webnovel

Game Of Heart And Mind (Tagalog)

Paano kung isang araw pag gising mo, mabalik ka sa makalumang panahon? Panahon kung saan mayroon hari, reyna, prinsesa, prinsepe at kabalyero? Ang panahon ng medieval o mas kilalang "Dark Ages" sa modern world? Kaya mo bang harapin ang lahat ng tao at pangyayari na nakatakda sayo sa panahon na iyon? Masasagot mo ba ang tanong na, Totoo ba ang lahat o Kasinungalin lang? -- Kilalanin si Thalia Hermosa, ang pasaway ngunit madiskarteng babae mula sa 2019. Lahat ng klase ng tao ay kaya niyang pakisamahan. Pero paano kung isang araw, ang mga kailangan niya ng pakisamahan ay mga tao na nagmula pa sa 15th century? Mga hari, reyna, prinsepe, kabalyero at mga simple at mababang uri ng tao? Magagampanan ba niya ng maigi ang tungkulin niya o tuluyan na siyang susuko? Samahan natin si Thalia na diskubrehin ang buhay noong "Dark Ages", ang Medieval time. At subaybayan natin ang lovestory niya sa 15th century. Date Started: June 21, 2019 Date Finished ON-GOING Game of Heart and Mind Written by: ConfidentlyChubbaby ©All Rights Reserved 2019.

Chubbaby1421 · Historia
Sin suficientes valoraciones
24 Chs

Kabanata 8 (Haring Favian)

[Kabanata 8]

Pareho lang kaming nakatingin ngayon sa lawa at kapwa walang mga kibo. Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na lalong nagdadagdag ng kaba sa akin.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit ka tumatakbo mag-isa? Nasaan sina Lolita at Ireliah?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin. Hindi ako umimik, alangan naman sabihin ko na pinanuod kong nakikipag talik ang ate ni Favian.

Isa pa, masama pa din ang loob ko sa kaniya. Ngayon kinakausap nanaman niya ako, ipaakita nanaman niya na concern siya sa'kin, pagkatapos ay bigla na lang niya ako hindi kakausapin at papansinin.

Hindi naman ako na informed na meron din palang paasa sa panahon na ito, #HadrianPaasaNangMedieval lang ang peg niya.

Tinignan ko siya, diretso pa rin siyang nakatingin sa malayo. Napakahirap, ang hirap kapag hindi ko nababasa ang nasa isip niya. Ang hirap, kasi nahuhulog ako sa kaniya. Ang hirap kasi hindi ko alam kung kaninong puso ba talaga ang tumitibok, doon ba sa totoong Cyndriah o sa totoong ako.

"Galit ka pa din ba sa'kin?" Tanong niya ulit, pero diretso pa din ang tingin niya. Napayuko na lang ako, dahil wala akong maisagot. Hindi ko masabi na nagtatampo ako, dahil wala naman akong karapatan. Unang-una, hindi naman talaga ako si Cyndriah. Pangalawa, maski ako ay nalilito na sa itinitibok ng puso ko.

Tumingin na lang ulit ako sa lawa. Mabuti pa ang lawa, kalmado lang.

"Patawad. Hindi ko nais na itrato ka tulad ng kanina, nag iingat lamang ako. " sambit niya, napatingin ako sa'kaniya at nakita na kanina pa pala siya nakatingin sa'kin. "Ayokong masaktan ka kung mag papadalos dalos ako sa pagkilos ko. Oo magkaibigan tayong matalik, pero hindi iyon maiintindihan nang iba..." pagpapatuloy niya pa.

"Mahirap man para sa'kin na ika'y iwasan, wala akong magagawa kundi gawin iyon para sa ikapapayapa ng lahat." Wala akong masabi, bukod sa napaka makata niya, parang masyadong malalim din ang pinanghuhugutan niya.

Nagkatinginan kami ng diretso sa mata, rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Love at first sight na ba ito?

Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon, ayoko na itong pigilan pa. Ako si Thalia na napunta sa panahon na kung saan uso pa ang mga hari at reyna, ay naging si Prinsesa Cyndriah. Pangalan lang niya ang hiniram ko, pero ang lahat maging ang nararamdaman ko, simula ngayon ay icla-claim ko na sa'kin.

