webnovel

Harvesters

Apat na magkakabarkada ang pumunta sa isa sa napakagandang isla ng Iloilo at isang misteryosong mamamatay ang dumating sa kanilang masayang iskursiyon...

jorymarcbebing · Horror
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

Chapter 6

Nagtatawanan pa rin ang mag-bestfriend sa nasabing lugar ng nag-uusap tungkol sa nga kasintahan nila. "At alam mo ba,bes" sabi ni Regeena sa kaibigan, "hindi naninigarilyo 'yang tsinito kong nobyo o umiinom manlang nga alak. Ako lang ang nag-engganyo sa kanya na gawin 'yang mga bad physical pleasures na 'yan." Dugtong pa ng dilag. Nagulat si Anne sa sinabi na bestfriend at napangiti ito. "Talaga?" tanong ni Anne. "Noon, gatas lang niinom niyan,as in pure milk ha, at libro ang inaatubang niyan as entertainment dahil sinasabihan siya lagi ng halk Korean-half Japanese niyang ama na 'pag bumagsak siya, ni isa sa mga subjects niya, di na siya paaaralin pa. Kaya one day, nasabi nito sa ama niya na bumagsak siya sa Math subject niya, pero actually joke niya lang pala, hayon! Na-hurt at nagalit ang ama. 'Anong tingin mo sa akin? Clown? Para pagtawanan at paglaruan? Lumayas ka! Wala akong anak na hindi edukado! Layas!' oh di ba? Itipapon ang anak ng parang basura! Kaya nagkita kami ni babe sa restaurant natin nang lumayas siya, at ako lang ang naka-usap niyang Pinay sa eatery natin! Iyak siya ng iyak gamit ang Chinese language, ni hindi ko man lang maintindihan ang pinagsasabi niya! Pero sa pagiging mabait ng Pilipina, niyakap ko siya. At doon siya napa-ibig sa akin. Sabi pa niya sa 'kin, 'it isa really true that Filipino women are hospitable' at niyakap niya pisngi at napasabi pa ng, 'and pretty.' At ilang araw lang ang dumaan? naging kami na, at doon na siya nagsimulang humithit ng sigarilyo at uminom ng alak... sa loob ng kanyang computer café. Di ko lang siya bes naturuang magpaandar n glider at bumkas ng beer, naengganyo ko siyang tumayo sa sariling mga paa at buhayin ang sarili. All my life, para sa 'kin, para sa 'kin, hindi siya gagawa ng kamalian na masasaktan ako dahi iniibig niya niya ko, pero nagkamali yata ako." Sabi ni regeena sabay iyak. Pinakalma siya agad ng bestfriend. "Hey, hey, hey! Ang nobyo mo hindi babaero o nangaliwa sa'yo ng sampung beses para umiyak ka ng ganyan. Nagkasala lang ng isang beses sa'yo, hahahulgol ka ng pag-iyak? At besides, ako? Madadala ng temtasiyon ng nobyo mong Tsinito? Hello? More on mistiso ang type ko 'no! duh!" sagot ni Anne Drew. Napatawa si Regeena, napapahid ng mga luha sa mata, at napatawa din ang morenang si Anne. Ngunit, napatigil ang kusinera sa pagtawa nang napasabi ang bestfriend nito ng, "Kaya ka napaibig kay Greg?" tanong ni Regeena. Napatigil si Anne at nawala ang tawa nito. "Ayoko munang pag-usapan ang nobyo ko." Sabi ni Anne, sabay layo ng mukha sa kaibigan. "Com'on bes!Paano ka nga ba nain-love sa mistizo mong nobyo? Na-share ko na ang history ng Intsik kong nobyo! It's your turn to spread and distribute the 'Creamy Coffee' lovelife of yours!" sabi ni Regeena nang nagmamakawa sa bestfriend. Ngunit sa matinding prayerful at begging ni Regeena, "Please..." sambit pa ng kaibigan kay Anne, napangiti si chef at napasabi ng, "sige na nga!" sabi ng kusinera. "Yes!!" sambit ng assistant ng obrang saya. Huminga ng malalim si Anne at nagsimula itong i-kuwento ang histoya ng pag-iibigan nila ng nobyong si Greg. "Remember the days, na medyo hindi sumusuot ng pantalon si Greg?" tanong ng kusinera sa