webnovel

TBAB: 4

Now playing: Beautiful - Loving Caliber ft. Leone

Violet POV

I was with my friend, Skyler. We were laughing about her stories and her womanizing na nauuwi sa pagsasampal sa kanya palagi ng mga babaeng niloloko niya, nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Noong una ay hindi ko iyon pinansin, hindi kasi ako sumasagot basta-basta ng mga unknown number. Pero dahil tumawag itong muli, kaya nag-excuse na muna ako sandali sa kaibigan ko dahil baka importante ang tawag.

Lumabas na rin muna ako sandali ng bar dahil masyadong maingay sa loob. Yes, nasa Baylight ako ngayon. Ganito ang trabaho ko dati, waitress sa umaga at isang Bartender naman sa gabi.

Wala akong choice kundi bumalik dito sa dating trabaho ko habang naghahanap pa ako ng bagong ma-a-apply'an.

"Hello? Who's this?" Pagsagot ko sa tawag noong nakahanap na ako ng spot na hindi na masyadong maingay.

"Ah, hi! This is Jordi. Natatandaan mo pa ba ako?" Sandali naman akong nag-isip kung may kakilala ba akong Jordi, until Nicole's beautiful face came back to my mind. At doon ko lamang naalala kung sino itong babaeng kausap ko mula sa kabilang linya.

"Yes! Yes! Of course I remember you." Sagot ko sa kanya.

"So ayun na nga, tumawag ako para sabihin na, Ma'am Nicole expects you to be on time on your first duty tomorrow morning at exactly 9am." Tuloy-tuloy na paliwanag nito sa akin dahilan para matigilan ako.

Kusang bumilis ang pagtibok ng aking puso na halos kulang na lang atakihin ako.

"Hello? Violet? Are you still there?" Tanong nito sa akin mula sa kabilang linyan. Napalunok ako ng mariin bago napatikhim.

Ako kasi talaga 'yung tipo ng tao na kapag na-excite hindi mo mahahalata. Hindi ako katulad ng iba nagtitili o kung anu-ano pa ang ginagawa.

"Y-Yeah, am still here. I-I'll be there tomorrow morning. And I'll make sure that I won't be late. Thank you for calling." Pagbibigay ko ng assurance sa kanya at pagpapasalamat na rin. Pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.

Napa-inhale exhale ako dahil sa muling kaba na nararamdaman.

Totoo ba talaga ito? Napapangiti na sabi ko sa aking sarili habang naglalakad pabalik sa counter.

"Ang ganda naman ng ngiti natin. Anong meron?" Sabay taas baba ng kilay ni Skyler sa akin. Pabiro ko naman siyang hinampas sa kanyang braso.

"Sira! I'm just happy." Sagot ko sa kanya. Ngunit tinignan lamang ako nito na ipagpatuloy ko lang ang aking sinasabi dahil interesado siya.

"Natanggap na kasi ako sa inapply'an kong trabaho. Tinawagan ako and they are expecting me to be on time tomorrow morning." Paliwanag ko sa kanya.

"Oh shoot! Congrats my sister!" Masiglang sabi nito pero hindi mo alam kung sincere ba siya o hindi. "Paano ba yan? Mamimiss kita dito sa bar." Dagdag pa niya. Napairap ako.

"Kung makamiss ka naman para namang hindi ako pwedeng mag-part time dito kapag gabi." Napailing ito.

"Ano ka ba, gamitin mo na lang na pahinga yun. Sa off mo na lang tayo magkita kapag hindi rin ako busy." Sagot nito sa akin.

Pero alam ko kasi na ako 'yung tipo ng tao na hindi mapirme sa isang sulok nang walang ginagawa. Pakiramdam ko magkakasakit ako.

Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi na si Skyler ay nag-iisang anak ng isang mayaman na negosyante hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong Europe din. As in, Billionaire.

Ganoon din ang iba pa niyang mga kaibigan, lahat sila mayayaman. Pero si Skyler at Autumn kasi ang madalas na nandito sa bar kaya sila lamang din ang kakilala ko.

Isa rin ang magulang ni Skyler sa may ari nitong sosyal na Baylight Gay Bar na ito.

Pero ako? Never naman akong nag-share ng kahit na anong personal na buhay ko sa kanya. Walang may nakakaalam na anak ako ng isang Pearl Torres na may ari ng sikat na T Corporation.

Pinanggal ko rin lahat ng pangalan ko na konektado kay Mama Pearl dahil, wala lang. Ayoko ng atensyon, maging sa internet, hindi ko pinalagay ang mukha at ang pangalan ko, katulad na lamang ng ginawa ni Lolo kay Mama Pearl noong mga panahong hindi pa sila okay.