Ako si Thalia na ngayon ay namumuhay bilang si Prinsesa Cyndriah, ay umiibig sa lalaking na sa harapan ko ngayon. Ang lalaking nabubuhay sa panahon ng mga hari at reyna, si Hadrian.

Hindi ko man alam kung paano nangyari na bigla nalang ako nagising na nasa ibang dimension na ako, haharapin ko nalang ito. Kung pinaglalaruan man ako nang puso at isipan ko, illusion man ito o totoo. Masaya ako at nagpapasalamat ako na nakilala ko si Hadrian, pakiramdam ko, basta kasama ko siya ay magiging ok ang lahat.

Matagal tagal din kaming nagtitigan, natapos na lamang iyon ng may marinig kaming pumutok. Sabay kaming napatingin kung saan iyon nanggaling, napangiti na lang ako ng makita na nagmula pala iyon sa malayong parte ng lawa. Naaninag ko kasi ang isang bangka sa pinaka gitna ng lawa noong lumiwanag ang kapaligiran dahil sa paputok.

Teka...

Kung nasa gitna sila ng lawa at nag se-set up para sa paputok, edi NAKITA NILA KAMI?!

Sa hindi malaman na dahilan, bigla akong nataranta. Kasasabi niya lang na para sa ikapapayapa ng lahat ang pag-iwas niya saakin tapos ngayon may makakakita saamin? This can't be!

Agad akong tumingin kay Hadrian para humingi nang tulong, pero pagtingin ko sa kaniya, nakatayo lang siya ng kalmado, nakapamulsa, at nakatingin lang sa akin habang nakangiti.

"Anong ikinakalma mo diyan? Akala ko ba nag iingat ka lang, e tapos sila baka nakita tayo, ikaw kalmadong nakapamulsa lang diyan?!" Natatarantang sambit ko sa kaniya, pero tinawanan lang niya ako.

Anong nakakatawa doon? Nakakainis din talaga siya paminsan minsan e. "Si Mang Hugo iyon at ang anak niya na si Julio. Kakilala ko sila, kaya kung nakita man nila tayo huwag ka mag-alala, hindi sila magsusumbong." Patawa-tawa lang niyang sabi.

Padabog ako na humarap muli sa lawa at ngumuso ng kaunti.

Lalo lang siyang natawa sa naging asta ko. "Huwag ka na magmukmok diyan, napaka matampuhin mo naman." Sambit niya bago tumawa ulit, akala niya yata nakakatawa eh.

"Bakit kasi hindi mo sinabi kaagad? Edi sana hindi ako kinabahan. Yung tungkol sa kaninang umaga, bakit hindi mo man lang sinabi para hindi sana ako nagtampo." Pagrereklamo ko sa harapan niya.

"Bakit ka naman kakabahan? Wala naman tayong tinatago na relasyon hindi ba?" Sambit niya at bigla niya akong hinarap, napakalapit na ng mukha namin sa isa't-isa. "At kapag sinabi ko sa'yo ang dahilan kaninang umaga, edi hindi mo ako iiwasan." Pahabol niya pa.

May punto din naman talaga siya.

Muli, bumalik nalang kami sa panonood sa mga paputok. Napakaganda, ang mga paputok na nagbibigay liuwanag sa madilim na gabing ito. Si Hadrian, na nagbibigay liwanag sa magulong buhay ko ngayon.

"Hindi ka na ba galit sa'kin?" tanong niya, umiling ako bilang sagot. "Edi maari mo nang sagutin ang tanong ko kung bakit ka nasa labas mag-isa?" Habol na tanong niya. Para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko, anong sasabihin ko?

Napakapit ako ng mahigpit sa palda ko, paano ba? "Nagpapahangin lang ako, crowded ah este-- masyado kasing madaming tao sa loob." Pagpapalusot ko, mukha naman siyang naniniwala dahil napapatango na lang siya.

"Akala ko may nangyaring masama sa'yo nang makita kitang tumata--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil boglang may tumawag sakaniya mula sa likuran niya.

"Hadrian! Kasama mo lang pala ang p-p rinsesa." Hingal n hingal niyang sambit. "May problema ba?" Kalmadong tanong niya sa lalaki.