bestfriend nito. "At hindi sumusuot ng polo?" dugtong pa ni Regeena. "Oo. Doon nag-start ang history nang pag-iibigan namin. Isa si Greg sa mga pansining mga costumers sa restaurant natin. Paano mo hindi mapansin 'yan before? Eh, always 'yang sumusuot ng shorts and when eating sa lunch will come, 'yang mistizong 'yan naka-upo sa kainan ng naka-shorts! At kapag lumalamon na ng nilagang baboy sa mesa, nakikita niya kong tumititig sa mapuputing niyang. Napapangiti siya at namumula naman ako sa hiya. But friend, one day, siya mismo ang lumapit sa 'kin sa loob ng kusina natin, nakipag-usap at una nitong nasabi sa 'kin ay, 'Napakaganda'. Napapangiti ako no'n ng patago at as usual, nahihiya pero mataray ako no'n. Sinabihan ko siya ng, 'nagluluto ako at inisturbo mo ako', but still bes, sinagot sinagot pa rin niya 'ko ng 'Tulungan na kita'. Nakakahiya mang i-say this to you pero napasagot ako sa kanya ng diretsyo ng, 'Sure'." Napatawa si Regeena sa sinabi ng bestfriend. "And doon na ang simula ng pagiibigan namin, naging mag-siyota kami." Sabi ni Anne, nang napapaluha. Nagulat ang bestfriend sa pagluha ng kaibigan. "Oh! Ba't ka umiyak? Ganda kaya ng story niyong dalawa!" sabi ng kaibigan sa kusinera. "I's just that, kakaiba ang mga inaasal nito ngayon. If six na ng gabi, dapat uuwi talaga siya ng Visayas dahi ito raw ang paradise niya. Mga ilang monthas lang ang lumipas, sumusuot na siya ng pantalon, polo at mga long-sleeves, minsan nga sumusuot pa 'yan ng jacket kahit napakainit. Hinahayaan ko lang, baka style niya lang 'yan kung mag-wear ng damit. Ilang buwan pa, parang Amerikano na kung mag-salita! Flent na fluent kung mag-English! Gosh! Para bang siya 'yong English tutor tapos ako 'yong learner niya? At ito pa ha! Where here at the tabing-dagat , at the back ng sinasabi niyang 'bahay', nakatitig sa dagat habang lumulutang ang 'boat' niya." Sabi ni Drew na naiinis, medyo nagagalit at at naluluha. "Okay lang 'yan bes, parang di naman mabigan 'yang problemang pinapasan mo!" sabi ni Regeena. "Akala mo lang 'yan." Sabi pa ng chef. "Bes, before, we're so close together. Dikit na dikit nang kami ay naging mag-lovers na. Pero tulad nga ng sinabi ko, mga araw ang lumipas, ang cheek to cheek and arm to arm namin, lumabo. Palagi na siyang natutulog ng maaga. Kapag tumabi na 'ko sa kanya sa kama, wala na siyang ganang makipagusap muna bago matulog. Dti near talaga kami, wrist to wrist, toe to toe, pero ngayon? Di ko manlang siya masabihan ng goodnight bago matulog dahil, tulog na siya." Sabi pa ng kusinera sabay luha. "Parang kanta 'ata 'yang sinasabi mo?" tanong ni REgeena. "Opo ma'am. California King Bed ni mama mo Rihanna. Theme song 'yan ngayon naming dalawa. Kung dati, theme song mamin 'Remind Me' by Brad Paisley and Carrie Underwood dahil minsan noon, nagagabihan pa kami sa kama sa pakikipag-usap lang at wala kaming pakialam kung nakatitig sa 'min ng mga tao kung maghalikan kami in public, but now? Sinabihan 'ata ni Rihanna si Greg na hiwalayan na ko,... soon." Sagot ni Drew, sabay iyak. Huminga ng malalim si Regeena at sinabihan ang bestfriend. "I see," sabi ng assistant cook, "you know what, sa problema mo naman, tingin ko, lack of pakikipa-usap sa isa't isa and lack of tiwala with each other, that's all I can say, nothing more, nothing less." Sabi pa ni Regeena, acting like a teacher. Napangiti si Anne Drew dahil sa inaasal ng kaibigan at sa mga linya nito. "You really think so?" tanong ni Anne. "Oo! Can't you