webnovel

FATAL IDENTITY (TAGALOG)

Being different is great, but also fatal. *** Dawn Amber Easton, considered as an ordinary girl of their town, from an ordinary family. Elects to join their town's tradition, that happens every last day of December. It was a tradition where the participants need to battle without rules and whoever wins, will have the privilege to enter the Dauntless Academy. A prestigious and mysterious school, who trained students to be incapable of being intimidated and has no fear on anything. After the fight, Amber found out that there is something changed inside of her, like something has been awakened. Afraid that everyone in her place might find out. She agreed on entering dauntless academy where her real story and identity started to be uncovered. Who is she? What is her real identity? Was it good? Or fatal?

luna_bleiz · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
7 Chs

Chapter 7: Alpha

Alpha

"Kanina ka pa tahimik? May masakit ba sa'yo?" nilingon ko si Andrea ng itanong niya iyon sa akin. Braeden let us rest after what happened. Kaya nanatili nalang kami dito sa kwarto habang naghihintay magtanghali.

"Wala, I was just thinking." Pinakatitigan ko siya bago bumuntong hininga at naupo sa kama ko. Cyan was busy reading his book but I know he's listening.

"Thinking about what?" Muling tanong nito.

"Why didn't I transformed." nagkatinginan ang dalawa bago parehong lumingon sa akin. Cyan put his book beside him as he seated down to face me.

"Nagtataka rin ako, if the result of our blood test is a vampire. Why can't you transform into one. I'd never seen you change your eyes color."

"Baka hindi palang lumalabas? May ganun naman diba?"

Natahimik ako, hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ba ako. Hindi ako nabibilang dito pero dito ako napunta at dito ako kailangang manatili ayon sa babaeng nagsagawa ng blood test. Walang dapat makaalam na hindi ako nabibilang sa kahit alin mang faction sa school na ito. Lalo pa't hindi ko pa alam kung ano ba talaga ako?

"Don't worry Amber, that'll come out soon. Malakas ka naman eh, magagawa mo pang mas maging malakas and who knows, bukas or sa susunod you'll change into your vampire's form."

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Andrea, we never get chance to talk again because Braeden entered our room.

"Lunch time, follow me."  Nagkatinginan kaming tatlo bago sumunod dito. We are just walking behind him until we reach a giant double door. Itinulak ito ni Braeden at bumungad sa amin ang napakalaking hall where the Vampires faction members are all here. Lahat sila ay tumigil sa kanilang pagkain ng pumasok kami kasunod ni Braeden, everyone raised from their seats. Lahat sila'y yumuyuko kapag dumadaan sa kanilang harapan si Braeden. Ngayon ko mas malinaw na nakita kung gaano nila ito nirerespeto. The look on their face, it seems like they were well informed that Braeden is the strongest.

The way he walk, talk, or even move...it all screamed authority and power.

Matapos nitong makarating sa pinakadulo, humarap ito sa amin.

"Newbies, I am now declaring in front of everyone...you three are now officially members of vampires faction."

Everyone made noises, as they welcomed. May isang lumapit sa amin at ginaya kami sa isang upuan, may sinasabi ito ngunit nanatili ang mga mata ko kay Braeden na ngayon ay may kausap ng isang babae. It's a red head girl, with too many piercings, marami rin itong tattoo at may pagkamaldita ang mukha.

Noon ko lang napansin na lahat ng members pwera sa aming tatlo na bago ay may mga tattoo sa katawan.

Lumipat ang tingin ko kay braeden at nakitang nasa bandang likuran niya ang kaniyang tattoo na hindi ko alam kung ano dahil natatakluban ng kaniyang suot.

"Gusto niyong sumama sa'min later? There's bar here where everyone could enter."

"You mean, pang lahatang bar ba?"

"Yup, other factions can go there too. Isa lang naman ang rule ng bar na 'yon, Walang pakialaman." Nilingon ko ang babaeng nagsasalita.

"Woah! Totoo?"

"Yeah, pwede ka naman makipagkilala sa ibang mga member ng faction. But you can never befriends with them."

"I see, Amber sama tayo?" Nilingon ko si Andrea bago nilingon ang babaeng may maiksing buhok na kulay icy blue.

