webnovel

GPS Side Story V - Locked

Description: Kamatayan na lang ang hinihintay ni Arvic Summer noong mga panahong lugmok na lugmok na siya, ngunit hindi niya akalain na dumating ang oras na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Aaric. Nagpakalayo-layo siya at napadpad sa isang maliit na distrito. Ang Tierra Del Fuego ang lugar na maihahambing mo sa isang patay, walang kakulay kulay at masangsang ang amoy. Lugar na tila sinumpa at puno ng dugo kahit saan ka man lumingon na pinamumunuan ng isang malupit at may pusong bato na si Quillon Demetre, ang Alpha na kalaban ng kabilang distrito na Tierra De Lobo. Nang makita siya ni Quillon, muling nanganib ang kanyang buhay ngunit dahil sa angking kakayahan ni Arvic na tumitig ng diretso sa mata ng Alpha, nagkaroon ng interest ito sa kanya. Ginawa siyang laruan at dito niya higit na naranasan ang hirap at sakit ng katawan na gawa ng Alpha. "Alpha never cry and never beg. Kapag mahina ka, talo ka." Iilan sa mga paniniwala ni Quillon. Hanggang saan kakayanin ni Arvic ang kalupitan nito? Magagawa kaya niyang baguhin ang malupit na Alpha o nanaisin na lamang niya na wakasan ang sariling buhay?

CarpeDiem2019 · Historia
Sin suficientes valoraciones
24 Chs

Chapter 3

Pag labas ni Quillon ng kanyang kwarto ay sinalubong kaagad siya ng kanyang beta na si Gethro.

          "Kamahalan." yukod nito.

          "Ano ang schedule ko for this day?" Quillon ask while fixing his collar.

          "Sa Shelter po, Kamahalan." sagot nito habang sinusundan ng paglalakad ang kanyang Alpha.

          "Sino ang maglalaban ngayon sa shelter?"

          "Ang mga half blooded po Kamahalan."  sagot nito sa kanyang Alpha.

          "Ready na ba si Amoz?"

Amoz, isang half blooded na panlaban ni Quillon sa tuwing may malakihang laban sa Shelter.

          "Opo, Kamahalan. Noong isang araw pa na nakakondisyon ang katawan po niya para sa laban."

          "Good!" atsaka siya umakmang bababa ng hagdan ng bumaling ulit ito sa kanyang beta.

         "Gethro!" tawag nito sa kanyang beta.

         "Kamahalan?"

         "Ang bagong bihag na si Arvic, dalhin siya sa Agony Room. Doon siya mananatili at ibigay sa kanya ang lahat ng kailangan." at nagtuloy na ito sa kanyang pagbaba.

         "Masusunod po kamahalan." yumukod ito bilang pamamaalam.

         Bago puntahan si Arvic sa kwarto ng kanyang Alpha minabuti na muna niyang tawagin si Ehla upang pagbilinan ito sa lahat ng gagawin para kay Arvic.

         Pagbukas ng pinto, nakahalukipkip ang kawawang si Arvic ng madatnan ni Gethro.

         "Omega!" tawag ni Gethro na labis na ikinagulat ni Arvic.

         "Humanda ka at ililipat ka ni Ehla sa Agony Room at doon ka mananatili."

         "Agony Room?" sabay taas ng kanyang mukha.

         Bigla siyang nabuhayan ng loob dahil nasisiguro na niya na hindi na siya pababalikin pa sa Tierra De Lobo.

          "Narinig mo naman siguro kung ano ang sinabi ko!"

          "Oo, malinaw na narinig ko. Maraming salamat."

          "Oo magpasalamat ka dahil hindi ka na mababalik sa pinanggalingan mo ngunit ihanda mo ang sarili mo dahil hindi pa nag-uumpisa ang kalbaryo mo!"

          "Gethro." tawag ni Ehla.

          "Ehla mabuti't nandito ka na. Dalhin si Arvic sa Agony Room at ihanda siya sa pagbabalik ni Alpha Quillon." utos nito sa Lota ng Mansion.

          "Masusunod. Halika ka at sumunod ka sa akin. Huwag kang magtatangka na gumawa ng hindi maganda kung ayaw mong matulad sa mga pinapatay ni Alpha Quillon."

          Tumayo si Arvic at tahimik na sumunod sa Lotang si Ehla. Diretsong tinalunton nila ang pasilyo at sa dulo noon ay naroon ang sinasabing Agony Room.

