webnovel

Chapter 7

"Okay lang ba talaga?" ani Hera habang pinanonood si Lynne na mag-ayos ng kanyang maleta.

Pasado alas sais na ng gabi at mukhang wala itong balak umuwi nang hindi siya kasama. Bukod sa nagboluntaryo ito para ayusin ang mga gamit niya, ito pa mismo ang nagpaalam sa pamilya niya. Hindi naman nagdalawang-isip ang mga ito, matanda na raw naman siya at malaki ang tiwala ng mga ito kay Lynne.

Lalo na ang kapatid niya. Imbes nga na bilinan si Lynne na alagaan siya, siya pa ang binilinan nitong 'wag isama sa kung ano-anong kalokohan ang kaibigan niya. The only consolation she got was his brother's credit card. Iniwan nito iyon bago lumipad papuntang London for his honeymoon.

"Isang tanong pa, Hera, kukurutin na kita sa singit." Sinuri ni Lynne ang lagayan niya ng makeup at inisa-isang ilagay iyon sa kanyang pouch.

Huminga siya nang malalim. "Pa'no ang kuya mo?" sa wakas, naitanong din niya.

'Yun lang naman talaga ang inaalala niya. Alam niyang papayag ang mga magulang at ang kapatid niya. Pero si Chase? Malabo pa yata sa kanal. Paano kung bigla na lang siyang pauwiin nito? Kawawa naman siya 'pag nagkataon.

"Don't worry, akong bahala. Pag hindi pumayag, e 'di uwi ka na lang." Lynne's voice was dripping with sarcasm.

Napangiwi siya. "Lynne ha, sinasabi ko sa 'yo, kapag lalong nagalit ang kapatid mo sa 'kin at pinagilan ka nang makipagkita sa 'kin, bahala ka."

"Ay, may gano'ng effect? Parang magjowang you and me against the world lang ang drama?"

Hinampas niya ito sa balikat. Tinaasan niya ito ng kilay para ipakitang seryoso siya. Not that she would stop being friends with Lynne just because of Chase. Hindi na naman sila nga bata para gawin 'yon, but still… mahirap naman kung hindi niya kasundo ang kapatid ng matalik niyang kaibigan.

"My brother don't like you and he likes everyone. And I never like to admit that I am wrong…" Lynne whispered to the tune of Justine Bieber's Love Yourself.

Natawa siya nang tumayo ito. Hinawakan nito ang hair brush niya at ginawang mikropono. Her friend started singing and she couldn't help but laugh and cringe at the same time. Wala ito sa tono! She was not even a fan of Bieber but she felt sorry for him. Binababoy ng kaibigan niya ang kanta.

"Sing with me!" sigaw ni Lynne sabay abot sa kanya ng 'mikropono.'

"Bahala ka nga," natatawang sabi niya. Tuluyan nang nawala ang pinag-uusapan nila kanina.

—x—

Kabado si Hera habang minamaneho ang kanyang sasakyan. Wala siyang maintindihan sa pinagsasasabi ni Lynne sa gilid niya. All she could think of was Chase. Kung papayag ba ito sa gustong mangyari ng kapatid nito. At kung hindi, paano siya magre-react? Dapat ba siyang magalit? Of course not, wala siyang karapatan. Bahay nito ang pinag-uusapan kaya kung magagalit siya, baka sabihin na naman nitong illogical siya.

Pero human nature naman ang galit, alangan namang pigilan niya 'yun? Now she's contradicting herself. Hindi na niya alam ang gagawin.

"Ito na, 'yan, 'yang may puting gate."

Napakurap siya. Ito na ba agad? Nakaramdam siya ng panlalamig. Parang may kung ano ring umiikot sa kanyang tiyan. Pinasadahan niya ng tingin ang bahay na itinuro ni Lynne.

It was a cute bungalow with a nice veranda and neat garage. Halong puti at berde ang pintura ng bahay. Maaliwalas sa mata.

"Baba muna ako. Bubuksan ko 'yung gate, pasok mo 'yung sasakyan."

Tumango siya. Wala pang ilang minuto ay nagawa na niya ang utos nito, naipasok na niya ang kanyang sasakyan. She parked it near a black Mercedez. Lumabas siya ng kotse. Naabutan niyang nakatingin si Lynne sa sasakyang katabi ng sa kanya.

"This means your brother's here, right? Andyan ang kotse, e." Itinuro niya ang itim na Mercedez.

"Yeah, definitely, nandyan siya. Pero hindi kay Kuya na sasakyan 'yan. My brother's car is oudated. Nasa talyer 'yung kanya, may sira na naman. Kukunin niya pa lang sa Lunes."

"Oh." Tumango-tango siya. "So, kaninong sasakyan 'to?"

Nagkibit-balikat si Lynne. "Mukhang may bisita."

Napangiti siya. Somehow, she felt relieved. Kung may ibang bisita, baka hindi na siya nito sitahin. Kinuha niya sa kotse ang mga gamit niya. Pinagtulungan nilang buhatin ni Lynne ang mga bagahe niya—isang maleta, dalawang bagpack, at isang sling bag. One month lang naman siyang makikitira sa bahay ng kaibigan pero parang pangtatlong taon ang dala niya.

Bago tuluyang maglakad papasok ng bahay ay huminga muna siya nang malalim. This is it. Malalaman na niya kung tatanggapin siya nito o kung pauuwiin siya kasama ng good for thee years niyang bagahe.