see?" sagot ni Regeena, "Greg, always umuuwi ng 6:oo pm dito sa hometown niya, di ka naman nagtatanong sa kanya kung bakit and hindi ka naman sumama if ever! He suddenly change his fashion style from sleeveless to long sleeves, from shorts to long pants, di ka rin naman nagtatanong kung bakit! And last but not the least, he is now sleeping ng maaga sa gabi, di ka rin nagtatanong kung why! Baka need pa niya ng unan or blanket! and! Maybe he wants you to sleep near beside him, even if its too early. Oh, ano?" sagot ng bestfriend. Nagulat ang kusinera sa sinabi ng kaibiga at nahimasmasan ang utak. Baka ganoon nga ang dahilan at marahil kulang lang sila ng kasintahang si Greg sa love interrogation, love attention ang love interaction. "Bes! Thank you for your comments and suggestions! Parang tama ka nga! At ang laki ng tama ng sinabi mo sa kukoti ko girl!" sabi ni Anne na nawala ang luha at napangiti. Napatawa ang bestfriend ng kusinera. "See!? Told you." Sabi ni Regeena ng mataray sabay ngiti. "Maybe we're just lacking for communications as lovers. Ang lapit nga namin sa isa't isa pero di ko nga naman talaga siya tinatanong kung bakit siya gumaganito o gumagaganyan ngayon. Hinahayaan ko lang ang mga new motions and actions niya. Inaatupag ko lang palagi baboy at baka sa kusina." Sagot pa ng chef. Napatay ang ilaw sa bathroom sa second floor. Alam ng dalawang dilag na si Greg na naman iyon at napaligo na naman. Nakita rin ng mag-bestfriend na umilaw ang kuwarto ni Grace, ang kuwarto kung saan natutulog sina Lee at Regeena. Nagtitigan ang matalik na magkibigan. "Looks like we are going to do some kind of lovers confrontation ang conversation here." Sabi ni Anne sa bestfriend sabay taas ng kilay at ngiti. "Hoping n asana mapatawad pa 'ko ni Lee, dahil baka napalakas 'ata 'yong sampal ko." Sabi ni Regeena. "Of course he will," sabi ni Anne, "sana ganoon din ang gagawin sa 'kin ni Greg." Dugtong pa ng kusinera. Ngumiti si Regeena at sumagot ng, "Cross-fingers girl, of course he will do the same." Sagot ng pretty assistant. Kinakabahan ang dalawang dalaga, at sabay silang napahinga ng malalim at together na nagsabi ng "Let's go." At lumakad ang mga dilag pabalik sa harap ng mansyion sa may balakonahe papasok ulit sa loob ng bahay.

Bumukas ang front door ng mansion, at pumasok ang mag-bestfriend sa loob. Habang silang dalawa ay nasa salas na, tinititigan nila ang mga kuwarto sa second floor kung saan sila natutulog ksama ang mga kasintahan nila. Sana nga ay nasa loob ng mga kuwarto ang mga nobyo nila para makausap nila ito ng masinsinanan. "You go first." Sabi ni Regeena sa kaibigan. Nagulat ang kusinera sa sinabi ng bestfriend. "Huh?!" gulat na sambit ni Anne. "I have to go to the kitchen. Kukuha lang ako0 ng maiinom naming dalawa. Total, umiinom lang din si babe Lee, lasing lang din naman 'yon, so, at gusto niyang maki-sharply-saucy -ecstasy with me, so, tuluyan na natin." Ngiti ng assistant chef, sabay ngumiti ng tumatakbo papunta ng kusina. Natawa si Anne at naiwan sa salas. Bulilis ang tibok ng puso ng morenang kusinera habang tinititigan ang kuwarto nila ng nobyo sa ikalawang palapag. Huminga ito ng malalim at sinimulan ang pag-lakad paakyat ng hagdan. Habang lumalakad ang dilag paakyat ng red-colored stairs, iniisip nito kung ano ang mga sasabihin nito sa kasintahan, kung magso-sorry ba siya o ngingiti lang siya kay Greg at yayakapin ito. Ngunit napasabi si Drew sa sarili ng kinakabahan ng, "Bahala na."

