webnovel

Prologue

Kanina pa ako nandito sa parking lot pero hanggang ngayon hindi pa rin dumadating 'yung boyfriend ko.

Naiinip na napabuntong hininga ako bago muling hinanap sa contact list ang pangalan niya at tinawagan ang kanyang number.

Ngunit katulad sa inaasahan, hindi niya pa rin ito sinasagot.

Kapag ako tuluyang nainis, iiwanan ko talaga siya at bahala siya kung paano makakauwi mag-isa.

Napatingin ako sa suot kong wrist watch, male-late na ako sa next appointment ko kung saan kasama ang aking mga magulang.

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga bago nagsimulang magbilang. Dahil kapag umabot ng 50 ang count ko, hindi ko na talaga siya hihintayin pa.

Nasa 40 na ang pagbibilang ko nang mapatingin ako sa kaliwang direksyon ng kinatatayuan ko.

I saw a girl walking towards me. Para siyang modelong naglalakad at rumarampa papalapit sa akin kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang mapatitig sa kanya habang papalapit ito ng papalapit sa akin.

Agad na huminto ito sa tapat ko nang tuluyang makarating and I can't help but stared at her face because she looks so gorgeous. Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok lalo na nung maamoy ang malakas na amoy ng pabango nito ngunit hindi masakit sa ilong.

As a matter of fact, napaka-sweet ng amoy niya na bumagay sa taglay niyang kagandahan at kapag nakasalubong mo siya sa paglalakad ay mapapalingon ka talaga pabalik.

Ngunit napakaseryoso ng kanyang mukha na animo'y may gusto ring sabihin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata, tila ba nanghihingi siya ng saklolo na hindi ko mawari kung ano ba talaga.

Agad na napalingon ako sa likuran niya para tignan kung meron bang humahabol o sumusunod sa kanya. Pero wala naman akong nakikitang ibang tao ngayon kundi kami lamang na dalawa.

Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat na maramdaman ko. I don't know her so hindi ko alam kung paano ko siya i-a-approach o iko-comfort and besides, I don't talk to stranger.

Pero mukha naman kasi siyang mabait dahil napakaamo ng kanyang mukha. Muling ibinalik ko sa kanya ang aking mga mata na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Para kaming mga tanga na nagkakatitigan pero hindi naman nagsasalita.

Iba lang kasi ang nararamdaman ko ngayon, I think she's in trouble and she needs help? Malakas ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa isipan ko. All I want to do now is help her, sa hindi ko rin alam kung sa papaanong paraan.

Baka nga kasi mayroong humahabol talaga sa kanya na hindi ko lang napansin, baka kailangan niya ng tulong or i-distract ito.

Basta ang tanging alam ko lang, the moment na ibubuka na nito ang kanyang labi para magsalita, ay siya namang mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya at agad siyang hinalikan sa kanyang labi.

Yes. I kissed her. I kissed a stranger.

Hindi ko siya kilala o maging ang pangalan niya but I kissed her.

At alam ko sa sarili kong straight ako at hindi ko dapat ginagawa ito.

Noong sandaling ihihiwalay ko na ang aking labi sa kanya ay siya rin namang biglang hinawakan ako nito sa batok ko at mas idiniin pa ang kanyang labi sa akin at kinagat nito ng marahan ang lower lip ko.

Hindi ko mapigilan ang mapa inda sa sakit noong maramdaman ang paghapdi ng labi ko. Atsaka nito tuluyang inilayo ang kanyang mukha sa akin.

But this time, hindi na seryoso pa ang kanyang mukha ngunit isang nakakaloking ngiti at tingin na ang ibinigay nito sa akin.

Nagtataka naman ang mga mata na muling tinitigan ko siya. Para rin kasing amused pa ang mga mata nito habang napapatitig sa akin ngayon.

"No one is following or chasing me. But why did you kiss me?" She explained.

Ay! Ang bibo ko sa part na yun!

Bigla na lamang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang marinig ko ang boses nito, lalong lalo na ang kanyang sinabi.

Para akong natuklaw ng ahas at tila ba gusto ko na ring magpalamon pa sa lupa ngayon din, dahil sa kahihiyan.

Napakamot ako sa batok ko ng disoras.

"Well, not bad. You're a good kisser, huh?" Sabay kindat na dagdag pa niya.

Noon naman napatawa ako ng mahina bago napakagat sa aking labi pagkatapos.

"Love!" Bigla namang nawala ang atensyon ko sa babae at agad na napalingon sa lalaki na kanina ko pa hinihintay.

Napahinga ako ng malalim noong makarating ito sa tapat ko. "You're late!" Matigas ang boses na wika ko bago napatinging muli sa babaeng nasa harap ko.

Ngunit nagulat na lamang ako nang wala na pala ito at naglalakad na papalayo. Likod na lamang niya ang nakikita ko habang sinusundan ko ito ng tingin.

"Who is she?" Tanong ni Chase.

Nagkibit balikat lamang ako dahil hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

Nanghalik ako ng isang babae na hindi ko naman kakilala. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at naisipan kong gawin yun? At talagang kiss ang naisip kong makakatulong sa kanya, huh?

Agad naman na pinagbuksan ako ni Chase ng pintuan sa passenger seat.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makasakay ay napalingon pa akong muli sa babae na hanggang ngayon ay naglalakad pa rin.

Napapailing na lamang ako sa aking sarili.

Are you out of your mind? Nakakahiya ka, Nicole. Dismayadong sabi ko sa aking sarili. Bago lihim na napahawak muli sa aking labi.