webnovel

Chapter 13

Chapter 13 : Sorry

Ilang minuto na nanatili nakayakap sa akin si Caden. For a moment I felt like he doesn't even want to let go. Pero bakit? Habang yakap niya ako , nalulunod naman ako sa kakaisip ng mga bagay bagay. At kung ano ba talaga ang papel nito sa buhay ko. Hanggang saan kami aabot sa sitwasyon namin ngayon.

"Pwede mo na siguro akong bitawan?."

Hindi siya agad nagsalita pero bumitaw rin kalaunan.

"Be careful." tanging saad niya bago ako iwan at bumalik sa ginagawa. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa maging abala na ulit ito sa ginagawa. Napagbutunghininga ako sa hindi malamang dahilan.

Sa takot na maulit ang nangyari kanina ay mas pinili ko na lang maupo na muna. Kinain ko ang nakuha habang nanatiling wala sa sarili. Kalahating minuto ang lumipas at nakatanggap ako ng tawag mula kay Troy. Nag-alangan akong sagutin baka naman kasi mamaya si Daniel na naman pero sa huli sinagot ko parin kasi kahit na anong dahilan ko gusto parin ng puso ko na makausap ang lalaking nanakit sa akin.

"Akala ko hindi ka sasagot." bungad sa akin ni Troy. Hindi ko alam kung dismayado ba ako dahil hindi ito si Daniel.

I just sigh.

"Ba't ang lalim? Hindi ko pa nga nasasabi sayo ang bad news mukhang bad mood ka na. Alam mo na ba?."

Bigla akong na-alarma sa sinabi niya.

"Bad news?."

"Hindi mo pa alam?."

"Alam ang alin?."

"Mag-isa ka lang ba diyan?."

Nagtaka ako sa tanong niya.

"Bakit?."

"Gusto ko lang makasiguro. Baka kung anong mangyari sayo."

Ano bang sinasabi niya? Napakasama ba talaga ng balitang dala niya para may mangyaring masama sa akin.

"What is it? Deretsuhin mo na ako , Troy."

"Okay. Pero kalma ka lang ha."

"Ano ba kasi yun?." naiinis kung tanong.

"Cassey is pregnant. Two weeks. Daniel is the father."

Mahina ang boses niya pero parang bigla akong nabingi at walang marinig.

"Ha?." tanging nasabi ko.

"Buntis si Cassey. Dalawang buwan. Si Daniel ang ama." ulit niya.

Kahit sa pag-ulit niya parang hindi parin ako makapaniwala sa narinig.

"Anong sinasabi mo?."

Dalawang buwan?  What does that mean?

"Ang totoo. May nangyari sa kanila noon pa at nagbunga iyon."

A ringing echoed in my ears.

"Please Troy. Wag mo akong binibiro ng ganiyan."

I heard him sigh. "I wish I could but I can't. Iyon ang nalaman ko. Hindi ko alam kung alam na rin ba ng mga magulang mo. Ayaw ko na sanang sabihin sayo but you have the right to. I have proofs here. Ipapadala ko sayo."

Pinatay nito ang tawag. Nanatili naman akong nakatulala sa kawalan habang parang sirang plakang paulit-ulit ang sinabi niya sa isip ko. I don't know what I should felt. Ni hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

My phone beep. Natanggap ko agad ang ipinadalang mga litrato ni Troy. Kalakip noon ang sonogram mula kay Cassey. May mga larawan rin niya kasama si Daniel kung saan nasa isang klinika sila.

Habang nakatitig roon ay hindi ko na lang namamalayang tumutulo ang mga luha ko. I thought I'm fine. I am. Pero sa dulo , hindi ko pa rin kayang tanggapin. Lalo na sa nalaman ko ngayon. Cassey is pregnant. At may nangyari sa kanila noon pa. They didn't tell me about it. Matagal na nila akong niloloko kung ganoon at hindi nila sinabi. Pinagmukha nila akong tanga.

