webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
56 Chs

Subtle Rivalry

Pumasok sila sa bahay- kubo at nadatnan nila sina mang Liam at Wonhi na masayang nagkukwentuhan.

"Really? Is it okay for me to swim there?" excited na tanong ni Wonhi sa matanda.

"Of course! That waterfall is within this property so you can enjoy without minding some prying eyes," nakangiting sagot ni mang Liam sa kanya.

"Even if I swim naked?" pilyong tanong ng binata. Naibuga ni mang Liam ang iniinom na tubig sa sinabi niya kaya nag- apologize siya sa matanda.

"Crazy kid! No wonder you and my son are best friends. You're both lunatic," umiiling na sabi ni mang Liam na tinawanan lang ni Wonhi.

Nagulat ang dalawa ng makitang papasok sina Jei at Archie. Napasulyap si Wonhi sa magkahawak na kamay ng dalawa saka nag- angat ng mukha at ngumiti ng bumati ang magkasintahan.

"Hi, 'tay! Hi, kuya!" bati ni Jei sa dalawa. Nagmano sila sa kanyang tatay. Nakuyom ni Archie ang kanyang mga kamay ng makitang kaswal na pinisil ni Wonhi ang ilong ni Jei saka ginulo ang kanyang buhok.

"Hi, po tito!" bati rin ni Archie saka nagmano sa matanda. Tumango lang siya ng bumaling kay Wonhi na tinanguhan lang din siya.

"What brings you here?" tanong ni Wonhi sa dalaga.

"I actually wanna go horseback riding. Luckily, he's giving me company," sagot ni Jei. "Tay, kami na po ni Archie ang magluluto ng tanghalian natin."

"Aba'y magandang balita yan!" nakangiting sabi ni mang Liam saka bumaling kay Wonhi.

"You know... I really like his food. He cooks like a pro," very proud na sabi nito sa binata.

"Si tito talaga..." sambit ni Archie pero nasiyahan siya tuwing pinupuri siya ng matanda.

Ngumiti din si Wonhi. "Really? Can't wait to taste his food and judge how good he really is?" saad niya. Nakangiti man ay hindi nakalampas sa tainga ni Archie ang sarcasm sa boses nito.

"Wait until you taste them," nakangiti rin ngunit may bahid ng panghahamon na sagot ni Archie.

"Alright! We have to go," saad ni mang Liam kay Wonhi at umalis sila patungo sa may palaisdaan. Panay pa rin ang kwentuhan ng dalawa habang naglalakad.

"Are you enjoying here so far?" tanong ni mang Liam kay Wonhi na naglilislis ng pantalon. Kinuha niya ang panungkit sa matanda at pumwesto sa may pilapil.

"Yeah... I love it here, to be honest, tito. I am not sure exactly but... life here is better than I anticipated," nakangiting sagot ni Wonhi.

"Hmmm... good to know that you're having fun!" masiglang saad ni mang Liam habang pinapanood si Wonhi na nanghuhuli ng isda.

"Careful, son! You might fall into the water again... just like the last time!" ani ni mang Liam ng humakbang pasulong si Wonhi.

"Opo tito!" sagot ng binata. Saka siya masayang humihiyaw ng sunod- sunod na makahuli siya ng limang tilapia. "Wooooooo! At last... I got you!"

"Well done!" nakangiting sambit ni mang Liam habang tinatapik ang balikat nito.

Napalundag si Wonhi sa tuwa ng makakita ito ng mga malalaking kabibe sa ilalim ng fishpond. "Clams... I see clams, tito!" masayang saad nito.

"Yeah~ do you want to get some? Maybe... we can have it for lunch!" saad ni mang Liam.

"Really?!" excited na tanong ng binata.

"Sure. Archie's clam dishes are superb!" sagot ng matanda. Biglang napaisip si Wonhi saka umiling.

"Tito... on second thought, maybe we can eat clams next time. I really wanna see the waterfalls," sabi ni Wonhi.

Napangiti ang matanda sa sinabi nito. "No problem. Do you want company?" tanong niya.