I just don't feel like sharing my personal life with others. Also, life is quieter when no one knows what or who you really are.

Mas prefer ko ang tahimik na buhay. Iyon bang para ka lang hangin sa iba, hindi pansinin at hindi madalas nakikita.

---

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit pa sa totoo lang ay puyat na puyat pa ako at gusto pang matulog ng mga mata ko.

Kinailangan ko kasi talagang mag-prefer ng maaga, nang sa gayon ay hindi ma-late sa unang araw ng trabaho sa Coffee Shop.

Oh, edi ngayon maaga akong nakarating sa Coffee Shop. Thirty minutes bago mag alas nuebe ay nandito na ako. Nauna pa nga ako kay Jordi eh na siyang magbubukas ng Shop. Mabuti na lang at dala ko ang sasakyan, meron akong napagtambayan kahit papaano.

Syempre, kailangan kong magpa-impress sa boss ko 'no? At hinding-hindi niya pagsisisihan na nagbago ang isip niya at tuluyang hinired niya ako.

Well, hindi ko rin naman kasi talaga ini-expect na makikita ko siya kagabi sa restaurant. And I didn't know na anak pala siya ng mag-asawang Sullivan. Kagabi ko lamang din nagawang mahanap ang pangalan niya sa internet dahil hindi ko naman alam ang last name niya.

Isa pa, sinong hindi makakakilala sa mga magulang niya eh madalas silang laman ng mga dyaryo at balita. Madalas pang nasa billboard ang kanilang mga itsura.

And it turns out na mas lalo niya pa akong napapahanga ha? Kasi isa lang siyang estudyante pero grabe na kung maghawak ng negosyo. Trained by Breeze Sullivan, walang iba at hindi na dapat pa ako magtaka, mag-ina nga sila.

"Grabe! Ang aga mo naman masyado. Masyado mong mapapabilib si ma'am niyan. Good job ka d'yan!" Komento ni Jordi sa akin habang tinuturuan ako sa rules and regulations.

Napangiti na lamang ako bago napasulyap sa wall clock. Alas dyes na ng umaga pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Ay, teka nga! Ba't ko ba siya hinihintay? Ini-expect ko talaga na papasok yun ng maaga? Eh boss yun, hawak niya ang oras niya at kahit na anong oras niya gustong pumasok, walang kaso sa kanya.

Tss! Pagkatapos i-discuss ni Jordi sa akin ang rules and regulations at noong maipakilala ako sa mga kasamahan namin, na sina Patrick at Leo, ay tinulungan ko na rin sila sa iba pang mga gawain.

Nagtatawanan kami noong biglang may pumaradang magarang sasakyan sa labas ng Coffee Shop. Kunot noo na napatingin pa ako roon hanggang sa si Jordi na ang nagsabi na,

"Andiyan na si Ma'am!" Doon pa ako natauhan at nagkuwaring abala sa aking ginagawa nang makita na papasok ito.

"Good morning, Ma'am Nicole!" Naririnig ko lang ang boses ni Jordi, ayaw ko kasing tumingin sa kanilang direksyon dahil baka mawala na naman ako sa sarili kapag nagtama na naman ang mga mata namin ni Nicole.

Este, Ma'am Nicole pala.

"Good morning!" Ganting pagbati rin nito kay Nicole at pati sa dalawang kasamahan namin. "At ilang beses ko bang sasabihin na Nicole na lang. Huwag niyo na akong i-ma'am." Dagdag pa niya.

Pagkatapos noon ay sunod-sunod na tunog ng takong ang maririnig papalapit sa akin habang kunwari abala akong naglilinis ng lamesa.

"Violet." Rinig kong pagtawag n'ya sa akin.

Ang sabi ko hindi na ako muling titingin sa mga mata niya, pero isang beses lamang niyang tinawag ang pangalan ko, mabilis pa sa alas kwatrong napatingin na naman ako sa kanya, hanggang sa tuluyang magtama na naman ang aming paningin.

May ilang dipa pa ang layo niya mula sa akin, pero ewan ko ba. Bigla na lamang bumagal muli ang oras para sa aming dalawa habang humahakbang ito papalapit sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapanganga sa taglay niyang kagandahan. Nakasuot siya ngayon ng white blouse kung saan kitang-kita ang kanyang collarbone, with black tight jeans na humahapit sa kanyang mahahaba ngunit naglalakihang legs. Naka-pony tail ang kanyang blonde at mahabang buhok kaya mas lalong na-i-emphasize ang kanyang maamo, maliit at mala-barbie niyang mukha.

