webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
36 Chs

Chapter 28

Chapter 28

WARNING: Slightly SPG

Gus

"Hanggang sa makumbinse ko sina Mommy. I won't stay there longer than a week."

"A week?" That's long enough. Hanggang tatlong araw lang ang pinakamatagal na hindi ko siya nakita. At ngayon ay magiging isang linggo na yata. Pero wala naman akong magagawa, di ba? He needs to be there. Alangan namang igapos ko siya sa tagiliran ko para lang hindi siya makaalis. Gustuhin ko man maging selfish, hindi maaari.

"Eh, kung sumama na lang kaya ako sa'yo?"

"What? No!" Nagulat ako sa reaksyon niya. Medyo lumakas ang boses niya at malalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Kalaunan ay natauhan naman siya at ngumiti sa akin. "Busy ka kasi this week. Bukas nga lang ang mahabang off mo. What I mean is you don't need to accompany me. Uuwi rin naman ako kaagad."

"I'll miss you, honey. Kaya gusto kong sumama sa'yo. But it seems like ayaw na ayaw mo kaya huwag na lang." Nagtatampo ako. I was bothered by his reaction. Ayaw niya ba akong ipakilala sa parents niya?

"Honey, hindi naman sa ayaw ko. It's just that, we're both busy. Lalo ka na," aniyang tumayo pa at lumapit sa akin. Nagtungo siya sa likod ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. He kissed the top of my head.

"Nagtatampo ako pero naiintindihan ko naman, hon." I closed my eyes at ninanamnam ko ang halik niya sa ulo ko. One of my weaknesses pagdating kay Chan ay ang pagiging sweet niya sa akin. Alam niya kung paano ako lambingin. Kaya hindi ko makuha ng magalit ng lubusan.

"Don't worry, isasama kita sa susunod sa Pilipinas." Tiningala ko siya.

"Talaga ba?"

"Yes. Kaya huwag ka ng malungkot. Okay?" I smiled. Yumuko siya at hinalikan ako sa mga labi.

"Okay," ani ko at muling ngumiti ng matamis sa kanya. Pagkatapos niyang haplosin ang pisngi ko ay muli siyang bumalik sa upuan niya.

"You should eat these. Pinaghirapan ni Madessa ang mga 'yan."

"Syempre naman! Pasalamat ka hindi ako tumataba kahit kain ako nang kain."

"Kahit ikaw pa ang pinakamataba, wala akong pakialam. Mamahalin pa rin kita ng buong-buo." Humagikhik ako. Bakit naman hindi? Ang napakagwapo kong boyfriend, pinapakilig na naman ako.

"Totoo," aniya.

"Alam ko. Sinabi mo na 'yan."

Nagbibiruan pa kami habang tinatapos ang pagkain. The foods are so delicious. Wala akong masabi sa luto ni Madessa.

"Are you staying for the night?" Nagta-tsaa na kami habang nanonood ng television nang tanungin niya ako. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Nakasandal ako sa kanya habang siya naman ay nakaakbay sa akin.

I often stay at his house whenever I want to. He stays alone dahil stay out naman si Madessa at palagi niya akong inaaya na mag-overnight dito. But we slept in different rooms. Katabi ng guestroom na palagi kong inuokupa ang kwarto niya. Sa mahabang taon na relasyon namin, he never initiated that kind of thing. Kahit ako man ay ganoon din. We both wanted to do it the night after our wedding. Kaya naman hanggang make out lang kami.

"Yes. Kung okay lang naman sa'yo." Bigla niya akong tiningnan.

"Bakit naman hindi? Besides gabi na at hindi ka pwedeng bumiyahe ng ganitong oras."

Natigilan ako. Naalala ko na naman ang nangyari sa akin one year ago. Muntikan na akong madukot ng isa kong stalker. Hindi na bago sa akin noon ang may mga nagpapadalang bulaklak at mga regalo. May mga sulat rin akong natatanggap na binabasa ko. I always find time to read them at natutuwa akong mabasa ang mga nilalaman ng mga iyon.

Hanggang sa isang araw ay may matanggap akong sulat galing sa isa kong fan na naghahayag ng pag-ibig. I was flattered at first subalit ang pangalawang sulat ay kakaiba na. Pawang mga kabastosan na ang nababasa ko. From that day on, I banned his letter. Akala ko tuluyan nang titigil ang taong iyon but I was scared that I night.

I attended the ball that time. Na late ng punta si Chan dahil may business meeting pa siya so I went there with my bodyguards. I didn't know na doon ko pala makikita ang stalker kong obsessed sa akin. The spoiled brat son of Senator Wilson Smith, Vhong Smith. Of course I know him. Sino ang hindi nakakilala sa isang anak ng senador na walang ibang ginawa kundi ang bigyan ng sakit ng ulo ang ama?

Laging laman ng balita si Vhong Smith dahil sa mga kapilyohang ginawa nito. Nalaman kong siya pala ang stalker kong bastos nang malingat ang mga bodyguards ko. Vhong introduced himself to me at ayokong matawag na bastos sa harap ng maraming tao. I accepted his handshake and drink he offered. Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman ko na lang ang pagkahilo ko. I went to the comfort room without telling my bodyguards.