Bumibigat ang dibdib ko. Sobrang sakit ng panloloko ni Daniel sa akin at ngayon buntis pa si Cassey. I thought we will going to be okay but it's not. I'm not. Hindi ko kayang tanggapin. Sobrang sakit.

"Avery?."

Mabilis ang naging pagtayo ko at pagbaba. Hindi ko na pinansin ang tawag ni Caden at nanakbo palayo hanggang saan ako dalhin ng mga paa. Hindi ko alintana ang hindi pamilyar na lugar at patuloy lang sa pagtakbo.

Nang makarating ako sa isang masukal at tahimik na lugar ay doon ako naupo at umiyak ng umiyak. Sumasakit ang puso ko sa tindi ng pag-iyak na ginagawa ko. I wish I have something else to do to ease the pain but sadly ever since all I could do is cry. Mabuti sana kung sa pag-iyak kung iyon ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ko pero hindi e. Mababawasan lang saglit pero sa bawat pagkakataong maalala ko ang nangyari ay muling manunumbalik ang lahat ng sakit na para bang sobrang bago ng lahat ng nangyari. I keep on bleeding no matter how hard I try to heal myself kasi lahat ng taong mahal ko patuloy akong sinasaktan. And it sucks!

I cried and cried. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa kakaiyak. Kung sana. Magiging masaya pa ako kung sakaling mangyari iyon. Pero sobrang swerte naman ata nila at ako pa talaga ang mawawala. I don't deserve it. They do. I don't deserve the misery but I still end up the one miserable.

Hours have passed and I just let all my tears flowed down. Hindi ko alam kung anong oras na ng ma-realize ko ang sarili kong tumigil na sa pag-iyak. Nakaupo lang ako sa lupa at yakap yakap ang mga tuhod ko habang humihikbi. Basang basa ang pisngi ko sa luha na hindi ko inabalang pahirin.

The pain didn't lessen but I feel numb. I can't feel my senses. Lutang na lutang ako but still I manage to find my way back to the house. Hindi ko nga alam kung paano dahil naligaw pa ako noong una. Doon ko lang din napansin na mababa na ang araw , malapit na rin palang mag-gabi. Lumilipas ang oras ng hindi ko namamalayan.

"Scarlette?."

Automatikong tumigil ang mga paa ko ng makita si Daniel sa labas ng mismong bahay ni Caden.

"Scarlette."

Lumapit ito sa akin habang nanatili akong nakatulala.

"Pwede ba tayong mag-usap?." hinawakan niya ang aking kamay at matamlay ko rin itong tinitigan.

Bigla akong nakaramdam muli ng bigat sa loob ko. Ayoko ko man pero nagsimula na ring manubig ang mga mata kong hindi na napagod sa kakaiyak dahil sa isang lalaki.

Baka ay nalaman niya na alam ko na ang pagkakabuntis ni Cassey.

"Scarlette... Sorry. Sorry." paulit-ulit niyang saad.

Sorry? Para saan? Para sa kasalanan niya? Sa paraan ng pagkakasabi niya totoo nga ang sinasabi ni Troy. Hindi iyon biro.

"Sorry?."

Maraming salita ang gusto kong isumbat sa kaniya.

"Sorry? Really Daniel? Sa dami ng salita , sorry? Anong magagawa ng sorry mo? You lied to me again and again. You cheated on me! You betrayed me! Higit sa lahat sa kapatid ko pa!."

Sobrang bigat na ng loob ko kaya hindi ko na maiwasang sumigaw sa galit.

"At ngayon pupunta ka rito para sa isang walang kwentang sorry mo? Fvck that sorry of yours!."

"Scarlette —

Naputol ang kaniyang sasabihin ng sampalin ko siya ng dalawang beses sa magkabilang mukha.

"Ang kapal ng mukha mo."

Kasabay ng galit ko sa kaniya ay ang matinding pag-iyak.