Nang siya ay nasa sa second floor na, dumiretso ito agad sa room ng ama at ina ng kasintahan. Huminga ito ng malalim nang siya ay nasa pintuan na ng nasabing kuwarto. Ngumiti si Anne Drew at kumatok. "Love?" tanong ni Anne sabay katok ngunit walang sumagot. Kumatok ulit ang babae ngunit walang Greg na lumalapit sa pintuan para pagbuksan siya ng pinto. Naiisipan niyang buksan na lang ang nasabing pintuan ngunit naka-lock ang door knob. "Paano ngayon 'to?" sabi ng kusinera sa isip nito. Napatitig si Anne sa kuwarto ng nobyo, ang kuwartong pinipigilan siya ng kasintahang pumasok sa loob. Napatingin si Drew sa paligid. Lumakad ito papunta sa pintuan ng nasabing kuwarto, kinakabahan habang hawak ang door knob ng boyfriend's room. Sinsabihan na siya ng nobyo niya na huwag pumasok sa loob ng sinasabi nitong kuwarto dahil forbidden and prohibited nga ito, subalit sa isip at damdamin ng dalaga ay iyon ay ang dapat niyang gawin. Binuksan na niya ang nasabing kuwarto ng nobyo ng pagkahinay-hinay... pumasok at isinara ang pinto.

Nang si chef Anne ay nasa loob na ng lover's room, tumatakbo naman si assistant chef Regeena paakyat ng hagdan, bitbit ang bote ng alak, "I'm coming babe." Sabi pa nito. Tumigil ito sa pintuan ng kuwarto ni Grace, huminga ng malalim at pumasok sa loob ng ngumingiti, yumuyuko at umaarteng okay na at dumadrama na para bang wala na ang awayang pag-ibig kanina. "Babe! I'm back! Sorry kanina ha! Nasakatan ki--" sabi ng dilag na naputol ang sinasabi nang makita anmg nobyo sa sahig na nakahandusay. Nabitawan nito ang hawak na bote ng whiskey at nabasag ito sa sahig.

Habang si Anne sa kabilang kuwarto ay di naman nagulat sa nakita sa loob ng kuwarto ng kasintahan. Sabi ni Greg ay huwag daw itong pumasok sa loob ng kuwarto niya ngunit di naman naiiba ang kuwarto ng nobyo sa ibang mga bedroom dahil parang pareho lang din naman ito sa ibang mga bed-vacancies. Magaganda ang mga gamit mula kama, sa mga kurtina hanggang sa mga cabinet. Everything is fine and superiorly normal. Ngunit may isang bagay na kumuha ng atensiyon nitong dilag, ang itak sa pinaka-ibabaw na bahagi ng cabinet. Kinabahan ang babae. Kinuha niya ito ng nanginginig. Nang nasa palad na ni Anne ang itak, naalala nito agada ang muka at itak din mismo ng harvester sa painting. Parehong pareho ang itak na nsa palad nito ngayon at ang tool na hawak din ng harvester. Natapon ni Anne ang hawak nitong itak sa malayuan, malapit sa may pintuan dahil sa takot.

Habang si Regeena sa other room naman, ay iyak ng iyak sa sahig, lumalalakad papunta sa kasintahan at lumuhod sa harap ng nakahandusay na boyfriend nitong Intsik. Para sa kanya, nagbigti ang nobyo gamit ang kalook-alike nitong suot na kuwintas dahil sa away nila kanina. Nakatali pa nga ang naputol na kuwintas sa wiring ng kuryente at naiwan ang cutted other part necklace ni Lee sa leeg nito. Niyakap nitong dilag ang boyfriend nito sabay na iniyakan.