Nang makabuwelo na muli ng hininga ang lalaki ay tumayo ito ng tuwid bago nagsalita ulit, "Kanina pa kayo hinahanap sa loob, si Haring Favian, nandito na ulit siya." Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Ang hari...

Si Favian... Nandito na siya.

Ano na mangyayari sa'kin?

Napatingin ako kay Hadrian, na ngayon ay nakatingin ng malayo sa lawa.

"Tara na, kailangan mo na bumalik sa palasyo. Siguradong hinahanap ka na ni Favian." Diretso sa matang sambit sa'kin ni Hadrian.

Nakakatakot, dahil wala akong emosyon na mabasa.

Mayamaya pa'y nag umpisa na silang maglakad.

"Sandali! Hindi niyo ba ako hihintayin?" Habol ko sa kanila, lumingon naman sila agad sa'kin.  Nagulat ako nang ilahad ni Hadrian ang palad niya, ilang sigundo ko din iyon tinignan bago kuhanin. Tinignan ko siya at nakitang nakatingin siya sa'kin ng may ngiti sa labi.

Ngiti na matipid.

Ngiti na may itinatago.

Ngiti na may kaakibat na kalungkutan.

Sabay sabay na kami naglakad papuntang palasyo.

Pero sa puntong ito, wala na akong iniisip pa kundi ang magiging buhay ko. Hindi ko alam paano mamuhay sa lugar na ito, pero ipapa sa Diyos ko na ang lahat.

***

Kinabukasan, nagising ako na ang dami-dami nanaman na taga pag silbi ang nakapaligid sa kwarto ko.

Hindi na namin nakita ang hari kagabi dahil nagpahinga na daw pagkatapos makisaya sandali.

"Magandang umaga po, kamahalan." Bati ng mga taga pagsilbi at sabay sabay yumuko. Ilang araw na ba ako sa panahon na ito? Parang ayoko sanang bumangon, pero nawala sa isip ko iyong makaramdam ako ng bigat na umakyat sa kama.

Napaupo ako at nakita ang isang napaka cute na aso, at isang taga pagsilbi na pumipigil sa aso.

"Pasensiya na po, kamahalan." Aligagang paghingi ng pasensiya ng babae.

Nginitian ko siya, "ayos lang, bitiwan mo na siya." Sabi ko.

Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang isip, pero sinusod niya pa din ako.

Agad kong kinuha ang aso na napaka giliw, tuta pa lang ito. Tinignan ko agad ang kasarian niya, babae.

"Kaninong aso ito? Sa iyo ba?" Tanong ko sa babae na humabol sa aso kanina.

"Sainyo po iyan kamahalan, regalo ng mahal na hari. Kagabi po sana iyan personal na ibibigay, ngunit hindi niya po ikaw nakita." Pagpapaliwanag niya. Oo nga pala, hindi na kami nag pang-abot.

Ibig sabihin, para sa'kin ito. Binuhat ko ito, ang taba, kulay puti at may batik ng brown, bilog ang mata at brown din, tayo ang tainga. Walang lahi, alam na alam ko na isa itong aspin, lalo at sa Filipinas nanggaling si Favian.

"Tunay na ka giliw giliw ang aso na iyan, naalala ko na mahilig ka sa mga hayop." Agad na nag yukuan ang mga babae na taga pagsilbi nang marinig nila ang boses ng isang lalaki, ako naman ay napatingin din agad.

Matangkad, maputi, matangos ang ilong, may manipis na labi, maliit at brown na mga mata. Tinay na makisig na lalaki.

"Oh, bakit ganiyan ka naman tumingin? Hindi mo na ba ako naaalala?" Tanong niya sa'kin habang nakangiti. Tinignan ko ulit siya ng maigi, sobrang magarbo na kasuotan, may alahas sa leeg at kamay, may korona na hindi ganoon kalakaihan pero malalaman mo na agad kung ano ang kaniyang posisyon.

Siya ang hari.

Siya ang tao na nakatakdang ikasal kay Cyndriah, saakin.

Siya si Haring Favian.

Tumingin siya sa gilid ko kung saan nandoon ang aso.

