LIHIM NA PAG-IBIG
I.
Nais ko sana sa iyo ay ipabatid.
Mayroon isang tao, na sa iyo ay lihim na umiibig.
Ngunit kanya lamang pangamba sa tuwi-tuwina.
Kapag nalaman mo na ang kanyang tunay na nadarama.
Ito ay ang minamahal ka niya.
Baka magalit ka at tuluyang iwasan siya.
Ito ang isa sa kinatatakutan niya, na mangyari sa kanya.
II.
Marahil nagtataka ka o naguguluhan pa.
Nagtatanong kung sino ba akong talaga?
Bakit ko ito ginagawa?
III.
Isa lang ang tanging masasabi ko sa iyo.
Itong taong tinutukoy ko.
Na lihim na umiibig sa iyo.
Isang espesyal na dalaga.
Marahil ay matagal mo na pa lang nakikita.
Baka nga siya ay kilala mo pa.
IV.
Alam ko iniisip mo.
Ako ay isang tao na walang magawa at parang may sira sa ulo.
Aakalain mo na pinagtitripan lang kita.
Ngunit ako ay umaasa.
Sa akin sana ay huwag na magalit ka.
V.
Sapagkat lahat ng ito ay totoo at walang halong biro.
Pasensiya na rin kung ang isipan mo ay nagugulo.
Pinapahulaan kung sino ang babae na nagmamahal ng lihim sa iyo.
VI.
Ang tanging alam ko.
Tunay ang kanyang damdamin para sa iyo.
Makikita mo rin sa kanyang mga mata.
Kung gaano ka espesyal para sa kanya.
VII.
Ang tanging nais ko.
Sana sa ganito man lang paraan ay maipaalam ko.
Ang tunay na nilalaman ng puso ng kaibigan ko.
VIII.
Pakiusap sana, sa kanya ay huwag magagalit.
Kung sakaling malaman mo kung sino siya na sa iyo ay umiibig.
Hindi naman niya sinasadya na mahulog sa iyo ang damdamin niya.
Pero anong magagawa?
Kung ang puso niya ang napiling tamaan ng pana ni Mister Kupidong namamana.
IX.
Hindi naman siya umaasa na mapapansin mo.
Ang damdamin niya para sa iyo.
Ang tanging alam niya.
Minamahal ka niya.
X.
Humanga na siya sa iyo.
Simula pa noon unang magtagpo ang mga landas ninyo.
Lalo pang lumalalim habang nakikilala na niya ng husto ang buong pagkatao mo.
Mga magagandang katangian at maging ang hindi mo pagiging perpekto.
Ang hinahangaan niya sa iyo.
XI.
Pero kung sakali man at kung iyong pahihintulutan.
Kung puwede na kayo ay kahit maging mabuting magkaibigan.
Tiyak akong ikasisiya na niya kahit man lang sa ganoon paraan.
XII.
Sana sa pamamagitan ng tulang ito.
Kahit kaunti ay mapukaw man lang ang atensiyon mo.
Mapakinggan kahit kaunting minuto itong mga pahaging para sa iyo.
XIII.
Pasensiya na rin kung may kakornihan itong tulang ginawa.
Pero nilalaman nito ay may halaga.
Sana ay hindi maging katawa-tawa, dahil ako ay seryoso at hindi nagpapatawa.