webnovel

Chapter 18

3rd person pov

isang batang paslit ang pilit na humahabol sa kanyang nakakatandang kapatid,sa isang makitid na tulay.

"kuya please hintayin mo ako,please"pilit siyang inaabot ng babae kahit may malakas na hanging puno ng alikabok na pumipigil sa kanya.

"kuya wag mo akong iiwan" lumingon ang lalake at ngumiti bago ito biglang naglaho.

napunta ang isang babae sa madilim na lugar,nasisinagan laman ng maliit na liwanag sa kalagitnaan,kung saan siya makikitang nakaupong humihikbi.

napalibutan siya ng mga taong itinuring niyang pamilya pero natatakpan ng anino ang kanilang pagmumukha looking down on him.

"you will never be your brother,you useless brat"

"hindi!!"

biglang napabangon si yunya sa kanyang higaan at napansing umaga na.

"makikita niyo, pababagsakin ko ang bagong ko-coronahan"kaagad tumayo at nagbihis.

tumingin sa kalendaryo"may one month pa ako bago hirangin ang susunod na pinuno sa clan oras na nakamit ko ang tamang reputasyon, hahamunin ko ang isinumpang clan na iyon, patutumbahin ko kayo at ipapakitang mali ang baluktot niyong paniniwala, sisirain ko ang tradisyon niyo, hindi ako titigil hangat di kita napapaluhod ama!!".

tinignan niya ang papel na puno ng schedule"just stick to the plan,well phase one,simulan na natin".

pag labas ng kuwarto ay naka pila na ang mga babaeng may hawak ng pana.

nagalakad siya na parang heneral at nag utos.

"archers patamaan niyo ang mga dummy ng halos isang daang beses sa gitna, ikaw niiya turuan mo sila ng tamang posture" sambit nito sabay naglakad sa mga defender or shielder"now practice stance ihanda sila silva,gusto kung lumakas ang puwersa nila para madepensahan ang mga umaataking halimaw" ang mga pulutong ng muscle bound na babae ay tinulak ang napakabikat na training weight.

kinuha kaagad ni yunya lahat ng info na nakalap niya sa gagawing exploration.

pinag aralan ito at gumawa ng plano.

tinignan ang quest.

A rank quest.

Slay the paralyzing salamander.

with the help of this quest his reputation will boost.

at nilapitan ang bagong salta sa team na isang healer"vica alam kung bago ka palang pero nagtitiwala akong magagawa mo ang plano, nakataya sa iyo ang success nito"sabay hawak balikat ng tauhan.

"eksaktong isang oras mula ngayon magkakaroon tayo ng agahan kaya kailangan tapos na mga pinagagawa ko at umabot na sa tama stats niyo!!"

pagdating ng kainan,kaagad nilantakan ni niiya ang mga handa at nag burp ng napakalakas.

"di ka parin talaga nagbabago niiya ugaling kalye ka parin"ani ni silva.

"bakit may problema ka,ano square tayo"sa dami ng kinain biglang naisuka niya ito sa kausap.

"yuck kadiri ka talaga kahit kailan"sagot ni silva at inumbagan ang may sala.

"pasensiya na hindi ko sadya"sagot ni niiya at nagsipagtawanan ang mga kababaihan sa commotion.

habang nakangiti lang sa isang tabi si vica,naiisip na lahat sila dito sa grupo  ay mga dating minaltrato ng mundo,mga bayaran,pulubi o alila pero sa pagkakataong ito naranasan nilang tangapin at magkaroon ng direction ang kanilang buhay.

"ano ang tawa tawa mo diyan ha"pabirong sabi ng dalawang nag-uumbagan.

"wala"sagot ni vica at gustonh lumayo.

"halika nga dito" ngunit isinama siya sa harutan.

mga ilang minuto lang ay naghanda na ang party para sumabak sa exploration sa isang A class dungeon.

sa simula ng dungeon puno ng mga middle level na halimaw.

pinangunahan ito ni yunya bago lumusob"ok team,simulan na natin ito exactly one day ang itatagal ng mission base sa kalkula ko,kaya tapusin na natin kaagad!!"itinaas ang espada at sabay-sabay lumusob ang lahat, para ma execute na ang plano at mabilis matapos ang dungeon.

samantala si kc naman ay nag aalmusal sa bahay nila edgar.

habang masayang inaabutan ng pagkain ang bagong gising palang na si edgar.

"kuya ito na po ang paborito niyong ulamin pinaghirapan po namin iyan"ani ng mga ampon niya.

"salamat sa araw araw niyong pag aasikaso sakin"sabay itong kinain.

"salamat din pa sa pag aaruga sa amin kahit na palaboy lang po kami"sagot ng mga ito.

ngumiti si edgar"wala iyon pangako di ako mag sasawang mag alaga sa inyo".

sabay siyang niyakap"salamat po,mahal po namin kayo"bangit ni adeli at mga kasama niyang pulubi.

"mahal ko rin kayo o kumain na kayo sabayan niyo na kami"ani ni edgar.