"Wala akong maisip na iregalo sa'yo na kakaiba. Dahil mahilig ka sa hayop, naisip ko na bigyan ka ng isang aso na aalagaan mo at makakasama mo lagi. Naibigan mo ba?" Tanong niya.

Hindi ko naman maitatanggi na napaka giliw talaga ng aso. Tumango ako bilang pagsagot ng 'oo'.

Napangiti naman siya ng malaki, naglakad siya papunta sa kama at naupo sa bandang paa'nan ko.

"Kung ganiyon, ano ang ipapangalan mo sa kaniya?" Tanong niya sa'kin habang abala na nilalaro ang tuta.

"Thalia."

"Thalia?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo, Thalia ang nais kong ipangalan sa kaniya, sumisimbolo kasi siya sa pag-asa ng buhay. Att napaka ganda niya." Sagot ko. Hindi ko naman masasabi sa kaniya ang tunay na dahilan.

Thalia, dahil para din siyang ako. Pareho kami na nandito ngayon sa lugar na hindi naman talaga namin kinabibilanga.

Dahil sa kaniya, lalo akong magkakaroon ng pag-asa mabuhay. Ang tuta na ito, na binigyan ko ng pangalan na Thaia, ang siyang magiging alaala ko sa totoong ako.

Malalim ang iniisip ko, nang bigla kong marinig na nagsalita si Favian.

"Tunay na kaibig ibig na pagmasdan ang iyong mukha, tunay din na kaibig ibig ang pangalan na ibinigay mo sa tuta. Mag mula ngayon ay nasa iyong kamay na ang buhay ni Thalia." Sambit niya bago niya buhatin ang aso.

'nasa iyong kamay na ang buhay ni Thalia'

Tama, nasa sariling mga kamay ko lang din ang buhay ko.

Panginoon, Bathala, Ala, ipapasainyo ko na po ang magiging buhay ko.

"O siya, mauuna na muna ako Cyndriah. May kailangan ako asikasuhin, masaya ako na makita ka muli." Paalam niya, naistatwa naman ako at nanlaki ang mata nang bigla niya akong halikan sa pisngi.

Mabilis ang pangyayari.

Ang hirap huminga.

Sa huli, nginitian niya akong muli bago lumabas ng aking silid.

Nakita ko naman na nagngitian din ang mga tagapagsilbi at tumingin sa'kin, creepy.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bagay na bagay po talaga kayo, kamahalan. Siguradong magaganda at gwapo ang inyong magiging supling." Kinikilig kilig na sambit ng isang may edad na na tagapagsilbi.

Napanganga naman ako sa kanila. Uso din pala dito ang mga  pangbubuyo, psh.

Hindi ko sila pinansin, sa halip ay bumangon na ako sa higaan ko  para mag ayos na ng sarili. Inalalayan naman nila ako, at inihanda na ang maligamgam na tubig sa kasilyas o banyo. Habang tumatagal ako dito, nasasanay na din ako sa mga tagalog nila. Paano na lang kaya kung banggitin ko ang mga malalalim na tagalog na ito sa panahon na pinagmulan ko? Edi inisip na nilang baliw ako.

**

Matapos ko mag-ayos, ay bumaba na kami sa kusina. Sa tinagal tagal ko dito, mayroon talaga akong hinahanap eh. Ano kaya ang kalendaryo nila sa panahon na ito? Yung orasan, madali lang basahin kasi hindi naman din pala nalalayo sa makabagong panahon. Akala ko naman yung de-buhangin pa.

"Freyah, nasaan sina Ireliah at Lolita?" Tanong ko sa batang taga pag silbi. Ipinatawag ko pa siya mula sa Gremoiah, kumortable lang kasi ako sa kaniya.

"Nasa baba na po kamahalan, sinasabayan na po sa pagkain ang inang reyna, ang prinsipe at ang prinsesa." Pagpapaliwanag ni Freyah.

Malamang ang hari ay abala nanaman sa ma kung ano man ang dapat asikasuhin, si Hadrian kaya? Simula nang nakabalik kami dito kagabi ay hindi niya na ako kinakausap.