"So you're Amber, I'm Blue...Blue Ferixx." Pagpapakilala niya habang lahat ng kasama nila namin sa table ay nakatingin na sa akin.

"Sorry, medyo malalim iniisip niya ngayong araw."

"A-ah, Yeah ahmm---Amber, I'm Amber Easton, nice to meet you Blue."

"It's okay, and here is my bestfriend---Elic Roberts." Tiningnan ko ang lalaking may itim na itim na mga mata.

Tumango ako dito and he just saluted at me. Bago sila muling nag-usap ni Cyan.

"Why is everyone has a tattoo?" Ito 'yung kanina ko pa tinatanong.

"Everyone are required to have one." 

"Talaga? So kahit kami? Magpapatattoo narin kami?"

"Uhuh? At sa bar na pupuntahan natin naroroon ang tattoo artist na maglalagay sa inyo. Sasamahan ko kayo."

"What tattoo we must to have?"

"It depends on you darling."

"Ikaw? Anong sayo?"

" 3 Raven." Pinakita niya ang parteng malapit sa kaniyang dibdib. Tatlong ibon nga ang naroroon and it was all a Raven.

"I want to have a 3 butterflies tattoo meron kaya?" Excited na tanong ni Andrea, and Blue told her it's possible.

Habang ako'y napasandal nalang at napaisip.

Someone put a glass on our table. Tig-iisa kami, buong akala ko'y wine ang ilalagay doon ngunit nagulat ako ng mapansing kakaiba ang lapot at amoy ng bagay na isinalin doon.

My brows shut as I looked at then drink it without hesitation.

Habang ako'y hindi alam kung ano ang gagawin sa bagay na 'yon.

"Taste it, it's good." Blue winked at me as she started to eat again.

Nagaalangan pa akong kinuha ang baso at inamoy iyon, na halos ikabaliktad ng sikmura ko.

This is isn't a wine, I know what is it. At isipin ko palang na malalasahan ko 'yon ay tila hinahalukay ba ang sikmura ko.

"Are you okay?" Nilingon ko silang apat na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Tumango ako at nagsimula na muling kumain while they continue talking. Sumasagot lang ako kapag tinatanong nila ako, at mananatili namang tahimik kapag hindi.

Matapos kumain ay kinuha ko na ang baso at pikit matang ininom iyon ng isahang beses lang.

Ramdam ko kung paano gumuhit ang lasa noon sa lalamunan ko, that salty, sweet and metallic like taste of it makes me want to throw up but I really tried my best to swallow it all.

"Hey okay ka lang?" Bulong ni Andrea na kinatango ko.

Aksidente akong napalingon sa direksyon kung nasasaan ngayon si Braeden at nagulat akong nakatingin siya sa akin na tila pinagmamasdan at pinagaaralan ang mga kilos ko. He was holding a glass of wine and sipping on it while looking at me.

He didn't even look away, it was like he was testing me if how long I could make it to stares at him.

"Amber tara na, we need to change...mamaya pupunta daw tayo ng bar naeexcite ako."

"You guys want to go?"

"Oo, bakit ayaw mo?"

"I want to have a longer sleep."

"You know what Cyan, you're such a nerd."

Hindi ko pinansin ang pag-uusap nila.

Kinagabihan agad akong hinila ni Andrea paalis. Wearing just a short and a hoodie, I let her drag me to that bar she and blue was talking about.

Hinintay kami ni Blue sa dulo ng mga rooms, kasama niya si Elic at nagulat kami ng nakasunod na pala sa amin si Cyan.

The bar isn't that far, ang sabi ni Blue it was located in between.

Nasa right Chamber ng academy ang Vampires faction building...nasa left chamber naman ang sa Werewolf, sa north naman ang sa Human at sa south ang sa headmistress. The academy is really big, dahil hindi magkaroon ng pagkakataon ng magkrus ang landas ng mga members ng iba't ibang faction na para bang ang bar lamang na pupuntahan namin ang posibleng maging meeting spot ng iba't ibang grupo.

Napanganga ako ng makitang napakalaki ng bar, natitiyak kong kasya lahat ng miyembro ng tatlong faction sa loob nito.

There's this red light on it's name, dauntless night house.

