webnovel

Finding Sehria

"You're not a human." "Then what am I?" "You're just like us, a Sehir." Lorelei Avila was just an ordinary girl, with an ordinary life — or so she thought. Everything becomes 'not so ordinary' when she crossed paths with two strangers, a guy who owned a blue flaming eyes and a guy with golden hair. Learning about the new world she never knew that existed, Lorelei accepted her fate and was entrust with a mission: find the lost princess of their kingdom. Troubles soon followed her when she started her quest of Finding Sehria.

Nekohime · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
27 Chs

Chapter 13 - Mishap

A/N: Salamat pala kay Jayson sa mga sinuggest niyang name ng soccer team. Blue Bandits vs. Red Devils ❤

Itsura pala ng jersey nila.

"Bilisan mo, Lei. Nasaan ka na ba? Paalis na ang bus."

"Nasa jeep na ko, as in malapit na malapit na. 2 minutes nandiyan na ko," sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya.

"Mag-teleport ka na!" Rinig kong sigaw naman ni Glessy, magkasama na pala sila ni Fina. Kung pwede nga lang mag-teleport papunta sa kanila, ginawa ko. Nakaka-stress! Dagdag mo pa si manong na sobrang bagal magmaneho, hindi ko naman magawang makiusap na bilisan niya dahil medyo matanda na ito.

Patience, Lei. Patience. Makakarating ka din sa kinaroroonan mo.

After ng limang minuto, nakarating din ako sa school namin. Basang basa ako ng pawis nang makarating ako sa tapat ng Science Building. Doon kasi nakaparada yung bus. At ang mga walanghiya! Napaka-sinungaling. Hindi pa naman pala kami aalis. May ilang estudyante pa na hinihintay.

"Tubig gusto mo?" Inabutan ako ni Elliot ng isang bote ng mineral water. Tawa-tawa pa siya. Buhusan ko siya ng tubig.

"Akala ko ba aalis na? Siraulo kayo, muntik pa ko madapa sa pagtakbo ko!" singhal ko sa kanila. Aga aga pinagtitripan nila ko.

"Yung bus nila Austin nakaalis na. Hinihintay ka ni Janus mo," pang-aasar ni Fina pero mabilis niyang tinikom ang bibig niya nang ma-realized niyang kasama namin si Glessy.

"Hala, okay lang. Hindi ko naman talaga gusto si Janus. Promise, Lei. Support ko kayo," agap ni Glessy.

Kahit paano para akong nabunutan ng tinik dahil bumalik na ulit kami sa dati. Mas naging open na din kami sa isa't isa ngayon. Wala nang taguan ng sikreto o nararamdaman. Natatanggap na rin niya ang katotohan na isa siyang Sehir.

Naniwala lang siya sa amin nung malaman niya ang ginawa ni Edelyn. Pinakita ni Fina sa memorya niya ang mga nangyari at kung bakit wala nang nakakaalala pa kay Edelyn, maliban sa amin. Nakumbinsi din siya nang dalhin namin siya sa secret hideout.

Naging kasundo niya na din si Azval, si Azure naman paminsan minsan dinadalaw siya. Ayaw na ayaw niya nga lang na tinatawag namin siyang Sehria, hindi daw siya masasanay sa ganun. Siya pa rin daw si Glessy kahit anong mangyari.

Mas naging protective din kami sa kanya lalo na't anumang oras maaaring umatake na naman ang mga Galur. Kailangan naming maging alerto lagi. Hindi nila maaaring makuha si Glessy, lalo pa at hindi pa nagigising ang kapangyarihan nito.

"Saan nga pala ang laban?" pag-iiba ko ng usapan. Wala din kasing nabanggit si Janus nung magkausap kami sa phone kagabi.

"Saan pa nga ba? Eh di sa Reedington," iritang sambit ni Fina. Grabe kasi mga estudyante doon, medyo hambog. Muntik na kaming mapaaway last year.

"Pigilan mo yang bibig mo mamaya," paalala ni Elliot.

"Aba! Sila ang umayos. Ayusin nila ugali nila."

Palaban talaga 'tong si Fina. Pabiro kong minasahe ang balikat niya. "Chill lang my friend."

"Tse! Tara na nga!" yaya nito. Nauna siyang umakyat sa bus kasunod si Glessy.

"Akin na bag mo, Lei. Mukhang mabigat." Kinuha naman ni Elliot ang bag ko. Mabuti na lang, ang sakit na ng mga balikat ko. May nilagay atang isang sako ng bigas si mama sa loob.

"Thank you!"

"May bayad 'to! Binilin ka ng boyfriend mo sa amin. Baka sabihin pinababayaan ka namin."

Boyfriend.

Napangiti ako. Ang sarap pakinggan.