Si Drew naman s kabilang kuwarto ay nanginginig lalo sa kaba nang makita ang damit ni Greg sa itaas na bahagi pa rin ng closet. Ang mga damit ay katulad din ng mga gear at uniform ng mga sinusuot ng harvester sa pinting kasama pa pati ang harvester's hat. Natakot lalo ang dalaga. Ayaw ng buksan ni Anne Drew ang cabinet dahil ayaw na niyang madagdagan pa lalo ang takot at pagdududa nito sa kanyang nobyo. Napatalikod ito at lalabas n asana ng kuwarto. Ngunit, hinay-hinay na bumubukas ang pintuan ng cabinet. Para bang temtasiyon at inuuuntos siya ng cabinet na buksn siya nito. Wala namang magawa ang dilag kundi sundin inuutos ng isip at damdamin. Bumalik siya sa cabinet ulit at binuksan niya ito, at puro lamang mga damit ang nakita nito. Ngunit sa kakatitig sa buong laman ng closet, may nakita rin si Anne na isang malaking plastic envelope na may lamang mga papeles. Kinuha niya ito, binuksan, at ang una nitong nakita ay isang birth certificate. Bumilis ang tibok ng puso ng dilag. Luma na ang nasabing sertipiko at orihinal. Nakasulat sa papel na ang nobyo nitong si Greg ay ipinanganak ng Agusto, 27, 1978! Patunay lamang na ang kasintahan ng chef ay trentay-singko na at hindi bente-singko anyos! Nakita rin ni Anne ang tunay na pangalan ng nobyo. Hindi Greg Alfonzo ang apelyido nito kundi 'Goryo'! Nanlaki ang mga mata ng kusinera. Lumalabas lang na ang totoong pangalan ng nobyo ay hindi Greg Alfonzo kundi Greg Goryo! Isinara agad ni Anne ang cabinet dahil sa kaba at hingal sa takot. Nang biglang magsalita si Greg Goryo sa likuran ng kasintahan. "Anong ginagawa mo?" tanong binata sa nobya na pagod at namumutla. Napasigaw si Anne sa gulat at napatalikod ito. Hindi alam ng kusinera na nasa likuran lang pala niya ang kasintahan. Gulat na gulat ang chef sa boyfriend dahil nanggugulat at umuulhot lang ng biglaan. "Sabi ko, 'wag kang pumasok ng kuwato ko hindi ba?" tanong pa ng binata. Napapaatras naman ang dilag sa kanyang boyfriend. Lumalakad naman papalapit sa takot na girlfriend itong si Greg. Patuloy naman sa pag-atras si Anne dahil sa takot sa kasintahan bitbit pa rin ang birth certificate ni Goryo.

On the other room naman, si Regeena ay yakap ng yakap na si Lee. Iyak ng iyak at hinahalikan ang pisngi ng binata. Ngunit napatigil ang assistant chef sa pag-yakap kay Lee nang may napansin itong mali si iniisip niyang nag-bigti ang nobyo. Nagtataka ang dilag bakit may dugo sa likurang bahagi ng leeg ng Intsik ngunit sa sa harapan naman ay wala namang tumutulong dugo o large wound. Kung mag-bigti ba ang tao, dapat ba may lass sa leeg o tumutulong dugo? Napansin ng babae na parang may tumutunog na bitas o punit na linya ng kuryente. Napatitig iti sa kisame kung saan nagbigti daw ang nobyo sa kuryente, ngunit nakita niyang mayroon talagang humiwa ng kabre ng kuryente at kumalat ang electric thrill ng voltage hanggang sa umabot sa nakabitay na silver necklace ng nobyo. Napatigil si Regeena sa pag-iyak. Napansin niyang basa na ng dugo ang kamay nito sa kakahawk ng likurang parte ng leeg ni Lee. Ipinadapa ng dalaga ang nakatihayang katawan ng nobyo sa sahig at napatayo sa gulat ang assistant chef sa kanyang nakita. May nakasulat na 'HARVESTER' sa back part neck ng nobyo gamit ang itak at doon niya nalamang binitay ng killer ang Intsik gamit ang sariling kuwintas ng kasintahan at ikinuryente itong binata gamit ang pag-hiwa ng kabre. Napaatras ang nobya ng inhingl sa takot at gulat dahil hindi nag-suicide ang kasintahan niya kundi may pumatay sa kanya mismo. "Oh God..." sambit nito sabay luha. Napatakbo ito palabas ng kuwarto at nadulas pa ito sa sahig dahil sa nabasag na bote ng alak sa may pintuan ng kuwarto kanina.

