A/N: Heto na! Simula na ang aksyon. Lol
Lei's POV
"Good morning mga pangit!" Masiglang bati ko sa mga minamahal kong kaklase.
Lahat ng mata sa akin nakatingin. I can't blame them. Ganda ng umaga nila dahil nakita nila ko. Ganda ko eh.
"I was expecting you to sulk and cry in the corner but there you are, mukhang good mood na good mood ka. May nangyari ba?" Bumalandra si Fina sa harap ko nang makaupo ako.
I just shrugged. Bahala yang Franco na yan sa buhay niya. Break kung break! Magsama sila nang malanding babae niya. Ang dami dami pang lalaki sa mundo. Hindi na ko magsasayang ng luha sa kanya. Sapat na ang isang araw para magmove-on. Strong ituuuu.
"Taga-kabilang section pala si Janus?" Napalingon ako kay Glessy na umupo sa tabi ko. Nakatingin ito sa may pintuan kaya sinundan ko ang tingin niya. Nasa hallway si Janus, nakatambay. Parang gusto ko tuloy siya tanungin tungkol sa mga napag-usapan namin ni blue eyes. Nakalimutan ko din kasi itanong kung anong pangalan nito.
"Makatitig naman. Type mo din?" pang-aasar ni Fina. Napatingin lang naman ako.
"Magpaparaya ako, Lei. Sumaya ka lang. Sa'yo na si Janus," pagdadrama pa ni Glessy. Isilid ko 'to sa sako eh.
"Basta Lei ha, seryosong usapan. Kahit anong palusot niyang ni Franco huwag na huwag mong babalikan. Tadyakan na talaga kita," mariing paalala ni Fina.
Sa chat lang kami nag-break. Wala pa sa personal. Self, huwag tayong marupok.
"Hoy, Lei. Yung boyfriend mong pangit nasa labas," tawag sa akin ni Elliot. Tapos nakaharang siya kay Austin. Mahirap na baka mag-ala The Hulk 'tong si Austin at sugurin si Franco. Riot yan for sure.
"Correction! Ex na!" pagtatama ni Fina.
"Hala break na? Yes! May pag-asa na ko!" Parang tangang napasuntok sa hangin si Elliot. May pag-sprout dance pa kaya natawa ko. Siraulo talaga.
Naiiling na lumabas na lang ako.
"O, bakit?" matabang kong bati kay Franco. Nasa hallway kaming dalawa malayo sa mga tsismosang palaka.
"Lei, sorry." Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis kong iwinakli yun.
"And what makes that sorry different from all your others sorry before?"
O, taray! Kinabisado ko talaga mga linyahan ni Kathryn sa Hows of Us.
Naguguluhang napatitig siya sa akin. Speechless siya eh. "Ha?"
Hakdog. Gago!
"Let me explain Lei, please? Huwag ka namang makipagbreak. Hindi ko kaya."
"Eh gago ka pala! Hindi mo kaya? Pero kaya mo maglandi sa iba? Ano ko tanga para magstay sa relasyon na 'to kahit paulit-ulit mo na kong ginagago?"
Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya pinaghahampas ko siya sa dibdib. Hinayupak siya. May pagluhod luhod pa siyang nalalaman. Hindi na ko magpapadala ulit sa pa-ganyan ganyan niya.
"Lei, sorry na. Siya naman yung humalik, hindi ako."
Gago nga siya talaga. Bakit ba natagalan ko 'to ng dalawang taon?
"Tama na. Pagod na ko." Marahas kong pinahid ang luha ko. Hinding hindi ko na iiyakan ang gagong katulad niya.
Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin nang bumalik ako sa room namin. Hangang hanga na naman sila sa akin.
"Palakpakan lang? I deserved a standing ovation for that," biro ko na lang.
"Woooooooh! That's my girl!" Fina shrieked. Loka-loka.
*****
Tumambay muna ko sa library nung lunch break namin. Ilang makakapal na libro tungkol sa mga witches, magicians, fairies and other supernatural beings ang nasa harap ko.