"Gusto ko namang sabihin sayo ang totoo pero natatakot ako na baka mawala ka sakin. Scar , mahal kita. Mahal na mahal kita."

Pagak akong natawan. "Mahal? Mahal mo ako? How could you possibly love me and cheat with my sister at the same time? Anong klaseng pagmamahal yan?."

"I was just tempted. Hindi ko naman sinasadyang mangyari iyon."

"Hindi mo sinasadya pero nabuntis?." Sarkastiko akong natawa.

"Scarlette. Sorry , please. Patawarin mo na ako. Bumalik ka na sakin , tuparin natin lahat ng mga pangarap nating dalawa. Bumuo tayo ng sariling pamilya."

Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Umalis ka na. Wag mong hintaying ipapakaladkad kita." huling saad ko sa kaniya bago ito iwan sa labas. Hindi ko na sinigurado kong umalis nga ba talaga siya at deretsong tinahak ang loob ng kwarto.

"Avery?." sumalubong sa akin si Caden. "Where have you gone? Halos apat na oras kang nawala nang hindi man lang nagpapa-alam. Palagi mo akong pinag-aalala. I don't like that habit of yours."

I don't know why but again I found myself crying. Sinugod ko siya ng mahigpit ng yakap at sa kaniya muling umiyak. Parang mas dumoble pa ang mga luha ko sa tindi ng pagbuhos.

Nagbutunghininga ito at yinakap ako pabalik.

"Mas nakakabuti kung sasabihin mo sa akin ang problema mo. Nakakasama kong sasarilinin mo lang lahat."

Sa halip na magsalita ay mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kaniya.

"Nasasaktan ako Caden." parang bata kong sumbong sa kaniya. "Sobrang sakit..."

"Sorry."

Hindi ko alam kung para saan ang paghingi niya ng paumanhin.

"I'm sorry. I'm sorry if I can't do anything to ease that pain. Hindi ko alam kung paano. But pain is part of our life , Avery. No matter what our reason is to not to get pained , still we end up getting hurt kahit pa ayaw natin kasi parte na iyon ng buhay natin bilang tao. We are human and we are destined to get hurt. What matter is how we cope to that every situation. I want to help. I badly do. But I don't know how and I don't know if I'm enough to heal your pain. Kung karapatan rin ba ako."

Sa haba ng sinabi niya ay tumigil ang mga luha ko pero nanatili ang mga kamay kong nakayakap sa akin na para bang ayaw ko ng bumitaw.

Hindi na siya nagsalita pa at yinakap na lang ako na para bang iyon na lang ang tanging paraan para matulungan niya ako sa dinadala kung bigat.

Matapos ang pagda-drama ko ay nahihiya akong humingi ng paumanhin. Mula kasi ata ng magkasama kami ay wala na akong ginawa kung hindi ang perwisyuhin siya sa mga drama at sarili kong problema.

"Sorry." nahihiya akong nakayuko.

"There's nothing you should be sorry of but still I don't like you running away alone. Mapapahamak ka sa ginagawa mo. I don't like it."

"Sorry na talaga. Hindi na mauulit."

Pinunasan ko ang pisngi ko at huminga ng malalim para kahit saglit ay gumaan ang loob ko.

"Bumaba na tayo. Wala ka pang tanghalian."

Hindi agad ako sumunod sa kaniya sa paglabas dahil sa pag-aalalang baka nandiyan pa sa labas si Daniel.

"Umalis na siya." nang sinabi iyon ni Caden ay nakahinga ako kahit papaano. Wala sana akong ganang kumain pero ayokong magdrama na naman kay Caden kaya pinilit kung magpanggap sa sarili ko na ayos na ako.

"Avery?."

Sa gitna ng pilit kung pagtulog ay ang pagtawag ni Caden. Tumagilid ako at sinulyapan siya. Nakaupo ito sa gilid ng kaniyang kama at nakatingin sa gawi ko.

"Gusto mo bang pag-usapan ang nangyari?."

