webnovel

TBAB: 7

Now playing: That's How You Know That You're In Love - Loving Caliber ft. G Curtis

Nicole POV

Dinner time na nang natapos lahat ng appointments na meron ako kaya bilang ganti sa kabutihang loob sa pagmamaneho at pagsama ni Violet sa akin, ay nilibre ko na lamang ito ng dinner.

Dinner na hindi rin naman namin parehong na-enjoy, dahil panay ang pagtawag sa akin ni Mama Breeze para i-follow up sa akin ang mga importanteng impormasyon, sa pinag-meeting'an kanina with her new investors.

Habang si Violet naman ay masyadong tahimik lamang buong hapunan dahil abala rin ito sa kanyang pag-ce-cellphone. Susunduin pa raw kasi nito ang kanyang girlfriend bago siya didiretso sa Baylight ngayong gabi.

How sweet of her and being so responsible as a girlfriend.

Pero sweet at responsable din naman ang boyfriend ko ha! Double pa nga ng kung anong meron si Violet eh! Aniya ng aking isipan.

Pagkatapos naming maghapunan ay agad na hinatid ko na rin si Violet sa Coffee Shop para kunin ang mga naiwan niyang gamit roon. Habang ako naman ay dumiretso na rin sa pag-uwi upang makapagpahinga. Bukas ko na lamang siguro i-che-check ang mga report ni Jordi, pagtapos ko sa school. Sobrang pagod na pagod na kasi ako, idagdag mo pa na hanggang ngayon ay may hangover pa rin ako.

Ang weak ko talaga pagdating sa alak, unlike my bestfriends.

Wala na rin naman talaga akong balak pang magtagal sa Coffee Shop sa dahilan din na parang gusto ko pang makasama si Violet. Alam niyo 'yung feeling na parang gusto ko kausap at kasama ko pa rin siya?

Pero hindi na pwede dahil kailangan ko rin ng pahinga, habang siya naman ay may personal na buhay din na kailangang unahin. And one of those, ay ang kanyang girlfriend.

Hays! It's like I'm addicted to getting to know her completely, to know the things about her life, and even small details about her. Like, what is her favorite food, what are her hobbies, what are the things na nakakapagpasaya sa kanya etc. 

I don't know why I feel this way but it feels so good that little by little I am getting to know her more. And it feels very satisfying to be with her today. 

Para akong nakahanap ng sinasabi nilang 'pahinga' by just simply talking to her, seeing her smiles, and looking into those beautiful eyes of hers.

Huwag na muna ninyo akong tanungin. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. All I know is that there is something about her that makes me feel at ease. And with her presence, with her knowing that she is around, it automatically calms my storm inside.

Pagdating ko sa bahay, pansin ko na wala pa ang sasakyan ng mga magulang ko. Maybe nasa out of town pa rin sila or may ibang importanteng lakad. Ngunit may nag-iisang sasakyan ang naroon na alam ko at kilala ko kung sino ang nagmamay-ari.

Si Chase.

Agad na naabutan ko naman itong naghihintay sa akin sa lobby. Mabilis na tumayo siya at lumapit sa akin noong makita na dumating na ako. Niyakap agad niya ako at naramdaman ko rin ang paghalik nito sa ulo ko.

"I'm sorry about what happened last night." Paghingi nito ng tawad bago kumalas sa pagyakap sa akin.

Napahinga ako ng malalim bago siya tinignan ng diretso sa kanyang mga mata.

"Okay." Iyon lamang ang tanging nasabi ko dahil wala na rin naman ako sa mood para makipag-argue pa. Isa pa, masyado pang lumulutang ang utak ko ngayon dahil sa dami ng mga napag-meetingan kanina. 

At dumagdag pa si Violet? Tuyo ng aking isipan na agad ko rin namang iwinaglit.

Dumiretso ako sa aking kuwarto para makapaglinis na ng katawan. Agad na sumunod din naman sa akin si Chase na parang batang pinagalitan pa rin ng magulang ang itsura. Iyon bang takot na makagawa muli ng pagkakamali dahil nga sa tahimik pa rin ako.

