webnovel

TBAB: 21

Now playing: Hindi tayo pwede - The Juans

Violet POV

"M-Mag...mag-re-resign ka?" Nangingilid ang luha na tanong ni Nicole noong makapasok ako ng kanyang opisina.

Nakatutok lamang ang dalawang mga mata nito sa malaking monitor na nasa kanyang harapan.

Great. Nabasa na pala niya. Wika ko sa aking sarili bago dahan-dahan na isinarado ang pintuan.

Napalunok ako at mabagal ang mga hakbang na lumapit sa kanya. Hindi muna ako nagsalita at mataman na pinanood lamang ang mga kilos niya.

Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo bago mataman na tinitigan ako sa aking mga mata. Habang ganoon din ako sa kanya.

Kapwa hindi maitago ang lungkot sa aming mga mata habang tinitignan namin ang isa't isa. Siguro, kung katulad lamang ng sugat na makikita 'yung nararamdaman naming dalawa, baka ngayon pa lang panay na kami benda.

"Nicole..." Pagbanggit ko sa pangalan niya. "I-I have to. We have to." Dagdag ko pa.

"Gusto mong mag-resign para lumayo sa akin, tama? Alam na ni Katie...right? Nakapag-usap na kayo?" Sunod-sunod na tanong nito bago napiyok pa sa dulo. Halatang pilit na pinipigilan niya ang maluha sa aking harapan dahil oras na mangyari iyon ay kapwa kami mag-iiyakan.

Muli akong napalunok ng mariin bago napatango bilang sagot.

Binasa niya ang ibabang parte ng kanyang labi gamit ang kanyang dila bago napakagat dito.

"At mas pinili mong tapusin ang kung anong meron tayo." Hindi iyon isang katanungan. Isa iyong sagot sa kanyang sariling katanungan mula sa kanyang isipan. Muli akong napatango at magsasalita na sana nang muli siyang magsalita.

"Yeah, right. Wala naman nga pala talagang tayo." Sarcastic na sabi nito sa kanyang sarili bago natawa ng mapait.

"Nicole, I-I'm sorry." Buong puso na paghingi ko sa kanya ng tawad kasabay ang isa-isang pagpatak ng mga luha ko. Pakiramdam ko rin pinupunit ang puso ko ngayon habang nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan ng ganito.

Pero ito ang tama, kailangan naming itama 'yung mga pagkakamali na nagawa namin sa kanya-kanya naming partner. Ako kay Katie, habang siya naman kay Chase.

"Ito naman talaga 'yung tama, 'di ba?" Tanong nitong muli sabay punas ng kanyang sariling luha. "Kaya oo, dapat lang na itigil na nga natin ito." Dagdag pa niya.

Pero bakit gano'n? Parang may kung anong bagay ang mas lalong tumutusok sa puso ko habang binibitiwan ni Nicole ang mga katagang iyon.

Bakit parang umaasa ako na kahit konti, pipigilan niya ako, na ilalaban pa rin namin 'yung kung ano mang meron sa amin, na manalo man o matalo walang makakapigil sa nararamdaman namin pareho.

"I'm sorry...." Muling paghingi ko ng tawad sa kanya habang nakayuko.

"Bakit ka ba nag-so-sorry?" Tanong niya. "Nag-so-sorry ka dahil nasasaktan tayo pareho o nag-so-sorry ka dahil hindi totoo 'yung mga pinakita mo?" Noon naman ay naguguluhan ang mga mata na sinalubong ko ang mga tingin niya.

Ano bang pinagsasabi niya?

Lumapit ito sa akin bago ako ipinagdikit ang aming mga noo. Marahan na inabot nito ang pisngi ko at pagkatapos ay hinalikan ako ng matamis sa aking labi.

"Stop saying sorry, please?" Pakiusap niya sa akin. Habang nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Iba kasi ang dating sakin. Para mo na ring sinasabi na hindi totoo 'yung mga nangyari sa ating dalawa. Mag-sorry ka kung pagkukunwari lamang ang lahat ng iyon, pero hindi naman, 'di ba?" Pagpapatuloy niya.

Napatango ako at mabilis na niyakap siya. Hindi ko na napigilan pa ang tuluyang mapaiyak sa mga balikat niya. Agad naman na niyakap niya ako ng mahigpit pabalik.

"Make her happy, okay? And promise me...promise me that you will be happy with her because I want nothing else for you but your happiness, Violet. Sa ganitong paraan din, m-mapoproktehan kita." Awtomatikong napakunot ang aking noo at kumalas mula sa pagyakap sa kanya.

"Protect from what?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Mabilis itong naapaiwas ng tingin mula sa aking mga mata at lumayong muli mula sa akin.