Gusto ko man pero mas pinili kong wag na lang dahil baka iiyak lang din ako sa huli. Ayoko ng umiyak. Nakakapagod na. Muli akong tumalikod at ipinikit ang mga mata ko kahit walang kasiguruhan kung kaya ko bang ipagpahinga ang sarili ko sa kabila ng sakit na nanatili sa puso ko.

"Good night , Scarlette."

Dahil mas gusto kong Avery ang tawag ng mga tao sa akin rito sa lugar , madalang lang rin akong tinatawag nito sa una kung pangalan. Ayokong tawagin nila ako sa pangalang iyon dahil naaalala ko ang nakaraan ko. But when I hear it from him parang may kakaiba sa kaniyang paraan na sa halip na magpapabigat ng loob ko ay mas nagpagaan pa.

Muli ko pa siyang sinulyapan at naabutan itong nanatiling nakatitig sa akin. He smiled at me. Something in which that assures me everything will fall just right.

Kahit papaano ay nakatulog ako na nabawasan ang bigat sa loob ko. Akala ko paggising ko kinabukasan ay mas maayos ang pakiramdam ko pero isang malaking pagkakamali ang akala kong iyon dahil nagising akong mukhang lalagnatin dahil sa sakit at bigat ng katawan ko. Hindi ako bumangon at nanatiling nahiga sa kama habang sa isip ko ay sinisisi ko na naman sina Daniel at Cassey sa mga paghihirap ko.

Sa ibang banda ay naiinis rin ako sa sarili ko dahil kahit na anong sakit ang binibigay sa akin ni Daniel , makalipas lang ang ilang oras , I'm into him again. Hindi parin ako maka-move on na maka-move on. Kahit na anong subok ko , parang hindi ko talaga kaya sa pagkakataong ito.

"You okay?." naramdaman ko ang presensiya ni Caden sa gilid ko.

Ayokong magsinunggaling kaya iling ang naging sagot ko.

"What do you feel? Do you want to go to a hospital?." umiling ulit ako

"Masakit lang ang puso ko. Nothing to worry."

Sa totoo lang gusto kong matawa sa sinabi ko. Biglang ang drama ko na naman.

"Hindi makakatulong kong nakahilata ka lang riyan."

"What could help then?." hindi ko parin ito sinusulyapan. Tinatamad ako. Walang lakas.

Mula ng magulo ang perpektong relasyon namin ni Daniel na akala ko ay panghabang-buhay na , unti unti na  ring gumuguho ang perpekto kong buhay. Nawawala ang lakas ko na dating si Daniel ang nagdadala. At tuluyang gumuho ang natitirang pag-asa ko sa nalaman.

"A walk."

"Mas gusto ko rito sa loob."

"You'll just feel more miserable."

"Matagal na akong miserable , Caden."

"Dahil hinahayaan mo ang sarili mong maging miserable." pangaral niya.

"Kahit na anong iwas ko para hindi. I still end up with the same state. Hindi ko kayang umiwas."

"Kung hindi mo kayang umiwas. Matuto kang tanggapin ang lahat. Avery , hindi sa lahat ng pagkakataon ay may tao kang masasandalan lalo na sa ganitong pagkakataon. Hindi sa lahat ng panahon ay may taong handang nandiyan para samahan ka sa pag-iyak at pagiging miserable mo. Kung mayroon man wag mong hintaying magsawa sila sa kakapayo sayo. You need to learn. Grow up and accept things. Walang panghabang-buhay. Lahat nagbabago. May dumadating at aalis kinabukasan."

"Sinasabi mo bang nagsasawa ka na sa kakatulong sa akin?."

"No. Pero tatlong taon lang tayo magkakasama. Kahit papaano ay gusto kong sa loob ng mga taong iyon ay matutulungan kita dahil iyon naman talaga ang unang plano natin diba?."