Gusto kong malaman kung ano ba talaga sina Janus at blue eyes. Ano nga ulit yung sinasabi nila? Ser? Katulad din daw nila ko. Isang Ser?
Hinanap ko sa mga libro yung salitang yun pero bigo ako. Wala akong makitang kahit anong impormasyon tungkol dito o kahit medyo close lang na impormasyon sa mga tulad ni Janus at blue eyes.
Napabuntong hininga na lang ako.
"If 'ya wanna know about our kind, 'ya should've ask me."
Sumulpot sa harap ko si Janus sa kalagitnaan ng pag-iinat ko. Muntik ko pa siyang mabato ng libro dahil nagulat ako sa kanya.
"Magugulatin."
"Nagtatagalog ka?" Halos panlakihan ko siya ng mata.
"Uh, yeah?" He looks confused. Cute.
"Pa-english english ka pa! Marunong ka naman pala magtagalog!" reklamo ko. Bahagya siyang natawa.
Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumu-surrender. "Sorry, not used to it."
Okay. May freedom of language naman siya.
"Anyway, ano ngang tawag niyo sa inyo?" tanong ko dito.
"It's Sehir."
"Huh? Ser. Like, 'good morning ser.' 'Hello, ser.' 'Ser, kain na kayo.' Ganun ba yung Ser?"
Nakunot naman ang noo niya. Natatawa ko sa itsura niya kasi ang seryoso niya.
"I don't get the joke." Blanko ang mga tingin nito.
"It's Sehir. S-E-H-I-R. But pronounce as Sehr. Gets?"
"Aaaaaah. Yun pala spell niya." Napatango ako at mabilis na hinanap yun sa mga librong hawak ko.
"Don't waste your time on that. It's not written on the books. The mortal world doesn't know about our kind," he explained.
'Our kind.'
Huwag nga niya kong isali. Basta ako tao ako, ewan ko sila.
"Ano yung tungkol sa leader pala?" Leader daw ako eh. Baka mamaya leader ng sindikato pala.
"You'll find out soon."
Pabitin naman 'to! Wala din akong makuhang impormasyon sa kanya.
"But you know what? For a leader you are quite dumb."
Binato ko siya ng libro pero nakailag siya. Bwisit ka boy kidlat.
Wait! Did I just throw a book? Uh oh, lagot ako kay Miss Librarian.
"AAAAAAAAAAAAAH!"
Nagkatinginan kami ni Janus nang makarinig kami ng mga sigawan. Napatakbo ko sa bintana dahil parang sa labas nanggagaling yung mga sigawan. Nakita ko ang mga estudyante sa soccer field na nagtatakbuhan. Para silang takot na takot. Ano na namang nangyayari?
Napasinghap ako nang maaninag ko si Franco at may sinasakal siyang babae. Nahindik ako nang bigla niyang kagatin sa leeg yung babae. Shit! Anong ginagawa niya?
"Galur," wala sa loob na sambit ni Janus.
"Ano?"
"I can sense a Galur around. I'll explain it later. Let's go! That guy is being controlled."
*****
Kakaiba ang itsura ni Franco sa malapitan. Itim na itim ang mga mata nito. May matatalas na pangil at naglalaway ito na parang asong ulol. May maiitim na ugat din sa leeg paakyat sa mukha nito pati na rin sa paligid ng braso nito.
Nagawa siyang maigapos ng mga guardiyang dumating pero panay ang pagpupumiglas nito. Napakalakas niya. Limang guwardiya na ang pumipigil sa kaniya.
Bakit? Paano nangyari sa kanya ito?
"Umalis na kayo dito. Bilis!" Nakita ko si Austin na inaalalayan ang mga estudyante paalis sa soccer field. Nagkakagulo na silang lahat. Muntik pang magka-stampede.
"Austin!"
Napalingon siya sa akin. Sinenyasan niya ako na umalis na pero umiling lang ako.