"Baka wala na pung matira mamayang hapon kuya,dahil sa sobrang takaw ni botchog"sabay tangi si botchog na hindi pa nakakapagsalita dahil sa sobrang bata kaya umiiling lang sabay masayang tumawa ang boung pamilya.

sa saglit na iyon napayuko si kc at naalala kung paano niya itinuring ang kanyang kapatid niya.

habang depress siya nung panahong dahil iyon sa namuong galit sa pagka-alipusta,nag kulong siya sa kuwarto para ilayo ang sarili sa iba.

minsang pumasok ang kapatid niya habang siya ay naglalaro ng games ay inalis nito at siya ay pinagsabihan dahil sa pag aalala.

sa galit kinuha niya ang game console at inihampas ito sa kapatid niya"hindi kita kailangan iwan mo ako mag-isa, umalis ka dito!!"sigaw niya.

nasabi sa sariling"di ko man lang nagawang maging kuya sa kapatid ko".

bigla siyang kinalabit ng mga bata at naibalik siya sa kasalukuyan habang sa malalim na pag-iisip.

"kuya ayos lang po ba kayo ang lalim ng iniisip niyo"tanong ni adelie.

"oo ayos lang ako wala ito,edgar mauna na ako"ani niya sabay naglakad papalabas.

dahil siya ang naka tokang magpataas ng repustasyon ngayong araw at pahinga ni edgar.

dumiretso sa guild pagdating doon ay tinawag siya ng baabeng nasa counter na si kristel"kc kamusta na"nakangiting bati nito sa kanya at alam niyang di pala bati ang binata kaya hindi niya na hinintay ang sagot nito"sa kasawiang palad,matumal ang delivery mo ngayon hintay ka muna diyan".

at nag hintay siya ng mga customer na magpapadeliver sa trabaho niyang dungeon delivery,habang iniisip na nasa 3200 na ang kanilang reputasyon.

samanatala at dumating din ang grupo nila yunya sa boss room ng dungeon isang malaking mala igloo dome na kuweba.

napansin nila ang napakalaking itlog doon.

"tulad ng nasa info,Niiya pakitignan nga kung kompleto pa ang gamit"

"opo big sis nandito pa po ang mga traps,ration at delivery spell signal"sagot ni niiya.

"kayong mga nasa likuran formation, defenders mag matiyag at harangan ang mga paparating"

"count on us big sis,hey niiya pustahan pag mas marami akong napatumaba sa iyo ako ang kakain ng ulam mo"hamon ni silva habang fully defence.

"umasa ka pa", at naghanda narin si niiya ng kanilang mga pana.

"base sa info may ten minutes pa bago dumaan dito ang malaking salamander,ikabit niyo na ang mga traps"lumingon siya sa healer na si vica"pag may nasaktan kailangan mu silang pagalingin kaagad"utos niya.

"ito ang first important duty ko,gagawin ko lahat to wont screw it up"sagot ng kabadong si vica.

"tandaan ninyo importanteng mapatay na natin ang salamander bagi dumating ang asawa nito na naghanap pa ng makakain base sa info"paliwanag ni yunya.

ilang minuto lang dumating na ang salamander.

"ngayon na! ang mga patibong"

biglang sumabog ang lupang kinatatayuan ng halimaw at nahulog ito sa malaking butas.

"mga defenders gumamit ng earth magic"utos ni yunya sa mga nasa harapan na may hawak na malalaking shield pumapaikot sa butas at tinabunan nila ito ng buhay.

pero kaagad lang umahon ang halimaw

gumawa ng malaking yelong lumulutang na matatayuan nang boung grupo si yunya,upang mapalayo sa salamader sa ilalim.

pinaulanan naman siya ng magical fire arrows ng mga archer at napuno ng usok ang paligid.

ngunit ng matapos ang atake tanging balat lang ng halimaw ang nandoon.

"nasaan siya"ani ng grupo.

biglang nasa itaas ng ceiling ng kuweba ang halimaw at mabilis nitong binuka ang bungaga para lumapa.

sinubukan itong depensahan ni yunya upang maprotektahan ang mga kasamahan,kaso nagawa itong masira ng halimaw sa lakas ng bite force.

nakain nito si niiya sa pag atake kasama na ang lahat ng kanilang kagamitan.

"magbabayad ka!!"sigaw ni silva at inatake ng walang pag aalinlangan ang halimaw sa galit.

"huwag!!"ani ni vica at sinundan ang kaibigan para matulungan.

kaso lubhang mas malakas ang salamander hindi kinaya ng pinagsamang ginawang depensa ni silva at magical cast ni vica at malalamon na sila.

hinarang ni yunya ang atake gamit ang bloke ng yelo,nagawa niya itong mapigilan ngunit natamaan siya ng laway ng halimaw.

"hwaaaa!!!"sumigaw siya sa sakit dahil sa ability ng halimaw na internal burn parang sinusunog ang lamang loob ng natamaan.