I glanced at him. Sa sinabi niya ay muling nanumbalik sa akin ang lahat ng mga bagay na nagtulak sa aming dalawa para pasukin ang isang bagay na imposible sana para sa aming hindi man lang lubusang kilala ang isa't isa. Muli kong napagtanto ang unang plano ko kung bakit ako narito sa lugar na ito. It's been days since I've been here. But still I'm not sure if I've got the progress I want. Isang araw pakiramdam ko naka-move on na ako pagkatapos ng isang araw , hindi na naman. Ang labo.

Caden and I  are friends and he's doing his best to help me despite the fact that we're mere strangers before.

Isang malalim na butunghininga ang pinakawalan ko bago bumangon. Nagpaalaam ako sa kaniyang maliligo. Nauna na rin siya sa baba at hihintayin ako sa kusina. Mabuti na lang rin at pagkatapos kung makaligo ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

"May tinawag na emergency ang mommy ni Caden kaya binilin niyang hindi ka niya masasamahan sa umagahan." bungad sa akin ni Mang Rene ng makababa ako. Naka-alis na si Caden.

Ano rin naman kayang emergency ang nangyari sa kanila? Nauna na lang rin akong nag-agahan.

Buong araw ay nakatulala ako sa salas at walang magawa. Gusto kong aliwin ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon pero hindi ko alam sa kung paanong paraan ko ito gagawin. I'm completely out of mind. Parang bumalik ulit ako sa una.

"Hi!."

Napukaw ako sa pag-iisa ng may pumasok sa loob ng bahay. I remember her. She is the daughter of the barangay captain I meet few weeks ago. Hindi ko nga lang naalala ang pangalan niya.

Her smile vanish when her eyes landed at me. Mag-isa lang ako ngayon dahil nasa farm si Zach at Zarah habang namalengke si Mang Rene para sa tanghalian mamaya. Hindi parin bumabalik si Caden.

"Nandito ba si Caden?." tanong niya at sinuyod ng tingin ang bahay.

"Wala." tipid kung sagot. Bumalik sa akin ang kaniyang tingin. Hindi ko rin ma-alis ang tingin sa kaniya.

"Where is he?." pagsasalita niya ng Ingles kahit halatang hindi naman siya karunungan.

"May mahalagang nilakad."

"Oh?." tumaas ang kaniyang kilay at ako naman ang sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. Naalala kong sinabi niya noong mas maganda raw siya sa akin. Saang banda?

"Mag-isa ka lang rito?."

"Yeah." tipid pa din ang mga sagot ko dahil hindi rin ako komportable sa pakikipag-usap sa kaniya.

"May dala kasi sana akong hopia para kay Caden. Paborito kasi niya to." tila nanghihinayang niyang saad at nakanguso pa.

"Pwede mo namang iwan. Sasabihin ko sa kaniyang nagdala ka."

"Okay."

Iniwan niya ako para ilapag ang dala niya sa kusina.

"Nga pala. Kahapon , may lalaki kasing nagtanong sa akin. Mukhang kakilala mo. Daniel ata ang pangalan. Magka-ano ano kayong dalawa?." natigilan ako sa sinabi nito. I don't know why she is asking about him.

I didn't answer her. Tinitigan niya ako at hinihintay ang sagot ko.

"Ex mo ba siya?."

Still I don't know any reason for her to ask that question nor me to answer it. Ano bang pakialam niya sa buhay ko?

"Hoy! Ba't di ka sumasagot? Nagtatanong lang naman.."

"May kailangan ka pa ba? Kung wala na , makaka-alis ka na."

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya bigla at ayokong makagawa ng eskandalo dahil lang pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako. I can sense that she like Caden and clearly she doesn't like me at all.

"Grabe naman. Pinagtatabuyan mo na ako? Ganiyan ba talaga kayong mga lahi mo. Porket nasa probinsiya kami ay pinapa-alis niyo na agad? Grabe , ang sama mo naman."

Nagpunta ba siya rito para maghanap ng away?.

