webnovel

Harvesters

Apat na magkakabarkada ang pumunta sa isa sa napakagandang isla ng Iloilo at isang misteryosong mamamatay ang dumating sa kanilang masayang iskursiyon...

jorymarcbebing · Horror
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

Chapter 4

Nang ang lahat ay nasa salas na ng mansiyon, nagulat na naman as usual sina Lee, Regina at Anne Drew sa kanilang nakita. Lahat ng mga gamit sa loob ay puro luma, vintage at classic, mula sa piano, sa sofa, at mga picture frames na naka dikit sa dingding. Napaupo si Regina sa sofa at ini-enjoy nito ang foam at unan. "Grabe Greg! I love your house! It's an old Filipino style for a mansion." Sabi ni Regeena. Panay ang titig ni Lee sa mga vintage na CD na nasa loob ng isang estante. "Thank you Regina." Sabi ni Greg sabay ngiti. Si Drew naman ay panay titig sa mga picture frames na nakadikit sa dingding. Nakita ni Anne na walang signal ang cellphone nito, may vintage telephone naman sa maliit na estante ngunit nakita ng kusinera na sira at parang nahiwa ang wiring ng telepono. "May linya ba kayo ng kuryente?" tanong ni Drew sa nobyo. Napatitig si Greg sa naka-on na ceiling fan. "Love, naka-andar ang ceiling fan, ano ba'ng tanong 'yan?" natatawang tanong ni Greg. "Eh, how about phone landline? Meron din ba?" tanong pa ng chef. Napatingin lahat sa telepono at nakita nila na sira ang wiring ng classic phone na nasa gilid. Nawala ang saya at ngiti ni Greg at napasagot ito sa kanyang nobya ng, "May linya din naman kami ng telepono, pero... I think... someone or something... maybe a rat... kinagat ang wiring ng aming telepono... nasira..." sagot ni Greg sabay bumigay ng false smile sa mga kasama. Nagtawanan at nag-usapan sina Lee, Regina at Greg. Habang si Anne ay ipinagpatuloy ang pag-e-explore ng bahay ng nobyo. Nakita ni Anne Drew ang isang family pic na nakadikit sa dingding. "Sino sila Love?" tanong ni Anne sa nobyo. Huminga ng malalim si Gregorio, ngumiti at sumagot ng, "Sila, ang pamilya ko." Sagot niya. Sa nasabing picture, ay may dalawang matanda, isang lalaki at isang babae na nakaupo sa gitna at isang malit na batang babae, mukhang 12 years old, naka long pants at long hair at mukhang nagtatago ito sa kanyang kuya, isang seryosong batang lalaki ang brother nito, na parang 15 years old. "The older ones are my parents, obviously. And, the kids are their children." Sabi ni Greg sa nobya at mga kaibigan. "'Asan ka diyan?" tanong ni Lee. Sumagot si Greg ng, "'Yung batang babae." Sagot ni Greg. Napatitig agad lahat kay Gregorio. "Joking!" sabi ni Greg, at napahinga ng malalim ang nobya nito at sina Lee at Regeena, "you know, sometimes, older people makes jokes." Dugtong pa ng mayamang binata sabay ngiti. "Answer us directly dude, 'asan ka diyan?" tanong ni Lee kay Greg. "'Yong batang lalaki! Of course" sabi ni Gregorio sabay tawa. Napatawa na rin sina Lee at Regina. Ngunit napaisip si Anne. What if hindi si Greg ang batang lalaki at ang lalaking nakatira sa dulo ng taniman ang tunay na batang lalaki. Napatigil ang tawanan nang napatanong si Anne. "Nasaan na sila ngayon?" tanong ng kusinera. Napatitig lahat kay Drew. "What?" tanong ni Greg sa nobya. "Your mom, dad, sister? Where are they now?" tanong pa ni Anne sa nobyo. Huminga ng malalim si Greg at sinagot ang tanong ng kasintahan. Idinala ni Loulou ang arozz caldong manok sa center table at bumalik sa kusina, dala pa rin ang girly magazine. Napatingin si Regeena sa house chef at napa-isip ng, 'Yabang! Vouge talaga ha!'. "Guys, promise me, hindi kayo magugulat sa sasabihin ko, kung nasaan na ngayon sila." Sabi ni Greg. Nagtitigan sina Lee, Regina at Anne Drew, na panay ang kain ng arozz caldong manok. Itinaas nila ang kanilang mga kanang kamay at nagsalita ng, "Promise." At nang magsimula ng magsalita si Greg, "My mother Graciola, my father Grego, my sister Grace, were murdered, when I was a little kid." Sabi ng binata. Nabitawan ni Regina ang hawak na kutsara habang humihigop ng sabaw ng arozz caldo. Napanganga si Lee sa narinig at si Anne Drew ay nanlaki ang mga mata. "Pinatay sila ng personal harvester namin dito sa aming taniman. At ako lang ang nakaligtas." Sabi ni Greg. "Nagalit siya, dahil pagnamatay ang mga amo niya, mapupunta ang lahat ng mga mana, mula sa bahay, sa mga sasakyan, hanggang sa malawak na gulayan na kanyang pinaghirapang tamnan, mapupunta lahat sa mga bata." Dugtong pa ni Gregorio na napapaiyak sabay hawak sa maliit na picture frame na nakapatong sa maliit na cabinet. Nagtataka ang lahat bakit iba ang ipinapakitang kalungkutan ni Greg kung dinadamdam nito ang kalungkutan. Parang hindi siya umiiyak dahil sa pagkamatay ng pamilya nito. Hindi ni Greg ipinapakita sa mga kaibigan at nobya nito kung sino ang nasa picture ng frame na hawak nito. Itinago niya ang nasabing frame sa loob ng bulsa ng black pants nito. Nakita iyon nina Lee, Regina at Anne Drew. "Sino ang nasa loob ng frame Greg?" tanong ni Regeena. Pinahiran ni Greg ang mga luha nito at sinagot ang tanong ng kaibigan. "Si Goryo," sagot nito, "ang harvester." Dugtong pa niya. Nagulat ang lahat, bakit hindi ipinakita ni Greg ang picture sa mga kaibigan at nobya nito. Gustong gusto nina Regina, Lee at Anne Drew na makita ang mukha ng harvester mula sa picture frame na tinago ni Greg sa bulsa nito. "Dude! Let me see his face!" sabi ni Lee. "Greg, anong hitsura ng harvester!" tanong ni Regina, "Give me the frame, gusto kung makita ang mukha niya." Sabi naman ni Drew. Lahat ay lumapit kay Greg para agawin ang nasabing frame. Ngunit napasabi ni Greg ng, "'Wag na," sabi nito, "baka pag nakita niyo mukha niya umiba bigla ang ikot ng mundo niyo." Dugtong pa ng binatang si Greg. Nagulat sina Lee, Regina at Anne Drew. Umakyat ng hagdan si Greg at umiwan ng salita, "Ang harvester dito sa aming taniman, looks just like him." Sabi ng binata sabay turo ng isang malaking painting na nakadikit sa dingding. Tumingin agad lahat sa tinurong painting at ang artistry na nakaukit sa painting ay isang binatang nakasuot ng maruming puting damit, itim na pantalon, may takip ang ilong at bibig ng pulang tela at may suot na lumang harvesting cup. Natakot silang lahat sa painting dahil sa titig ng harvester na nakaukit sa canvas. "God, I cannot believe that Greg's family's already dead." Sabi ni Lee. "I cannot believe they were killed." Sabi naman ni Regina. "I cannot believe Greg survived from the massacre." Sabi ni Anne Drew. Dumadami na ang mga pagdududa ni Anne Drew sa nobyo. Hinayaan niya lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain ng arozz caldo.

