webnovel

French Kisses and Misadventures

If a "City of Love" can be found in Paris, France, How about you, Mr. France? Where will I find you? In which part of the continent will I see you? Napapatawa si Tannie sa tina-type nya habang nakaharap sa computer. Kaya biglang napalingon sa kanya ang boss nyang ubod ng sungit. Gwapo sana ito, kaso saksakan ng sungit. Hindi na siya magtataka kung tatanda itong binata. Sa totoo lang nagkagusto sya sa lalaki noon. Kinikilig pa nga sya sa tuwing makaka-usap sila. Pero nawala iyon ng sungitan siya nito. "Ms. Cruz, can you quit staring at me? I know my handsomeness is irresistible, but focus on your work. Pinapasahod kita para magtrabaho hindi pagpatasyahan ako." Mayabang na sabi nito sa kanya. Kaya't napataas ang kilay nya dito. Natuwa naman ito sa naging reaksyon nya. Kaya para hindi sya mabad trip napag-desisyunan nyang ituon na lang sa ginagawa. Mabuti na lang ay nawala ang pagkakagusto niya dito. Masyado siyang mayabang, mahangin at higit sa lahat gwapong gwapo sa sarili. "Ms. Cruz. Ilang beses ko ba sayong sasabihin. Mag-focus ka sa trabaho, hindi sa akin. Huwag mo namang ipahalatang patay-patay ka sa akin." Hambog na sabi ng boss niya, kaya narinig niya singhapan ng nasa paligid. Ang lakas ng confidence kung makapagbuhat ng sariling bangko. Hindi na nya pinansin ang mga pang-aasar nito. Paano, kaya ito? Deadline na nito sa susunod na buwan. Bahala na si batwan ang mahalaga ay matapos ko to'. Seryosong-seryoso nag-tatype si Tannie nang lumapit ang boss sungit ng kompanyang pinagtatrabuhan niya. Nagtataka man ay tinanggap niya ang folder na inabot sa kanya. "Boss Sungit, I'm mean boss. Ano ito? "Ginawaran muna nya sya ng matalim na tingin sabay sabing, "Force leave." "This is the tale of how I accidentally named him France." I tapped the enter. Do you believe in soulmate? IT'S The Tale of How I Accidentally Named Him France ••• TANNIE THORN CRUZ and FORESTER LOVESTO Read at your own risk.

theashandfire · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
9 Chs

Chapter Eight: Forester

Habang pinagmamasdan ni Tannie ang lalaki pero parang may humaplos sa puso niya. Isang pakiramdam na hindi dapat pero bigla nyang naramdaman, ang awa. Kaya marahan siyang lumapit sa lalaki at hinawakan ang kamay nito. Naguguluhan man ang lalaki sa ikinikilos ng inaakala niyang mommy kaya hindi nya na napigilan pang humikbi. Mahigpit syang yumakap dito habang walang tigil ang pag-agos ng luha nya.

Sa malayo ay tahimik silang pinagmamasdan ng babae. At hindi na rin nitong mapigilan mapaluha. Noong una ay pinagdududahan nya ang dalaga dahil baka isa na naman itong kalaban nila sa negosyo na nag-iispiya. Marami silang kalaban sa negosyo at pilit humahanap ng ikakasira ng pangalan nila.

Nagkamali man siya sa akala sa dalaga ay nawala rin naman iyon. Nakikita niya ang isang lungkot sa katauhan nito na pilit itinatago ng mapupungay nitong mga mata. Marami siyang nakita babae na higit na mas maganda dito. Kahit ang unang babae na minahal ng apo niya ay may kakaibang taglay na ganda. Pero isang bagay na hindi nya makita sa mga ito. Ang busilak na puso.

Mabilis tumalima ang babae para pumasok sa loob. Hinayaan na muna nya ang dalawa na mapag-isa. Sana ay pumayag ang dalaga sa kahilingan nya.

Tannie POV:

"You love me, mommy? " Agad naman siyang napabitaw sa pagka kayakap dito.