"I don't mean any bad to. Hindi rin kita pinagtatabuyan pero hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo sa akin."

Mas tumaas pa ang kaniyang kilay. Pumapangit siya lalo.

"Nagtatanong lang naman ako ah. Alam mo ikaw. Una pa lang kita ko sayo , alam ko ng masama ang ugali mo. Mabait si Caden , wag mo siyang dinadamay sa masamang asal mo."

Hindi ko na mapigilang hindi magtaas ng kilay.

"Excuse me?."

"At mukhang hindi pa kayo tapos noong ex mo. Niloloko mo lang ata si Caden."

Mabilis akong tumayo at pinadapo sa kaniyang makapal na pisngi ang palad ko. Nagulat siya sa ginawa ko.

"I'm trying to be nice to anyone. Pero sumusobra ka na. Wala kang alam sa mga pangyayari sa buhay ko kaya wala kang karapatan para sabihan ako ng mga salitang imbento mo lang. At pwede ba , wag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi para sayo. Masyado kang mapapel!."

"At sinong nagbigay sayo ng karapatang sampalin ako?!."

"You did! The moment you insult me! Ang kapal rin naman ng mukha mo para sabihin sa akin ang lahat ng mga sinasabi mo. You know nothing!."

Rage and anger eat me up. Naiirita ako lalo sa kaniya dahil magkatulad na magkatulad sila ni Cassey na pilit pumapapel sa mga taong wala naman silang karapatan.

"Abay! Wala ka rin namang karapatan para sampalin ako ano!."

Nagulat ako ng bigla niyang hinila ang buhok ko. Mas lalo lang tuloy akong napuno at hindi na maiwasang sabunutan rin siya. Sa totoo lang , noong makita ko sina Daniel at Cassey na magkasama gusto ko ring manabunot ng ganito para lang makaganti ako kahit papaano kaso masyado akong mabait sa mga panahong iyon kaya hindi ko nagawa pero ngayon nakahanap ako ng mapapagbuntungan ng galit ko.

"Aray!."

Hindi ko na inalintana ang gulong aabutin ko sa away na ito. Siya naman ang nagsimula kaya matuto siya. Wala akong balak na tigilan siya kung hindi lang dumating si Zach at inawat kaming dalawa.

"Erika! Anong ginagawa mo?."

"Yan e! Sinampal ba naman ako." maluha-luha niyang sumbong. Arggg! Mas lalo akong naiinis.

"Totoo ba iyon , Avery?." baling naman sa akin ni Zach.

"She insulted me first!." dahilan ko naman.

"Wala naman akong ginawang masama.." drama niya at naiiyak kunwari kahit halatang peke. Sarap niyang sabunutan ulit!

"Avery—

"I'm not at fault here." putol ko rito.

"Isusumbong kita kay Mama!." singhal sa akin noong Erika at nanakbo palabas ng bahay.

"Bakit mo naman siya inaway?."

Hindi ko pinansin si Zach at padabog na muling naupo at inayos ang magulo kong buhok.

"Naiintindihan kong may pinagdadaanan ka. Pero Avery , wag ka namang mandamay ng ibang tao."

Napatingin ako kay Zach. For a moment I realize I've gone too far. Nadala ako sa emosyon at bigat ng loob kaya nagawa kong makapanakit. Napagbuntungan ko pa ng galit ang ibang tao. Sigurado namang hindi gusto ni Erika na insultuhin ako pero masyadong makitid ang pag-iisip ko sa pagkakataong ito kaya naisip ko agad na may masama siyang ipinapahiwatig.

"Sorry.."

I know I've come too far. Nadala lang din ako ng galit.

Muli akong nagmukmok sa loob ng kwarto at nakatulala na naman sa kawalan. Iyon na lang ata ang magagawa ko para maiwasang madamay ko pa ang ibang tao sa pagiging miserable ko lalo pa at kahit na anong mangyari. Sa huli ako parin ang may kasalanan at masama. Palagi naman.