Naliligo at panay ang pagsasaya ng magkasintahan na sina Lee at Regina sa dagat. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ng dalawa, may kinuha si Lee na isang kuwintas mula sa boxer's shorts nito. Isang kuwintas sa katulad din ng suot nito. Ipinasuot niya ito sa kasintahan. Namangha si Regina sa ganda ng kuwintas na ngayon ay nakasabit na sa leeg nito. "What is this?" tanong ni Regina sa boyfriend sabay ngiti. "Di ba obvious? Kuwintas 'yan babe." Sabi ni Lee. Nadagdagan ang pagngiti sa sagot ni Lee. "Oo alam ko kuwintas, at ka-look-alike din ng kuwintas na suot mo, pero what is the meaning of this?" tanong ulit ni Regina. Sumeryoso ang mukha ni lee at sinagot ang nobya. "That means love, and protection babe. Kahit ano mang trahedya, kalamidad, o temtasiyon ang dumating," sabi ni Lee sabay titig kay Anne Drew sa may puno ng nara, na panay ang sakay sa nakakabit na na swing, "ikaw lang ang nobya ko, ikaw lang ang iniibig ko, at ikaw lang ang minamahal ko. Kahit ano mang demonic forces ang kumapit sa kaluluwa ko, you will always be my girlfriend forever and ever." Dugtong pa ni Lee na napakaseryoso ng mukha. Nagtataka si Regina sa pinagsasabi ni Lee. "What's wrong? Parang umiiwan ka na ng mga huli mong salita. Bakit? Mamamatay ka na ba?" tanong ni Regina sabay ngiti. Huminga ng malalim si Lee at ngumiti. "Wala, is just that, I don't want to loose you," sabi ni Lee, "I love you." Dugtong pa nito. Niyakap siya ni Regina at sinabihan ng, "I know that, and I feel that. Don't worry, I love you too." Sagot ni Regina. Hinawakan ni Regina ang heart-shape pendant na nakasabit sa kuwintas. "I like the pendant babe, parang kuwintas ni Rose sa 'Titanic'." Sabi ni Regina sa kasintahan. Napangiti si Lee. "It will protect you from any tragedy, calamity or catastrophe." Sabi ng Intsik sabay ngiti ulit. "Bakit ano ba 'tong kuwintas mo? Bullet-proof ba 'to?" tanong ni Regina. "Well... maybe." Sagot ni Lee. Nagsimula na naman ang nasabing magkasintahan sa pagsasaya, paglalaro at pagswi-swimming sa dagat.

