webnovel

LARAWAN

Don Silvestre Reyes - Claudeth Hamgram

Harold Reyes

Mark Carlo Reyes 19y/o

Henry Reyes

John Enrique Reyes 19y/o

Jannah Anika Reyes 19y/o twin ni Enrique

John Edward Reyes 17y/o

Hommer Reyes

Daniel Primo Reyes 20y/o

Claudeth Reyes 17y/o

friend's Silvestre

*Ma. Anna Delos SAntos-Joselito Da Vinci

Albert Da Vinci

Ma. Katryn Da Vinci 19 y/o

*Rossana Dela Torre- James Scotts

Andrew James Scotts

Elizabeth Scotts 20y/o

Elisse Scotts 18y/o

*Ma. Rivina Isadello - Macario Samaniego

Macario Samaniego Jr.

MaryDale Samaniego 18y/o

Atty. Lizandro Lopez

Marco Lopez 18y/o

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Don Yvez, sigurado na po ba kayo na kukunin nyo na ang mga bata?"

"Anong ibig mong sabihin sigurado, Lizandro?" nakakunot ang noo ng matanda.

"Kasi ang babata pa po nila para malayo sa magulang nila. Okay lang po si Marydale kamamatay lang ng mga magulang nito pero sila Kathryn, Liza at Elisse . Lumaki po silang okay naman po ang kinabubuhay nila" paliwanag nito.

"Nakausap ko na ang mga magulang nila tatlo. at kita naman sa mga ito na willing silang ibigay ang kanilang mga anak sa akin. Si Albert mas iniisip nito ang kapakanan ng anak dahil lumaki na itong brusko dahil walang ina kinagisnan. Iniisip rin niya ang kinabukasan ng anak kaya tama lang na mapunta sa akin si Kathryn. Sina Liza at Elisse, nakakaawa ang mga batang iyon. Maaaring nakakaangat sila sa buhay pero kulang naman sila sa pagmamahal. Ni walang oras ang kanilang magulang at nang sinabi natin ang sadya natin ay walang pag-aalinlangan ibinigay nila ang kanilang mga anak".

"Pero Don, ang bata pa nila para mamulat sa gusto nyong manyari at isa pa po iba-iba sila ng kinalakihan at ugali. Paano nyo po sila pagsasamahin sa isang lugar kung hindi sila magkakasundo?"

"Hindi ba dapat hanggang bata palang ay mahasa at maturuan na sila ng tamang pag-uugali? at kung hindi man iyon naibigay sa kanila ng magulang nila ako ang magbibigay sa kanila. Kaya nga habang bata pa kailangan nila magsamasama para hanggang maaga magkakasundo na sila!" nakangiting sabi ng don.

"Pasensya na po kung kinu-question ko po ang mga plano nyo!" nakayukong sabi ni Lizandro.

"Ok lang iyon iho, hindi ka na rin iba sa akin. Lahat ng maliliit na bagay na pinagdedebatihan natin ay naaliw ako. Malaking naiitulong nito sa akin sa bagay na pinaplano at pagdedesisyon ko. Hindi ka na rin iba sa akin simula ng mamatay ang mga anak ko sa isang aksidenteng sinadya para pasakitan ako ay tinuring na kitang anak. Kaya sana huwag mo rin ituring na iba ang mga bata pianbabantayan ko sayo. Hindi lang sila basta batang babae sa akin malaking magiging parte nila sa buhay ng mga apo ko!"

"Salamat po, Don Ybez!" nakangiting sabi ni Atty. Lizandro.

"Kamusta na pala ang program at mga taga pagbantay na binigay ko sa bata?"

"Okay na po na orient na po sila at naibigay na rin ang mga program sa bawat isa. Mga ilan oras na lang po ay dadarating na mga bata sa West Heights at makikilala na nila ang bawat isa!"

"Very good, sige na I know you want to spend the rest of the day to your son. Ipapatawag na lang kita kung sakali kakailanganin kita!" pagtataboy niya rito.

Salamat po!" yumuko ulit ito at tumalikod.

Pagkarinig ng Don ang paglapat ng pintuan ay agad siya pumunta sa study table niya at may kinuha sa pinakailalim ng lamesa nito. Isang lumang box na naglalaman ng importanteng bagay. Nang buksan ng ng Don at kinuha ang lumang larawan na nakatago doon.

"Anna, Rosa, Maria... salamat binigyan nyo ako ng pagkakataon tuparin ang napag-usapan natin noon. Humihingi lang ako ng kunting tulong sa inyo. Tamang gabay lang para maisakatuparan ang napagkasunduan natin . Huwag kayong mag-aalala hindi ko sila pababayaan!" sabay pahid ng luha ni Don Yvez.

itutuloy.....