"Anong gagawin natin?" baling kong muli kay Janus.
Matagal bago siya sumagot. Natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang sasabihin niya.
"We need to kill him." His soft-brown eyes turned gold. May determinasyon sa mga matang yun.
"Nababaliw ka na ba?!"
"No. I'm just doing my job and you should too!"
Napatakip ako sa bibig ko. Gusto niyang pumatay ako ng inosenteng tao?
Isang nakakagimbal na ungol ang gumulat sa amin. Nakawala sa pagkakagapos niya si Franco at nagsimula itong magwala. Nagtalsikan ang mga gwardiya. Kung saan saan sila tinapon ni Franco.
"Alright! Time for some action!" Janus materialized a gold sword in his hands. Hugis kidlat ito at kumikislap kislap.
"Take her away. She's still hasn't awakened her powers," utos nito kay Austin.
Pwersahan niya akong hinila dahil hindi ako sumusunod sa kanya.
Wait! Alam niya?
Mapagtanong ang mga mata kong napatitig lang sa mukha ni Austin.
"Ipapaliwanag namin mamaya ang lahat," saad nito.
Namin?
Gulong gulo na ko.
"Lei, sumama ka na muna kay Fina. Kami na ang bahala dito." He said assuringly.
"Pati ikaw?" Napalingon ako kay Fina. Nag-aalangang tumango ito.
"Okay. I feel so left out!"
"Hey, I need some help. Save your chit-chat later." Sigaw ni Janus.
Ang mga estudyante na nakahandusay sa soccer field ay biglang bumangon. May marka ng kagat sa leeg nila. Namumula ang mga mata nito at walang buhay na naglalakad papunta sa direksyon ni Janus. Para silang mga zombie.
Austin quickly run to his aid. Saglit silang nag-usap, parang bumubuo ng plano.
Unang sumugod si Janus kay Franco. Hindi ko masundan ang bawat galaw niya dahil masyado itong mabilis. Hindi naman nagpatalo si Franco at sinabayan din ang bilis nito, sinusubukang hulihin si Janus.
Si Austin naman ay nanatili lang na nakapikit. Napangisi ito nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Inangat niya ang kanang kamay niya sa ere. Gumawa siya ng bow at arrow sa kamay gamit ang tubig ulan. Handa na rin siyang lumaban.
"Huwag niyo silang sasaktan!" Paalala ko sa kanila. Tumango naman si Austin.
I feel so helpless. Gusto kong tumulong pero baka maging pabigat lang ako.
"Tara na Lei. Mapanganib dito." Hinila ako ni Fina palayo pero nagpumiglas ako. Alam kong hindi ito ang tamang oras para mag-inarte pero ang daya daya nila.
"Ayaw niyo pang maniwala sa akin ha? Pero yun pala katulad din nila kayo?"
"Tayo. Katulad ka din namin," pagtatama niya.
Tumawa ako ng pagak. Mali sila. I'm a human. Hindi ako Sehir o kung anuman. Kung katulad nga nila ako, magiging isang malaking kasinungalingan lang
pala ang naging buhay ko. I'm a human. I'm not like them.
"So, you have superpowers?" pagkumpirma ko. She nodded slowly.
"Cool! Pero ako wala akong kapangyarihan tulad niyo. Kaya hindi niyo ko katulad," mariing saad ko.
"Kasi hindi ka pa fully awakened. Malalaman mo din kung ano talagang kapangyarihan mo kapag tuluyan na itong nagising," malambing na saad niya.
Hindi ba dapat maging masaya ko? Dati gusto ko ng kapangyarihan pero ngayon hindi ko na alam.
"Shit! Austin! Are ya alright, dude?"
Nakita ko ang pagtalsik ni Austin sa ere nang tadyakan siya sa tiyan ni Franco. Hindi ko masundan ang nangyayari pero sigurado akong dehado silang dalawa ni Janus. Kakaiba ang lakas ni Franco parang hindi ito nauubos. Nakakabingi pa ang pinapakawalang ungol nito.