And her eyes, damn. Nakakawala sa huwisyo. Nakakaadik silang pagmasdan.

But then again, kahit gaano pa s'ya kaganda, ka-perfect at kahit na ano o sino pa siya, kahit na gaano pa siya pinapangarap at hinahangaan ng iba, I have to remind myself over and over that my heart already belongs to someone else.

The fact na, taken na rin akong katulad niya.

Yes! Tama kayo.

Taken na rin ako, even before the day we first met, even before the kiss happened, my heart was tied to someone else. I'm already committed to someone, so I always have to remind myself.

Maybe itong nararamdaman ko para sa kanya, sa babaeng nasa harapan ko ngayon ay isa lamang paghanga. Na kailangan ko na ring burahin kaagad bago pa man lumala.

"Ahem! Good morning!" Natigilan ako sa aking pag-iisip at agad na napa iwas ng tingin noong huminto siya sa tapat ko at binati ako ng magandang umaga.

Magsasalita na rin sana ako para batiin siya nang magpatuloy siya.

"In my office, Violet. Please." Pormal ngunit may diin na sabi nito sa akin bago ako tinalikuran na.

Agad naman na sumunod ako sa kanya. Tahimik na pumasok kami sa loob ng kanyang opisina. Napamusyon ito sa akin na maupo ako sa parehong couch kung saan din ako nakaupo kahapon.

"I have a few questions for you, Violet." Panimula nito. Mukhang seryoso kaya napalunok ako.

"You know, we don't accept employees here without doing a background check." Bigla na lamang din kumabog ang dibdib ko noong marinig ko iyon. "And if we do, especially me, it's our right. It's the company right. Am I correct?"

Mabilis na napatango ako.

"Y-Yes ma'am!" Sumasagot ako sa kanya ng nakayuko at hindi makatingin sa kanyang mga mata.

Sandali itong natahimik at pagkatapos ay muling nagpatuloy.

"And I found out that you are the daughter of Pearl Torres, the CEO of T Corporation." Bigla akong napapikit ng mariin noong marinig ko ang sinabi nito. Hindi ko alam na malalaman niya pa pati iyon dahil kampante akong walang makakakilala sa akin kung sino o anong pamilya ang pinagmulan ko.

Well, maybe because their Private Investigators are very good at their job.

"Now, may I know why you applied to my company as my employee?" Seryoso at mas may awtoridad nang tanong nito sa akin.

Napahinga at muling napalunok ako bago diretsong tinignan siya sa kanyang mga mata.

"It's personal reasons, Ma'am. And as far as I know, I have the right not to say anything about my personal life." Diretsahan at wala nang paligoy-ligoy na sagot ko sa kanya. "I applied to your company as Violet Torres, and not as the daughter of Pearl Torres. I need this job, kaya ako nandito sa kompanya mo. I will treat you as my boss, and I expect you to treat me as your employee at hindi bilang isang anak ng kilalang tao."

Mataman at seryosong nakatitig lamang ito sa akin. Iyong tipo na tila ba pinag-aaralan ang mga sinasabi ko.

"Alright then," She paused. "One last question," dagdag pa niya. "Taken or single?"

Iyon ang katanungan na hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin.

"You know, maybe iniisip mo kung ano bang pakialam ko, 'di ba? Love life yun, kasama sa personal na buhay. Pero kasi, you're in my company now. I expect you to be productive every day, especially since we are dealing with customers and offering services. I just wanna make sure that your personal life doesn't affect your work, which is my business." Paliwanag nito sa akin.

Muli ay diretsahang tinignan ko siya sa kanyang mga mata at lakas loob na sinagot ang kanyang katanungan.

"Yes, I am committed to someone. I'm taken and don't worry, I'll make sure my personal life doesn't affect my work, ma'am." Sagot ko sa kanya.

Napatango lamang ito sa aking isinagot bago ako binigyan ng isang pormal na ngiti.

"You can continue your work. If you have any questions, please just ask Jordi." Pag-di-dismiss nito sa akin at agad nang itinutok ang kanyang mga mata sa monitor ng kanyang computer.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas sa kanyang opisina ay nahuli ko itong napasulyap sa akin, na agad niya rin namang binawi noong napalingon ako sa kanya.

Awww!! Nakaka-excite. Ano kayang magiging takbo ng kanilang kwento? ;) Comment n'yo nga 'yung naiisip ninyo. Hehe.

Jennexcreators' thoughts