"Sa mga bagay na posibleng mangyari sa'yo, from heartbreaks and everything. Kasi...m-masasaktan lang natin lalo ang mga sarili namin." Pagkatapos ay bigla na naman siyang napaluha. "I-I just can't...I won't let you get hurt because of me, Violet." Lumuluhang dagdag pa niya.

This time, ako na naman ang lumapit sa kanya. Hinawakan siya sa kanyang pisngi habang lumuluha ring katulad niya.

"Please...don't cry." Pakiusap kong muli. "Don't cry, please. Hindi pa rito matatapos ang lahat, maybe there will be a chance para sa atin balang araw, 'di ba? Pero sa ngayon, hindi pa natin pwedeng mahalin at angkinin ang isa't isa. Sa ngayon, para muna tayo sa iba." Dagdag ko pa atsaka siya hinalikan sa kanyang noo habang napapahikbi at muli siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit.

Hindi ko kasi alam kung magagawa ko pa bang makalapit sa kanya ng ganito, mahawakan siya, mayakap at mahalikan ng ganito. Hindi ko alam kung may pagkakataon pa ba talagang naghihintay para sa aming dalawa sa dulo.

Napailing ito. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko.

"Wag mo nang paasahin ang mga sarili natin, Violet. Kapag pinili na nating tapusin ang isang bagay, hindi na dapat pa nating lingunin pa. Kasi...tayo rin ang mahihirapan. Hindi tayo makakausad." Wika nito at muling tinignan ako sa aking mga mata.

"Ayokong punuin natin ang mga sarili natin ng what ifs. Kasi hindi makakatulong. I want you to focus sa kung anong pinili mo ngayon at ganoon din ako. And let's do this for ourselves, to be better." Pagpapatuloy niya.

Sa mga sinasabi niya ngayon, lalo kung nararamdaman na mahihirapan na talaga akong malapitan siyang muli. Na marahil ito na rin ang huling beses na mayayakap ko siya ng ganito, matitigan ang maganda niyang mukha at marinig ang boses niya.

Hindi ko mapigilang masaktan na isiping literal na sandaling kasiyahan lamang siya sa buhay ko. Ayaw ko siyang bitiwan, pero kailangan. Ayaw ko siyang mawala sa buhay ko, pero kailangan ko nang kalimutan itong nararamdaman ko. Dahil wala na rin namang patutunguhan kahit pa ipagpatuloy namin ito.

"Gustong-gusto kitang mahalin eh. Gustong-gusto kitang angkinin at ipagdamot. Pero hindi pwede, kasi may mga masasagasahan tayong tao. Kung sana, nagkakilala lang tayo sa magkaibang panahon at pagkakataon, baka sakaling pwede--- baka sakaling pwedeng maging tayo at magkaroon ng ikaw at ako."

Naglalaglagan ang mga luha mula sa mga mata ko. Wala kasi akong magawa sa katotohanang, parehas kaming committed na. Parehas kaming may minamahal nang iba.

At parehas naming hindi na pwedeng mahalin ang isa't isa.

"W-Wag ka nang malungkot, pleaase." Pakiusap nito habang lumuluha pa rin. "Kasi kapag umiiyak ka lalo akong naiiyak eh." Atsaka parang bata na napapapunas ito ng kanyang luha gamit ang likod ng kanyang palad habang ngumangawa.

"Gusto kong baunin 'yung mga alaala na nabuo natin. K-Kahit na sandaling panahon lang yun, naging masaya naman akong kasama kita. Totoo 'yung mga ngiti at tawa na pinagsaluhan nating dalawa at alam kong hinding-hindi na yun mabubura pa dito," sabay turo nito sa kanyang puso

"Lumipas man ang marami at mahabang panahon, mananatili ka nang nandito, kahit pa magkaibang tao ang pinili nating makasama sa dulo, palagi ko pa ring ipagpapasalamat na naging parte ka ng buhay ko." Dagdag pa niya.

Habang ako naman ay hindi ko na kaya pa ang makapagsalita. Napaupo na lamang ako sa couch dahil nanghihina na ang mga tuhod ko.

Bakit ba ang complicated ng pag-ibig? Bakit hindi natin nakukuha lahat ng bagay na gustuhin natin? Bakit may kailangang isakripisyo? Bakit kung gaano kasaya at kasarap ito ay ganoon din kasakit at kapait?

Bakit?

Bakit kailangan makilala pa natin ang isang tao kung hindi rin naman pala siya ang makakasama natin sa dulo?

