webnovel

PROLOGUE

Sa magarbong waiting room ng Wade Corporation, kasama ang iba pang mga gustong mag apply ng trabaho, ay halos lahat ay napa buntong hininga ng sabihin ng receptionist. "Okay applicant, just wait a minute. Mr. Wade has a board meeting to attend, so please be patient if you want to be accepted for this job."

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon, sa napakaraming nag apply simula kaninang umaga, eh hanggang ngayon wala pang may natatanggap sa trabaho. Napapaisip tuloy ako kung matatanggap ako dito bilang secretary, baka kasi di sila tumatanggap ng fresh graduate.

Nang tumingin ako sa orasan, anim ma oras na pala kaming naghihintay dito. Wag naman sana masayang ang paghihintay ko. Ginamit ko pa naman ang maganda kong dress para kahit papaano maging presentable naman tayo kapag kaharap ko na ang may ari ng company na ito.

Kaya labis nalang talaga ang pasasalamat ko kay mama ng gawan niya ako ng baon, kasi kung wala ito baka namatay na ako sa gutom at worst baka mahimatay pa ako kapag nakaharap ko na ang CEO of Wade Corporation. Kung mangyari man yun, ayaw ko ng mabuhay pa sa mundong ito.

As the 50th applicant, I couldn't help but think fate was messing with me. Just as it's my turn, a board meeting comes up. Sana pinatapos muna nila ako bago pa sila nag set ng board meeting. Kapag minamalas ka nga naman!

Mabuti nalang sinabihan ako ng kaibigan ko, kung ano ang mga dapat asahan dito kasi kung hindi baka lumabas na ako ng umiiyak. Luckily, I passed the initial interview, so here I am, facing another one.

Umupo nalang ako ng maayos habang paikot ikot ang tingin sa mga taong masyadong abala sa kanila kanilang trabaho. Balang araw isa na rin sa kanila, this was the moment I'd been waiting for. My chance to show what I'm made of in front of one of the most powerful people in business.

Time passed slowly, and the board meeting showed no signs of ending. I looked around the room, seeing how impatient everyone else was. Some were fidgeting, while others whispered, probably guessing why the delay was happening.

Sa wakas natapos na rin ang paghihintay ng bumalik ang receptionist. "Mr. Wade will see you now." Sabi niya habang binabaybay ang daan papuntang office ng CEO.

As I walked in, I couldn't help but notice how fancy the room was. Big windows that showed the city, and the furniture looked modern and expensive. He sat at his desk like a King, looking confident and powerful, which was both scary and impressive.

Di ko alam na ganito pala siya kagwapo, akala ko panget kasi masyadong napakalayo ng floor niya, kung saan kami naghihintay.Wala naman akong makitang mga larawan niya sa internet ng sinearch ko siya sa google or social media. Nasa 30th floor ang office niya, nakakapagod naman palang maging secretary niya. What if my kailangan siya sa baba or gusto niyang kumain, kailangan ko pa palang bumaba ng pagkalayo layo.

"Good afternoon, Mr. Wade," sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko dahil sa sobrang kaba.

Napaangat siya ng tingin mula sa mga papel na binabasa niya at yung pagkakatingin niya sa akin ay lalo pa tuloy dumagdag sa kabang nadarama ko. Wag mo naman akong masyadong tignan ng ganyan Sir baka di ako makapagpigil at mahalikan kita diyan. Ikaw din isang magandang loyal na ang handang halikan ka

"Please sit down." Sabi niya habang tinuturo ang upuan sa harapan ng table niya.

"My name is Kazel Morquez and this is my resume. I'm looking forward to working with you SiSir!Masigasig kong sabi habang nakaupo at hinihintay ang sasabihin niya. Di naman sa pagmamayabang pero maganda naman ang resume ko at tiyak di siya magsisi kung kukunin niya ako.

"Your 22? Fresh?." Tanong niya ma di man lang ako tinitignan. Di pa to naturuan na kapag nakikipag usap eh dapat nakaharap.

"Of course Sir! Never been touched." Proud kong tugon, nakapouted lips pa yan. Di ko naman alam interested pala sa akin ang the hottest and youngest business tycoon.