Nang makarating kami sa hapagkainan ay agad na akong pinaghain ni Freyah, pipigilan ko pa sana siya para ako na maghain sa sarili ko. Pero, inilalayo niya sa akin ang kung ano mn ang kunin ko at nginingitian lang ako. Kabata bata sa akin pero kung umasta'y akala mo matanda.

Tinignan ko ang mga pagkain, hindi pa uso ang mga adobo at afritada. Panay prito at ihaw pa lang, pero masasarap. Ang kaso, kailangan ko pumustura kahit habang kumakain. #DamnThisPrincessRole.

Tinignan ko ang reyna na nanay nila Favian, ang malumanay kumain. Ganon din sina Eros at Era, maging si Prinsesa Sara at ang kaniyang asawa. Sina Ireliah at Lolita ay ganoon din, pero kapansin pansin ang pagpipigil nila ng tawa, Pinagtatawanan ba nila ako!? Ibinalik ko nalang ang pansin ko sa pagkain ko at kumain na lang.

Matapos namin kumain ay nagpaalam muna sina Lolita at Ireliah na sasama sila sa bayan para mamalengke. Gusto ko sumama sana, pero bawal daw. Pakiramdam ko nakakulong lang ako dito, wala nanaman akong magagawa neto kundi ang tumunganga,

Inaya ko sina Eros at Era na maglaro, pero hindi daw puwede dahil kailangan nila mag-aral at dadating ang kanilang guro. Tinanong ko din si Ate Sara kun mayroon siyang gagawin na puwede akong tumulong. Pero, wala din pala dahil maglalakbay sila ngayon patungo sa kahit anong bansang naisin nila, upang ipagdiwang ang kanilang kasal. Ang inang reyna naman, abala  din makipag kwentuhan sa kaniyang mga ka-amiga sa kaniyang silid.

Ano gagawin ko ngayon mag-isa dito?

ALAM KO NA!

Tumakbo ako pa[unta sa aking silid at nakita si Thalia na naglalaro ng bolang gawa sa tela.

Ang cute talaga. Kinuha ko siya agad pati ang bola, maglalaro kami sa labas!

Sabik akong tumakbo pababa.

Nang makarating kami sa isang malaking field dito sa kastilyo ay nag-umpisa na kaming maglaro ni Thalia ng fetch. Hindi naman ako nahirapan dahil napaka bilis niyang natuto.

Ihinagis ko na ang bola papalayo.

Sa kabila ng mga pangyayari sa buhay ko, sarili ko lang din pala ang magpapasaya sa'kin. 

Mayamaya pa'y tumakbo na papalapit sa'kin si Thalia. Kinuha ko ang bola sa bibig niya at binuhat siya, "Maraming salamat sa'yo Thalia." Sabi ko sa aso atsaka siya niyakap ng mahigpit.

Ilang beses din kaming naglaro, matapos ang siguro'y isang oras ay pareho kaming hingal na hingal. Bumalik na kami sa hardin at ipinag handa ako ng tubig habang si Thalia naman ay ipinaakyat ko na sa silid para

Nagpaiwan na din ako sa kanila.

Tumayo ako para makapaglakad lakad at makapagpa haangin.

Napagdesisyunan ko na magtungo sa harap ng lawa. 

Habang papalapit ako ay may naririnig akong musika, tunog ng gitara at malamig na boses ng lalaki na kumakanta. Napahinto ako sa paglalakad para hindi ako mapansin ng kung sino man ang kumakanta. Nagtago ako sa likudan ng puno, sinilip ko muli kung sino ang kumakanta.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino, si Hadrian. Nakasandal siya sa puno na pinagtataguan ko, may hawak na gitara, nakapikit. Naka puting damit na may mahabang manggas at brown na pantalon. Ang espada ay nakahubad sa kaniya, nakalapag lamang sa mga damo. Napaka payapa ng itsura niya ngayon. Namalayan ko nalang ang satili ko na hindi na nagtatago sa puno, sa halip ay nasa tabi niya at pinagmamasdan lamang siya habang umaawit.

 "Mahal... sana'y pakinggan mo

   Ang awiting ito'y alay sayo"

Sa mga salitang iyon ay alam kong mula sa puso ang pag-awit niya.