Bakit kailangang paglaruan ng mundo ang nararamdaman namin pareho? Tao lang naman kami, nagkakamali, natutukso at nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat. Pero bakit ang lupit naman ng kapalit?

Sandali pa kaming nag-usap ni Nicole, pagkatapos ng ilang sandali ay kinailangan ko nang magpaalam sa kanya. Sinabi ko kasi kay Katie na sandali lamang ako rito, magpapaalam lamang at pagkatapos ay babalik na agad sa kanya.

Gusto ko lang din talagang mayakap si Nicole, makita at marinig ang boses niya ng ganito kamalapitan.

Hindi na rin naman niya ako pipigilan pa at kahit naman ako para sa kanya. Hindi ko rin naman siya pipigilan pa. Sana lang, sana lang talaga ingatan at alagaan siya ni Chase ng sobra-sobra.

"In case you need anything, you know where to find me, okay?" Pahabol na sabi ko kay Nicole.

Ngunit binigyan lamang niya ako ng kanyang pinakamatamis na ngiti bago napailing.

"I'm sorry, but...I can't." Wika nito. "Kailangan nating panindigan 'yung pinili natin, Violet. This time, we have to be true to our words. If I need anything, Chase is the first person I go to and the one I call. Dahil siya ang boyfriend ko. Sana gano'n ka rin kay Katie." Dagdag pa niya.

Her words were like a knife piercing my heart.

Ang sakit.

Ang hirap tanggapin.

Ang hirap lunukin.

Pero alam ko naman deep insdie that she's right.

"Wala na ba talagang chance para---"

Mariin siyang napailing dahilan para mapahinto ako. Lumapit siyang muli sa akin at muling binigyan ako ng isang ngiti, 'yung ngiti niya na nagpapa-warm palagi sa puso ko, 'yung ngiti niya na alam kong sobrang mamimiss ko, 'yung ngiti at maganda niyang mukha na kahit saan man ako magpunta ay palaging makikita ko at ang pangalan niya na hindi na mabubura pa sa puso ko.

"Hindi ka man naging akin o magiging akin pa, tandaang mong minsan may isang Violet kang nakilala. Okay?" Napapakagat sa kanyang labi naman na napatango ito bago muling niyakap ako.

Iyong yakap na alam kong huli na. Iyong yakap na kailangan kong sulitin at damhin para palagi kong maaalala.

Noong sandali na muling kumalas na kami sa isa't isa ay napabuga na lamang ako ng hangin sa ere.

"I-I have to go." Paalam ko sa kanya ngunit ang mga paa ko ay tila ba ayaw siyang iwanan pa.

"I understand. Alam kong naghihintay siya." Pagtukoy nito kay Katie at tipid na binigyan ako ng ngiti habang hindi pa rin nito maitago ang lungkot sa kanyang mga mata.

Tatalikod na sana ako mula sa kanya nang muli akong natigilan. Mabilis na hinawakan ko siya sa kanyang kaliwang braso at agad na nakita ang kulay ube at malaking pasa na meron siya mula roon.

"W-Who did this to you?" Parang biglang pinukpok na naman ang puso ko sa kaba na naramdaman dahil sa nakita ko.

Hindi ko rin mapigilan ang biglang mag-alala para sa kanya. Pero mabilis niyang binawi ang kanyang braso mula sa akin at naupo nang muli sa kanyang upuan.

"Si Chase ba?" Pagtanong kong muli. Ngunit malamig na ang mga mata na muling tinignan niya ako. Hindi ko pa mapigilan ang mapasinghap sa paraan kung paano niya ako tignan ngayon.

Para bang in just one snap ay naging malamig siyang tao.

Napahinga ito ng malalim. "I am OKAY, Violet." Mariin na sabi nito sa akin bago napa musyon sa pintuan ng kanyang opisina.

"You can leave now."

"Nicole!" Biglang pagtaas ko ng boses sa kanya.

"VIOLET!" Ganting pagtaas din nito ng boses sa akin.

"Please, don't wait for me to call the guard." Pakiusap nito sa akin. Napahinga ako ng malalim.

"Nic, I'm just worried. And I just want to know that---"

"You don't have to worry about me anymore." Mabilis na putol nito sa akin. "And it's not even your problem anymore, Violet. I am NOT your responsibility. So, WE are done here." Pagdidismiss nito sa aming usapan bago tuluyan nang ibinalik ang kanyang mga mata sa malaking monitor ng kanyang computer.

Napatango ako bago pabalang na isinarado ang pintuan ng kanyang opisina.

Malalaman ko rin ang totoo. At may pakiramdam akong may kinalaman si Chase rito.

But fuck!

How can I be so concerned with someone who suddenly doesn't seem to care about me anymore?