Nang matapos na ako sa lahat at habang tahimik na nakayakap lamang ako kay Chase, naka unan ako sa kanyang dibdib, ay kusa na lamang na muling sumagi sa aking isipan ang magandang mga ngiti ni Violet.

Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim. Kanina kasi sa mga meetings, may mga time na para  akong nalulutang. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi mawala sa isipan ko 'yung mga sinabi ni Violet kanina tungkol sa girlfriend niya. At ang masaklap pa roon, bakit parang kinukumpara ko ang sarili ko sa girlfriend nito na hindi naman dapat?

At bakit parang pakiramdam ko pa, iniisip ko na sana ganoon din ako sa girlfriend niya. Katulad na lamang ng mga katangian ng girlfriend niya na sinabi niya sa akin, iniisip ko na sana, ganoon din ako, na meron din akong mga katangian na ganun. 

Napatangad ako kay Chase na abala lamang sa pagyakap sa akin habang ipinapahinga nito ang kanyang mga mata.

"Love, can I ask?" Tanong ko sa kanya. Agad naman nitong iminulat ang kanyang mga mata. "What are the reasons why you love me? I-I mean, what are those?" Pagkatapos ay napalunok ako ng mariin.

He just smiled sweetly at me and hold my chin. "Love, hindi mo na kailangang itanong yan. I don't know why you suddenly asked that but reasons? I don't need a reason to love you. I love you just the way you are." Sagot nito habang nakatingin sa mga mata ko bago lumapit sa akin at binigyan ako ng isang halik sa noo. 

"Hindi mo na kailangang itanong yan, because it only means that you are also questioning your worth, so please, don't." Dagdag pa nito na siyang nagpapalambot ng puso ko lalo. 

Muling iniangat nito ang baba ko para magsalubong ang aming paningin. "With or without reasons, I love you and that's because ikaw si Nicole Sullivan at nag-iisa ka. And for me, you are perfect." Pagpapatuloy niya with assurance.

Napa-pout naman ako bago siya dinampihan ng halik sa kanyang labi at niyakap ng mahigpit.

"Thank you, love. Thank you!" Mga simpleng salita lamang iyon pero sobrang nakakagaan at nakakapanatag ng loob. Dahilan din bakit kusa na lamang na muling nabura ang imahe ng mukha ni Violet sa aking isipan, pati na rin ang insecurity na nararamdaman ko sa kanyang girlfriend na hindi dapat.

Haaay! Ano ba naman kasi itong nararamdaman ko?

---

Kinabukasan, habang naghihintay sa boyfriend ko para ihatid ako sa Goldin Hills ay hindi ko napigilan ang hindi magkape. Kulang-kulang kasi talaga ako sa tulog kaya kailangan ko ng kape para kahit naman papaano ay mabuhayan ang aking dugo.

Kahihigop ko pa lamang ng kape nang....

"Good morning!" Hindi ko mapigilan na maibuga ang kape na iniinom ko dahil sa pagkagulat noong biglang sulpot ang kaibigan ko.

"Skyler! Jez." Sabay irap at napapailing na wika ko. "What are you doing here?!" Inis na tanong ko sa kanya. Parang masyado pa kasi yatang maaga para bumisita siya rito. Isama mo pa na, magkikita naman kami sa school at magkaklase naman kami sa lahat ng subjects.

"Why? Am I banned here? Hindi naman, 'di ba?" Pamimilosopo nito bago napangisi. 

Agad na tinignan ko lang naman siya ng pamatay na tingin. Sa amin talagang magkakaibigan siya at si Autumn ang hindi ko masyadong makasundo. Bukod kasi sa mga babaera sila, eh panay kalokohan ang naiisip. Para bang walang balak sumeryoso sa mga buhay nila. Hindi ko rin alam kung nagsasabi ba sila ng totoo o hindi dahil para sa kanila, parang joke lang ang lahat ng bagay.