          Pagpasok nila sa loob tumambad sa kanyang paningin ang napakaluwang na silid at nasa gitna nito ang higit pa sa king size na kama, na tanging ang kama lamang ang tinatamaan ng ilaw.

          At harap ng higaan ay may isang malapad at mahabang cleopatra set.

          "Maupo ka muna dyan at papasok lang ako sa loob ng kwarto para ihanda ang magsisilbing silid mo at pampaligo." paalam nito sa kanya.

          "May isang silid pa sa loob nitong Agony Room? Mukhang wala namang espesyal sa silid na ito."

          Maya-maya lamang ay lumabas na ng silid si Ehla at dala nito ang malaking tuwalya na nakatupi.

          "Heto ang tuwalyang malinis at nasa loob ng cabinet ang mga bago na mga damit at underwear na para saiyo. Maligo kang mabuti at mamaya papaakyatan kita ng iyong makakain sa aking kasama. Dito ka na mula ngayon at makakalabas ka lamang kapag pinahintulutan ka lamang ni Alpha Quillon."

          Tanging pagyukod lamang ng ulo ang naging tugon niya sa sinabi ng Lota.

          Iniwan na siya nito makaraang ibigay sa kanya ang tuwalya.

          "Sa ngayon kailangan kong sumunod sa agos, at kapag may sapat na akong lakas doon ako kikilos. Hindi ako makakapayag na manatili lamang dito na nakakulong."

          Tumayo ito at lumapit sa pintuang nilabasan ng lota. Nakalocked ito at hindi niya mabuksan.

          "Huwag mo nang tangkain na buksan ang pintuan upang tumakas, omega!" tinig iyon ng isang lalaki na hindi niya alam kung saan nanggaling.

          Nilinga niya ang buong paligid madilim ang ilang bahagi nito at tanging kama lamang sa gitna ang naiilawan.

          Humugot si Arvic ng malalim ng hininga.

          Yumuko ito at maya-maya 'y nagpasya na itong pumasok sa silid na inilaan daw para sa kanya.

          Pagpasok sa loob ng silid. Namangha siya sa laki  nito at ganda. Bagaman minimal lamang ang mga kagamitan ngunit nasa ayos ito at naaayon sa panahon.

          Tinalunton niya ang bahagi ng bathroom at tumambad sa kanya ang loob nito. Malaki rin ito at may shower rin makikita.

          Isinabit niya ang tuwalyang binigay sa kanya.

          Isa-isa niyang hinubad ang punit na kasuotan at walang itinirang kahit na anong saplot.

          Pagtapat niya sa shower saka niya ito binuksan at sinalubong ng kanyang mukha ang malamig na tubig na nagmumula rito atsaka pumikit. Hinayaang niyang umagos ang tubig hanggang sa kanyang buong katawan. Dinama ang lamig nito.

          Isang alaala ang muli'y bumalik sa kanyang isipan...

          "Arvic..." he whispered

          Mula sa kanyang likuran ay ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang batok.

          Ang mga kamay na dahan-dahang humahaplos sa kanyang balikat pababa sa kanyang braso habang ang mainit na labi nito ay dumadampi na kanyang balikat na nagbibigay ng munting kiliti sa kanyang katawan...

          "Hmmm." napapakit si Arvic at tila ninamnam nito ang pagdampi ng labi ng Alpha.

          "I need you right now, Arvic." paos na anito sa kanya.

          "You know that i'm all yours." sagot niya

          Sukat sa narinig  ay iniharap siya nito at tinitigan sa mata.

          Mga mata na nagsusumamo at nakakitaan ng kahungkagan. Mga matang labis na nangungulila sa minamahal.

          Hindi na matiis pang makita ni Arvic ang ganoong mga mata ng kanyang iniibig na alpha.

          Buong pananabik na tinitigan niya ang mga labi nito at ang kanyang mga kamay naman ay hawak ang magkabilang pisngi ng kanyang alpha.

          Walang pagsidlan ang labis na pananabik na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Gustong-gusto niya palagi na ipadama sa lalaki na worth it siyang mahalin, na lahat ay kanyang gagawin upang maibigay lamang dito ang mga kailangan.

          "Angkinin mo ako ng buong-buong kahit oras oras, araw-araw, taon-taon. Hinding-hindi ako magsasawa na sambahin ka."

          Sukat sa kanyang sinabi ay mas lalong inilapit nito ang katawan sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang init nito at kasabikan lalo na nang dumampi sa kanyang hita ang nagngangalit nitong pagkalalaki na lalong nagbibigay sa kanya ng ibayong init sa kaloob-looban ng kanyang katawan.

