Kenneth's PoV
"KENNY!" tawag ni Au sa akin kaya agad akong lumapit sa kaniya.
"Kanina kapa ba?" tanong ko at napatingin sa relo ko. "Sorry, nagpaalam muna ako sa boss ko bago ako pumunta rito" paliwanag ko. Natatawa naman siyang umakbay sa akin.
"Okay lang" excited niyang sambit. "Anyway what's gotten into you? You're acting weird" nakakunot niyang ani. "Don't tell me you're falling inlove with me?" mapagbiro niyang ani na ikinatawa ko.
"Gaga! Ililibre lang kita, lalo na at first anniversary natin bilang magkaibigan"
"Yun nga yung weird Kenny, never mo akong nilibre tsaka minsan lang tayo magkita. Nagkikita lang tayo pagmay project" hindi ko maiwasang hindi masaktan at maiinis sa sarili ko ng sabihin niya iyon. Totoong never ko siyang nilibre marahil nahihiya ako na hindi ko afford yung mga kinakain ng mga kagaya niyang mayaman. Minsan lang din kami magkita, kadalasan nagkikita lang kami pagmagkasama kami sa isang group para sa project. Hindi ko tuloy maiwasang hindi tanungin ang sarili ko, kung tinuring ko ba talaga siyang kaibigan.
"Kaya nga babawi ako sayo ngayon" nakangiti kong sambit. Hinila ko siya papunta sa tindahan ng fishball. Pinagmasdan ko ang mukha niya kung ano ang magiging reaksyon niya pero nagulat ako nang gumuhit sa kaniyang labi ang isang matamis na ngiti.
Pagkatapos naming bumili ng fishball at panulak ay umupo kami sa bench nitong park na madalas naming meeting place. Pasimple akong tumitingin sa kaniya habang masigla siyang kumakain.
"Never ko naisip na ililibre mo ako at magkikita tayo ng ganito--yung ginagawa ng karaniwang magkaibigan" bahagya akong nagulat nang bigla siyang lumingon sa akin.
"Sorry" nahihiya kong sambit.
"For what? Naiintindihan kita. I know I'm hard to befriend. A lot of people don't want me as a friend because I'm hardheaded, short-tempered and a rich brat who highly think of herself" natatawa niyang lintaya na nagpabigat ng kalooban ko.
"Yes, you're hardheaded. You're short-tempered. You're a rich brat who highly think of herself. But, you're also a person who is true to herself and the people around her. You never sugarcoat words, you're direct. You pinpoint my flaws and mistake and helped me to embrace it." kinakabahan kong ani. Ramdam na ramdam ko ang titig na ipinupukol niya sa akin. Nakangiti akong lumingon sa kaniya. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya."You've been true to me but I always hide something from you. I even befriend you because I envy you. You're confident, something that I don't have" napansin kong may nangingilid ng mga luha sa kaniyang mata.
"Naiingit sa akin? Mas naiingit nga ako sayo. Ang dami mong kaibigan. Ang talitalino mo. You never try to be funny dahil natural na yung pagkakwela mo. You're telling me that you envy my confidence but the truth is, I get my confidence from you. Alam ko kasing may Kenny na ipagtatanggol ako pag may kaaway ako. Remember nung may grupo ng mga babae na inabangan ako, akala ko walang tutulong sa akin but you showed up. Sinampal mo yung mga babae tsaka hinila mo ako patakbo." natatawa niyang ani. Pinahiran ko ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko. Hindi ko rin naiwasang hindi maluha dahil sa sinabi niya. I never thought that we would have this small honest talk between the two of us.
"Paanong hindi ko sasampalin yung mga chakang iyon. Akalain mong sinabihan kang panget as if naman maganda siya. Mas maganda pa nga talampakan ko kaysa sa kanila" mapagbiro kong ani na ikinatawa naming dalawa. Natigil kami sa pagtawa at nagkatinginan kasabay nang pagguhit ng ngiti sa bawat labi namin. Inakbayan ko siya at pareho kaming binalot nang katahimikan.
"Cheers for more years of friendship" nakangiti kong ani at itinaas ang nagiisang fishball ko. Bahagya siyang umusog at humarap sa akin.
"Cheers!" magkasabay naming sigaw at parang basong pinagtama ang bawat fishball namin.
©introvert_wizard
Nakangiti kong itinapon ang sarili ko sa luma naming kama na bumuo nang malakas na tunog. Pakiramdam ko ay nabunotan ako ng malaking tinik ngayong sinabi ko na kay Au ang lahat ng bagay na iniisip ko. Wait lang!. Muntik ko ng makalimutan yung tsokolate na ibinigay niya sa akin. Agad kong hinanap ang bag ko at kinuha ang tsokolateng nahanap ko sa lamesa ko kanina. Dinial ko ang number ni Au sa phone ko.
"Au?" bungad ko sa kaniya. "Thank you nga pala sa binigay mong tsokolate"
"Tsokolate?" nagtataka niyang tanong na ikinakunot ng noo ko.
"Yung tsokolateng binigay mo sa akin? Yung regalo mo para sa first anniversary natin" nagaalangan kong sambit.