Nahihilo na ako nang biglang hinaklit ni Vhong ang braso ko. Napasandal ako sa dibdib niya.

"Why you didn't wrote me back?" He evilly whispered near my ear na nagbigay ng pangit na pakiramdam sa kabuoan ko.

"You're making me horny, sweetheart. I could feel your softness pressed against me." Napaiyak ako dahil sa nakakatakot na boses niya. Kinaladkad niya ako papunta sa likod ng hall. Ngunit hindi natuloy ang masama niyang balak nang maramdaman ko na lang ang paghaklit ng kung sino mula sa likuran ko. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

My boyfriend told me na binugbog daw nila si Vhong. Nagkagulo nang gabing 'yon. Nakarating sa media ang nangyari at kahit anak pa ng senador si Vhong, nakulong pa rin siya. Laking pasasalamat ko sa nobyo ko at nakita niya ako kaagad. Hindi naman niya pinalampas ang tatlo kong bodyguards. Tinaggal niya sa trabaho at pinalotan. Mula noon, lahat ng mga regalo at sulat mula sa mga fans ko ay idinadaan muna sa manager ko. Ayaw na naming maulit uli ang nangyari sa akin kung kaya't hindi na ako lumalabas kapag gabi na walang kasama.

"Nasaan nga pala sila?" Tanong ko habang nilinga-linga ang paligid. Ang mga bodyguards namin ang tinutukoy ko.

"They're outside. Don't worry kumain na sila."

"That's good."

"Inaantok ka na ba?"

"Yeah," ani kong muling inihilig ang aking ulo sa balikat niya.

"Gusto mo sa kwarto ko na lang ikaw matulog?"

I looked at him. Is he serious? "And why is that?"

"You know, ilang araw akong mawawala. Mamimiss kita ng sobra. So, why not treasure this moment? Us, being together."

"Okay. But you know your limits, Channing!"

"Yeah, yeah! I remember that." I don't know pero parang nahihimigan ko ang panlulumo sa tinig niya. Hindi ko na makita ang mukha niya dahil niyakap na niya ako ng mahigpit.

"Tulog na tayo?" Aya niya sa akin.

"Okay."

Pinatay niya ang television at magkaakbay kaming umakyat sa 'taas. "I'll take a bath first." Paalam ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng silid niya.

"Sure." He kissed me first before I turned around smiling. I will be sleeping beside him tonight at natutuwa ako dahil doon. He will be leaving soon at nalulungkot ako sa ideyang hindi ko siya makikita nang maraming araw. I choose to wear my silk black pajama na iniregalo niya sa akin noong second monthsary namin. Matagal na pero palagi kong sinusuot. This is one of my very comfortable sleepwear he gave me.

Habang nagpapatuyo ng buhok ko, hindi ko mapigilang isipin ang kabi-kabilang project ko. May panibagong movie na naman akong pagbibidahan. Next week will be our script reading. After that, may tatlong commercial na naman akong kailangan e-shoot bago magsimula ang filming ng bago kong movie.

I consider those as blessings pero may mga panahon ring magsisisi ako. Hindi sa hindi ko mahal ang trabaho ko kung hindi dahil sa nakakapagod ang ganitong routine ng buhay ko. I love what I am doing but I couldn't help to ask for a peaceful life. Pero hindi mangyayari iyon kung narito ako sa show business.

But leaving the limelight will make my heart ache. Mas matimbang ang kagustuhan kong manatili sa karera ng buhay ko ngayon. Ni hindi nga ako naghirap na makapasok sa Hollywood. Tapos iiwan ko lang basta-basta? Hell no! Maraming nagnanais na maging Hollywood Actress pero kokonti lang nagtatagumpay. Kaya nang may lumapit at nag-alok sa akin upang gawin akong artista, I immediately accepted the offer.

I could still remember that time when I was singing in a hallway on our school campus. A sophisticated woman came near me. Nagpakilala siya sa akin bilang isang talent manager. And she offered me a job na ang akala ko ay hanggang pangarap na lang.

Mommy Anita urged me to be her talent. Nagustuhan raw niya ang boses ko but later on she discovered my greatest talent, ang umarte. Kaya imbes na singer ay pinag-artista na lang niya ako sa Hollywood which was I gladly accepted.

Sa una ay hindi pumayag ang mga magulang ko. Labis-labis ang pagtutol nila sa desisyon ko. Mabuti na lang at nakumbinse sila ni Mommy Anita but on one condition. Kailangang makapagtapos ako ng pag-aaral. Hindi ko naman sila binigo.

I finished Political Science in NYU. At kailangan ko pang mag-aral ng Law para maipagpatuloy ko ang pag-aabogasya ko. Pero hindi pa sa ngayon. Saka na kapag maluwang na ang schedule ko.

