webnovel

CHAPTER 6: Who are you?

Jayzi's Point Of View

Dali-dali akong tumayo sa'king higaan at kumuha ng pamalo.

"Hoy! Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Tanong ko.

Umunat ito at bahagyang humikab. "Ang ingay mo naman."

"A-an--- Sino kaba ha?! Paano ka nakapasok?! Magnanakaw ka 'no?!" Sinamaan ako ng tingin nito kasabay ng pag-tingin sa hawak kong pamalo.

"Pwede bang ibaba mo muna 'yang hawak mo?" Hindi ko ito pinakinggan at mas lalo kong tinutok ang hawak kong kahoy sa kanya.

Paano nakapasok ang babaeng 'to sa kwarto ko?! Tsaka sa tabi ko pa talaga sya natulog!

Nagulat ako ng tumayo ito kasabay ng pagkuha sa hawak ko. "Anong pangalan mo Mr.?" Tanong nito habang umuunat.

Nalaglag ang panga ko dahil sa inaasta ng babaeng 'to. Baliw ba sya?

"Hoy tinatanong kita."

"Sino kaba ha? Tsaka sagutin mo muna ang tanong ko,paano ka nakapasok tsaka ba't dito ka natulog ha?"

"Baka kapag ipinaliwanag ko hindi maproseso ng utak mo? Tsaka ang liit kaya ng kwarto mo kaya hindi ako nakatulog ng maayos."

"Aba--Hoy Miss kung sino ka man umalis kana,bago pa'ko tumawag ng pulis."

"Pulis?" Bigla itong tumawa. "Nagpapatawa ka ba?." Tinapik nito ang aking balikat bago lumabas. Agad kong kinuha ang braso nito para pigilan.

"Sa'n ka pupunta?"

"Titignan yung bahay mo?" Pilosopong bigkas nito. Inalis nito ang kamay ko sa kanyang braso bago lumabas mg kwarto ko.

Bahagya kong sinampal ang sarili ko. Nanaginip ba'ko? Anong nangyayari?

Bigla kong natauhan ng may mag-doorbell. Shit! Baka makita nila Ate yung misteryosong babaeng 'yun!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto para hanapin yung babae. "Andito na kami!" Bungad ni Ate sa pintuan.

"Tito Jay!" Lumapit sa'kin si Tummy at niyakap ako.

"Namumutla ka ata Jay?" Tanong ni Kuya Carlo. "May problema ba?"

"W-wala naman po." Binuhat ko si Tummy. "Kumusta pala Kuya?"

"Eto maayos naman." Inilapag nya ang mga gamit nila Ate bago umupo sa sofa. Binaba ko muna si Tummmy para makapunta kay Kuya.

Nag-sitaasan ang mga balahibo ko ng makita yung babae sa kusina. "Mag-luluto muna 'ko. Kumain kana ba Jay?"

"Teka Ate!" Napatingin silang lahat sa'kin.

"Anong meron?" Muli kong tinignan yung babae at sinenyasan ko syang umalis pero hindi ito nakinig bagkus ay inilabas nito ang kanyang dila para belatan ko. "May sakit kaba?" Hinawakan ni Ate ang leeg ko. "Hindi ka naman mainit,alam mo gutom lang yan." Dumeretso na si Ate sa kusina,mag-sasalita pa sana ako kaso hindi ko na nakita yung babae.

"Nasa'n na 'yun?" Bulong ko. Nilibot ko ang aking tingin at nakita ko yung babae na pumasok sa kwarto ko. "Ah Ate,punta lang ako kwarto may kukunin lang ako."

"Sige,tawagin nalang kita kapag kakain na." Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko. Lintek! Ano ba kasing ginagawa ng babaeng 'yun?!

Pagkabukas ko palang ng pinto agad kong nakita yung babae na nakaupo sa tabi ng bintana ng kwarto ko.

"Hoy ikaw!" Lumingon ito sa'kin na blanko ang mukha.

"May problema ba?"

"Hoy Miss pwede bang umalis kana rito? Malilintikan ako kay Ate kapag nalaman nyang may babae sa kwarto ko! Kung ayaw mo tatawag na talaga 'ko ng pulis!" Walang nagbabago sa expression ng mukha nito. Ilang segundo rin kaming nagtitigan.

