha nya pero teka napatingin ako sa mata nya PARANG may pag aalala hala nanaginip na ata  ako Hindi ko na lang  sya pinansin pinaglihi sa sama ng loob

Binaling ko nalang ang atensyon

Ko kayla  Alisha

Nakatitig LANG sa akin

"Lisha ano ibig sabihin mo sa dalawang  araw ano ba ginawa ko tanong ko?"

"Dalwang araw ka ng tulog Sam akala nga namin Kong napapano ka na pero sabi  ni head master parte lang  daw  iyon ng pag  labas ng runes mo!" mahabang paliwanag ni Alisha

Napatango nalamang ako, kung ganun ang maikling pag uusap namin ni mlessean inabot ng dalwang araw nawala ako sa aking pag iisip ng magsalita ulit  si Alisha

"Sam pinapasabi nga pala ni head master na sa oras na nagising ka mag uumpisa ka na mag sanay ng runes mo"

Napatango na lamang akong muli

Siguro nga tama ang sinabi ni mlessean kaylangan ko ng mag sanay upang ako ay agad ng matuto pero ang Hindi ko lang  maintindihan  ano ang kanyang ibig sabihin na mag iisa kami

*************************************************