webnovel

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

si Aiserize ay isang top student, ngunit simula nang lagi ito binubully ni lucy wala siya ibang magawa kundi mag cutting para maiwasan si lucy. pumunta si Aise sa park nung araw na yun at dun niya nakilala si hiro na nag cutting din dahil wala itong ka interest interest sa pag aaral. pero si hiro ay isa rin na top student, at sa park nag simula ang kanilang kwento.

mxxaise · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
25 Chs

FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

"hoy!!! sinabi kong mamaya ka na pumasok. di pa ako nakakapag ayos" saad ko rito habang itinutulak ang pintuan, at tinutulak niya rin ito

puchangala, wala pa ako sa pag iisip kanina kaya ako naglakad dito sa pintuan nang marinig kong may kumakatok. at di ko naman namalayan na ganito siya kaagang pupunta rito

"wag ka na mag ayos" pang aasar nito, at binitawan na yung pinto. kaya agad kong nilock yung pinto at napa buntong hininga

"sabi ko sayo, wag mo na ako susunduin e. gusto ko mag exercise kada umaga okay? ganyan ka ba ka excited sa resulta ng exam?" saad ko rito na walang ka emosyon emosyon

"I'll wait for you~" saad nito na para bang wala siyang narinig sakin.

"huwaaah, sige. maliligo lang ako" saad ko habang humikab at kinamot ang tiyan ko, ang kati e. bakit ba

buti na lang talaga, di na niya pinilit na pumasok sa loob. changgalang yan di ko matukoy sarili ko kapag bagong gising ko

kinuha ko ang uniform ko, at pumasok na agad sa banyo. hmmghh nghhh ayaw ko maligo ang lamig puchangala. isinabit ko ang uniform ko sa gilid at nag umpisa na akong maligo.

"hoo... hoo" giniginaw kong saad. wala na akong oras para magpainit ng tubig, bwisit kasi yung lalaking 'to.

ilang minuto lang ay natapos na akong maligo, kaya ako'y nag bihis na. at after kong magbihis ay kumain lang ako ng pandesal na lamig na nasa lamesa. pagkatapos kong mag ayos ay isinuot na ang bag ko at lumabas na

"sorry, napatagal ba ako?" saad ko

"hindi naman, tara na" saad nito at nauna na itong bumaba. meron kasi ditong 3 step na stair sa harap

"nasan na kotse mo?" tanong ko rito

"pinaalis ko na sila, sabi mo gusto mong mag exercise" saad nito, habang naglalakad kami. nagbibiro lang ako nung sinabi ko sa kanya yun kanina, di ko naman alam na seseryosohin niya. hmkay fine

"okay lang ba sayong maglakad? pwede mo sila tawagin para ihatid ka" saad ko at lumingon ito sa akin

"hindi, mas prefer ko mag lakad" saad nito.

"hmm, naalala ko sinabi mo ayaw mong maglakad" pang aasar ko

"hmm... sinabi ko ba yun?" pagmamaang maangan nito

"ay hindi po" sarcastic kong saad

at biglang tumahimik ang paligid, siguro malalim na naman ang iniisip nito. ganyan siya lagi, aasarin niya ako at biglang tumatahimik

"na eenjoy kong maglakad kapag kasama ka" saad nito at pinakinggan ko lang ito dahil gusto ko marinig ang susunod na sasabihin niya

"mas gusto ko pang maglakad kesa sumakay sa kotse, dahil sayo" dagdag nito

"i am impatient, and i have not done something like this until there's 'YOU'. kahit simpleng bagay basta kasama ka, yung simple nagiging exciting" saad nito at nagsimula na naman ang puso kong tumibok ng mabilis

these feelings of mine have not been clear to me, i wanted to know what i really felt. but i'm still not sure

i hope feelings are just like math problems, even if it's hard i can still find a way to solve it.

"anong iniisip mo dyan, dalian mo mala-late na tayo" saad nito, at ngayon lang ako natauhan. hindi rin ako nakasagot sa sinabi niya kanina, dahil maraming pumasok sa isip ko nung sinabi niya yun. at masaya ako dahil i got to hear those word from someone, i suddenly feel appreciated

"dalian na natin, excited na rin ako makita yung result!" saad ko at binilisan ko ang paglalakad, dahil bigla bigla na naman akong namumula

ilang sandali lang ay nakarating na kami, at katulad ng inaasahan ko marami ng tumitingin sa resulta

"hoy, umurong kayo. nandyan na yung dalawang nasa top 5!" sabi ng isang estudyante at kagaya ng sinabi nito, umusog sila kaya naglakad ako kasama si hiro.

at nangpagkatingin ko, sobrang saya ko. dahil rank 1 si hiro, di ko alam kung inasahan niyang siya ang mangunguna sa top 100 kaya siya gumawa ng ganung bet

"congrats"

sabay pa naming saad. parehas kaming naging masaya sa resulta. kahit na medyo nagulat ako dahil nasa unahan siya, kahit na he never showed his interest at school but that's exactly kung bakit sa tingin niya boring ang school. kasi madali niya itong natututunan, ganyan din ang nasa isip ko nung una. but unlike me na kailangan talaga pumasok sa school para maabot ang pangarap ko

he really never failed to amaze me. lagi niya akong pinapahanga.

"pano ba yan, di mo naman ata nakakalimutan bet natin noh?" ngiting saad nito, at naalala ko na siya lang naman gumawa ng bet.

