webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
100 Chs

Chapter 46: Kangkong

The whole week sya absent. I texted him. Called him either but no replies and out of coverage area. Nasa probinsya nga talaga sya.

"Ma, hindi na ba ulit bumalik dito yung Mommy ni Kian?." sa di ko mapigilan ang mag-isip ng mag-isip. Tinanong ko na si Mama. Nasa kusina kami at kasalukuyang naghahanda para sa tanghalian. Sabado ngayon. Wala kaming pasok. Sina Ate, meron. Kami lang ang andito nila Kim at Mama. Si Papa naman pumunta raw kila Lola. Duon sa aming probinsya.

"Hindi na. Mukhang nahiya duon sa sagutan nila ng anak nya."

"Sa tingin mo po ba, tama ang ginagawa nilang pag-iipit sa kanya?." tumayo ako para hugasan ang bagong hiwang apple. Gutom ako. Si Mama naman ay gunilid upang bigyang daan ako. Kasalukuyan din itong nagsasaing.

"Hinde." direkta nyang sagot.

"Bakit po?." Gusto kong malaman ang opinyon nya.

"Dahil alam kong di ka masaya. Iyon lang."

"Iyon lang po?." takang tanong ko pa. Nakukulanangan ako e.

Isinalang nya muna ang kaldero sa may shellane bago humarap sakin. Nakapaywang pa nga. "Alam mo Kaka. Wag na tayong makialam sa problema nila "

Hay... akala ko na kung mong idadagdag nya. Iyon lang pala. Tapos na?. Tapos na nga dahil inutusan na nya ako ng kung anu-ano. Bumili ka ng kangkong. Bilisan mo at isasalang ko na. Halos takbuhan ko ang palengke mula bahay pabalik para lang sa kangkong na yan. Walanghiya!. Muntik pa akong madapa. Mabuti nalang at nasa mismong gate na ako ng bahay. "Kingwa! Muntik na yun Karen.." kausap ko ang sarili ko ng may biglang humawak sa braso ko. Agad ko iyong iwinasiwas sa di malamang dahilan. Syempre. Sino ba namang di gagawin iyon kung may bigla nalang hahawak sa'yo ng di nakikilala kung sino diba?.

"Oh my God!." natutop ko ang labi ko gamit ang dalawa kong palad sa nakikita. Damn it!. "Ano ka ba?. Bakit ngayon ka lang?." niyakap ko sya agad kasabay na ng pagtulo ng aking mga luha. "Kingwa!. Saan ka ba nagpunta?." sinuntok ko ang dibdib nya kahit ang totoo ay ubos na ang lakas ko sa amoy palang nya.

"I'm sorry." iyon lang ang sinabi nya. Tapos duon na ako umiyak sa balikat nya na para bang ako yung babaeng mahal na mahal nya. Susnako!. Mag-iisip pa ba ako ng masama e, heto na nga't nahahawakan ko na muli sya't nakikita. I admit. Sa loob ng linggong di ko sya nakita o marinig man lang boses nya. Bagsak na ang mundo ko. Oa man sa isip ng iba pero iyon ay totoo. Walang halong biro. We're not lovers but we're friends. At kahit pagkakaibigan lang ang turingan naming dalawa. May lugar na sya sa puso ko. At di iyon mapapalitan ng kahit na sino.

Hinawakan nya ang kamay ko saka hinila patungong kotse nya. Yung kangkong?. Di ko na alam kung saan napunta. Bahala na syang maglakad patungo kay Mama.

Loko!

Pinaupo nya ako sa may likod at tumabi rin sakin. Noong una. Walang nangahas magsalita kahit pa punas ako ng punas ng luha at sipon sa mukha. Ayos lang kung makita nya akong mahina. Atleast, alam na nyang concern ako sa kanya. Alam nyang may nag-aalala pa rin sa kalagayan nya. Na hindi lang sya nag-iisa. Andito ako sa tabi nya.

"Pinag-alala mo ako." humikbi muli ako. Ewan ko ba kung bakit ganito bumuhos ang luha ko ngayon. Di naman sya nagpapaalam na iwan ako pero daig ko pa ang ganun. Tsk! Kalma girl.

Gumalaw sya't humarap sa gawi ko. And the unexpected is, hinalikan nya ako sa ulo at noo. "I'm sorry. Di ko alam na mag-aalala ka ng ganito." humikbi akong muli. Naiyak ako lalo sa sinabi nya. "Kung alam ko lang."

"Ngayon... nga--yon.. alam mo na?." parang bata kong tugon. Ngumisi sya't muli akong binigyan ng halik sa ilong naman.

"Hmmm.. ngayon alam ko na." pinalo ko sya sa braso. Natawa lang naman ito.