Umiling ulit si Wonhi saka sinabing, "I think, I can manage, tito!"

"Okay. I will just show you the way and then leave you to enjoy," sabi ni mang Liam.

"Thank you po. After lunch, tito, I wanna go there," sabi ni Wonhi habang pabalik sila sa bahay- kubo dala ang mga kumakawag na mga isda sa balde.

Samantala, sa may parang ay nag- eenjoy sina Jei at Archie sa pangangabayo.

"Hah! Ang kupad mo pa rin kahit kelan," nakangising sigaw ni Jei kay Archie habang pinapatakbo ng matulin si Draco.

"Kala mo lang yun," sagot ng binata saka pinalo ang likod ni Hunter kaya kumaripas ito ng takbo hanggang sa maabutan niya si Jei.

"Not bad!" saad ni Jei ng makarating sila sa lilim ng punong acasia. Pinainom at pinakain nila ang kanilang kabayo bago sila umuwi sa bahay- kubo para maghanda ng tanghalian.

"Tay, asan si kuya Wonhi?" tanong ni Jei sa ama ng mapansing wala ang modelo sa paligid.

"Ah... may tumawag sa kanya. Parang Koreana ... ewan," sagot ni mang Liam. Nacurious si Jei kung sino man ang tumatawag kay Wonhi dahil alam niyang may NO DISTURB policy ito: "If not a matter of life and death, NEVER bother me." Ayon sa kuya niya, ang sinumang lumabag sa kautusang ito ay may mabigat na parusa or di kaya ay matatanggal sila sa kanilang mga trabaho.

"Sino kaya yun?" tanong niya sa kanyang isip habang naggagayat ng dalawang puting sibuyas saka siya nagdikdik ng bawang at luya.

Samantala, sa likod ng bahay ay galit at nag- aalala si Wonhi habang tumatawag.

"Ya... Mi Rae! Ul-eum-eul meomchul! Museun il-i iss-eossneunji malhae," sigaw niya sa umiiyak na dalaga. (Hoy... Mi Rae! Huwag ka nang umiyak! Sabihin mo kung anong nangyari.)

"Geu neun na reul sarang haji aninda!" umiiyak na sabi nito. (Hindi na niya ako mahal!)

"Museun sori ya?" takang tanong ni Wonhi. (Anong pinagsasabi mo?)

Lalong napahagulgol si Mi Rae habang ikinikwento na cancelled ang kasal niya dahil nalaman niyang may ibang kinakasama ang kanyang nobyo. At mag- iisang taon na siyang niloloko nito. Nakuyom ni Wonhi ang kanyang mga kamay sa sinabi ni Mi Rae.

Napabuntong- hininga ito ng sabihin ni Mi Rae na gusto niyang umuwi ang binata sa Korea. Tumanggi ang binata pero nagpromise siyang babalik siya sa Korea after a month.

"Geokjeong hajima, Mi Raeya! Himnae!" tanging nasambit ni Wonhi sa dalaga. (Don't worry, Mi Rae. Cheer up!)

Samantala...

"Tapos ka na dyan?" tanong ni Archie pagkatapos linisin ang dalawang malaking tilapia. Tumango si Jei bago niya ibigay ang mangkok na naglalaman ng mga spices.

Nag- umpisa nang magluto si Archie ng paksiw. Mabango at nakakatakam na hangin mula sa ginigisang sibuyas, bawang at luya ang bumalot sa kusina ng bahay kubo.

"What's that?" takang tanong ni Wonhi ng salubungin siya ng masarap na amoy.

"Paksiw!" sagot ni Archie sa kanya.

"What?"

"It's a fish stew seasoned with vinegar, onion, black pepper and so on," tugon ni Jei habang pinapanood nila si Archie na nagluluto.

Pinagkrus ni Wonhi ang kanyang mga kamay saka nagtaas ng kilay. "Hmm... at least, it smells delicious!" tanging komento nito. Napangisi si Archie sa sinabi nito.