"Ba't di ka sumasagot?" tanong ni Greg sa nobyang si Anne, tulala t takot, habang umaatras. Hawak na ni Goryo ang itak na naitapon ni Drew kanina malapit sa pintuan. Sa kakatitig ni Anne sa nobyo, nakita rin nito ang hawak ni Greg na picture frame, kaliwang kamay nito, ang frame na ayaw ipakita ni Greg sa kanya. Ang laman ng hawak ng nasabing frame ni Greg ay ang harvester! Nadagdagan lalo ang takot ng dilag nang makita kung sino ang harvester sa frame. Si Greg ang nasa picture!, suot ang harvester suit, mula pantalon, damit, hat, at pati sa hinahawak din nitong itak. "Ikaw... ikaw...si... Goryo..." lumuluha sa iyak at takot si Anne. Itinago agad ni Greg ang hawak na frame sa bulsa ng pantalon nito nang makita ng nobya ang mukha ng harvester sa frame. Nabitawan ni Anne ang hawak na birth certificate sa takot. Biglang kumatok si Regeena sa labas ng kuwarto ni Greg. Napatalikod ang binata at tumingin sa pintuan ng kuwarto. Napasigaw bigla si Regeena sa labas. "Anne!? Are you there!?! We have to get out of here! Lee is dead!! Com'on girl, hurry up!!" sigaw ni Regeena sa labas. Humarap ulit si Greg kay Anne, "Look, love--" naputol ang sinasabi ng binata ng sinalubong siya ng nobya ng malakas na hampas ng upuan nang siya ay napaharap ulit sa kusinera. Napatumba si Greg, bumangga ang ulo sa pader at bumagsak sa sahig dahil sa lakas ng hampas ng upuan ulo nito. Tumakbo agad ang nobya ni Goryo palabas ng kuwarto at sinamahan ang bestfriend sa labas. Nahihilo pa si Greg sa pagka-untog. Binuksan ng chef ang pinto at nagkita sina Anne Drew at Regeena sa labas ng kuwarto. "Patay na si Lee! Pinatay siya ni Goryo!" sabi ng assistant chef. Napaiyak si Anne sa sinabi ng bestfriend. "Bes, si Greg, siya si Goryo..." iyak na sagot ni Drew. Tumitig si Regeena sa nobyo ng bestfriend na nahihilo pa sa pagkauntog sa pader at sahig. Nakita nito ang picture frame sa loob ng bulsa ng binata. Nagulat agad ito sa nakita at napasabi ng, "Son of a bitch." Nang biglang napasigaw si Greg sa sahig dahil sa sakit at hinay-hinay na napatayo. Natakot ang matalik na magka-ibigan. Itinapon ni Greg ang picture frame na nasa bulsa sa gilid dahil sa galit. Nanginginig na sa takot ang mga dilag dahil galit ding nakatingin sa kanila ang lalaki. Hinigpitan ng binata ang pag-hawak sa itak. Tumititig ng masakit si Goryo kay Drew ng namumutla at namumula ang mga mata. Tumagal ng pitong segundo ang titigan ng magkasintahang sina Anne at Greg. Napasabi bigla ang harvester sa mga babae ng, "Run." Sa gulat at takot, napatakbo nga agad papalayo kay harvester Greg ang mga dalaga. Tmakbo ang mga kusinera pababa ng hagdan at hinabol din naman sila ni Greg. "No! wait! It's not what you think!!" sigaw ni Goryo sabay habol sa mga babae, bitbit ang itak. Habang tumatakbo papalayo ang dalawa kay Greg napasabi si Anne sa bestfriend ng, "Kaya pala Gregorio ang pangalan niya dahil Goryo ang apelyido niya... Greg... Goryo..." sabi ni Drew ng umiiyak sabay takbo. Kahit si Regeena ay di rin makapaniwala sa naririnig niya ngayon sa bestfriend nito. Tumakbo agad ang dalawang dilag papunta sa main door ng mansion para makatakas, habang si Greg ay naglalakad lang ng hinay-hinay pababa ng hagdan bitbit ang itak nito para mahuli silang dalawa. Nang ang mga babae ay nasa main door na, hindi naman nila ito mabuksan dahil naka-lock ang pintuan. "It won't open bes!!" sigaw ni Regeena sa kaibigan. Panay ang giba ng mga dilag sa door knb para bumukas ang pinto. "Shit!" sambit pa ni Anne sa galit sabay giba ng knob gamit ang mga kamay at isang flashlight na nakasabit sa dingding. Nagpa-panic na ang dalawang dalaga dahil papalapit na si Goryo. "Hindi niyo yan mabubuksan," sabi ni Greg mula sa malayuan sabay ngiti sa