"Ikaw ang pangarap

Ang hinahanap ko

Sana'y makapiling ka

Kahit lamang sa panaginip ko"

Patuloy lang ako sa pakikinig sa kaniya, para kanino kaya ang kanta na iyon? Merong parte sa'kin na inaasam ko na sana ako ang inaawitan niya. Pero ayoko naman makasira ng pagmamahalan ng ibang tao.

"Mahal kita, sinta

Kahit ako lang mag-isa

Umaasa pa rin ako

Sa huli'y, ikaw at ako

Te amo, mi amor

Mahal kita, sinta ko"

Ang sakit. Masyadong masakit, pinaasa ba siya? Unrequited love ba? 

Naramdaman ko nalang na may mga luha na pumatak mula sa aking mata. Kasabay noon ay ang biglang pagdilat ng mga mata ni Hadrian, kitang kita ko din ag pamimilog ng mata niya dahil sa matinding pagkagulat.

Tumalikod na ako bago pa niya ako makitang umiiyak.

Pero huli na ang lahat, dahil alam kong nakita niya.

Narinig ko ang tunog ng gitara na bigla nalang ibinagsak sa lupa, nakaramdam din ako ng mga kamay sa magkabilang balikat ko at pilit akong inihaharap sa direksyon niya. Pero nagmamatigas ako.

"Cyndriah, pakiusap humarap ka." Matipid na sambit niya pero agad akong napasunod.

Humarap ako pero nakayuko, naramdaman ko ang kamay niya nahumawak sa mukha ko para punasan ang mga luha. Nakita ko din na pilit niya akong sinisilip mula sa aking pagkakayuko.

"Bakit ka umiiyak? Kilala mo ba kung para kanino ang awiting iyon?" Tanong niya, umiling lang ako bilang sagot.

"Eh bakit ka umiiyak?" Tanong niya pa. Unti-unti ay iniangat ko na ang ulo ko para harapin siya.

"Masyado kasing masaklit ang nais iparating ng iyong awit, umiibig ka ba sa isang babae na hindi mo makamtan?" Tanong ko sa kaniya, sa halip na sumagot ay napangisi lamang siya at humarap sa lawa.

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya?" Tanong ko pa ulit.

"Sana ganon kadali. Pero duwag ako, duwag ako hindi dahil sa natatakot akong masaktan. Na duduwag ako dahil baka ako pa ang maging sanhi nang sakit na mararamdaman niya. Langit siya lupa ako. Natatakot ako na baka balang araw ako mismo ang maglagay sa kaniya sa kapahamakan, ayokong mangyari yon." Malalim niyang sambit habang nakatanaw sa malayo.

Nakatingin lang din ako sa kaniya. "Eh diba sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo? Kahit na ba sa tingin mo ay madaming magiging hadlang, kahit na mayrong risk dapat handa mong harapin. Hindi ba kapag nag mahal ka dapat handa mong gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig? Atsaka may nakapag sabi sa'kin na ang pag-ibig ay laging may kaakibat na  sakit." Sabi ko sa kaniya, hindi pa talaga ako nagkaka boyfriend pero nagkaroon naman na ako ng crush noon.

Nakita ko naman na tumango tango siya.

"Sandali, ano ang isang salita na iyong tinuran? Hindi ko iyon maintindihan. Ano ang ri-- risk?" Tanong niya, oh no! sinabi ko ba talaga iyon? Why so careless Thalia!

"Ah-- ano, ang ibig sabihin non ay 'panganib' naasamid lang ako." Sambit ko at tumawa ako ng awkward.

tumango ulit siya. "Sa tingin mo totoo ang sinabi mo? Na sa ngalan ng pag-ibig dapat handa kang lumaban kahit na ika'y masasaktan?" Tanong niya.

"Oo naman! Ganoon  naman talaga ang pag-ibig eh." Sagot ko pa. Nakita ko naman na ngumiti siya kaya ngumiti na din ako.

"Maraming salamat." Mga salitang sinabi niya bago namin panoorin ang mga ibon muli na nagtatampisaw sa lawa.

Masakit man sa'kin na mayroon siyang napupusuang iba, wala akong magagawa kundi ay ibigay ang kalayaan na nararapat sa'kaniya. Umasa lang naman ako na baka mayroon talaga.