"O, maya ka na kiligin. Sakay na sa bus."

Nauna akong umakyat pero natisod ako dahil pabirong itinulak ako ni Elliot!

"Hala, sorry! Sorry! Akala ko mahina lang!" Tarantang tinulungan niya kong tumayo. Nakalimutan niya atang may superhuman strength siya. Kahit mahinang tapik lang kapag di niya nakontrol pwede akong tumalsik!

"Gago!" bulyaw ko.

"Sorry na! Huwag mo ko isusumbong kay Janus!"

Natawa na lang ako sa kanya, para siyang maiihi na sa takot. Siraulong 'to. Mas katakutan niya ang Galur kaysa kay Janus.

Habang nasa biyahe, kinain na namin ang mga pinabaon sa akin ni mama para kahit paano ay gumaan gaan ang bag ko. Wala kaming ginawa kundi dumaldal at kumain lang sa bus. Paminsan-minsan din ay nagkakantahan pa kami. Ilang beses na rin kaming nasasaway dahil napaka-ingay namin.

9:45 na nang makarating kami sa Reedington University. 15 minutes na lang magsisimula na ang game. Mabuti na lang manunuod din si Sir Hidalgo ng laban kaya nauna na siya sa amin para makapag-reserved ng upuan. Kaya mahal na mahal ng mga kaklase ko 'tong si sir eh. Pogi na, maaasahan pa.

Nasa bandang unahang bleachers kami nakaupo kaya kitang-kita namin ang mga manlalaro sa field. Nagwa-warm up na yung iba sa kanila.

Agad na hinanap ko si Janus. Nasa left side sila ng soccer field. Relax na relax lang itong nakaupo sa bench. Parang hindi kinakabahan. This is his first soccer match.

Hindi magkamayaw ang tilian ng mga schoolmates ko nang tumayo si Janus mula sa pagkakaupo niya. Wala pa nga siyang ginagawa, nagwawala na agad ang mga fangirls niya.

Ang gwapo niya lalo sa suot niyang soccer jersey. Half white and canterbury blue ang jersey nila. Samantalang sa kalaban naman nilang school, red and black vertical stripe ang pattern ng jersey nito.

Nakita kong nilibot niya ang tingin niya sa kabuuan ng field. Mukhang may hinahanap. Assuming ako, malamang ako ang hinahanap niya. Gusto ko sanang kumaway kaso baka sugurin na lang ako bigla ng mga fangirls niya.

"Hoy, Janus! Dito kami!" Malakas na sigaw ni Elliot. Tumili pa ang hayup! Gusto kong magtakip ng mukha dahil hiyang hiya ko sa ginawa niya. At the same time gusto ko siyang pasalamatan, dahil sa ginawa niya mabilis kaming nahanap ni Janus.

Nagtama ang mga mata namin. Nag-thumbs up ako sa kanya, ngumiti naman siya pabalik. Gusto kong himatayin, tunaw na tunaw na naman ako sa ngiti niya. Kumindat pa muna siya sa akin bago pumunta sa field. Nabingi ako sa sigawan ng mga babae sa likod ko. Nagtatalo pa sila kung sino ba sa kanila ang kinindatan ni Janus.

Sorry kayo, girls. Sa akin ang kindat na yun.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban. Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan ng school namin at kalabang school. Pigil hininga kami nang pumito na ang referee.

Mabilis na nakuha ni Janus ang bola. Siya talaga ang boy kidlat pati ng soccer team! Sinipa-sipa niya ito patungo sa goal ng kalaban. Maraming players ang humarang sa kanya pero nalampasan niya silang lahat. Malayo pa siya sa goal pero ubod lakas niyang sinipa ang bola, napanganga kaming lahat dahil pumasok ang bola sa goal ng kalaban. Napatulala ang goal keeper, hindi niya napigilan ang unang puntos na nagawa ni Janus.

Hindi ko na napigilan ang mapatalon sa tuwa. Todo cheer ako sa kanya. Totoo talaga ang sinabi ni Austin, mukhang si Janus ang magiging alas ng team nila ngayong taon. Ano pa bang hindi kayang gawin ni Janus? Ang talented ng lalaking 'to.

"Go! Blue Bandits! Lampasuhin niyo ang kalaban!" tili ni Fina.

"Oo nga! Blue Bandits, Blue Bandits Go!" tili din ni Glessy. Ang hyper nilang dalawa.

"Nagsisimula pa lang ang game. Akala mo naman panalo na," komento nung isang babae sa bandang likuran namin. Malamang taga-kabilang school ito.

"Go Red Devils! Gwapo kayo, pangit sila!" sigaw pa ng mga kasamahan nito.

