webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
100 Chs

Chapter 74: Game on

Tanghali na ng matanaw ko sa di kalayuan ang bulto nya. Nanginginig ang panga ko dahil sa panggigigil. Nagawa nya pa talagang tumawa at makipagbiruan na parang wala lang ha?. Kingwa! How to be you po ba?. Kasi ako. Sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano na haharap sa'yo ngayon. May nabuo mang plano sa isip ko. Ngunit itong puso ko. Bakit pilit isinisigaw na, hindi totoo ang mga nakita ko?. Bakit binubulong ng puso kong nabihag nya na maniwala DAPAT ako sa kanya?. Paano ba?. Paano ako maniniwala na nagpapanggap lang ang kilos nya?. I already did told myself that I've found my dream boy kaso anong nangyayari?. Am I just dreaming?. Bakit ganito ang nararamdaman ko?. Ang gulo-gulo.

"Hey!.." sa gitna ng pag-inom ko ng tubig dahil nauhaw ako ay sumulpot ito saking tabi na parang kabute. "I've been looking for you. Where have you been?."

Huh?. Hindi ba linya ko dapat iyon at hindi sya?. Nabaliktad ata?.

"Nah.. She's been looking for you too. Where have YOU been?." singit bigla ni Bamby sa likod. Nasa kusina kami at kasalukuyan itong kumakain. Nahuli syang nananghalian dahil kakagising nito. Ewan ko bakit late syang nagising. May nangyari siguro sa kanila ng lover boy. O baka. Ewan.

"Hinanap ko ba sya girl?. Hindi ah.." the game is on!. Mabilis kong hinila ang upuan sa tabi ni Bamby sa dining at prenteng umupo. "I'm just here Kian. Why are you looking for me?." sinalubong ko mata nyang hinahanap ako. The smile he wore a while ago has been faded. I wonder why. "Diba ikaw yung umalis?. Bakit ako ang hinahanap mo?."

Umubo si Bamby. Di ko malaman kung sadya ba nya o hinde. Ngunit, parang nasamid talaga ito ng ituro nito sakin ang basong hawak ko. Ngunit imbes iabot ito sa kanya. Natulala lamang ako. Hinigpitan pa ang hawak sa baso. "Kaka, gave her that.." para akong natamaan ng malakas na boltahe ng kidlat ng utusan nya ako. Nanlamig ako ng sya na ang kumuha mismo ng tubig at ibigay dito. Kalaunan ay umubo muli sya't dumating naman si Jaden. Sya na ang umasikaso sa kaibigan ko.

The deafening silence, ate us. Nakakailang ito. Nakakabingi at nakakatakot rin. Yung dalawa. Nakaupo na rin sa upuang nasa harap namin ni Bamby. Jaden is currently busy studying Bamby's face. While him?. Titig na titig sakin.

Uminom ako't humalukipkip bago sumandal. I left a heavy breathing bago nagsalita. "Anong gagawin natin mamaya?. Boring na kasi eh." pinilit kong hindi mautal para di nila mahalata ang nagwawalang inis sakin.

"Jet ski tayo.." sumulpot din bigla ang grupo nina Aron at Lance. Halos lahat na yata nasa kusina. "Ano Kian?. Sama mo yung chick mo ha.."

Wala namang bahid ng sarkastiko ang himig nito subalit bakit sa pandinig ko ay nahimigan ko ito?. O baka, ako lang tong bitter pagdating sa kanya?.

Hindi nakaimik ang isa. Inakbayan pa sya ni Aron kaso wala itong reaksyon sa mukha. What's that kind of reaction?. Hindi bat ako dapat ang ganun?. Baliktad ata. Anyare?.

"Ano Lance?. Game?." hamon pa nito sa isa na abala sa cellphone. Nasa likod sya ni Jaden at nakasandal sa lababo.

"Let's go.." anya nang di tumitingin samin.

"Psh.. Let's go eh busy ka dyan sa cellphone mo?. Sino bang lagi mong katext ha?." ngiwi ni Aron. Nagtanguan naman ang lahat.

"Non of your business.." walang gana nitong saad.

"Tsk..Tara na den." pangungulit pa rin ni Aron dito. Para bang he knows who's he's been texting since then at sadya nitong ang pang-asar. Sino nga kaya katext nya?. Matanong ko nga si Bamby mamaya.