"Okay, I will be your driver today, tomorrow, the day after tomorrow, and next week, hanggang sa free ako palaging ipagmaneho ka." Paliwanag nito atsaka napataas baba ng kanyang kilay kaya naman napa ismid ako.

May tama ba 'to sa utak ngayong araw? Tanong ko sa aking isipan.

"Sorry, Skyler but I can drive myself. Isa pa, and'yan naman si Chase." Pagtatanggi ko bago muling napahigop ng kape.

"Well," She just shrugged bago ito dahan-dahan na lumapit sa akin. "Please?" Pagpapa-cute pa niya with puppy eyes.

"At bakit naman? Hindi ka naman dating ganyan. Kung si Tabitha, maniniwala pa ako. Or kahit na sino sa mga kaibigan natin, except you and Autumn. So, NO!" Matigas na pagtanggi kong muli.

Napahinga ito ng malalim dahil alam niyang hindi siya mananalo sa akin.

"Look, a friend of mine begged me if possible, and sabi niya if I'm not busy, ipagmaneho raw muna kita because my friend knows how bad you are at driving." Pahayag nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

A friend of her. Eh hindi naman sila close ni Chase. Kung sino man ang nakakaalam how bad I am at driving, eh si Chase lang yun.

"NO!" Pagtatanggi ko pa rin at maingat na inilapag na ang tasa ng kape ko para makaalis na.

And speaking of Chase, hindi na naman nagtetext yung lalaking yun. Usually, kapag ganitong oras ay andito na siya para sunduin at ihatid ako sa school ha. Tsk!

Napatingin ako sa suot kong relo.

"Hindi na nga darating 'yang boyfriend mo. Kaya halika na! Ikaw rin, parehas tayong ma-le-late sa klase." Panunukso nito.

"Fine!" Sabay irap na sabi ko kay Skyler at dire-diretso nang nagtungo sa kanyang sasakyan.

"Good girl." At noong parehas na kaming nasa loob ng sasakyan ay may iniabot itong isang bouquet ng violet rose with a combination of levender.

Napapailing naman na nagpalipat-lipat ang mga mata ko kay Skyler at sa kanyang hawak. This is impossible. Naiisip niyo ba ang naiisip ko?

Hindi makapaniwala na tinignan ko siya sa kanyang mga mata habang nakangiti ito ng nakakaloko sa akin. Sa kulay pa lang ng mga bulaklak, alam ko na agad kung kanino ito nanggaling. 

It's her signature, right? Her name, Violet.

A wide smile drew on my lips as I took it from Skyler and smelled the flowers.

"H-How...I-I mean, the friend of yours that you mentioned is---"

"Yes!" Putol nito sa akin. Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi.

"B-But how did you know---oh yeah, sa Baylight." Sagot ko sa sarili ko ring katanungan noong mapagtanto ko kaagad kung paano sila nagkakilala ni Violet.

"Woah! Looks like someone put you in a good mood today, huh?" Parang tangang komento muli ni Skyler bago ako tinusok-tusok sa aking tagilan.

"Stop it!" Saway ko sa kanya ngunit tumatawa naman.

I'm just happy because I know the meaning of these flowers. And the fact na galing pa sa kanya ang mga ito. Bakit kaya hindi na lang siya ang nagbigay para sa akin? Hmp!

They said that violet roses evolved throughout the years and their existence. And it is a sign of love at first sight or enchantment.  I can't help but smile while remembering the day we first met. Those who have been caught by the feelings of adoration and love can use the violet rose to express their intentions of romance. 

Habang ang lavender flower naman ay nagre-represent ng serenity, grace, and calmness. The biblical meaning of lavender symbolizes purity, devotion, and love. Kaya naman mas lalong naging malawak pa ang pag ngiti ko.

I know it's wrong to feel this way but never mind. At bakit naman n'ya ako bibigyan ng ganitong mga bulaklak? Para saanDoes she know what these flowers symbolize?

Naku! Nicole, stop assuming! You are both taken! Paalala ko sa aking sarili.

Pero bakit nga kasi? Hays! Violet, masyado mo nang ginugulo ang isipan ko. Inis na sabi ko sa aking sarili.