"Ay tanga. Soccer 'to teh! Hindi Mr. Pogi. Dapat doon niyo sila pinasali," ganti ni Fina. Tinakpan naman agad ni Elliot ang bibig nito bago pa makapaglabas ng masasamang words ito.

Sinaway na din sila ni Sir Hidalgo. Mabuti na lang talaga may kasama kaming teacher, kundi baka nagkasabunutan na dito.

Bumalik na lang ulit kami sa panunuod ng laban. Si Austin naman ang pumupuntos ngayon kaya halos mapaos na si Fina sa pagtili.

Austin's really a formidable player. Hindi na ko magtataka kung bakit nirerespeto siya bilang captain ng team nila. Ibang ibang tao ito kapag nasa soccer field, magaling mag-aassist. Ang galing din ng mga strategies niya.

Pagkatapos ng mahigit isang oras, nanalo ang school namin sa score na 3 - 1.

"Nice game, Westview Blue Bandits! Grabe, bawing bawi!" Nagwawala na ang mga schoolmates ko, ito kasi ang unang panalo namin laban sa Reedington. I must commend Austin and Janus for a job well done. Ang astig ng tandem nila, sa kanilang dalawa palang nalampaso na ang kalaban. Killer Duo na tuloy ang bansag sa kanila ngayon.

Nakita kong tumatakbo sina Janus at Austin patungo sa direksyon namin. Napatili ako nang biglang buhatin ako ni Janus at inikot-ikot sa ere.

Gumanti din ako ng yakap. Nawala na sa isip ko ang mga sasabihin ng ibang tao. Bahala sila, boyfriend ko naman 'to.

"Ibaba mo na ko! Nahihilo na ko!" Panay hampas ko sa balikat niya para tigilan na niya ang ginagawa niya. Maingat niya naman akong binaba. Good boy, masunurin.

"And where is my reward?" nakangising tanong nito. Basang basa siya ng pawis, pero ang bango bango niya pa din. Kumikintab din ang blonde nitong buhok dahil sa tama ng araw. Gwapo talaga.

"Anong reward?" inosenteng tanong ko.

"Tinatanong pa ba yan, Lei? Siyempre kiss!" singit ni Elliot. Ngumuso-nguso pa ang loko.

Naramdaman kong nag-iinit na naman ang pisngi ko.

"O-Okay," I nodded shyly.

Lumapad ang ngiti ni Janus, pero agad itong nawala nung nagblow lang ako ng flying kiss sa kanya.

Hindi na naman maipinta ang pagmumukha niya. Nainis ata.

Bakit? Kiss naman yun ah.

*****

"Mauna na kami sa inyo ni Sehria," paalam ni Sir Hidalgo. Nauna nang umakyat si Glessy sa bus dahil sumama ang pakiramdam nito. Napagod siguro ang bulinggit.

"Sige sir, ingat kayo. Text niyo na lang po kami kung nakauwi na kayo," ani ni Fina.

"Sama na din ako sa inyo, sir," prisinta pa ni Elliot.

"Huwag na. Kaya ko na 'to. Sige na, inaantay na kayo ng mga team mates ni Austin," tinuro niya yung kabilang bus. May celebration kasi ang soccer team tapos sinama nila kami. Malakas si Austin kay coach eh.

Matapos magpaalaman, umakyat na kami sa bus kung nasaan sina Austin. May isa pang bakanteng upuan, doon sana kami uupo ni Fina para tabi kami kaso hinila ako ni Janus sa tabi niya. Si Fina naman sa tabi ni Austin naupo kaya si Elliot na lang ang umupo sa bakanteng upuan. Mag-isa lang siya.

"Eh di ako na po ang single," pagdadrama nito.

"Heto ako ngayon, nag-iisa~ Naglalakbay sa gitna ng dilim." Kumanta pa siya. Akala mo naman nagshoshoot ng music video.

"Gago, huwag mong paulanin!" Kantyaw sa kanya ng mga teammates ni Austin. Kawawang Elliot, siya tuloy ang tampulan ng asaran sa loob ng bus.

Nilabas ko ang mga chichirya sa bag ko para makapili si Janus ng gusto niyang kainin kaso hindi na naman niya ako iniimikan. Badtrip ba siya dahil sa ginawa ko kanina? Sobrang pikon talaga nito.

Nakatingin lang siya sa bintana. Hindi niya ko kinikibo kahit anong gawin kong pangungulit sa kanya. Patatabihin niya ko sa kanya tapos ganito, para na naman akong invisible. Tulak ko siya palabas ng bintana eh.

"Papansinin mo ba ko o break na tayo? Mamimili ka," inis na sambit ko.

Napalakas pala ang boses ko ng hindi ko namamalayan.

Mabilis niya kong nilingon. Naningkit ang mga mata niya.