Nagpagulong gulong si Austin. Duguan ito at may malaking sugat sa tiyan. Si Janus naman ay napaluhod na din sa sobrang pagod at panghihina. Nakatukod ang espada niya, doon siya kumukuha ng suporta upang huwag matumba. Dadaluhan ko sana sila ngunit saktong dumating naman ang lalaking may bughaw na mata at ginamot agad ang sugat nila.
Mabuti na lang.
"Franco, tama na!" Buong lakas kong sigaw. Palapit siya kina Austin para muling sumugod. Hindi ako nabigong kunin ang atensyon niya. Matagal kaming nagtitigan.
Alam kong kahibangan 'tong gagawin. Hindi ko alam kung madadaan ba siya sa pakiusap ko pero gusto kong sundin ang sinasabi ng puso ko. I can break him free sa kung anumang kumokontrol sa kanya.
"Don't think about kicking some sense on him. That's useless! He's being controlled! Can you hear me?" Pagkontra ni Janus. Parang mind reader ang isang 'to.
"Oo, alam ko! Pero susubukan ko! He's still the Franco I know! Sa kaloob looban niya siya pa din yung lalaking minahal ko nun," mariin kong sambit.
"Damn, girl! You're hopeless." Nanlilibak na sabi ni Janus.
Oo na. Hopeless na kung hopeless. Hopeless romantic. Sige, nagawa ko pa talagang magbiro.
"F-Franco." Nanginginig ang mga labi ko. Napaatras ako nang lumapit na siya sa akin. Tinatagan ko ang loob ko. Takot man ay sinalubong ko siya ng yakap.
"Leeeeeiiiii!!!" Paulit ulit nilang sinisigaw ang pangalan ko.
Umangat ang kamay ni Franco hindi para saktan ako kundi para yakapin ako ng pabalik na siyang ikinagulat nilang lahat. Nag-angat ako ng tingin, itim na itim pa rin ang mga mata nito.
"L-Lei...L-Lei..."
He recognized me.
Hinawakan ko ang mukha niya. "Listen to me! Labanan mo kung anuman yang kumokontrol sa'yo. Bumalik ka na sa dati."
"I c-can't. U-umalis...ka...na." Ramdam ko na pinipilit niyang labanan ang kumokontrol sa kanya.
"Sssh...Kaya mo yan! Andito ko. I'll help you."
Panay lang ang pag-iling niya.
"A-a...lis...na!"
May lumitaw na itim na punyal sa kamay niya. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling.
"Get out from there, Lei! Papatayin ka niya!" Rinig ko ang pag-iyak ni Fina. Gusto kong humakbang pero nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Naramdaman ko na lang ang malamig na damo ng soccer field na sumalo sa akin ng marahas akong itinulak ni Franco. Palayo sa kanya.
Isang malakas na ungol ang kumawala mula sa kanya kasabay ng malalakas na kulog. Nang gumuhit naman ang kidlat sa kalangitan, kitang kita ko ang pagbagsak ni Franco sa lupa, nakatarak sa dibdib nito ang punyal na dapat isasaksak niya sa akin. Mas pinili niyang saktan ang sarili niya kesa sa akin.
Pinilit kong gumapang papunta sa kanya. Napakalamig ng kamay niya ng hawakan ko ito. Nakahinga ko nang maluwag nang makitang bumalik na ito sa dati niyang itsura. Pero agad na gumuho din ang kapanatagan ng loob ko nang makitang nakapikit na ito at hindi na gumagalaw.
"He's dead." Walang emosyong sabi ni Janus.
Parang may humiwa sa puso ko. Pinipilipit sa sakit. Kasasabi ko lang na hindi na ko iiyak dahil sa kanya pero heto ako, kasabay ng malamig na pagbuhos ng ulan tuluyang bumuhos na rin ang luha ko.
I was wrong all along. Franco still cares for me.