Hindi alam ng magkasintahan, may naiinggit sa kanilang kasiyahan at iyon ay si Anne Drew. Naiigit ito kay Lee at Regeena, dahil masaya silang naglalaro sa dagat ng masaya at walang problema, habang siya ay mag-isa, paswing-swing lang sa puno ng nara. Naiisipan nitong lumakad pabalik sa loob ng bahay. Nang siya ay nasa hagdan na, lumalakad paakyat ng front porch, nararamdaman nito na may tao na naman sa likuran. Agad itong tumalikod. Ngunit wala siyang nakitang tao. Nang biglang may humawak ng kaliwang braso niya at hinila siya nito. Napasigaw si Anne. Biglang nagsalita ng pasigaw itong humila kay Anne Drew, at iyon ay ang lalaki na nakatira bahay sa dulo ng taniman na nasa gilid lang pala ng hagdan ng front porch nagtatago. "Hindi ako!! Wala akong kasalanan! Akin dapat ang mansiyon na 'yan! Sa 'kin dapat lahat napunta ng mana! Hindi sa kanya!!" sigaw ng lalaki, at gumagalaw ito na parang sinasaniban ng masamang espiritu. "Bitawan mo 'ko!!" sigaw ni Anne Drew sabay agaw ng braso nito mula sa kamay ng lalaki. "Sino ka para sigawan mo 'ko ng ganyan!? Nobyo ba kita?! Ni hindi nga kita kilala!!" banat ng kusinera sa lalaki. "Ba't 'yan ang naging nobyo mo?! Matanda na 'yan! Edad trentay-singko?!! At may topak 'yan sa ulo! Naniniwala ka ba sa kanya?! Sa mga pinagsasabi niya?! Puwes, mag-isip-isip ka!" sabi ng lalaki at napatakbo ito ulit sa bahay niya sa dulo ng gulayan. Kinilabutan si Anne Drew sa sinabi ng lalaki. Tumakbo agad si Anne sa loob ng mansiyon. Paano kung tama ang mga pinagsasabi ng lalaki.

Pumasok itong sa Anne Drew sa loob ng bahay, tumakbo paakyat ng hagdan, papunta sa second floor. Nang siya ay nasa ikalawang palapag na, naisipan nitong buksan ang kuwarto ng boyfriend. Nang mahawakan nito ang knob ng pintuan ng kuwarto ng nobyo, ginulat siya bigla ng kasintahan nang magsalita ito sa kanyang likuran. "What are you doing?" tanong ni Greg. Napatalikod si Anne Drew, huminga ng malalim, at ngumiti. Sinagot nito agad ang nobyo. "Nothing, I'm just exploring your house. Wondering if I can enter your room." Sagot ng dilag. "There's nothing inside my room. Just bed, cabinets, mirrors and shit." Sabi ni Greg na humihikab at halatang inaantok pa. Nagulat si Anne sa sagot ng nobyo. Hindi pala siya pupwedeng pumasok sa loob ng kuwarto ng nobyo. "So, wala pala akong karapatang pumasok ng kuwarto mo?" tanong ni Anne. Sumeryoso ang mukha ni Greg at sumagot ng, "kuwarto ko 'yan kapag isa lang ako. Now that you're here. Ang kuwarto mo ay ay ang kuwarto ng ama't ina ko." Sagot ni Greg. Nagulat si Anne. "Alone?" sambit ng dalaga. "Of course not, together with me." Sagot ni Greg sabay ngiti. Huminga ng malalim ang kusinera. Sa akalang mag-isa lang siya sa kuwarto ng ama at ina ng kasintahan. "Tara, tulog muna tayo." Sabi ni Greg sabay hawak sa brso ni Anne at hinila. "Wait, it's 11:35 in the morning! Matutulog ka pa?" gulat na pagsabi ni Anne Drew. Napatitig si Greg sa rilo nito. "Right , pasensiya na, love. Nase-stress na kasi ako. Feeling ko ksi I'm such a bad boyfriend." Sabi ni Greg sa nobya. Nagtitigan ang magkasintahan. Parang iisa lang ang iniisip nilang dalawa. Gusto nilang mag-usap ng masinsinan ng sila lang dalawa. "Okay, let's talk." Sabi ni Anne sa boyfriend. Lumakad silang dalawa papasok sa loob ng kuwarto ng ama at ina ni Greg. Umiwan pa ng tingin si Anne Drew sa kuwarto ng nobyo.