          "I want to kiss you savagedly, AARIC."

          May kirot man sa puso niya sa tuwing babanggitin nito ang pangalan ng iniibig, pikit-mata niya pa ring sinalubong ang mainit nitong halik.

"Maximus..."

          Kinuyom niya ang kanyang mga kamao nang bumalik siya sa kasalukuyan. Nakaramdam ulit siya ng sakit mula sa kanyang puso sa alaalang iyon.

          "Isinusumpa ko, Maximus hindi ganoon kadali ang magiging buhay ninyong dalawa ni Aaric. Napagtagumpayan mo man akong masaktan at itapon na parang basura sinisiguro ko naman hindi ganoon kadali para sa inyong dalawa ang makamtam ang ligayang pinakaaasam ninyo."

          Hanggang sa isang mumunting ingay ang kanyang naulinagan mula sa labas kaya kinuha na  niya ang shampoo na nasa lalagyanan at inumpisahan na niyang maligo ng tuluyan.

          Nakakita rin siya ng bagong toothbrush at pang-shave kaya kumuha siya ng isa at inumpisahan nang tapusin ang kanyang routine.

          Pagkatapos niyang makaligo itinapis na lamang niya ang tuwalya sa kanyang baywang upang matakpan ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

          Basa-basa pa ang ilang bahagi ng katawan na lumabas ng bathroom. Nakiramdam muna siya at inilinga ang kanyang paningin sa paligid ngunit wala naman kababakasan na may taong nagpunta dito.

         Paglapit niya sa cabinet, binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang pagkarami-raming damit at underwears. Tila sukat na sukat ang mga ito sa kanya.

         Isang pares ng pajama at white cotton shirt lamang ang kanyang kinuha at kanyang ipinatong sa ibabaw ng kama.

          Naglakad pa siya ng kaunti at binuksan ang ilang bahagi ng cabinet. Sa kalagitnaanan nito ay ang malaking drawer na naglalaman ng men's cologne. Kumuha siya ng isa sa mga ito at inamoy amoy. Nang matipuhan niya ang amoy nito ay saka niya ito ini-spray sa kanyang buong katawan. Swabe ang amoy nito na kumalat sa buong silid.

           Atsaka niya isinuot ang damit na kanyang kinuha. Nang makapagbihis at pasadahan ang kanyang mukha sa malaking salamin. Doon niya napagtanto na ang laki ng ipinagbago ng kanyang hitsura. Pumayat siya at namutla ang kulay.

          "Babawi ako... Ibabalik ko ang dating Arvic na kinabaliwan mong minsan, Maximus. Sa ngayon, ay hindi na para saiyo kundi para kay Quillon."

          "Gagamitin ko si Quillon upang maibalik ko sa dati ang aking sarili. Papaibigin ko si Quillon at gagamitin ko ang impluwensya niya upang makahiganti sa iyo Maximus!"

          "Hintayin mo ang pagbabalik ko!"

          Isang katok ang nagpatigil sa kanyang pag-iisip.

          Lumapit siya dito upang tingnan kung sino ang nasa likod ng pintuang iyon. Ngunit wala siyang nakita kundi ay isang trolley na naglalaman ng masasarap na pagkain at inumin.

          Bigla siyang nakaramdam ng gutom ng maamoy niya ang aroma ng kapeng nakasama roon.

          Hinila niya ito na papasok sa kanyang silid at isinaradong muli ang pintuan.

          Itinulak niya iyon at iginawi sa maliit na lamesang bilog na may dalawahang upuan. Dali-dali siyang umupo sa upuan at isa-isang inilapag ang pagkain at kapeng kinasabikan niya ng matagal na panahon.

          Sabik na sabik niyang kinain ang pagkain na kanyang inilagay sa kanyang plato. Sa sobrang gutom hindi niya namalayang naubos niyang lahat ang pagkaing inihain para sa kanya.

          Maayos niyang ibinalik ang mga pinagkainan sa trolley at tinulak muli palabas ng kanyang silid.

          Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang texture ng sapin nito. Ngayon niya lang din napagtanto na malamig sa loob ng silid dulot ng aircon na nakabukas.

          Nakaramdam siya ng pamimigat ng talukap ng mga mata at maya maya'y nakatulog na ito ng mahimbing.

          Habang mahimbing na natutulog si Arvic wala siyang kamalay malay na may isang bulto na nakatunghay sa kanyang pagtulog.

          Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago ito umalis ng kanyang silid.