webnovel

TBAB: 3

Now playing: Set My World on Fire - Loving Caliber

Nicole POV

"Ma'am, hindi ba pumasa sa inyo?" Tanong ni Jordi sa akin noong makaalis na 'yung babaeng nagngangalang Violet.

Violet.

Ang ganda ng pangalan niya na bumagay din naman talaga sa kanya. Pinakuha ko kay Jordi ang application form nito. I forgot to ask her kasi kanina kung anong pangalan niya, to the fact na parang hindi ko naman talaga na-interview ng maayos dahil mukhang nasobrahan yata siya sa confidence?

"Masyado siyang maganda para maging Barista." Sagot ko kay Jordi. Napakamot ito sa kanyang batok.

"Eh 'di ba nga ma;am mas maganda nga yun para mas marami tayong maging customer. Gagamitin natin ang asset niya para sa negosyo." Sagot nitong muli.

Agad naman na nag-angat ako ng aking paningin at mataman na tinignan siya sa kanyang buong mukha.

"Umamin ka nga sa akin. Bakit ba gustong-guto mo siyang makapasok dito sa Coffee Shop? Is she your friend?" Nagtataka na tanong ko sa kanya. Awtomatiko naman na namilog ang mga mata nito.

"Ay naku, ma'am! Hindi po!" Napapailing na sagot nito sa akin with matching kampay pa ng kamay sa ere.

"Mm-hmmm... crush mo lang?" Panunukso ko. Mabilis na namula ang buong mukha nito na animo'y kamatis. Kaya hindi ko napigilan ang mapatawa.

"Okay! Gets!" Muling wika ko dahil natahimik na ito.

"Eh ang ganda kasi ma'am eh! Hehe. Sorry." Pagkatapos ay nag-peace sign pa.

"Jordi, good looks can be deceiving. I always told you that." Paalala ko sa kanya dahil madalas siyang mahumaling sa mga magaganda naming customer noon pa man. Tapos ngayon naman sa isang applicant.

Hindi na iba sa akin si Jordi, pati na rin iyong ibang empleyado ko. Especially 'yung mga nandito sa Coffee shop, I take care of them like my family. That's why I can't stop being concerned about them even in their personal lives, especially when it comes to love because it's hard to be brokenhearted over and over again.

Maswerte na lamang ako sa boyfriend ko dahil hindi pa nagloloko.

'PA', yes. Dahil ayaw ko pa rin namang pakasiguro..

Napatango ito. "O-Opo ma'am. Sabi ko nga po at babalik na ako sa trabaho ko." Wika nito. "Sige ho ma'am." Paalam niya sa akin at mabilis nang lumabas mula sa aking opisina.

Napapailing na lamang ako sa aking sarili. Noon naman napatingin ako sa pagtunog ng cellphone ko at lumabas mula sa screen nito ang pangalan ni Mama Breeze.

"Ma!" Agad na pagsagot ko.

"Busy much?" Sagot nito mula sa kabilang linya. Narinig ko pa na tila ba mayroong bumubulong sa kanya mula sa tabi niya. Iyong tipo na para bang nagtutulakan silang dalawa sa dapat sabihin sa akin.

At alam kong si Mommy Cath iyon. Napahinga ako ng malalim.

"Okay, spell the tea mga momshie. Anong atin?" Pamimilosopo ko sa kanilang dalawa. Agad naman na narinig ko ang malambing na pagtawa ni Mommy Cath.

"Free ka ba tonight? Let's have dinner. Namimiss ka na namin eh." Si Mama Breeze na ang sumagot pagkatapos ay napatikhim pa ito.

Awtomatiko naman na gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi. Minsan lang kasi maging sweet si Mama Breeze sa akin, kay Mommy Cath lang naman kasi siya nagiging sweet 24/7. Pero kapag ganito na siya, hindi ko mapigilan ang hindi kiligin.

"Of course, free ako. I miss you too, mommy." Sabi ko kay Mommy Cath na alam kong naririnig din niya.

"Ah ganun, siya lang ang miss mo tapos ako hindi!" Matigas na wika ni Mama Breeze, nahihimigan ko rin ang pagtampo. Kung kanina napangiti lang ako, ngayon naman ay hindi ko na napigilan pa ang matawa.

"Of course, I miss you too, mama." Sagot ko sa kanya. Kahit na hindi ko siya nakikita, na-i-imagine ko ang pagtirik ng kanyang mga mata.