—x—

Walang ibang magawa si Chase kundi mailing sa mga kuwento ng mga dating malalapit na kaklase. Taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita-kita ngunit may mga bagay pa rin talagang hindi nagbabago—tulad ng pagiging magulo ng mga ito.

Nagyaya ang mga itong ituloy ang inuman sa kanila pagkatapos ng reception sa kasal ni Louie. Tumanggi siya noong una, hindi rin naman kasi siya sanay sa mga ganitong get-together pero masyadong mapilit ang mga ito. Sa tagal daw niyang hindi nagpakita, kulang pa raw ang isang araw para makahabol sa mga balita tungkol sa kanya.

Lima silang nag-iinuman at nagtatawan sa may living area—siya, si Kurt, King, Ralph, Ai, at Helen. Noong nasa kolehiyo, sina Kurt at King ang madalas niyang kasama. Sina Ai, Louie, Ralph, at ang dating girlfriend (na ngayon ay asawa na) nitong si Helen naman ay kasama sa ibang grupo pero malapit din sa kanya. 'Yon nga lang, naglaho siyang parang bula pagkatapos nilang magsipagtapos. Wala kahit isa sa mga ito ang kinontak niya kahit noong namatay ang mga magulang nila ni Lynne. Kaya nga hindi na siya nagulat nang magkita-kita kanina at may bahid ng pagtatampo ang pagbati ng mga ito sa kanya.

Still, he was glad that everyone was doing well in life. Kurt, Ai and King were corporate lawyers. Helen chose to be a businesswoman instead. At si Ralph, kasosyo ni Louie sa law firm nito—they were partners.

"Atty. Ai, what is the essence of being a woman?" tanong ni King.

Hindi niya alam kung paano napunta sa mga classic pageant questions ang usapan nila. Tiningnan niya si Ai, kukurap-kurap na ito at halatang tipsy pero nagawa pa nitong tumayo nang tuwid.

"The essence of being a woman is the essence of being a mother—to be able to carry a child in our womb and to be able to nurture this child into a God-fearing and law-abiding citizen of the world."

Pumalakpak sila bago naghalakhakan.

"Splendid!" ani Kurt.

"Powerful," segunda naman ni Ralph.

Humagikhik si Helen saka nagtaas ng hinlalaki. "Ibig bang sabihin niyan, makikita na naming ina ang isang Ai de Chavez?"

Umiling-iling si Ai sabay turo sa kanya. "Unahin muna nating hanapan ng asawa 'tong si Chase. He's 29, I'm only 27."

"Oh, bakit hindi na lang kayong dalawa? Tutal kayo na lang ang walang asawa rito?" tudyo ni Kurt na sinundan ng malakas na pagsang-ayon ng iba pa nilang kaibigan.

Napailing na lang siya nang sikuhin siya ni Helen at ngitian nang makahulugan. Nakita niyang nagtakip ng mukha si Ai na waring nahihiya.

"Huwag nga kayong ganyan. After almost eight years, ngayon na lang kami nagkita nitong si Chase," natatawang sabi ni Ai, nakatakip pa rin ang kamay sa mukha.

"So? E 'di dalasan ang pagkikita mula ngayon," hirit ni Ralph.

"Correct!" Pumalakpak si Helen. "I am rooting for you two."

Magsasalita sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Ngumiti siya nang makita ang kapatid niya, pero agad napawi ang ngiting 'yon nang matapunan ng tingin ang kasama nito.

Napatayo siya. Bumaba ang tingin niya sa mga maletang hila-hila ng dalawa. Maging ang mga kaibigan niya ay natigil sa pagkukwentuhan.

"Hello po," bati ni Lynne.

"This is your sister, Chase? I saw her in the wedding kanina but we weren't able to talk. I can see the resemblance between you two!" Ai exclaimed.

Hindi siya sumagot. Nakatuon ang atensyon niya sa dalagang nagtatago ngayon sa likod ng kanyang kapatid—ang parehong dalagang humalik sa kanya para lang inisin siya. Nilapitan niya ang mga ito.

"Bakit may dala kayong maleta?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin kay Hera. Napansin niya ang paglunok nito.

"K-kasi Kuya…" Lynne hesitated. Siniko nito si Hera. Nagbulungan ang dalawa na para bang pinag-uusapan kung sino at paano ipaliliwanag ang nangyayari.

Iginala niya ang tingin sa kanyang mga kaibigan. Bumalik na sa pagkukwentuhan ang mga ito maliban kay Ai na nakatingin pa rin sa kanila. Ngumiti ito nang makitang nakatingin siya. Tinanguan niya ito.

"Makikitira muna ako rito habang wala sina Kuya Louie. Alam ko naming papayag ka kahit na… na medyo hindi tayo magkasundo. You know, Lynne always tells me how great of a person you are. You are a great person, Chase!"

Awtomatikong bumalik ang paningin niya kay Hera. Makikitira? Is this girl serious?

Humawak sa kanyang braso si Lynne. Nakangiti ito nang malawak at pataas-taas pa ang kilay. "Kuya, please? One month lang naman. Wala siyang kasama sa bahay nila."

One month lang naman? He scoffed. He couldn't even stand being with that girl for a day, paano pa kung isang buwan?

Binasa niya ang kanyang labi. "No. You can stay for the night but I want you gone by tomorrow," pirming sabi niya.

Sabay na suminghap ang dalawa. Umamba siyang maglalakad pabalik sa mesa kung nasa'n ang kanyang mga kaibigan nang may biglang maalala.

"And do not assume that I am a great person just because my sister said so. That's genetic fallacy, Miss. Stop drawing conclusions based solely on your source."