Once I finished combing my hair, nagwisik pa ako ng pabango bago lumabas ng silid. Hindi na ako nag-abalang kumatok sa pinto ng kwarto ni Chan. Iyon naman ang palagi kong ginagawa. Amoy na amoy ko agad ang pabango niya nang tuluyang makapasok sa loob. But I couldn't see him.

"Honey?" I called.

"Yes, hon! I'm here." He's still in the shower.

Hindi ko na siya sinagot bagkus ay sumampa na ako sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko. I decided to open my Instagram na miminsan ko lang ginagawa.

Hindi na ako nagulat sa bilyon-bilyong likes at comments sa latest post ko. Picture namin ni Chan iyon, together. Kuha iyon nang magtungo kami sa Maldives para magbakasyon. Nakaharap kami sa karagatan habang nanonood ng sunset. We're facing the camera while he hugged me from behind. Nakahalik siya sa sintido ko habang nakapikit. Habang ako ay masayang nakangiti sa harap ng camera. Looking at the picture, hindi maipagkakaila kung gaano ako kamahal ng boyfriend ko.

Ang ikalawang larawan namin ay nagpalit kami ng posisyon. He faced the camera while smiling and eyes twinkling. While I hugged him from behind and kissed his temple with my eyes closed. One of my greatest vacations with him.

"What are you doing?" Nagulat ako sa baritonong boses na iyon.

"Nariyan ka na pala!" Nakahiga na siya sa tabi ko. Mamasa-masa pa ang buhok while wearing his white t-shirt and gray pajama.

"Kanina pa, honey. Ano ba'ng ginagawa mo at panay ang ngiti mo d'yan? Hindi mo na 'ko napansin." He glanced at my cellphone at napangiti rin nang makita ang tinitingnan ko.

"Gusto ko 'to." sabi ko na muling ibinalik ang tingin sa pictures namin.

"Who? Me?"

"Hindi noh! Our pictures of course." Sisimulan ko na sanang basahin ang mga comments nang wala na akong marinig na tugon mula kay Chan. Kaya nilingon ko siya.

"Hey," untag ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa kisame at parang ang lungkot-lungkot niya. "What's wrong?" Pinatay ko ang cellphone ko at ipinatong sa tabi ng lampshade. Umusog pa ako palapit sa kanya at pinaharap ko ang mukha niya sa akin.

"Hon? What's wrong?" Muli kong inulit ang tanong ko sa kanya nang hindi pa rin niya ako sagutin. Nakatitig lang siya sa akin. Bakit ba ang gwapo-gwapo niya?

"Hindi mo na ako gusto?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Kaya matagal akong hindi nakasagot sa kanya. "Where did it came from?" Hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi ko gusto na nag-iisip siya ng ganoon. He didn't answer. Nakatitig pa rin siya sa akin na may lungkot sa mga mata.

"I love you." I told him. "Kahit manligaw o pumarada pa si Channing Tatum, si Cody Christian, si Michele Morrone at si Sebastian Stan sa harap ko, ikaw pa rin ang magugustuhan ko. Ikaw ang pinakagwapo, pinakamabait, pinakamalambing at pinakamamahal ko sa buong mundo."

Mas lalo yata siyang natameme sa sinabi ko. Mas lalong lumalim ang titig niya sa akin. Ngunit napabalikwas ako ng bangon ng walang ano-ano'y kiniliti niya ako sa tagiliran. My weakest part of my body.

"Ah! Hahaha!" Tili ko nang hindi pa rin siya tumigil. "Stop it!"

"Damn, honey! You just shaken up my heart."

Natigil lamang ako sa paghagikhik nang tumigil ang mga kamay niya sa pag kiliti sa akin. Ngunit ang paghawak niya ay unti-unting napalitan ng mabining paghaplos-haplos sa baywang ko. Hanggang sa dahan-dahan siyang dumagan sa akin.

Nagkatitigan kaming dalawa. My heart is beating faster nang bumaba ang mga labi niya sa aking mga labi. Para akong nakarating sa ibang dimension nang maramdaman ko ang mga labi niya. Kusa akong pumikit at pinaikot ang mga kamay ko sa batok niya. He never fails to feel me this way. Ang kakaibang sensasyong hindi ko maramdaman sa tuwing kahalikan ko ang kung sino mang leading man ko. Sa kanya ko lang naramdaman ang kiliti at ang sensasyong hindi ko mapangalanan.

I kissed him back. Hanggang sa lumalim ang halikan namin. Nagsimulang lumikot ang mga kamay niya. Humahaplos at pumipisil sa baywang ko, sa dibdib ko at maging sa mga hita ko. He opened the buttons of my upper silk pajama. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, pababa sa punong dibdib ko.

"Hmmm.." I moaned when he cupped my breast.

Author's Note:

I am really sorry for my super late update. Ngayon lang po bumuti ang pakiramdam ko. I can't update kung pumipintig sa sakit ang ulo ko. Good thing at okay na ako. Thanks God and thanks to my doctor. 🙏

I hope you like it at sana patuloy n'yo pa ring subaybayan ang story nina Gus, Hec at Chan.