mnga dilag, "nasa akin ang susi ng pintuang 'yan." Dugtong pa ng binata. Nagalit si Anne sa sinabi ng boyfriend. Kahit takot at galit na, kinuha nito ang isang metal na flower vase mula sa gilid at sinagot ang nobyo ng, "Lamunin mo'yan!" at agad na inihampas sa knob ang metal vase at nagiba ito agad. Sinipa ni Anne ang pintuan ng malakasan at bumukas ito agad. "Com'on! Run!!" sigaw ni Drew sa bestfriend at nagsitakbuhan agad palabas ang mga kusinera palabas ng mansion hanggang sa umabot sila sa front porch. "Shit!" sambit ni Goryo at hinabol agad ang mga babae. Ibinato ni Anne ang hawak na metal vase sa paparating na nobyo para tamaan ang binata sa mukha, ngunit sinampal lang ni Gregorio ang inihagis ni Drew na vase sa kanya gamit ang hawak na itak at tumilapon lang ito sa gilid. "Close the door!! Close the door!!" sigaw ni Anne sa bestfriend. Makakalabas n asana si Greg sa kanyang mansion ngunit naisara agad ni Regeena ang main door. Itinulk ni Anne ang yari sa kahoy na sofa at iniharang niya to sa pintuan para hindi mabuksan o makalabas ang nobyo. "Anne!! Love!! It's not what you think!!" sigaw ni Greg sa nobya sa loob ng bahay nito sabay suntok ng main door para makalabas din ito. Tumakbo ang mag-bestfriend papalayo sa mansiyon. Panay pa rin ang tulak at giba ni Greg ng main door ng mansion para mabuksan. Tatakbo sana ang dalawang dilag sa likurang bahagi ng mansion papunta say ate sa may baybayin ngunit napasabi si Regeena sa kasama nito ng, "teka bes, marunong ka bang magmaneho ng yate?!" tanong ng assistant chef. Napatigil sila sa pagtakbo. Nadismaya ang mga mukha dahil hindi nga naman sila marunong magmaneho ng yate. Napapatitig sila sa main door ng mansion at patuloy pa rin si Greg sa pagtulak sa nasabing pintuan para makalabas din ito. "Pa'no ngayon to?" tanong pa ni Regeena. Nakita ni Anne ang limousine ng nobyo sa loob ng garahe. "There!!" sigaw sabay turo ni Anne sa nasabing sasakyan. Tumakbo agad ang mga kusinera papunta sa garahe para sakyan ang limousine, ngunit, habang tumatakbo ang mga dilag ay pinigilan ulit ni Regeena si Drew. "Wait! Marunong ka bang magmaneho ng sasakyan?!" tanong nito sa kaibigan. Nainis si chef sa tanong ng bestfriend. "Oo naman!! Ano ba'ng tanong 'yan?!" sagot ng kusinera. "Gaga! Ng walang susi!? Eh sarado pa 'yan! pa'no ka makakapasok diyan!?!" galit na banat ni Regeena. Nadismaya ulit ang mga mukha ng mga kusinera lalo na si Anne dahil tama nga naman ang bestfriend nito, sarado ang limousine at walas pang susi naimaneho dito. Biglang bumukas ang main door ng mansion at nakalabas ang harvester na si Greg. Napasigaw sina Anne at Regeena sa gulat. "Anne!!!" sigaw ni Goryo sa nobya sabay na lumabas ng kanyang bahay. Nanginginig sa takot ang dalawang dalaga habang nakikita sa Greg na lumalabas ng bahay. Tumakbo ang magkaibigan sa papunta sa gate. Tinulak ni Greg ang malaking sofa na nakaharang sa kanyang dinadaanan at hinabol ang dalawang babae na napapunta sa gate ng kanyang mansiyon at lupain. Dismayado na naman ang mga dilag dahil sirado na naman ang gate na kanilang napuntahan. "Shit! Shit!" sabi ni Regeena sabay na tinutulak ang naka-lock na gate. Si Anne naman ay tinutuhog ang kandado ng tarangkahan gamit ang hairpin nito, ngunit di ito mabuksan, ay napasigaw ito at pinagsisipa at pinagsusuntok ang gate. Napatayo lang si Greg sa malayuan habang tinitingnan ang ginagawa ng mag-bestfriend sa gate. Bumaba itong binata mulasa hagdan ng balkonahe at lumakad lang papalapit sa dalawang babae. Nakita ni Regeena na papalapit na si Greg sa kanilang dalawa. "Bes! Nobyo mo! Andiyan na!" sigaw ng assistant chef sa kaibigan niya. Napatayo at nagtitigan na lamang ang mag-kasintahan sa isa't isa ng malayuan. Takot