webnovel

Pasensya na, Wala Ako sa Tamang Huwisyo Ngayon (5)

Editor: LiberReverieGroup

Halos maiyak ang dalawa dahil sa nasaksihan nilang pagtitimpi ng kanilang Panginoon.

Kahit kailan ay hindi pa nila nakita ang kanilang Lord Jue na nagtimpi ng pumatay ng tao!

Ang sinumang gusto nitong patay ay agad nitong pinapatay ora-mismo. Kaya ang ginawa nito kanina ay labis-labis na pagtitimpi!

Subalit…

Sa harap ni Jun Wu Xie, kakaiba ang pinagbabago ni Jun Wu Yao!

Ihinilig ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at nagdududang tumingin kay Jun Wu Yao.

Ayaw ni Jun Wu Yao na makita ni Jun Wu Xie ang mamamatay-tao niyang awra. Kaya naman lumapit ito kay Jun Wu Xie at inilapit dito ang kaniyang kamay: "Kung galit ka, gusto mo bang baliin ko ang kamay na ito para makabawi sa'yo?

Matapos na sabihin iyon ni Jun Wu Yao ay akma na sana nitong babaliin ang kaniyang sariling kamay!

Agad namang hinawakan ni Jun Wu Xie ang kamay ni Jun Wu Yao para pigilan ito.

Napangiti si Jun Wu Yao.

"Dahil ayaw mo namang gawin ko iyon, ibig sabihin ba ay hindi mo na ako sinisisi?"

"..." Saglit na nag-isip si Jun Wu Xie bago sumagot: "Malaki pa ang pakinabang sakin ni Xiong Ba at ng kaniyang mga tauhan. Huwag mo na silang sa saktan ulit, at higit sa lahat huwag malapit sakin silid."

Hindi malala para kay Jun Wu Xie ang natamo ni Xiong Ba. Ngunit ang amoy ng dugo ay ayaw na ayaw niya.

Tumingin si Jun Wu Yao kina Ye Sha at Ye Mei na kinukuskos ang sahig. Agad naglaho si Ye Mei nang tingnan ito ni Jun Wu Yao at agad ding nakabalik dala ang bungkos ng plum blossoms.

"Young Miss, ang amoy ng plum blossoms ay mata takpan ang lansa ng dugo. Pakiusap, tiisin niyo po muna habang hindi pa kami tapos maglinis." Maingat na saad ni Ye Mei. Nang makita ni Ye Mei na lumipat ang tingin nito kay Jun Wu Xie saka pa lang ito umalis at pinagpatuloy ang paglilinis.

Kumalat ang aroma ng plum blossoms sa silid. Totoo ngang nakatulong itong takpan ang amoy ng dugo. Inabot ni Jun Wu Xie ang isang plum blossom na nasa mesa at inabot iyon kay Jun Wu Yao.

Ngumiti naman si Jun Wu Yao dahil don.

"Malansa din ang iyong katawan." Seryosong saad ni Jun Wu Xie.

Agad na nabura ang ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao nang mapagtantong hindi dahil sa pagmamahal kung bakit siya binigyan ng bulaklak ni Jun Wu Xie. Bagkus ay nangangamoy dugo rin pala ito.

"Maglilinis muna ako at magpapalit." Mabilis na saad ni Jun Wu Yao saka lumabas ng silid.

Kahit na alam na ni Jun Wu Yao ang tunay na dahilan kung bakit siya binigyan ng bulaklak ni Jun Wu Xie, mahigpit niya pa ring hinawakan ang bulaklak na iyon.

Bahagyang napangiti si Jun Wu Xie habang pinapanood ang papalayong likod ni Jun Wu Yao.

Wala nang ibang tumutuloy sa kasalukuyang tinitirhan ni Jun Wu Xie sa Fiery Blaze Clan Hall maliban sa kaniya.

Kakarating pa lang ni Xiong Ba sa kaniyang silid nang makarinig siya ng malakas na dabog. Nasalubong ng kaniyang tingin ang mata ng lalaking kinatatakutan niya.

"Anong...anong kailangan mo?" Putlang-putla ang mukha ni Xiong Ba sa mga oras na 'yon.

"Napagdesisyunan kong tumuloy sa patio kung saan nanunuluyan si Young Master Jun." Saad ni Jun Wu Yao.

Napalunok si Xiong Ba bago sumagot: "Magpapadala ako ng maghahanda doon!"

Tumango naman si Jun Wu Yao: "Ipaghanda niya kamo ako ng maligamgam na panligo."

"Sige! Agad! Ngayon din!" Hindi magkandaugagang sagot ni Xiong Ba.

Umalis na si Jun Wu Yao pagkatapos non. Naiwan nito si Xiong Ba na halos mabali sa sobrang takot. Si Qing Yu naman na naroon din ay natigilan sa kaniyang kinatatayuan...