"I have a question. Why did you call me mommy? " Sa totoo lang ay naguguluhan sya sa ikinikilos ng lalaki. Kahit may ideya na siya ay hindi pa rin nya masasabing tama ang nasa isip niya tungkol dito.

"Because you are my mommy! " Masayang wika nito habang tumatalon talon sa harapan nya. Gustuhin man nyang mapangiwi ay sinabayan na lang nya ng awkward na tawa.

Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon. Sa totoo lang ay mas matangkad malaki sa kanya ang lalaki. Hanggang balikat lang siya nito. Matipuno ang pangangatawan kaya lubos siyang nagtataka kung anong nangyari dito.

"Oh! Tama na. Tama na yan. Mr. Green eye! " Awat nya dito dahil lingid sa kaalaman nito ay may napapansin syang mga tao sa malayo na nakatingin dito.

Hindi naman sa nahihiya siya sa ginagawa nito. Iyon lang ay hindi pare-pareho ang isip ng tao upang maunawaan ito.

Nakita naman nyang tumigil ito habang nagtatanong ang mga mata nito.

"I don't understand you, Mommy! " What does he mean that he can't understand me.

"Are you not a Filipino? " Sa totoo lang kung titingnan mo sya ng mabuti ay mukha talaga siyang hindi Pilipino. Wala sa itsura nya ang pagiging magkalahi namin.

"Asyha! Tara na! " Kaagad niyang hinuli ang kamay nito upang igiya na papasok.

Nag ngingiti naman ang lalaki habang sabay silang naglalakad papasok ng rest house.

Bigla siyang napa bitaw ng pagkakahawak sa lalaki nang makita nyang kalalabas ng isang kwarto si Mrs. Lovesto.

"Ms. Tannie! " Nakangiti nitong tawag sa kanya habang papalapit sa kanila. Kaagad nitong hinawakan ang apo para igiya papunta sa may sala. Sumama naman ang isa at sumunod sa lola nito para maupo sa sopa.

Sumunod na lang din ako sa kanila at napili kong umupo sa may tapat nila.

"Mrs. Lovesto. May I ask you some questions? " Natuwa naman ako ng tumango ito. Hindi gaya kanina na makikita mo ang talim ng mga mata nito. Nagugulat man ako ay isinantabi ko na lang.

"Is it okay po, if I ask you about your grandson condition-" Hindi ko pa natatapos ang tanong ko ay pinutol nya ito.

"Let's not talk about this. Not in front of Forester." I nodded at her, then looked at the man beside her that was currently looking at me.

"May I know his name po? "

"He is Forester Lovesto. One of my grandson here in the Philippines." So it means? May iba pa niyang mga apo?

"What do you mean po? "She didn't answer me, instead sadly smiled.

"It's okay. If you can't answer my question, Mrs. Lovesto. " I don't want her to think that I am crossing the line.

"It's alright. We can talk about that some other time. Maybe not today. " Napatango na lang ako sa sinabi nya. Habang pinagmamasdan ko sya ay makikita mo talaga sa kanya ang taglay na kagandahan kahit may matanda na sya. Base sa simpleng kilos at pananalita ay sumisigaw na hindi siya basta bastang babae lang.

"Anyway..." Nakabalik ako sa huwisyo, nakalimutan kong nakatulala na pala sa kanya. Inayos ko ang pagkakaupo ko bago ko itinuon sa kanya ang atensyon.

"Stop calling me Mrs. Lovesto. Tita Tanya is fine with me. "If that she wants, it's alright to me. "Hindi ko alam pero natuwa ako sa winika nya.

Napansin kong parang hindi mapakali si Tita Tanya kaya nagkusa na akong tanungin sya.

"Okay lang po, I'm mean is there anything wrong Tita? " Para kasi siyang sinisilihan sa pwesto nya.

"Can I trust you Ms. Tannie for looking my grandson for a while. I have an urgent emergency. I have to go now. " Nalilito man ay sumang-ayon ako sa kanya.

"Just have a long-patience to him. I will be back. I hope you know how to cook? "Tumango ulit ako. Nakita kong patingin tingin sya sa relo nya.