na tinititigan ng mga dilag ang harvester mula sa naka-lock na gate na kanilang kinatatayuan. Habang matapang na nakatayo naman si Goryo sa malayuan, tinititigan ang dalawa, bitbit ang itak. Hindi alam ng matalik na magka-ibigan kung saan sila pupunta. Nang biglang may sumigaw na lalaki. "Mga gaga!! Dito!! Dali!!" sigaw ng lalaki na nakatira sa dulo ng natiman. Napatitig lahat sa nasabing lalaki. Pagkatapos nilang titigan ang lalaki, sina Anne at Greg naman ang nag-tinginan. "Run." Sabi ni Regeena sa kaibigan. "Huh?" tanong ni Anne ng nakatitig sa nobyo. "Run!" galit na sagot ng kaibigan. "Right." Sagot ni Drew sabay takbo papunta sa lalaking napasigaw sa may dulo ng taniman. Kasama si Regeena, napatakbo ang mga kusinera papalayo kay Goryo. "No!! Anne! Wait!!" sigaw ni Greg sabay na hinabol ang mga female chefs. Naghabulan na naman sina Greg, Anne kasama si Regeena at sa gitna pa mismo ng taniman. Inaapakan lang ng mga dilag ang mga gulay na kanilang dinadaanan para makalayo lang kay Goryo. Malapit na lang ang mag-bestfriend sa bahay ng lalaki. Ngunit napakabilis ni Greg sa pagtakbo at halos maabot na sila nito. Habang tumatakbo ay napatalikod si Anne sa kanyang likuran para malaman kung gaano kalayo ang nobyo nito. Napakalayo na ng agwat nina Drew at Regeena sa kakatakbo papalayo kay Goryo dahil panay titig na itong si Anne sa humahabol sa kanyang boyfriend. Ngunit, nang lumingon na si chef Drew sa kasintahan ay nalaman niyang, napakalapit lang ng harvester sa kanila, dala pa ang itak niya. "Bilisan niyo dali!!!" sigaw ng concerned na lalaki mula sa front porch ng bahay niya, nagpa-panic para sa kanilang dalawang magkaibigan. "Yuko bes!!" sigaw ni Regeena sa bestfriend. Dahil di ito tumitingin sa dinadaanan at panay ang titig sa humahabol sa sa kanyang nobyo, nabangga ang buong noo at mukha ni Drew sa sanga ng isang puno, napatumba itong chef at humagalpak sa lupa. "Oh shit." Sambit ni Regeena sabay na binalikan ang napatumbang kaibigan. Nahihilo pa si Anne dahil sa pagka-bangga at di pa ito halos makatayo. "Bwiset!" sambit ng concerned male citizen sabay na tumakbo papunta kay Drew para tulungan ito. Dahil sa bilis ni Greg sa pagtakbo, naabot na nito ang napatumbang nobya at tinulungan pa itong tumayo. Nanghihina pa rin si Anne dahil sap aka-untog, ngunit nang makita niyang kinakarga na siya ng nobyo, napasigaw agad ang dilag at nagpupumiglas. "Bitawan mo 'ko!!" sigaw ni Drew sabay sa pagpupumiglas. Kakargahin ulit ni Greg ang kasintahan pabalik sa kanyang mansiyon. Ngunit ang napabalik na bestfriend na si Regeena ay pinaghahampas ng isang maliit na black broom si Greg para bitawan ang kaibigang si Anne. "Let go of her!!" sigaw pa ng assistant chef sabay hampas ang likod ni Greg ng tatlong beses. Ngunit napakalakas ng harvester na si Goryo, at isang malakas lang na hampas ni Greg kay Regeena gamit ang siko nito ay tumilapon ito sa gilid. Nagpupumiglas pa rin si Anne para bitawan siya ng boyfriend, sumisigaw at nagpupumiglas pa rin dahil karga siya ng kasintahan. Nang biglang may sumigaw na lalaki mula sa likurang bahagi ng taniman. "Hoy!!" sigaw niya. Napatalikod si Greg para titigan kung sino ang sumigaw mula sa kanyang likuran. At isang putok ng baril ang nagpatapon sa malayuan kay Goryo. Binaril siya ng lalaki at napatapon ito. Nabitawan ni Greg si Anne, bumagsak itong dilag sa lupa at gumapang papalayo sa nabaril na nobyo. "Dali!! Pasok sa loob!!" sigaw ng lalaking bumaril kay Goryo sa dalawang dilag. Nilapitan agad ni Regeena si Anne, nagyakapan itong mag-bestfriend, sabay tayo at tumakbo papunta sa lalaki. Pumasok agad ang dalawang dalaga papasok sa loob ng bahay nitong lalaki at naiwan itong nabaril na si Greg na nakatihaya sa lupa.