"What's your problem?!" Napataas din ng konti ang boses niya.

"At sinisigawan mo ko?!" sigaw ko din pabalik, mas lumakas pa ang sigaw ko. Natameme naman siya.

"No, I'm not. Sorry," pagsuko nito. There's a tenderness in his voice kaya natunaw ng kusa ang inis ko.

"Break na! Break na! Break na!" sabay sabay na chant ng mga team mates niya. Nakikinig pala sila sa amin. Para silang mga nakatakas sa mental kung magligalig.

"Kasasagot pa nga lang break na. Patay ka boy kidlat!" Humalakhak naman si Elliot na parang walang bukas. Saya saya ng hayup.

"Kiss na kasiiiii!" tili naman ni Fina. Tumayo pa ang gaga kaya muntik siyang matumba nang biglang magpreno ang bus. Mabuti na lang nasalo siya ni Austin. Ang kulit kasi.

Inakbayan ako ni Janus na parang nagmamalaki sa mga team mates niya. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat yan.

"Sorry guys, may forever 'to," pang-iinggit ko. Nagholding hands pa kami.

Umarte naman silang lahat na parang nasusuka sa ka-sweetan namin. Mga bitter!

*****

Sa isang Yakiniku House kami dinala ng coach ng soccer team. Tiba tiba kaming lahat dahil ihaw all you can ba naman. Nagsama-sama pa kaming mga malalakas kumain, kawawa naman ang resto baka malugi sa amin ngayong araw.

Nasa isang pahabang mesa kaming lahat kaya ang ingay ingay tuloy. Kanya kanya silang daldalan habang nag-iihaw ng mga kakainin nila.

"Sir, wala bang kimchi?"

"Japanese 'to hijo, hindi korean," tugon namang ng coach nila Austin. Pinukpok niya pa sa ulo si Elliot ng wooden chopstick. Ang pasaway kasi.

"Peace sir. Hehehe Nagjojoke lang naman."

Nilapag ko sa harap niya yung maliit na platito na may wasabi. Nagtatakang napatingin sa akin si Elliot.

"O ayan, magwasabi ka na lang para wa ka nang masabi," biro ko.

"Korni, Lei. Ang korni," wika ni Austin.

"Gutom lang yan, hija," sabi pa ni coach.

Nilangaw yung joke ko. Kahiya! Walang tumawa sa kanila kundi si Janus lang. Ganyan nga, boy kidlat. Suportahan mo ko.

"Matanong ko lang Lei, paano mo ba niligawan yang si Janus? Eh ni hindi nga nagsasalita yan," tanong nung isang ka-team mates nila Austin. Mark ata ang pangalan.

"Hindi ko siya niligawan no! Siya kaya yung patay na patay sa beauty ko," sagot ko.

"Weeeeeeeeeh?" Hindi makapaniwalang komento nila. Sarap nilang batuhin ng chopstick.

Pinanlisikan ko ng mata si Janus. Pangiti ngiti lang siya sa tabi ko, samantalang heto binubully ako ng team mates niya. Pagtanggol mo kaya akong boy kidlat ka!

"Tangina pre! Hindi ko akalain marunong ka palang ngumiti. Tangina! Nagagawa nga naman ng pag-ibig!" panunukso pa nung katabi ni Mark.

"Watch your words, Ivan," suway ni coach sa kanya. Pinasakan din ni Mark ng takoyaki ang bunganga niya para manahimik.

Sa gitna ng kasiyahan namin, bigla na lang tumayo si coach nang may tumawag sa cellphone niya. Lumabas siya saglit para sagutin ang tawag. Nang makabalik si coach sa lamesa namin, halata ang pagkawala ng kulay sa mukha nito.

Parang matutumba pa ito kaya inalalayan agad siyang makaupo nila Austin.

"Coach, ayos lang kayo?" nag-aalalang tanong ni Austin.

Nagsalin ako ng tubig sa baso niya. Nanginginig ang kamay niya nang kinuha niya yun. Nang makainom siya ng tubig, hindi pa rin siya halos makapagsalita. Para siyang nakatanggap ng isang masamang balita.

"Y-Yung kabilang bus...nagkaroon daw ng aksidente sa highway. T-Tumaob yung sinasakyang bus nila Hidalgo. Marami daw sugatan."

Binundol ng matinding kaba ang dibdib ko dahil sa ibinalita ng coach ng soccer team.

Wala na kaming inaksayang oras. Hindi na rin kami nakapagpaalam nang umalis kami. Nagtatakbo kaming lima palabas sa restaurant at mabilis na pumara ng taxi, patungo sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.

Panay ang usal ko ng dasal sa isip ko.

Sana maayos lang sila lahat.

Sana walang nangyaring masama kina Sir Hidalgo at Sehria.