PAGSULAT
I.
Mga damdamin kong nais ihayag
Sa pagsulat ko ilalahad
Pero bago mabuo ang katha
Mayroon munang panimula
Kung saan masusi kong ihahayag mula umpisa
Kung saan una tayong nagkita at nagkakilala
Na akala ko hanggang sa dulo ikaw pa rin ang makakasama
II.
Kung akin uumpisahan ang paglalarawan
Mag-uumpisa ako sa ngiti mong bumihag sa aking puso at tumatak sa aking isipan
Sa labing mamula-mula na dumadampi
Sa naghihintay ko na labi
Sa mga matang nakatitig na may kahalong paglalambing
Sa tuwing ikaw ay kapiling
Ay nagpapabilis sa pintig ng puso ko
At umaagaw sa buong atensiyon ko
Sa mga oras na ako ay naninimdim
Ikaw ang nagsisilbing
Liwanag ko at tumatayong superhero ko
Sa tuwing naglalapat ang atin mga katawan
O ginagawa ang isang ritwal na karaniwan sa magkasintahan
Tila mala-apoy itong nagbabaga
At ang ating mga puso, isipan at kaluluwa
Kapag nagsanib puwersa
Walang kahit sinong puwedeng gumiba
III.
Iyon ang akala ko
Inakala ko na kahit hanggang sa wakas ng mundo
Ikaw pa rin ang makakasama ko
At sa kabilang buhay ay muling magtatagpo tayo
Ngunit nagkamali ako
Maling-mali ako
IV.
Akala ko abstract ka
Simple pero malinaw ang bawat kataga
Mga katagang binibitawan mo kapag ako ay kasama o kaharap mo na
Napaniwala mo ako
Sa mga pangakong sabi nga ng iba ay madalas mapako
V.
Kung alam ko lamang
Ang ating kahahantungan
Sana man lang ay aking napaghandaan o iniwasan
Mapagbiro kasi ang tadhana
At isa ako sa mga nabiktima
VI.
Katulad ng mga nababasa ko sa nobela
Hindi lahat nang naging pagtatapos ay masaya
At kabilang ako roon na sa halip na happy ending
Ngunit hindi, sapagkat sad ang ending
VII.
Ganoon ang tadhana
Para rin itong pre-writing na mag-uumpisa sa draft na gamit ang malawak mong imahinasyon at madalas makalat sa una
Pero dahil ikaw ang tagapagsulat
Ikaw ang mastermind sa lahat
VIII.
Parang ako
Kung ako ay makatatagpo ng pang-Forever ko
Mayroon akong Ideal Man na nais makatagpo
Natagpuan nga kita
Ngunit ang akala ko ay pangmatagalan na kita
IX.
Parang sa kuwentong isinusulat
Nakaplano na ang lahat nang magaganap
Ngunit ang buhay ay kagaya rin nang pagsusulat
Dahil ikaw ay para rin ang karakter mo sa kuwentong isinulat mo
Kahit hindi mo gusto ang mangyayari sa iyo
Wala kang magagawa kung ito ang nakasulat sa kapalaran mo
X.
Pero sabi nga nila, may pangalawang pagkakataon ang bawat isa
Kung sa pagsusulat puwede ang pag-edit sa iyong nobela o katha
Ganoon din sa buhay, puwede pa rin maging maayos ang lahat o maging tama
At dahil pangalawang pagkakataon ko na
Panahon na siguro para buhay ko ay irebisa