"Mainit pa Kuya.." Bamby interrupted. "Tsaka. Kakagising ko pa oh.." ngumuso pa sya sa kapatid nya.

"E di sa dalampasigan ka nalang.. Pumunta tayo rito para mag-enjoy. Hindi para magtago dito sa Villa.." sabi nya ito kasabay sa pagsilip ng kanyang gadget.

"I know right.." umikot ang mata ni Bamby kasabay ng pagbuntong hininga.

Biglang bumaling si Aron sa katabi.

"So, Kian, you're on?."

"If she'll join.." tumalim ang titig ko sakanya ng tignan nya ako habang sinasabi ito. "I'll come with you.."

Imbes, kantyaw ang marinig ko. Katahimikan ang nanaig sa paligid.

"Eh, pano naman yung chick mo kung isasama mo pa si Kaka?." si Aron pa rin ito. Seryoso na ang mukha.

Dun ko na natanto na sadya nga ni Aron ang mga pinagsasabi nito. It feels like. He's annoyed or something more than that.

"Umalis na.." walang gana nyang sagot sa kaibigan.

"Hinatid mo?." si Bryle naman ito. Wait. Pinagtutulungan ba nila ito?. Interrogation 101.

Kinagat nya lang ang kanyang labi. Hindi sumagot. "Hinatid nga." si Ryan naman ang nagsalita. "Pero bro. Bat di ka nalang sumama?."

"Bro.." si Lance ito. Sinusuway si Ryan. "We're here to enjoy the summer right?. What's up?." sa wakas. Ibinulsa narin nito ang di mabitiwang bagay. "Hayaan nyong mag-usap ang mag-usap. Wag na tayong sumingit pa. Right, Karen?."

Wala sa sarili naman akong tumango. "Tara na sa labas. Dun tayo magpagod hindi dito ha.. Lil sis, you sure, you're not coming?. Jaden is.."

"Sinong kasama ko dito kung lahat kayo pupunta?. Sasama nalang ako."

"Good. Andyan naman si Karen. Tsaka. Si Winly, nasa cr paba?."

Oo nga. Nasaan yun?. Luminga ako. Hinanap nga ang sinabi nya. Wala.

"He's still there. Lbm dude. Hahaha.." hagalpak ni Bryan.

Naghanda na nga ang lahat para sa pupuntahan ng maramdaman ko nalang ang presensya ng isang tao sa likod. "I didn't know.." he paused. "I hurt you.."

Anong hindi alam?. Tanga ka ba?. O tama akong gago ka?. Tsk.. Nakakabanas!.

"Don't mind me Kian. I'm doing fine. If you know you have the responsibly or either obligation to fulfill.. Just go.." I paused, way for me to breathe normally. "And please. Don't come near me if you don't choose to go.."

"Karen, it's not what you are thinking.."

"Ano bang iniisip ko?. Wala naman. Ang sinasabi ko lang. Kung kailangan mong tumupad sa ipinangako mo sa Mommy mo. Hindi kita pipigilan. Itutulak pa kita kung magpipilit ka."

"Ang pangako ko sa magulang ko ay panindigan ang mga salita ko. Iyon ay ang manatiling ipaglaban ang taong mahal ko.."

"And, I'm not her hindi ba?." saka ko lamang sya hinarap. Muntik nang magtama ang mga labi namin sa lapit namin sa isa't-isa. Sa isang iglap. Bihag na ako ng mga bisig nya. Pilit akong kumawala subalit mas mahigpit ang yakap nya.

"Her and she is you, Kaka. Just you.."

Just you daw Karen? Ano na?. Magpapaloko pa ba tayo?. O aatras muna ng bahagya para mapag-aralan ang lahat?.

"Kian, sasama ba kayo?." dumungaw ang mukha ni Bryan sa pintuan ng magtanong ito. "Ay, sige. Sunod nalang kayo. Andyan pa naman ai boy Jaden bro. Sabay nalang kayo mamaya." he added before leaving us, shocked. Gusto ko syang itulak subalit mas nananaig sa akin ang posisyon naming dalawa. Malapit na nga akong maduling.

The game is on pero umpisa palang ng laro ko, bakit pakiramdam ko, natatalo na naman nya ako? Kingwa naman oh!. Ano bang gagawin ko?. Takasan sya?. Iwan sya?. O gayahin rin ang ginagawa nya?.