"Good. I don't want to leave the both of you but I have to go now. You don't have to worry about the food because the fridge is full. And about your safety, it's private. It may look like not but it is. I have to do this for my grandson's safety. "She seriously said to me before looking at the man beside her.

"Grandma, where are you going? "Tanong nito kay tita na parang bata ang tono.

"Grandma will have to do something, okay? But I will be back. "Hindi man sang-ayon ang lalaki ay mabagal na tumango ito bago lumingon sa akin na parang natatakot.

Teka, ano bang nangyayari?

Naguguluhan man ako ay mabilis kong nilingon ko si tita, "What's happening po?"

"I trust you about my grandson, Ms. Tannie. I would explain to you once I'll back. Anyway I have to go now. Don't worry I'll let one of my trusted person to look the both of you. "Kapagkuwan humarap muli sa apo nya. Hinawakan ang mga kamay nito upang pakalmahin. Mga ilang minuto bago napakalma ni tita ito.

Marahang hinaplos nito ang pisngi ng apo upang punasan ang mga butil ng luha nito. Napa iwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng matinding awa para sa lalaki at inis sa mga taong naging dahilan kung bakit ito nag ka ganito.

Hindi ko pa alam ang kwento ng lalaki pero base sa kalagayan niya ngayon ay matindi na masakit ang pinagdaanan nito. Sa kung paano ito kumilos, makipag-usap at ekspresyon ng mukha lalo ng mga mata nito ay masakit.

Iniisip ko pa lang pero parang hindi kami nagkakalayo ng nararamdaman. Magkaiba man kami ng pinagdaanan. Pero iisa lang ang pagkakapareho naming dalawa. Iyon ay labis kaming nasaktan. Na magpahanggang ngayon ay dala dala pa namin ang mga sugat ng nakaraan.

"You don't have to worry to my grandson. He's harmless, Ms. Tannie. " Iyon lang ang narinig ko bago sumara ang pintuan.

Hindi ko alam kung anong nagtutulak sa akin ay marahan akong lumapit sa lalaki at mahigpit na niyakap ito.

Rinig na rinig ko ang paghikbi niya at panginginig ng katawan nya. Alam ko, alam kong nahihirapan sya. Kasi sa totoo lang, mahirap talaga ang sitwasyon nya.

Hinayaan ko lang sya na ibuhos nya ang mga luha nya sa balikat ko. Hinayaan kong unti-unti ng ilabas ang mga pighati ng nararamdaman niya. Hinayaan ko ang sarili kong maging sandalan niya. Hinayaan ko...

Dahil iyon ang bagay na pinagkaitan ako, iyon ang ipakita ang kahinaan sa mga tao na hindi ako huhusguhan. Napapikit ako ng mariin upang pigilan ang nagbabadyang luha na papatak mula sa mata ko.

I see a monster

I see your pain

Tell me your problems

I'll chase them away

I'll be your lighthouse

I'll make it okay

When I see your problems

And chase them all away

Mahina kong kanta habang hinahagod ang likuran nya ng marahan. Napansin ko naman na bigla syang kumalma pero hindi sa pag-iyak sa balikat.

I'll chase them all away

You got a chance to see the light

Even in the darkest night

I'll be here like you were for me

So just let me in

It's okay, Forest. For now, malaya ka. Malayang malaya ka...

I see a monster

I see your pain

Tell me your problems

I'll chase them away

I'll be your lighthouse

I'll make it okay

When I see your monster

I'll stand there so brave

Malaya kang umiyak sa balikat ko. Hinding hindi kita huhusgahan...

I see a monster

I see your pain

Tell me your problems

I'll chase them away

I'll be your lighthouse

I'll make it okay

When I see your monster

I'll stand there so brave

Ipakita ang isa sa mga kahinaan mo. Dahil ang pag-iyak ay sumisimbolo ng katapangan...

Katapangang ipakita na nasasaktan. Kaya umiyak ka lang sa balikat ko. Hinding hindi kita... huhusgahan.

•••

Monster by Katie Sky