May bouncer sa labas na animo'y estatwa lang na nakatayo roon. Derederetso kaming pumasok at namangha ako sa nakita. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa ganitong lugar. It was like a normal place. Hindi mo iisiping iilan lamang ang mga tao rito at karamihan ay mga nilalang ng hindi mo alam ay namumuhay rin pala sa mundong ito.

"Doon 'yung tattoo studio, doon muna tayo." Tukoy niya sa isang pulang pintuan kaya agad kaming nagtungo roon kasama ang dalawang lalaki.

Pagkapasok ay bumungad samin ang iba't ibang design and there we choose which we want to have.

Naunang nakapili si Andrea, just like of what she want...3 butterflies.

Habang ako'y naiwan roon na nakatitig, naghahanap at iniisip kung alin ang gusto kong ipatattoo and I saw something...iisa lamang iyon kaya agad ko ng kinuha.

"Our symbol, that's limited. Ilan lang ang tinatablan ng tattoo na'yan." Seryosong sabi ni blue sa tabi ko.

"What do you mean?"

"It's weird but, not everyone could have that. Marami ang sumubok pero at the end, it remained invisible."

"Hindi tumatalab?"

"Yeah, I also tried to have one but I failed."

"Bakit?"

"We also don't have any idea, try it. Wala namang mawawala." Humigpit ang kapit ko doon at saka naglakad palapit kay andrea na kakatapos lang matattoohan.

Umupo ako sa inupuan ni andrea at nagulat ako ng magkatinginan kami ng babae.

I was stunned, the girl who did the blood test.

"You?"

"Anong tattoo ang gusto mo?" Inabot ko sa kaniya 'yung copy at nagulat siya ng makita kung ano iyon.

"The Vampires faction symbol." Tiningnan niya ako ng may kung anong makahulugang emosyon bago inihanda ang paglagay noon sa akin.

"Which part?"

"Here..." Bahagya akong pumihit para ipakita ang ibabang parte ng batok ko.

"Can you take off your hoodie first?" Agad kong sinunod ang sinabi niya, not minding the two guys watching.

Nakaramdam ako ng medyo masakit na bagay na dumikit sa parteng iyon at after ng ilang segundo ay nakarinig ako ng singhap mula sa mga kasama ko.

"She have it now, siya ang pangalawang tinablan ng vampire faction's symbol." Rinig kong sabi ni Blue.

"Alam kong gagana ito sa'yo."

Mahinang sabi ng babaeng ngayon ay inaayos na ang mga ginamit.

Isinuot ko ang hoodie bago siya muling tiningnan.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi ako nito pinansin. Kaya wala akong nagawa kundi lapitan ang mga kasama ko para lumabas na ng muli kong lingunin ang babaeng ngayon ay nakatingin na sa akin.

Nauna ng makalabas ang mga kasama ko at naiwan ako sa loob.

"You're different, hindi ka nabibilang sa kahit na anong grupo sa school na ito. Mag-iiingat ka, hindi ka nila hahayaang mabuhay."

"What do you mean? And what's the meaning of this tattoo, being visible on me?"

"They are looking for your kind, the tattoo becomes visible to you because you acquires too much power, power that anyone else here don't have except, Braeden."

Braeden?

"Si Braeden, mag-iingat karin sa kaniya. Hindi niya pwedeng malaman na hindi vampire ang lumabas sa test result mo. He will kill you, kakampi niya ang headmistress, kakampi niya ito sa paghahanap sa mga katulad mo."

Mas lalong hindi ko maintindihan, kung ano man ang sinasabi niya, kung sino o ano man ako, alam kong siya lang ang makakasagot---pero bago ko pa man maitanong agad ng sumilip si Andrea at tinawag ako.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas. 

"Bakit naiwan ka dun? Okay ka lang?"

"Yeah..." Tumango ito at hindi na masyadong nagtanong. Pinanatili kong nasa hulihan nilang apat, I was planning to get outside when I bumped into someone, that made some stop form what they are doing and look at us. I even heard their gasps.

Napatingin sa'kin ang lalaking nabangga ko, he looks familiar.

Kunot ang noong nakatingin ito sa akin, para siyang....

"Alpha..."

Alpha, siya ang leader ng werewolves faction...Si Caleb Carden.

Did I just bumped into their alpha?

Was it nothing or a trouble?