"ah, oo na. pumunta na tayo sa room" saad ko

"akala ko ba di mo pa nakakalimutan" sabi nito at sinundan ako sa paglalakad

"hindi tayo mag cu-cutting ngayon. pwede tayo umalis after class" saad ko

"buti na lang may lamang ako na isa sayo. nanalo pa ako sa bet" saad nito at tumigil ako sa paglalakad at isinarado ang kamay ko.

"hoy" pag tawag ko sa kanya at tumigil rin ito sa paglalakad niya

"kahit di ka rank 1, sasamahan pa rin kita kapag sinabi mong sumama ako. kahit na wala ka pa sa top 100, sasama pa rin ako sayo" saad ko kahit na feel ko namumula ako dahil sa sinabi ko, gusto ko talaga 'to sabihin sa kanya nung una. at masaya ako dahil nasabi ko rin ito

"hoy, bakit mo alam?" tanong nito sa akin at naglakad papalapit sakin at sinandal nito ang uli nito sa balikat ko

"yan ang gusto kong marinig galing sayo" bulong nito. at nagsitayuan ang balahibo ko ulo hanggang paa.

at agad naman akong umalis sa kanya

"aaaaaa, mala-late tayo. tara na aaaa >///<" saad ko at tumakbo habang di ko alam bakit ako sumisigaw

"hintayin mo 'ko" saad nito at tumakbo rin nang tumakbo ako

"Rize"

napatigil naman ako sa pagtakbo ng may tumawag sakin

"oh, ikaw pala" saad ko at lumapit kay seon

"congrats sayo, kahit di ka rank 1 ngayon ginalingan mo pa rin" ngiting saad ni seon

"yeah, thank you. e ikaw anong rank mo?" tanong ko rito at bigla naman napawi sa mukha nito ang ngiti niya kanina

"weird, dati alam mo kung anong rank ko" saad nito at bigla na namang ngumiti at tumingin sa ibang direksyon.

pero totoo nga, ang weird kasi kapag pumupunta ako dun kada Quarter tinitignan ko rin ang pangalan niya.

"Ise, tara na malalate na tayo" saad nito habang inaantok, ganyan sya lagi pag nakikita niya si seon. hindi man lang nagbabago

"congrats top 1" saad ni seon habang nakangiti.

"huwah?" nahihikab nitong tanong

"nasa rank 1,000 ka ba?" tanong ni hiro

"hindi, rank 54 ako" saad nito at narinig kong nagpigil ng tawa si hiro.

"hoy, tara na nga" saad ko. hinawakan ko ang kamay niya at hinila ito papaalis sa kinakatayuan namin

"wag mo na gagawin yun, nakakainsulto yun" naiinis na saad ko rito, kahit na naiinis siya kay seon hindi nya dapat tinawanan si seon. sa dinami rami ng estudyante, ang mapabilang sa top 100 ay ayos na.

"oh? sorry" saad nito at binitawan ko ang pag hawak sa kamay nito. mukha namang nagsisi siya sa sinabi niya kanina

at napabuntong hininga naman ako

"ok, dalian na natin. baka malate pa tayo" saad nito at bigla nitong hinawakan ang kamay ko

"hoy, bitawan mo kamay ko" namumula kong saad

"look who's talking. ikaw nga unang humawak sa kamay ko" pang aasar nito

"hoy, mali ang iniisip mo!" sigaw ko rito

"tignan mo ang aga aga, ganito ang nakikita ko" sabi ng teacher na lumakad sa harap namin

marami na pala ang nakatingin samin. agad kong tinanggal sa pagkakahawak nito sa akin, baka mapagalitan pa kami ng teacher.

"tumigil ka nga kakaasar!" saad ko at di ko na siya hinintay. bahala siya dyan mauuna na ako

sa wakas nakarating na rin ako sa room, nakakainis 'tong lalaking 'to. umagang umaga asar nang asar. well, whats new?

umupo na ako sa upuan ko, at kakapasok lang ni hiro sa pinto na naka ngisi. ano na naman kaya ang nasa isip ng lalaking 'to.

"magbebehave na ako" ngiting saad nito at umupo sa tabi ko

"as u should" saad ko at napabuntong hininga

"Aise, first time mong di mag rank 1 ngayon. natalo ka ni hiro"

"ano naman kung di na rank 1, mataas ang rank 2!"

"isa lang sobra ni hiro"

"narinig ko nung nalaman ni lucy na top 3 siya, nagwala siya"

"ang galing pa rin ni rize, nasa top 60 ako huhu"

usap usapan dito sa room habang nagsisilapit sila samin

"pwede bang, bumalik na lang kayo sa upuan nyo? you're making her uncomfortable" saad ni hiro na may malamig na boses, at agad naman silang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan

sinabihan lang sila ng isang beses ni hiro, bumalik na sila sa upuan nila. narinig ata nila na takot si lucy kay Hiro.

"thankyou" saad ko at lumingon ito sa akin na walang kaemosyon-emosyon

"kailangan mo rin gawin ang ginawa ko kapag ayaw mo sumagot sa mga katanungan nila" saad nito napabuntong hininga

"ok, masusunod po" saad ko at ngumiti sa kanya. at bigla naman niyang tinakpan ang bibig niya

at tumawa ako ng palihim. ang cute talaga niya

(A/N: basahin mo, habang iniimagine yung first meet nila at mga moments nila. para mas lalong dama hahaha)

hindi niya alam lagi akong nag eenjoy kapag kasama ko siya. kahit na tahimik lang siya kapag kasama ako sa library masaya ako dahil nandun siya, madali rin akong maboring pero kapag kinakausap niya ako nawawala ang pagkaboring ko. hindi ko rin namalayan na, nung umpisa pa lang na makilala ko siya. lagi na siyang nandito sa tabi ko