"pagalingin natin si big sis agad"sigaw ni vica at mabilis niya itong nilapitan para e-heal.

ngunit sa sindak tumakas at nagsitakbuhan ang iba nilang kasamahan,dahil sa takot at nasira ang battle plan at formation ng boung grupo.

kaagad na lumusob ang halimaw sa nahihirapang si yunya na wala pang magawang depensa like a sitting duck.

paglapit dito ay kaagad inactivate ni yunya ang strongest blade thrust niya at ininda ang sakit para maka-atake.

isinalubong niya ito sa papalapit na salamander.

kaso dahil sa panghihina bumagal ang atake niya at hindi tumama,nawasak ng bou ang direksiyon ng natamaan ng mahika ni yunya.

dahil sa nakitang lakas nasindak ang halimaw at dumistansiya, piniling unahin ang mga tumatakas.

may mga nakatakas na iba ngunit may naubutan ang halimaw,nilamon niya ito at isinara ang lagusan.

at nilantakan ang mga nakuhang pagkain.

"big sis mukhang wala na tayong lalabasan"ani ni silva.

"makakalabas pa kaya tayo ng buhay"dag dag ni vica habang hiniheal si yunya.

"ibigay mo saakin ang malaki mung shield silva"ani ni yunyang determinado parin.

"anong plano niyo sis?"tanong nito.

"mag tiwala lang kayo,di pa dito matatapos ang lahat"sabay kinabit ang shield sa likuran niya.

"anong maitutulong namin sis"dag dag ni vica.

"atakihin niyo ako sa likuran ng pinakamalakas niyong mahika"paliwanag ni yunya.

"sigurado po ba kayo"tanong nag dalawa.

tumingin lang ng seryoso si yunya at sinabing"gawin niyo na".

nag cast ng pinakamalakas na spell si vica at sinuntok naman ni silva ang shield sa likuran ni yunya gamit ang mahika.

naitulak nilang dalawa si yunya at napabilis ang acceleration upang mahiwa ang boung katawan ng halimaw.

at mabilis na napahandusay si yunya dahil sa iniindang sakit.

"kunin niyo na ang mga nakaing kagamitan sa loob ng katawan ng halimaw"utos nito.

mukhang nalusaw na ang halos mga ito kasama ng katawan ni niiya na nanlumo sila sa makita pero kailangan nilang magpatuloy.

ang tanging nakuha nalang nila ay ang delivery signal spell.

naisipan nilang lumabas na sa kuweba ngunit habang naghuhukay sa mga butas na sinara ng halimaw.

may naramdaman silang may paparating pang nilalang.

kaagad silang nagtago at napansin isa rin itong salamander.

ang asawa ng napaslang nila.

nang makita ng salamander ang namatay na asawa nito ay nag ingay.

nagwala at nagsimulang hanapin ang may sala.

"itong signal nalang ang magagamit natin,kailangan na nating humingi ng tulong"ani ni silva.

hindi sumang ayon ang nanghihinang si yunya"hindi ako pumapayag na himingi ng tulong, isa yung kahinaan,kaya ko pa ito ,kung wala na kayong tiwala maari na kayong dalawang umalis".

sinubukan niyang tumayo kahit hirap na hirap kaso nawalan siya ng malay.

kinuha kaagad ni vica ang spell at inactivate.

"vica anong ginawa mo?"ani ni silva.

"pasensiya na kay big sis,pero kailangan nating siyang mailigtas dito,siya nalang ang natitira sa atin"sagot nito sabay nag utos na ng maliit na piraso ng hangin senyales na magpapadeliver sila ng kagamitan.

dali daling nakapunta ang senyales sa guild gamit ang magical air bell.

"kc meroon ka ng trabaho pumunta ka sa isang rank a dungeon, dalhin mo ang mga hininging kagamitan"ani ng guild lady na si kristel.

"rank A mission medyo mahirap iyon para sa isang newbie magicless na magdedeliver"ani ng mga tao sa paligid ng guild.

kaagad kinuha ni kc ang idedeliver at sinimulan na ang paghahatid.

"sa wakas isang boung araw kung hinihintay ito at kanina pa full charge ang relo"ani sa sarili at mabilis niya itong pinindot at nag anyong roller blades.

tumalon siya at lalo itong napataas dahil sa magnetic force ng sapatos.

at dumikit siya sa pader at gamit ang gulong nag roller skate.

ubod ng bilis ang pag usad ng gulong ng sapatos habang nakadikit sa mga pader ng bahay at patuloy siya sa pag talon at mabilis itong dumikit sa mga malulundagan, paglabas niya sa siyudad patungong dungeon sa mga puno naman siya dumaan.

sa loob ng kuweba pinipilit hinaan ng boung grupo ang kanilang presiyensiya habang hinahanap sila ng pang amoy ng salamander.

habang nanghihina si yunya naisip sa sariling"Hindi puwedi ito,hindi lang hangang dito ang paghihigante ko"habang gigil na gigil sa sarili.

chapter end