"Tsokolate? I didn't give you that. I wrote you a letter as a present." mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Agad kong ginalugad ang bag ko at nahanap ko yung letter na ibinigay niya sa akin. Kung itong letter nato yung sinasabi niyang regalo sa akin, so sino yung nagbigay sa akin ng tsokolate?
"Ganoon ba? Sige salamat sa letter Au. Kita nalang tayo bukas." paalam ko at muling ibinagsak ang sarili sa lumang kama. Muli akong napatingin sa tsokolate at kinuha ito. Itinapat ko ito sa liwanag na nagmumula sa buwan na tumatagos mula sa maliit na butas sa yero ng aking kwarto.
"Dark Chocolate? Akalain mo yun, favorite flavor ko pa yung binigay. Sino kaya yung nagbigay sa akin nito?" bulalas ko at binagsak ang braso ko sa magkabilang bahagi ng kama. Iwinaksi ko nalang ito sa aking isipan at ipinikit ang aking mga mata. Ilang minuto ang lumipas ay dinalaw na ako ng antok.
©introvert_wizard
"Kenny!" masiglang bungad sa akin ni Au at niyakap ako ng mahigpit. Nakangiti kaming nagtungo sa upuan namin. Pasimple akong napatingin kay Luke na natutulog sa desk niya. Ang aga aga natutulog na siya---tssk.
"Kenny, pwede mag ask ng favor?" malambing na ani ni Au, hudyat na may hinihingi nga siyang mahalagang pabor sa akin.
"Spill it"
"Kasi next week uuwi yung kapatid ko galing Canada. Pwede bang ikaw yung mag-abang sa kapatid ko sa airport baka malate kasi ako. You know, my friend set me up in a blind date so I can't say no." paliwanag niya. Nagaalangan naman akong tumango sa kaniya. Mabuti nalang ay wala akong masyadong gagawin next week. Nakapagpaalam narin ako sa boss ko doon sa cafe na pinagtratrabahuan ko na hindi ako papasok sa mga susunod na linggo dahil nalalapit na yung exam namin. "Thank you talaga Kenny" malapad ang ngiti niyang ani at niyakap ako ng mahigpit.
"Nandiyan na si Ma'am!" sigaw ni Lassy, dahilan para magsiayos ng upo kami ng mga kaklase ko.
"Can you shut up Lassy" maarteng sambit ni Impyerno habang inaayos ang uniporme niya.
"Paano ko sila masasabihan na andito na si Ma'am kung tatahimik ako?" nagtatakang ani ni Lassy.
"Just shut up! Okay?" nandidilat ang matang ani ni Impyerno, kunwaring zineper ni Lassy ang bibig niya at tumingin sa harapan kasabay nang pagpasok ni Ma'am Suzy.
"Good Morning Class" sambit ni Ma'am Suzy na masigla namang sinagot naming magkakaklase.
"Get your books and open to page 60" kinuha ko ang libro sa bag ko ngunit aksidente kong nasagi ang ballpen ko. Yumuko ako para kunin iyon, napako ang paningin ko sa isang wrapper na nahuhulog mula sa ilalim ng desk ni Luke. Nanliliit ang mata kong tiningnan ng maagi ang wrapper na iyon. Teka---singbilis ng kidlat kong kinuha sa bulsa ko ang wrapper ng tsokolateng nakita ko kahapon sa desk ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ito. Yung wrapper na nahulog mula sa desk ni Luke ay kaparehong kapareho nitong wrapper ng tsokolateng nakita ko sa desk ko. Hindi pwede---Imposible---HAHAHA--Imposible!
~•••~
🐰Ff are on decision for Revision 🐰
[Third Person Point of View]
Nakapamulsang pumasok ng room ang binatang si Luke. Kapansinpansin ang taglay niyang kagwapuhan na tila nagpaliwanag sa buong kapaligiran. Kaswal siyang naglakad palapit sa kaniyang upuan. Binuksan niya ang kaniyang bag at may kinuhang tsokolate. Napalingon siya sa kaliwa niya at napatingin sa isang upuan. Dahan dahan siyang lumapit sa upuang iyon at inilapag ang tsokolateng kinuha niya. Pagkatapos niyang ilapag ang tsokolate ay agad niyang isinukbit sa balikat niya ang kaniyang bag at naglakad palabas ng room. Saktong pagkalabas niya ay nakasulobong ng binata ang isang kapwa niya manlalaro.
"Oi Luke! Papunta ka bang court? Sabay na tayo" alok ng lalaki at inakbayan ang binatang si Luke. "Mukhang good mood ka ngayon. Ang lapad ng ngiti. Naks! Nakascore ka ba?" mapanuksong ani ng lalaki kay Luke na ikinatawa niya habang umiiling.
"Gago! Napatrobol lang" natatawang ani ni Luke.
"Sa lahat ng natrobol ikaw lang yung tumatawa. Mukhang ibang trobol yang napasukan mo. Pasali ako sa trobol mo tol!" segunda ng lalaki.
"Ulol!"
©introvert_wizard
✒End of Chapter 05 : Friends and Insecurities Part 2