"Ow,seryoso ka nga." Muntik ko ng maibuga ang huling hininga ko. Anong meron sa babaeng 'to? Takas mental ba sya?

"Mukha ba 'kong nagbibiro ha?!" Tumayo ito at lumapit sa'kin kaya napaatras ako.

"Hoy Mr. kahit anong gawin mo hindi na 'ko aalis sa tabi mo." Halata sa mukha nito ang pangangasar.

"Yah! Gusto mo ba talagang tumawag pa'ko ng pulis?!" Tinawanan lang ako nito kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. "Miss kung ayaw mo masaktan umalis kana rito!"

"Hoy Jay! Sino bang kinakausap mo jan?!" Napahawak ako sa'king dibdib ng makita si Ate sa pinto. Agad kong hinarap yung babae at muling tumingin kay Ate.

"Ate,magpapaliwanag ako...kasi nagising nalang ako na katabi ko na sya tapos..."

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Ate. Tinignan ko yung babae at nakangiti lang ito sa'kin.

"Sya." Turo ko sa babae. Hinanap ni Ate kung sino yung tinuturo ko. Biglang kumunot ang noo nito at sinamaan ako ng tingin.

"May problema kaba?" Tanong ni Ate. "Kanina pa'ko nawiwirduhan sa mga kinikilos mo? Ayos kalang ba talaga?" Ako naman ang kumunot ang noo.

"Ate,hindi mo ba sya nakikita?" Nilapit ko sa'kin yung babae. Napahawak nalang ako sa'king ulo ng batukan ako ni Ate.

"Kumain ka na nga du'n!" Hinila ako ni Ate. "'Wag mo ngang sobrahan yang pag-aaral mo,nababaliw kana!" Sinulyapan ko yung babae at nag-wave lang ito sa'kin bago isara ni Ate ang pinto.

Ang weird. Bakit hindi nya nakikita yung babae?

Hala! Baliw na nga ba talaga 'ko?! O sadyang depress lang? Wahhh! Nababaliw na'ko!

Imposible namang hindi nya nakita yung babae? Ano yun multo? Pero may natutulog bang multo? Tsaka nahahawakan ko naman yung babae. Baka si Ate yung may diperensya?

"Tito Jay!" Natauhan ako ng hilain ni Tummy ang damit ko.

"Tummy..." Napansin kong wala sila Ate at Kuya Carlo. "Nasa'n sila?"

"May bibilhin lang daw po. May problema kaba Tito Jay? Kanina kapa lutang." Kahit si Tummy napansin ang pagkabalisa ko. "Kanina pa po kita tinatawag kasi kinakausap ka ni Mommy kaso ayaw nyo naman pong sumagot."

"Sorry Tummy,may iniisip lang si Tito Jay." Kinuha ko ang baso ng tubig at uminom. Baka puyat lang 'to.

"Broken ka po ba?" Bigla kong nasamid.

"Tummy! Wala namang girlfriend pa'no ako mabro-broken?"

"'E,ano po ba kasing problema nyo?" Kung ipakita ko kaya sya kay Tummy? Tutal naman kaming dalawa lang ang nandito.

"Teka,jan kalang." Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ko. Pag-bukas ko wala yung babae sa kwarto ko. "Nasa'n na naman 'yun?" Umalis na kaya sya? Sana.

Muli akong bumaba para tignan si Tummy kaso nagulat ako ng makita yung babae na nakaupo sa kaninang pwesto ko.

"Hoy!" Nagulat si Tummy sa sigaw ko at napatingin naman sa'kin yung babae. "S-sorry Tummy."

"Tito Jay naman! Ba't po ba ka'yo naninigaw?" Muli kong tinignan ang babae at nagulat ako ng belatan ako nito.

"T-tummy?"

"Po?"

"Nakikita mo sya di'ba?" Turo ko sa babae. Lumingon si Tummy sa babae at umiling.

"Ang alin po?" Parang may kung anong dumaloy sa katawan ko ng malaman na hindi rin nakikita ni Tummy yung babae.

"Hindi parin ba ma-proseso ng utak mo?" Tanong nito.

"Andito na kami!" Sigaw ni Kuya Carlo mula sa labas.

Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa babae. Imposible. Wala naman akong third eye? O baka nananaginip lang ako?

Kung panaginip man 'to gusto ko ng magising.