"Oh siya, we'll send you the address. And be there on time, okay?"

"Yes, ma. See you." Pagkatapos ay kapwa na namin ibinaba ang tawag.

Noon lamang din ako napasulyap sa wall clock ng opisina ko. Buong araw pala talaga akong nandito sa coffee shop. Alas singko na pala kasi, kaya naman napayaya na ng dinner ang mga magulang ko.

Nakalimutan ko ring i-update si Chase. Agad na nag-type ako ng text message para sa kanya, iniimbitahan ko na rin kasi ito para sa dinner namin tonight since hindi ko siya napagbigyan kaninang tanghalian.

Hindi ko na rin hinintay pa ang pag-reply nito. Agad na inilagay ko na ang cellphone ko sa aking hand bag at umalis na ng coffee shop dahil ayaw kong maipit sa napakahabang traffic.

Six thirty na nang makarating ako sa address na isinend sa akin ng mga magulang ko. Halos isang oras at kalahati rin ang itinagal ng biyahe ko ha? Hmp!

Pero ang akala ko naman kung saang restaurant lang kami kakain, another branch lang pala ng restuarant ni Tita Adriana ang kakainan namin.

Nakita ko ang kotse nga mga magulang ko sa parking area kaya alam kong nasa loob na ang mga ito. Agad na pumasok na ako sa loob, ngunit bago ako tuluyang makapasok sa mismong dining area ay tinanong muna ako kung may reservation ba ako at kanino nakapangalan.

Sinabi ko ang pangalan ni Mommy Breeze, agad naman iyong nahanap sa list. Nang tuluyang makapasok na ako sa mismong dining area ay mabilis ko namang nahanap ang aking mga magulang na prenting nakaupo sa kanya-kanya nilang mga upuan.

Lumapit ako sa mga ito at binigyan sila ng yakap at halik sa pingi.

"What took you so long? Trenta minutos mo lang naman kaming pinaghintay." Pagsusungit ni Mama.

Natawa ako ng mahina bago naupo sa aking silya. "Ma, gutom lang yan." Pamimilosopo ko ulit sa aking Mama Breeze.

"Baby, it's okay. Ang importante nandito na siya." Sagot naman ni Mommy Cath.

Awtomatiko akong napakagat sa aking labi. Every time I hear that endearment from them it's like tickling my stomach. Hindi kasi nakakaumay at nakakailang pakinggan. Lalo na dahil paulit-ulit nilang kinukwento sa akin dati ang love story nila.

Actually, hindi lang ang love story nila. Lahat yata ng love story ng mga kaibigan nila, naikwento na rin nila sa akin but of course, sa kanilang lahat, ang kwento nilang dalawa ng paborito ko.

Pagkatapos ng ilang sandali ay tumawag na si Mama ng waiter para makapag-order na kami ng aming makakain. Usually kapag ganito, nag-oorder na sila kaagad eh. Pero mukhang gustong gawin ni Mama Breeze na extra special ang dinner date namin ngayon kaya medyo hino-hold niya ang oras.

Malayo pa mula sa amin at papalapit pa lamang ang waitress na tinawag ni mama nang agad na mamukhaan ko ito. Awtomatikong nanlaki ang dalawang mga mata ko dahil sa gulat ngunit mabilis ko naman iyong naitago. Mabilis na napayuko ako at kunwaring nagdudutdot ng aking cellphone bago pa man siya makarating.

Teka, nagtatrabaho rin siya rito? Ilang trabaho ba ang meron siya sa isang araw at bakit gusto rin n'yang mag-apply sa Coffee shop namin? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili.

"Good evening, ma'am!" Narinig kong pagbati nito.

Pilit na dinedma ko siya at kunwaring hindi ko napansin.

"Oh, Violet. You're back!" Ringi kong pagbati ni Mommy Cath sa kanya.

Napatawa ito ng may pagkaalanganin. "Ah, yes po." Magalang na sagot niya.

"I thought you resigned?" Tanong ni Mama Breeze.

"Yes, I resigned. Pero wala naman po akong choice kundi bumalik dito as a part-timer. Hindi kasi ako natanggap sa INAPPLY'AN ko today." May diin na sagot nito na alam kong sinadya niyang sabihin para mas marinig ko.

Kasalanan ko bang late siya sa final interview niya? Tss!

