PARA SA AKING KAPATID
I.
Ikaw at ako, pareho ng pinagmulan
Iisa ang ating mga magulang
Magkalayo man ang ating mga tirahan
At kahit iba ang iyong kinalakhan
Hindi ka nakalilimot sa iyong pinanggalingan
II.
Ikaw at ako, malaki ang pagkakaiba
Sa ugali, relihiyon at maging sa pananamit o pagporma
Ikaw ay kilos dalagang Pilipina
Ako naman kung minsan ay parang babaeng amazona
Pero kahit ganoon, mas madalas na magkasundo
Kahit kung minsan ay nagkakaroon din ng kaunting pagtatalo
III.
Ikaw ay malambing ngunit mababaw ang luha
Ako naman ay medyo barako at bihirang lumuha
Ikaw ay matipid ngumiti o magsalita
Ako naman ay si halakhak at kapag dumaldal, walang ubos at walang sawa
IV.
Kahit sa mga hilig, hindi nagkakalayo
Mahilig magsulat ng kahit ano
Mahilig sa musika at kumanta
Pero kapag ibabahagi na sa iba
Parehong nahihiya
V.
Magkaiba man ng gusto sa mga paboritong anime, movie at tv drama
Pero kung minsan, parehong sangayon kung ang palabas ay maganda
At sa ilang hilig gawin ay mayroon din pagkakaiba
Ikaw ay mahilig magbasa
Ako naman, mas mahilig ang manood at pangalawa ang pagbabasa
VI.
Sabi ng ating ina, pareho naman magkalayo
Pero kung minsan ang mga ugali ay nagkakapareho
Siguro dahil nga tayo ay magkadugo
Magkadugtong ang atin mga isip at puso
Kahit tayo ay magkalayo
VII.
Hindi man sabay na lumaki
Ngunit maganda nating samahan ay hindi maitatanggi
Mapa-umaga hanggang halos magdamagan
Tayo ay palaging magkatsikahan
Kung kaya naman
Tayo ay parehong napapagalitan
VIII.
Marami pa sanang nais sabihin
Pero kailangan nang tapusin
Alam naman natin
Ang tunay natin mga damdamin
Kahit na ito ay hindi bigkasin
Mga puso natin
Ang nag-uugnay sa atin