"Ikaw kaya di ko replyan at maglalaho ng walang paalam?. Tignan natin kung di ka mababaliw.."

"So, nabaliw ka nung nawala ako?."

"Oo!.." umiling ako ng mabilis. Taliwas sa naging sagot ko tapos binawi ko rin agad. "Hinde noh.."

"Hahaha.. Oo sabi mo eh.."

"Bat ka pa tumatawa?."

"E sa kinikilig ako eh. hahahahaha.."

I'm freaking speechless!.

Kinikilig sya?. Ihhh... Ako rin po!..

At nagagawa pa nyang tumawa sa kabila ng kanyang problema?. Bilib din ako sa tibay nya. Lumayo ako ng bahagya sa kanya bago inayos ang sarili. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga para maibsan ang kaba. Gusto kong maging kalmado upang makausap sya. "Ang sabi mo, di ka okay?. Tapos nagagawa mo pang tumawa?."

Tinignan nya ako. Kita ko iyon mula sa gilid ng aking mata. Sumandal sya't inihilig ang ulo sa upuan. "Napag-isip isip ko na mas dadami pala ang problema ko kapag iniisip ko sila. Nakakapagod maging malungkot. Kaya kahit mahirap, ginagawa ko pa rin ang tumawa."

Para namang nadurog ang puso ko para sa kanya. Lumanlam ang mata nyang puno ng galit kanina. Duon ko lang natanto na medyo nangayayat sya. "Sinabi ko naman na sayong wag mong hayaan na ang problema ang humabol sa'yo. Hayaan mo lang na andyan yan. Tuturuan ka nyan kung paano maging matatag sa sarili mong desisyon."

"Tama ka nga. Siguro. Kailangan ko na itong harapin. Tutal, para namang wala na akong takas." nagkatinginan kami. Alam ko ang ibig nyang sabihin. So meaning, papayag na sya sa gusto ng Mommy nya?. Aw... Bat ang sakit?.

"Kung iyon ang sa tingin mong mas makakabuti sa'yo. Gawin mo." di ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakuha ang lakas ng loob na banggitin ang bagay na masakit sa lalamunan ko. Bakit parang bumibigay na ako?. Wala na bang ibang paraan?.

"Paano kung may iba na akong gusto tapos heto ako't hinahabol pa rin ng demonyo?."

"E di labanan mo. Di ba sabi mong alam mo na ang tama sa mali. May isip ka't matalino rin hindi ba?. Why not use it?. I'm not saying na kumontra ka pa rin sa gusto ng mga taong nasa paligid mo. Ang sa akin lang. Piliin mo ang alam mong lugar kung saan ka magiging masaya. Alam mo yan sa sarili mo. Ang kulang lang sa'yo, ay kung paano mo panindigan ito."

"Paano ko ngayon ito ipapaliwanag sa Papa mo?."

Napanganga ako. Ano raw?.

"Ano?."

Di nya ako sinagot. Imbes kinuha nya lang ang kamay ko saka may isinuot duong bracelet. "Don't take this off. Malalagot ka sakin."

"Para saan ba to?. Pampaswerte?"

"Sort of."

"Paano ka?."

"I got mine." ipinakita nito ang kanan rin nyang kamay. Pareho kaming kulay asul. Di ko na natignan pa ang buong detalye dahil tong dibdib ko, sobrang lakas ng tibok nito. Kulang nalang lumabas sa katawan ko.

Hindi ko alam ang susunod na mangyayari pero masaya akong makita syang tumatawa. Nabuhayan ako ng loob. Kalaunan ay nagpaalam na rin sya. Uuwi na raw sa kanila. At nangakong papasok na sa lunes. Doon ko lang rin naalala yung kangkong. Tinanong ko sya kung may nakita ba syang hawak ko kanina. Ang sabi nya, wala raw. Natataranta akong bumaba ng sasakyan nya't hinanap iyon sa may gate pero wala nga. Di ko alam na bumaba rin pala sya.

"Asan na ba yun?. Naku naman!. Lagot ako kay Mama neto.."

"Here.." anya. Nakatalikod ako sa gawi nya kaya tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya. Eksaktong itinaas na nito ang hawak na kangkong. At duon, empunto. Nagring yung phone ko. Si Mama. Hinahanap na yung kangkong. "Nasa gate na po ako." sabi ko. Wala pang isang minuto lumabas sya ng bahay at nakita ako, kami ni Kian. Ang nangyari. Si Kian ang nagdala ng Kangkong na pinabili ni Mama sa loob. Hawak nya pa kasi ito at nung makita sya ni Mama. Halos tumalon rin papunta sa amin.

Hay... kangkong. Magtatanim na nga ako ng katulad mo. Para may maani naman ako, katulad ng Kian ko.