"Ow, that's so sad. So, paano? Edi babalik ka rin sa Baylight?" Muling pagtanong sa kanya ni mama.

Baylight is a gay bar kung saan silang mga magkakaibigan ang owner. Doon naman nagsimula ang love story nina Tita Adriana at Tita Rae noon.

Wait... sa Baylight siya nagtatrabaho as Bartender? Hindi ko yata nabasa ang pangalan ng nasabing bar sa application na ipinakita sa akin ni Jordi. Pero baka na mislooked ko lang.

Kung gayon, magaling nga siyang Bartender. Kasi as far as I know, standard ang mga kinukuhang empleyado sa Baylight. Pero hindi naman alak ang pagiging Barista kundi, kape. Tss!

Hindi naman na ito nagtagal pa dahil noong makuha na nito ang order namin ay agad na rin na umalis siya.

"Kilala niyo 'yung waitress?" Agad na tanong ko sa mga magulang ko. Kunwari rin na hindi ko kilala si Violet.

"Yes! Isa siya sa magagaling na empleyado ng Tita Adriana mo. Magaling na with good character pa." Wika ni Mama Breeze na hindi maitago ang paghanga. "Dapat ganyan ang mga kinukuha mong empleyado sa Coffee Shop." Dagdag pa niya.

Hindi na lamang ako kumibo at napahinga na lang din ng malalim.

Mukhang lumiliit ang mundo para sa aming dalawa.

Hay naku! Ba't ba masyado akong nagpapaapekto sa babaeng iyon. Hindi ang tulad niya ang makakaalis sa'kin sa focus.

Pilit na inaalis ko sa aking isipan si Violet, sa pamamagitan ng pakikipag-usap ko sa aking mga magulang. Hanggang sa dumating na rin si Chase. Mabuti naman at nakahabol siya dahil kung hindi, ako ang magtatampo sa kanya.

---

Pagkatapos ng aming dinner ay agad na umuwi na rin kami. Hindi na ako hinatid pa ni Chase dahil may kanya-kanya kaming sasakyan na dala, ganoon din ang mga magulang ko.

Pagdating sa bahay, agad na naligo na ako at pagkatapos ay nahiga na rin sa kama. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako kahit na buong araw lang naman akong nakaupo sa opisina ko.

Ngunit noong sandaling ipinikit ko ang aking mga mata ay mukha ng Violet na iyon ang tumambad sa aking isipan kaya mabilis na muling napamulat ako ng aking mga mata. Hindi ko rin napigilan ang mapabangong muli.

Frustrated na napahinga ako ng malalim bago napatingin sa cellphone kong nakapatong sa bedside table ko.

Mukhang hindi yata ako makakatulog ngayong gabi kahit pa antok na antok na ako dahil sa... kosensya?

Yeah, maybe. Nakokonsensya nga lang ako.

"First, you have no choice but to hire me. Second, you still have NO CHOICE but to hire me." Kusa na lamang bumalik at nag-echo sa aking isipan ang mga linyahang iyon. Napailing ako.

Mukhang wala nga talaga akong choice. Hays!

"Bahala na nga." Sabi ko sa aking sarili.

Muling kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Jordi.

Nakakadalawang ring pa lamang ito nang sagutin niya.

"Good evening ma'am! Napatawag po kayo?" Sagot nito mula sa kabilang linya. Halatang nasa labas siya dahil sa ingay na nagmumula sa paligid niya.

"Uhmm... Jordi, about that girl, Violet."

"Yes ma'am. What about her po?" Hindi maitago ang excitement sa boses niya noong mabanggit ko ang pangalan ni Violet. Tss!

"Can you text her and send her back tomorrow morning to the Coffee Shop? Tell her, she has to report tomorrow as her first day of duty." Isang himpit na tili ang pinakawalan nito noong sabihin ko iyon, dahilan din para mapatirik ang mga mata ko.

"T-Talaga ba ma'am? Yes! Sige po, I'll text her right away ma'am."

"Jordi, kalmahan mo lang. Masyadong excited eh." Saway ko sa kanya.

"Sorry ma'am! Nadala ng emosyon."

"And Jordi, please tell her, don't be late." Dagdag ko pa.

"Copy that ma'am." Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag at muli nang nahiga sa aking higaan.

I'm expecting her not to be late tomorrow on her first day at work.

And it's up to her what excuses she will say sa part-time niya ngayon, nasa kanya na rin kung saan niya gustong magtrabaho.