"I'm not joking with you, Ms. Morquez." Ikaw talaga kazel, di ka talaga matatanggap sa trabaho kung ganiyan ang mga sagutan mo. Wag kang tanga!

"I don't care about your resume or your skills." He said coldly. "What I want to know is: why do you want to work for me?"

I blinked, caught off guard by the unexpected question. Why did I want to work for him? The answer was simple, really. I wanted to learn from the best, to challenge myself in ways I never thought possible, to be a part of something bigger than myself. But how could I put all of that into words without sounding cliché or insincere?

"I want to work for you because I believe in your vision," I said, choosing my words carefully. "I admire your drive, your determination to succeed against. I want to be a part of that, to contribute in any way I can to help you achieve your goals."

Nagulat naman ako ng biglang tumango siya na para bang nagustuhan ang sagot ko. Good sign ba to, Lord? Napadako naman ang tingin ko sa nakasulat sa plate ng lamesa niya.

"Parker Anderson Wade" Wow pangalan palang ulam na. Napabalikwas naman akosa aking pag iisip ng bigla siyang magsalita.

"Good answer, but But words mean nothing without action. Are you prepared to prove yourself, to work harder than you ever have before?"

I didn't hesitate. "Yes, sir," I said, meeting his gaze head-on. "I'm ready to do whatever it takes to succeed."

"By the way, are you in a relationship?." Nagulat naman ako sa tanong, tinatanong na ba toh sa mga job interview ngayon?

"Bakit Sir? Liligawan mo ba, kapag nalaman mong single ako?." Hirit ko habang ramdam ko ang pamumula ng pisngi sa sinabi ko.

"Wala kasing nakasulat sa resume mo." Natatang sabi niya habang winawagayway ang resume sa harapan ko. Para naman akong sinampal sa mukha, pero okay lang at least nakita natin ang isang ngiti ng dakila.

Naniniwala na talaga ako, na may mga taong nililikha ni Lord ng ubod ng gwapo para sa mga babaeng katulad ko. Sexy na maganda pa. Pak na Pak talaga.

"Can you handle my busy schedule? Sometimes wala kang pahinga, kahit madaling araw makakatanggap ka ng tawag?.

"Oo naman Sir! Kayang kaya, lalo na kapag ikaw ang tatawag. Sino ba naman ako para ayawan ka." Sagot ko rito na binigyan lang ako ng matamis na ngiti. Wag ka naman masyadong ngumiti at baka di ko kayanin at mamatay ako.

"Welcome to the team," he said, extending his hand across the desk.

"Thank you very much, Sir! Don't worry, I'll do everything to be your best secretary, Sir. Thank you so much," Sabi ko habang inaabot ang kamay niya, naku sulit naman pala ang paghihintay ko.

"Get my schedule from Megan, the girl outside. Tomorrow, you'll start your work. Be early because I need my schedule sorted out in the morning. Alright?" My eyes lit up upon hearing the words.

"Noted, Sir." Ang tanging nasabi ko nalang, dahil nag uumapaw ang kasiyahan na nadarama ko. Sa wakas may trabaho na din ako, may bonus pa dahil ganitong klaseng mukha ang makikita ko araw araw. Parang gaganahan akong pumasok ng maaga, makita ka lang.

Ano kaya ang skin care niya, para magamit ko kasi napakinis at parang ang lambot lambot. Sarap paglaruan at kurut kurutin sa pasngi. May girlfriend na kaya siya? Sana wala para naman may chance ako! AHAHA kapag nangyari yun, tiyak may magandang lahi ang lalabas. Sana mapansin mo ako, Sir!

"Ms. Kazel? What are you waiting for? Get out! You're already hired!." Sabi nito na nakataas pa ang kilay, na nagtataka pa kung bakit nandito pa rin ako sa harap niya. Napaka mainitin naman ang ulo nito di bagay sa pogi niyang itsura.

"Aalis na po." Awkward kong sabi habang naglalakad palabas ng office niya. Nang makarating ako sa loob ng elevator, parang dun palang bumalik ang ang hangin sa loob ng katawan ko. Nakakahiya! Ano kaya ang iniisip ni Sir? Baka magbago pa ang isip nun, at di na ako kunin. Wag naman sana!